All Chapters of CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back: Chapter 31 - Chapter 40

50 Chapters

Kabanata 0031

“Pinalakas mo ang apoy ko. Ngayon, ikaw ang magpapatay nito para sa akin.”Wala nang pakialam pa si Maximo sa anumang bagay at pinilit niyang magpatuloy.Bayolenteng nanginig ang katawan ni Luciana. Gusto niyang itulak palayo ang lalaki ngunit hinila nito ang dalawa niyang kamay at pina-ikot ito patungo sa kanyang likuran.Ang ulo niya ay tumama sa unan. Hinawakan siya ng lalaki mula sa likuran at hinalikan. Ang hininga nito ay malalim at mainit.Isang manipis na patong ng pawis ang lumitaw sa ilong ni Luciana. “Hindi mo pwedeng gawin ito. Mayroon ka ng Liezel kaya bitawan mo ako…”Sinubukan niya muling itulak ito palayo ngunit hindi siya makakita at ang kanyang mga pagtatangka ay iginigiya lamang siya sa maling direksyon. Aksidente niyang nahawakan ang isang parte na hindi naman dapat niya mahawakan.Nanigas siya sa pagkagulantang at ang kanyang mukha ay pumula na parang isang kamatis.“M-Maximo!” sambit ni Luciana.“Tumahimik ka,” saad ni Maximo at sinampal nito ang kanyang l
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0032

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Javier bago siya muling magsalita kay Luciana.“Siya lang ang tanging magbibigay sa ‘yo ng proteksyon. Maraming tao ang nagawan ng kasalanan ng ama mo dati at dahil sa presensya ni Maximo, hindi ka nila nagalaw. Kinakabahan ako na kung maghihiwalay kayo, malalagay ang buhay mo sa panganib. Nasa loob ako at hindi kita kayang protektahan, Luciana,” paliwanag ng kanyang ama.Tila biglang nabalot ng kalungkutan ang ekspresyon ni Luciana nang marinig iyon mula sa labi niya.“Alam kong nararamdaman mong hindi ito makatarungan pero kaya ka protektahan ni Maximo Guevarra. Hangga’t hindi niya sinasabi sa ‘yo na maghiwalay kayo, huwag ka munang umalis. Ang pagiging Mrs. Guevarra ang magpapalayo sa mga taong may balak na gawin sa ‘yo na masama. Paglabas ko dito, saka kita matutulungan na maghiwalay kayong dalawa. Pagdating ng oras na ‘yon, kaya na kitang protektahan,” dagdag na sabi ng ama sa kanya.May tila pag-aatubiling naramdaman si Luciana
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0033

‘Best Friend? Si Danica?’Napakunot ang noo ni Luciana habang nakatingin kay Maximo. Hindi niya alam kung bakit nito binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.“Anong ginawa mo kay Danica, Maximo?” tanong niya at tila nagsimula nang kabahan.“Kahapon, ipinakalat niya ang mga personal ko na impormasyon online at minura si Liezel. Kaninang umaga, pumunta sa akin si Liezel at sinabi niyang balak niyang panagutin si Danica sa ginawa nito,” sagot ni Maximo sa tanong niya kanina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luciana at sinubukang kalmahin ang sarili bago siya muling magsalita.“Nang dahil lang sa tsismis na ito ay gusto mong puntiryahin si Danica?” tanong ni Luciana sa asawa niya sa magkasalubong na kilay.“Hindi niya inisip ang epekto ng mga binitawan niyang salita, Luciana,” malamig na sabi ni Maximo sa kanya kaya napailing siya.“Gusto lang ni Danica na ipagtanggol ako at bukod pa roon, ang ginawa lang naman niya ay makipagtalo sa ilang fans online. Wala naman siya
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0034

