Nasa ikalawang palapag na si Maximo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha upang sagutin.“Hello…” aniya sa kabilang linya.“Kayo po ba ang naghahanap ng isang surrogate kapalit ng dalawang milyon?” tanong ng isang boses sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Anong surrogate ang sinasabi mo?” takang tanong pa niya at tila hindi maintindihan ang ibig sabihin ng nasa kabilang linya.“Tungkol po ito sa ad na ipinost ninyo,” sagot ng kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Wala akong ipinost na ad,” malamig niyang tugon, sabay baba ng tawag. Masama na nga ang kanyang timpla, at lalo lamang itong sumama dahil sa walang kwentang tawag na natanggap niya.Halos kakababa pa lang niya sa cellphone nang muli itong mag-ring. Isa na namang tawag tungkol sa surrogacy.At dahil likas na matalas ang kanyang pag-iisip, mabilis niyang napagtanto ang sitwasyon. Agad siyang nag-utos ng isang imbestigasyon, at hindi nagtagal ay nalaman niya na si Luci
“Bahay ko ito at mananatili ako rito kailan ko gusto.”Nang sabihin iyon ni Maximo kay Luciana, bakas sa kanyang boses ang tila’y malamig niyang tono.Masamang napatitig si Luciana sa kanya, at bakas ang pagkairita sa kanyang mukha. Nang maalala niya ang estado ng kanilang relasyon, agad niya ito itinulak palayo sa kanya. Napaatras ng isang hakbang si Maximo habang ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi mabasa.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito sa kanya.“Kailangan na natin maghiwalay, Maximo,” mahina at mariin niyang sagot kay Maximo.“Sa tingin ko ay hindi ka naman seryoso sa mga binitawan mong salita. Kahapon ay nagdrama kang umalis tapos ngayon naman ay bumalik ka. Ito ba ang mukha ng isang taong gusto na makipaghiwalay?” nakangising wika ni Maximo sa kanya.Hindi na nakipagtalo si Luciana sa sinabi nito dahil alam niyang kapag nagsalita pa siya, lalo lamang nitong iikutin ang kanyang mga salita pabor sa kanya. Tahimik na lamang niyang inayos ang palda at tumalikod
Nagtataka man ay agad na pumasok si Luciana sa isang opisina ng CEO. Agad naman siyang binati ng sekretarya nito.“Miss Mendoza, maghintay po muna kayo dito nang ilang saglit. Darating na po si Mr. Hidalgo,” paliwanag sa kanya ng sekretarya at agad siyang tumango bago ito sagutin.“Walang problema,” nakangiting tugon ni Luciana sa kanya.Matapos ang sampung minutong paghihintay niya, bumukas ang pintuan ng opisina, at isang matangkad na pigura ang pumasok sa loob. Isang banayad na amoy ng mint ang biglang kumalat sa loob ng opisina, na agad nakakuha ng pansin ni Luciana.Paglingon niya, tumambad sa kanya ang lalaking tumulong sa kanya kanina upang pulutin ang mga design draft niyang nahulog sa sahig.“Ikaw?” tanong niya at halata ang gulat sa boses niya.Napangiti naman ang lalaki na ngayo’y bakas sa mukha ang kanyang kalamdo at magiliw na awra.“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon,” nakangiting sabi ng lalaki kay Luciana.Nang mapagtanto ni Luciana kung sino siya, agad niyang inayos
