Share

Kabanata 0010

Author: Nancy Ginger
Mayroon nang katigasan ng ulo si Luciana sa kanyang pagkatao kahit noon pa. Naging masunurin at mahinahon lamang siya dahil minahal niya si Maximo pero ngayon, napagtanto niyang bumalik sa kung ano talaga siya noon.

“Pwede mong subukan pero tingnan natin kung makakahanap ka ng matitirhan sa labas ng puder ko. Sa tingin mo ba ay makakahanap ka ng matitirhan na walang pahintulot ko?” nakangising sabi ni Maximo sa kanya.

Natuod naman si Luciana sa kanyang narinig mula kay Maximo.

“Pinipigilan mo ba ako sa kalayaan ko?” malamig niyang tanong sa asawa niya.

“Hindi pa maayos ang kalagayan mo para lumabas kaya mananatili ka muna sa bahay na ito,” sagot ni Maximo at tila bahagyang lumambot ang tono saka muling nagpatuloy, “Kung ako sa ‘yo ay ipasara mo ‘yang walang kwenta mong boutique. Magpasa ka ng requirements mo sa secretary ko at papasukin kita sa kumpanya bilang bago kong sekretarya.”

Nang marinig niya ang sinabi sa kanya ni Maximo, hindi niya napigilang matawa.

“Alam mo na Fashion Desig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0011

    “Nagpunta po si Madam Luciana sa kanilang boutique, Boss.”Nang marinig ni Maximo ang sinabi sa kanya ni Lance ay napakagat siya sa kanyang ibabang labi at maharan siyang napapikit.“Kamusta ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan?” tanong niya kay Lance sa kalmadong tono.“Sa tingin ko ay maayos naman po ang kanyang pakiramdam nang iwanan ko siya,” sagot ng assistant sa kanya.Nagbigay lamang ng isang tango si Maximo bago muling yumuko upang magpatuloy sa kanyang ginagawa at wala na siyang sinabi pang iba kay Lance ngunit bigla na lamang nagsalita ang assistant niya.“Oo nga pala, Boss. May gustong ibigay sa ‘yo si Madam Luciana,” ani Lance nang bigla niyang maalala ang utos sa kanya ni Luciana kanina.Habang nagsasalita siya ay iniabot niya ang papel na hawak sa direksyon ni Maximo pero hindi man lang ito tumingin.“Basahin mo ang nakasulat,” utos niya sa assistant at agad naman itong tumango.“Babasahin ko na ito, Boss,” agad na tugon ni Lance habang binubuksan ang papel na kanyang haw

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0012

    “Ang walang puso at basurang katulad mo ay hindi ko na kailangan sa buhay ko!”Lakas-loob itong sinabi ni Luciana kay Maximo bago niya ibinaba ang tawag.Samantala, nakatitig naman sa itim na screen ng telepono si Maximo habang nandidilim ang kanyang mga mata. Parang isang bulkan na nagbabantang sumabog sa likod ng kanyang malamig na anyo. Ilang sandali pa, sunod-sunod naman na nag-buzz ang kanyang telepono at napuno ito ng mga notification.Pagbukas niya, tumambad sa kanyang mga mata ang sunud-sunod na debit alerts. Nasa mall si Luciana at kasalukuyang bumibili ng mga gamit para sa bahay. At ang bawat alerto ng gastos niya ay lalong nagpapalalim sa kunot ng noo ni Maximo.Biglang sumagi sa isip niya ang nilalaman ng kasunduan sa diborsyo, at ang kanyang gwapong mukha ay lalo pang dumilim. Ibinaling niya ang tingin kay Lance na ngayon ay nakatayo pa rin sa kanyang harapan.“Alamin mo kung pumunta si Luciana sa Makati ngayong araw, Lance,” utos niya sa assistant na agad namang tumango.