Napakunot naman ang noo ni Luciana habang tinitingnan niya ang damit na hawak ni Maximo para sa kanya.“Matanda na ako at hindi ko na gusto ang kulay pink na damit,” seryosong sabi niya sa lalaki.“Nasa edad dalawampu’t-dalawang taong gulang ka pa lang at hindi pa nga lubusang lumalabas sa pagiging teenager, Luciana,” tugon naman sa kanya ni Maximo.Inakala naman ni Luciana na may iba siyang ibig sabihin kaya namula ang kanyang mukha nang labis.“Bakit ka namumula?” tanong ni Maximo nang mapansin ang kanyang reaksyon at bigla pa itong ngumisi na parang nalaman nito kung saan napunta ang mga iniisip niya. Seryosong napatitig si Maximo sa kanya at nagpatuloy, “Ano ang nasa isip mo, Luciana?”“Wala.” Malamig niyang tugon sa kanya.“Talaga ba? Bakit iba ang sinasabi ng mukha mo?” ani Maximo at tumawa pa ito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Kaya ka ba medyo naiinis ay dahil baka hindi kita nasiyahan kaninang umaga?”Bigla namang bumalik sa isip ni Luciana ang nangyari kanina at ku
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0035

“Subukan niyo po ang repolyo, malutong na may kaonting tamis, Madam. Mas mabuti po kung may healthy lifestyle kayong sinusunod at higit sa lahat, iwasan niyo rin po ang palaging pag-o-overtime.”Napangiti si Luciana sa sinabi ni Lance sa kanya at naisip na tama nga ito. Madalas din talaga siyang puyat na makabuo ng mga disenyo kaya hindi niya na namalayan ang oras. Higit sa lahat, nagulat din si Luciana sa pag-aalala ni Lance sa kanya kaya mas lalo siyang napangiti.“Hindi ko inakala na ang isang mukhang brusko ay magiging ganito ka-considerate. Ang swerte siguro ng girlfriend mo na ikaw ang boyfriend niya,” ani Luciana kay Lance kaya natawa ito.“Huwag niyo po akong bolahin, Madam, dahil wala akong girlfriend,” sagot ni Lance sa natatawang ekspresyon.“Wala kang girlfriend? Gwapo ka naman, anim na talampakan ang tangkad mo, at higit sa lahat ay personal assistant ka ng isang CEO. Sigurado akong malaki ang sahod mo kaya bakit wala ka pa ring girlfriend?”‘Paano mangyayari ‘yon eh, nagt
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0036

“Sandali lang…”Pigil ni Maximo sa kanya sa mababang boses nito habang ang mga daliri niyang dumampi sa leeg ni Luciana ay nagdudulot ng kilig sa balat ng babae.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Luciana at hindi niya napigilang mag-demand sa lalaki.“Bilisan mo na.” Utos niya kay Maximo.“‘Wag kang gumalaw,” ani Maximo sa matigas niyang tono. Nang dahil sa patuloy na kalikutan ni Luciana, hindi niya tuloy maayos ang pagkabit sa kuwintas.Wala namang magawa si Luciana kung hindi ang tumigil at manahimik. Samantala, si Maximo naman ay nagsisimula nang mawalan ng pasensya, kaya pinaikot niya si Luciana upang magharap sila. Ang mga mahahabang daliri ni Maximo ay mabilis na inaayos ang kuwintas, ngunit ang lapit ng distansya nilang dalawa ay siyang nagpadagdag sa bilis ng tibok ng puso ni Luciana.Nang itaas niya ang kanyang mga mata, bumulaga sa kanya ang makisig na anyo ni Maximo. Ang lalaki na bihis na bihis ay nagpapakita ng isang mala-haring awra nito, at parang isang tunay na har
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0037

“Kung gano’n bakit sinabi ng babaeng si Liezel na siya ang nandoon sa kotse?”Bakas sa mukha ni Lolo Miguel ang pagdududa nang tanungin niya iyon habang tinitignan si Maximo.“Sinadya lang niyang magpasikat,” sagot ni Maximo ng walang pagdadalawang-isip. “Malapit na ang launch ng bagong proyekto, at kailangan ng kumpanya ng publicity.”Ang galit ni Lolo Miguel ay unti-unting humupa nang marinig ang tungkol sa bagong proyekto.“So, handa na ang proyekto?” tanong nito at kay-bilis na nagbago ang ekspresyon.“Kailan ko ba kayo binigo?” tanong ni Maximo at sinabayan isang ngiti.Kaya ito ang dahilan kung bakit paborito siya ng kanyang lolo sa taglay niyang kakayahan pagdating sa kumpanya. Dahil dito, ipinagkatiwala sa kanya ni Miguel ang buong kumpanya nang walang pag-aalinlangan.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap tungkol sa negosyo, lumipat ang atensyon ni Miguel sa isa pang paborito niyang paksa. Ang tungkol sa mga tagapagmana.“Alam mo, Maximo. Hindi ka na bata kaya huwag mong sayangin a
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0038