“Kilala mo si Mr. Hidalgo?”Nagtatakang napatingin si Luciana kay Liezel nang may napagtanto siya.“Oo naman. Magkaklase kaming dalawa sa Amerika noon,” nakangiting sabi ni Liezel at muling sinulyapan si Adrian. “Ang tagal na nating hindi nagkita, Adrian. Kumusta ka na pala?”“Heto, ayos lang naman,” sagot ni Adrian sa kanya at bahagyang nakangiti ngunit hindi mabasa ang kanyang ekspresyon sa likod ng suot niyang salamin saka nagpatuloy, “Mag-usap na muna kayo at may sasagutin lang akong tawag.”Pagkatapos sabihin ‘yon ni Adrian ay agad na siyang tumalikod habang hawak ang kanyang cellphone. Sinundan naman ni Liezel nang tingin si Adrian at nang makalayo ito, muli niyang ibinaling ang atensyon kay Luciana. Ang kanyang ngiti ay tila may halong pag-uusisa.“Mukhang maganda ang takbo ng karera mo ngayon, Luciana. Nakikipag-usap ka pa sa Sparkle Company tungkol sa isang collaboration, ha?” nakangiting saad ni Liezel sa kanya.“Mabait lang siguro si Mr. Hidalgo,” sagot ni Luciana at pilit n
Nanlaki naman ang mata ni Luciana nang marinig niya ang biglang sinabi ni Liezel kay Maximo. Tila wala namang bahid ng intensyon sa labas ang mga salitang binitawan ni Liezel ngunit sa likod nito ay parang may talim na tinatago.Mukha siyang banayad at elegante kung titignan, ngunit ang kanyang mga pahayag ay may taglay na talas na mahirap balewalain. Napagtanto ni Luciana na si Liezel Rivero ay hindi pala isang simpleng babae lamang.Tulad ng inaasahan, dumilim na naman ang ekspresyon ni Maximo matapos marinig ang sinabi ni Liezel. Ang malamig na mga tingin ni Maximo ay parang isang patalim na tila sumusugat na ngayon kay Luciana.Sa ganoong titig, hindi nagawang salubungin ni Luciana ang kanyang tingin. Samantala, dumating na si Adrian na ngayon ay binasag ang tensyon sa pagitan nilang tatlo.“Bakit nakatayo pa kayo riyan? Magsisimula na ang fashion show kaya pakiusap, umupo na kayo sa inyong mga upuan.” Utos ni Adrian sa kanilang lahat.Napabuntong-hininga na lamang si Luciana at na
Habang nag-uusap sina Luciana at Adrian, isang modelo ang dumaan sa entablado sa kanilang harapan, at ang bag nito ay tumama sa direksyon ni Luciana.“Mag-ingat ka!” sigaw bigla ni Adrian at mabilis na hinila palayo si Luciana upang maiwasan ang bag.Natuod naman nang ilang sandali si Luciana habang ang kanyang tingin ay napako sa isang modelo na nasa entablado. Saglit na lumingon ang modelo sa kanya, at nagbigay ng isang tingin ng paghingi ng pasensya bago ito magpatuloy sa kanyang paglalakad.Sa kabila nang mabilisang interaksyon, nakilala ni Luciana ang modelong iyon at siya ay si Zarina Guevarra, ang minamahal na anak na babae ng kapatid ng ama ni Maximo. Ayon sa narinig ni Luciana na mga bali-balita, si Zarina ay pumasok sa mundo ng modeling sa ibang kumpanya nang dahil sa minamahal niyang lalaki.Bigla namang naisip ni Luciana na hindi kaya ang lalaking ‘yon ay si Adrian Hidalgo?Nang maisip ni Luciana ito ay tila bigla siyang nagukuhan. Pakiramdam niya na ang mga nangyayari ngay
Tunay na isang pinagpala si Luciana na magkaroon ng isang nakamamanghang kagandahan ngunit kulang sa kakayahang ipagtanggol ang sarili. Ang isang inosenteng babaeng tulad niya ay siyang paboritong biktima ng mga mapagsamantalang tao lalo na ang nasa mataas na antas. Bukod pa rito, si Javier ay nagkaroon ng maraming kaaway noon, kaya’t ang bilang ng mga lalaking gusto siyang sirain ay hindi nauubos.“Hindi ko kailangan ng tulong mula sa ‘yo,” malamig na sabi ni Luciana sa kanya.Ang pag-iisip pa lang na magkaka-anak na si Maximo kay Liezel ay nagdudulot sa kanya ng pagkasuklam. Ayaw na niyang makipag-usap kay Maximo kaya naman ay tumalikod na siya para umalis na.Ngunit, pagliko pa lang ni Luciana sa isang pasilyo ng gusali, isang basong kape ang itinapon sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ito mainit at kung sakaling mainit-init ito, paniguradong paso ang kanyang nakuha.“Napakalandi mong babae ka! Ang kapal ng mukha mong manukso kay Adrian Hidalgo? Sino ka ba sa tingin mo, ha!?” gali