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0013

    “Ano’ng gingawa niya rito?”Takang napatanong si Luciana sa kanyang mahinang boses habang nakatingin nang diretso kay Maximo. Nagulat siya sa hindi inaasahang presensya ni Maximo. Ngunit agad din iyon napalitan ng galit sa kanyang dibdib.Ang mansyon ay binabantayan ng dalawang guwardiya na nakatayo sa harapan ng pinto at tila ba hinaharangan ang kanyang pagdaan doon.“Bakit bantay-sarado ang bahay ko? Tumabi nga kayo diyan!” pasigaw na sabi ni Luciana sa kanila.Unang lumapit si Lance kay Luciana na nakatayo sa gilid at agad na nagsalita.“Pasensya na kayo, Madam Luciana. Utos po ito boss dahil ang bahay at lupa dito ay nakarehistro sa kanyang pangalan. Mariin niyang sinabi na walang sinuman ang maaaring manirahan dito at kapag may nagpilit, ito ay ituturing na isang trespassing,” paliwanag ni Lance sa magalang niyang boses.Totoo ang sinabi ni Lance sa kanya. Hindi basta-basta ang trespassing at posibleng magresulta ito sa pagkakakulong ng isang tao.Isang malalim na hininga ang pina

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0014

    Hindi akalain ni Luciana na ganoon ka-walang hiya si Maximo. Samantala, pinilit naman ni Luciana na pigilan ang nag-aalab niyang galit sa kanyang dibdib bago siya magsalita.  “Naging mag-asawa tayo nang matagal na panahon at ngayon na maghihiwalay na tayo, ni hindi mo ako iiwanan ng bahay?” ani Luciana sa kanyang hindi makapaniwalang reaksyon.Dalawang taon silang nagsamang dalawa ni Maximo. Hindi niya maiwasang mag-isip kung wala ba ‘yong halaga sa lalaki. Kailangan ba niyang umalis nang walang-wala?Maraming tanong ang bumabagabag kay Luciana ngunit mananatili lamang iyon sa kanyang utak.Isang nakakalokong ngiti ang biglang naglaro sa mga labi ni Maximo nang sabihing, “Pumayag na ba akong mag-divorce tayo, Luciana?”“H-Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na gusto ko na makipag-hiwalay!” mariing sagot ni Luciana sa nanginginig na boses. Paano niya matitiis ang isang kasal kung saan ang asawa niya ay nagkaroon ng anak sa ibang babae?Sumilay ang pagkapilosopo sa mga mata ni Maximo, at tumaw

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0015

    Nasa ikalawang palapag na si Maximo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha upang sagutin.“Hello…” aniya sa kabilang linya.“Kayo po ba ang naghahanap ng isang surrogate kapalit ng dalawang milyon?” tanong ng isang boses sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Anong surrogate ang sinasabi mo?” takang tanong pa niya at tila hindi maintindihan ang ibig sabihin ng nasa kabilang linya.“Tungkol po ito sa ad na ipinost ninyo,” sagot ng kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Wala akong ipinost na ad,” malamig niyang tugon, sabay baba ng tawag. Masama na nga ang kanyang timpla, at lalo lamang itong sumama dahil sa walang kwentang tawag na natanggap niya.Halos kakababa pa lang niya sa cellphone nang muli itong mag-ring. Isa na namang tawag tungkol sa surrogacy.At dahil likas na matalas ang kanyang pag-iisip, mabilis niyang napagtanto ang sitwasyon. Agad siyang nag-utos ng isang imbestigasyon, at hindi nagtagal ay nalaman niya na si Luci