Bilang tugon, tumango na lamang si Luciana nang mahinahon at agad nilapitan ang mesa upang ayusin ang mga kagamitan. Sa mesa naman, ramdam niya ang bigat ng atmospera sa paligid.Tahimik naman na pinagmamasdan ng pamilya ng pangalawang anak ni Miguel Guevarra si Luciana habang inaayos ang mesa, ang kanilang mga mata ay puno ng hindi maipaliwanag na panghuhusga.Tila malinaw sa kanila na hindi mataas ang pagtingin ni Giselle sa kanyang manugang, na makikita sa madalas na pagpapagawa nito sa kanya ng mga gawaing-bahay. Mga gawain na karaniwang ginagawa lamang ng mga katulong. Dahil dito, hindi rin siya tinatrato nang maayos ng iba pa.Samantala, natawa naman ang asawa ng tiyuhin ni Maximo na si Patricia at hindi na niya ito napigilan pa.“Ang sipag naman ni Luciana na kahit ano ang ipagawa mo sa kanya ay ginagawa niya na walang kahit anong pagtatanong,” nakangiting sabi ni Patricia habang nakatingin kay Luciana.Ngumiti naman si Giselle nang bahagya bago siya magsalita. “Iyan lang ang d
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0039

Sandaling natigilan si Patricia nang ilang sandali at nang makabawi ay agad siyang ngumiti.“Masaya akong tutulong at kung may kailangan kayong ipagawa ay sabihin niyo lang sa ‘kin,” nakangiting sabi ni Patricia sa kanila.“Pagkatapos ng hapunan ay magtimpla ka ng tsaa at maghiwa ng prutas para sa lahat, Tita Patricia,” saad ni Maximo nang hindi tumitingin dito dahil sa kanyang ginagawa. Tila halos mabilaukan si Patricia sa kanyang narinig. Pinigilan niya ang sarili na tumawa,  ngunit hindi rin pwede na sumimangot. Ang tanging magagawa na lamang niya ay mapatungo, at sinubukang pigilan ang sariling matawa. Tahimik naman na nakikinig si Luciana na nakaramdam ng ginhawa at gustong tumawa dahil sa mga nangyayari. Si Patricia ay palaging sarcastic kay Luciana at nang makita niya itong nahihirapan ay nagbigay iyon nang kaonting kasiyahan sa kanya. Ngunit, hindi siya maaaring tumawa nang malakas kaya naman ay yumuko na lang siya habang pinipigilan ang pagtawa.“Nakakatawa ba ‘yon?” tanong
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0040

“Lolo Miguel…”Agad na yumuko si Luciana upang magbigay ng respeto sa matanda. Hindi niya inaasahan na nasa hagdan pala ito kaya medyo nagulat siya.“Ano ang sinabi mo kay Zarina kanina? Bakit parang namutla at nagalit siya?” tanong ni Lolo Miguel kay Luciana.Hindi niya inaasahan na nakita pala ng matanda ang lahat ng nangyari sa ibaba kaya medyo kinakabahan siya. “Wala naman po akong masyadong sinabi. Nagkaroon lang po kami ng kaonting alitan at pinagsabihan ko lamang siya,” paliwanag niya rito na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin siya.Inakala niyang magagalit si Lolo Miguel dahil sinermunan niya ang apo nito, ngunit laking gulat niya nang tumango ito bilang pagsang-ayon sa ginawa niya. “Tama lang ang ginawa mo, Luciana,” tugon nito sa kanya kaya naman ay nagulat si Luciana at tumingala upang tingnan ang matanda. Ngumiti naman ito saka nagpatuloy, “Lumaki si Zarina na masyadong spoiled ng mga magulang niya. Mayabang at matigas ang ulo. Kailangan niya ng isang tulad mo, isang maay
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status