“Zarina, ano na?”Madilim ang mukha ni Maximo habang nakatingin kay Zarina na ngayon ay wala pa ring sinasabi. Malakas na kumabog ang puso ni Zarina dahil sa takot, ngunit tumanggi siyang umatras sa kanyang mga nagawa.“Siya ang unang nanakit sa ‘kin, Max!” singhal ni Zarina habang ang mga mata ay namumula na.“So, ang ibig mong sabihin ay siya ang nag-umpisa ng gulo sa inyong lahat?” tanong ni Maximo sa malamig at matalim niyang tono.Nagulat naman si Luciana at hindi niya inaasahan na ipagtatanggol siya ni Maximo sa kanilang lahat. Tunay ngang nakakagulat iyon sa kanya dahil hindi naman ganito si Maximo noon.“H-Hindi… Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin…” namumutlang wika ni Zarina at nagpatuloy, “Dahil gusto niyang agawin sa ‘kin ang lalaki ko!”“Ang lalaki mo?” ani Maximo sa nagtatakang ekspresyon tungkol sa sinabi ni Zarina.“Si Adrian Hidalgo ang tinutukoy ko!” tugon ni Zarina.At dahil wala naman doon si Adrian, nagdesisyon siyang magsinungaling nang walang pagdadalawang-isip. Mat
“Ngunit paano ang mga nakaraang alitan ng pamilya Mendoza at pamilya Guevarra?”Tanong ni Luciana at ang tinutukoy niya ay ang insidente kung saan tinakot ng kanyang ama si Maximo noon.“Sa oras na gumana ang planong ito, hindi sisihin ng pamilya Guevarra ang pamilya mo. Mula ngayon, maaari pa ring magkaibigan ang ating mga pamilya,” paliwanag ni Giselle sa kanya.Nakaramdam naman ng malaking ginhawa si Luciana sa kanyang narinig. Kung hihiwalayan niya si Maximo ay magiging malaya ang kanyang ama, at hindi na magdadala ng sama ng loob ang pamilya Guevarra. Ang kaalamang ito ay nagbigay saya sa kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon sa mga nakaraang araw.Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Luciana at sinabing, “Ma, pumapayag na ako sa hiwalayan basta mailabas mo lang ang aking ama ay agad akong sasang-ayon at hindi na makikialam sa buhay ni Maximo kahit na kailan.”Totoo ang mga salita ni Luciana at para sa kanyang ama, handa niyang isakripisyo ang lahat. Ang kalayaan na dati ay
Pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso ni Luciana nang marinig ang sinabi ng kanyang biyenan at ilang sandali muna ang lumipas bago siya nakapagsalita.“M-Ma, paano mo nalaman?” nauutal niyang tanong.“Tumawag siya sa akin kaninang umaga para sabihin ang tungkol sa kanyang dinadala,” sagot ni Giselle at isang hindi maitago na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Luciana kung saan nanggagaling ang saya ng kanyang mother-in-law at ito ay dahil nga buntis si Liezel.“Ah,” ani Luciana at pinipigilan ang sariling emosyon niya.Totoo ang balita na buntis si Liezel, at wala nang magagawa si Luciana upang baguhin ang tungkol doon.“Si Maximo ba ang ama ng bata?” tanong ni Giselle sa kanya nang diretso.“Sa tingin ko ay kay Liezel mo ‘yan itanong, Ma. Siya lang ang makakasagot sa ‘yo,” tugon ni Luciana sa kalmado niyang tono. Ang totoo niyan ay hindi niya rin alam. Bagamat sinabi ni Liezel na si Maximo ang ama, hindi pa rin ito kinumpirma ni Maximo.
Hindi sinagot ni Maximo ang sinabi ni Luciana, bagkus iba ang kanyang sinabi. “Pagbutihan mo lang ang pagiging Mrs. Guevarra, at walang makakapagpahirap sa ‘yo,” ani nito sa kanya. Samantala, bahagya namang ngumiti si Luciana sa sinabi nito sa kanya.“Pero wala akong pakialam diyan,” tugon niya kay Maximo.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Maximo habang ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Luciana. Sa ilalim ng dilim, tahimik silang nagkatitigan, at ang mga mata ni Maximo ay tila malalim at mahirap mabasa.Tila palaging nararamdaman ni Luciana na may kakaibang bahagi ng sarili niya na sumasalamin sa mga mata ni Maximo, at ito ay isang bagay na hindi niya lubusang maunawaan.“Hubby, pwede ba akong magtanong sa ‘yo?” ani Luciana sa lalaking kaharap niya.“Ano ‘yan?” tanong nito sa kanya.“Kung bibigyan kita ng pagkakataon, handa ka bang putulin ang koneksyon mo kay Liezel?” tanong ni Luciana sa kanyang nanginginig na boses at ito na ang kanyang huling pagsusumamo.Nanatili naman
Hindi pinansin ni Maximo si Liezel, at mabilis itong iniwan sa clubhouse. Sa labas, nakita niya si Luciana na nakaupo sa gilid ng daan habang ang mga mata nito ay nakatuon sa mga bulaklak sa hardin na walang kahit anong emosyon na makikita.Agad niyang nilapitan si Luciana nang walang pag-aalinlangan kaya naman ay napaangat nang tingin si Luciana at bahagyang nagulat. Walang pagdadalawang-isip, agad na hinawakan ang kanyang pulso at pinatayo siya.“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Luciana at tila naguguluhan.“Uuwi na,” malamig na sagot ni Maximo sa kanya, at hindi na nagbigay pa ng paliwanag nang itinulak siya nito papasok ng kotse upang bumalik patungo sa lumang mansyon.Naging tahimik lamang ang kanilang biyahe. Samantala, hindi na nagsalita si Luciana, at ang mga saloobin niya ay nakatago sa ilalim ng isang hindi matitinag na ekspresyon.Pagdating nila sa mansyon, nagpapatuloy pa rin ang katahimikan. Dumiretso si Luciana sa banyo at pagkatapos ay tahimik na lumabas mula roon habang
Napalingon naman si Luciana kay Maximo na nakaupo sa tabi niya at ang presensya nito ay walang kahirap-hirap na nang-aakit. Sa isang saglit, nakaramdam siya nang ginhawa.Ang pagkakaroon ng isang taong maaasahan sa kanyang likuran ay nakakapagpatibay ng loob, isang uri ng pakiramdam na hindi niya inaasahan. Ngunit agad ding niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag magpakalulong sa pakiramdam na iyon. Buntis si Liezel at hindi siya nagpapakasiguro.“Ano’ng tinitingnan mo?” wika ni Maximo sa malalim at kalmadong tono na siyang nagpagising kay Luciana mula sa kanyang mga malalim na pag-iisip.Napakurap siya nang ilang saglit dahil sa gulat at saka mabilis na nagsalita.“Ano’ng meron?” takang tanong ni Luciana sa kanya.“Pwede mo bang kunin ang cellphone ko? Nasa ibabaw ng sofa nakalagay,” sabi ni Maximo nang walang kaabog-abog.“Sige,” tugon niya at agad tumayo upang pumunta sa sofa para kunin ang telepono ni Maximo.Nang hawakan niya ito, biglang nabuksan ang screen ng cellphone at luma
Natigilan si Luciana sa kanyang narinig. Halos 10,000 lamang ang kanyang ipon at hindi niya alam kung paano bayaran ang ganoong halaga na pera na sinabi ni Alvin sa kanya.“Huwag mo sabihin na wala ka man lang ilang daang libo na pera, Miss Luciana?” nakangiting tanong ni Alvin nang mapansin ang kanyang naguguluhang reaksyon.“Imposible ‘yan,” singit ni Matthew at nagpatuloy, “Sa tulong ni Maximo ay wala lang ‘yang daan-daan na libo. Tiyak na tutulungan ka naman niya.”Namutla si Luciana nang maalalang naka-freeze ang kanyang credit kay Maximo kaya walang paraan kung paano maaayos ang kailangan niyang bayaran dahil sa laro nila kanina.“Maximo, natalo na si Miss Luciana. Hindi ba’t dapat ka nang makialam at tulungan siya?” ani Matthew habang unti-unti nang na-stress si Luciana kakaisip ng gagawin niya.Samatala si Maximo naman na nakaupo sa sofa at abala sa kanyang telepono, ay ibinaling ang tingin sa kanilang direksyon. Tumama ang tingin ni Maximo kay Luciana na ngayon ay magkasalubo
Naguguluhan naman si Matthew sa kanyang mga nakikita. Iniisip niya na dapat ay pagalitan ni Maximo si Luciana nang malala ngunit nagtataka siya.‘Bakit nga ba tila kabado si Luciana sa pagbanggit ng salitang tuturuan ng leksyon?’ takang tanong ni Matthew sa kanyang isip. Kinagat ni Matthew ang kanyang dila nang mahina bago siya magsalita upang magbigay ng kanyang payo sa kaibigan.“Alama mo, Pare, ang mga babae ay dapat pinapahalagahan, hindi dinidisiplina. Kahit na anong aspeto ay mahusay ka. Gwapo, matalino pero pagdating sa mga babae, sobra ka namang istrikto. Ang asawa mo ay asawa, hindi alipin. Paano mo nagagawang ituturing siya nang ganito?” sambit ni Matthew kay Maximo.“Ganito siya dapat tratuhin,” ani Maximo sa kanya, sq parehong ekspresyon at ibinaling niya ang tingin kay Luciana na may kahulugan.Halos masamid naman si Luciana sa kanyang iniinom nang dahil kay Matthew at Maximo. ‘Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi nagtutugma ang kanilang mga salita,’ sabi niya sa sarili na
Bahagyang tinadyakan naman ni Matthew si Alvin Salcedo dahil sa biglang sinabi nito kanina.“Ano’ng sinasabi mo? Siya ang asawa ng kaibigan natin, si Luciana Mendoza!” ani Matthew sa kanya.“Pasensya ka na, Miss Luciana, at hindi kita agad nakilala,” mabilis at taos-puso na sabi ng lalaki sa kanya.Ngumiti naman nang magalang si Luciana at sinabi, “Ayos lang ‘yon.”Nasa apat o limang lalaki sa loob ng silid na ‘yon at kapansin-pansin ang taglay na kagwapuhan ng mga ito.Samantala, inilingon naman ni Luciana ang kanyang ulo sa direksyon ni Matthew upang ito ay batiin.“Kumusta, Dr. Matthew,” sambit ni Luciana sa kanya.Agad namang tumango si Matthew bilang tugon sa kanya at kilala niya si Luciana mula sa taunang physical exam nito kaya naman ay pamilyar sila sa isa’t-isa.“Kamusta, Miss Luciana? Kamusta, Maximo? Mabuti at dumating kayong dalawa,” bati ni Matthew at agad na sinenyasan ang dalawang lalaking nasa gitna ng silid upang bigyan ng pwesto sina Maximo at Luciana.Bigla namang su
“At bakit naman ako hindi karapat-dapat sa kanya?”Nang dahil sa tanong ni Luciana, nakuha niya ulit ang atensyon ni Maximo na ngayon ay nababalutan na naman ng yelo.“Lugmok na ang pamilya mo, at wala kang pera. Sa tingin mo, sino ang karapat-dapat sa ‘yo, ha?” malamig niyang tanong kay Luciana.Tila mas lalong nasaktan ang dignidad ni Luciana nang dahil sa sinabing iyon ni Maximo pero hindi niya maikakailang totoo ang mga sinabi nito. Maski kay Maximo o Adrian ay hindi karapat-dapat sa kanya ngunit hindi naman umaasa si Luciana nang ganoon. Ang nais lang naman niya ay mamuhay nang maayos at maabot ang kanyang mga pangarap balang araw.“Bakit hindi ka na makagsalita?” muling tanong ni Maximo nang mapansin ang kanyang pananahimik. Napalabi na lamang si Luciana at nagbuntong-hininga.“Ano pa ba ang sasabihin ko? Oo na, kayo na ang nasa taas at ako na ang mababa. Ako na itong hindi karapat-dapat kahit na sino sa inyo,” malamig na sagot ni Luciana sa tanong ni Maximo sa kanya.Agad na siy