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0016

    “Bahay ko ito at mananatili ako rito kailan ko gusto.”Nang sabihin iyon ni Maximo kay Luciana, bakas sa kanyang boses ang tila’y malamig niyang tono.Masamang napatitig si Luciana sa kanya, at bakas ang pagkairita sa kanyang mukha. Nang maalala niya ang estado ng kanilang relasyon, agad niya ito itinulak palayo sa kanya. Napaatras ng isang hakbang si Maximo habang ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi mabasa.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito sa kanya.“Kailangan na natin maghiwalay, Maximo,” mahina at mariin niyang sagot kay Maximo.“Sa tingin ko ay hindi ka naman seryoso sa mga binitawan mong salita. Kahapon ay nagdrama kang umalis tapos ngayon naman ay bumalik ka. Ito ba ang mukha ng isang taong gusto na makipaghiwalay?” nakangising wika ni Maximo sa kanya.Hindi na nakipagtalo si Luciana sa sinabi nito dahil alam niyang kapag nagsalita pa siya, lalo lamang nitong iikutin ang kanyang mga salita pabor sa kanya. Tahimik na lamang niyang inayos ang palda at tumalikod

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0017

    Nagtataka man ay agad na pumasok si Luciana sa isang opisina ng CEO. Agad naman siyang binati ng sekretarya nito.“Miss Mendoza, maghintay po muna kayo dito nang ilang saglit. Darating na po si Mr. Hidalgo,” paliwanag sa kanya ng sekretarya at agad siyang tumango bago ito sagutin.“Walang problema,” nakangiting tugon ni Luciana sa kanya.Matapos ang sampung minutong paghihintay niya, bumukas ang pintuan ng opisina, at isang matangkad na pigura ang pumasok sa loob. Isang banayad na amoy ng mint ang biglang kumalat sa loob ng opisina, na agad nakakuha ng pansin ni Luciana.Paglingon niya, tumambad sa kanya ang lalaking tumulong sa kanya kanina upang pulutin ang mga design draft niyang nahulog sa sahig.“Ikaw?” tanong niya at halata ang gulat sa boses niya.Napangiti naman ang lalaki na ngayo’y bakas sa mukha ang kanyang kalamdo at magiliw na awra.“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon,” nakangiting sabi ng lalaki kay Luciana.Nang mapagtanto ni Luciana kung sino siya, agad niyang inayos

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0018

    “Kilala mo si Mr. Hidalgo?”Nagtatakang napatingin si Luciana kay Liezel nang may napagtanto siya.“Oo naman. Magkaklase kaming dalawa sa Amerika noon,” nakangiting sabi ni Liezel at muling sinulyapan si Adrian. “Ang tagal na nating hindi nagkita, Adrian. Kumusta ka na pala?”“Heto, ayos lang naman,” sagot ni Adrian sa kanya at bahagyang nakangiti ngunit hindi mabasa ang kanyang ekspresyon sa likod ng suot niyang salamin saka nagpatuloy, “Mag-usap na muna kayo at may sasagutin lang akong tawag.”Pagkatapos sabihin ‘yon ni Adrian ay agad na siyang tumalikod habang hawak ang kanyang cellphone. Sinundan naman ni Liezel nang tingin si Adrian at nang makalayo ito, muli niyang ibinaling ang atensyon kay Luciana. Ang kanyang ngiti ay tila may halong pag-uusisa.“Mukhang maganda ang takbo ng karera mo ngayon, Luciana. Nakikipag-usap ka pa sa Sparkle Company tungkol sa isang collaboration, ha?” nakangiting saad ni Liezel sa kanya.“Mabait lang siguro si Mr. Hidalgo,” sagot ni Luciana at pilit n

Latest chapter

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0050

    “Ngunit paano ang mga nakaraang alitan ng pamilya Mendoza at pamilya Guevarra?”Tanong ni Luciana at ang tinutukoy niya ay ang insidente kung saan tinakot ng kanyang ama si Maximo noon.“Sa oras na gumana ang planong ito, hindi sisihin ng pamilya Guevarra ang pamilya mo. Mula ngayon, maaari pa ring magkaibigan ang ating mga pamilya,” paliwanag ni Giselle sa kanya.Nakaramdam naman ng malaking ginhawa si Luciana sa kanyang narinig. Kung hihiwalayan niya si Maximo ay magiging malaya ang kanyang ama, at hindi na magdadala ng sama ng loob ang pamilya Guevarra. Ang kaalamang ito ay nagbigay saya sa kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon sa mga nakaraang araw.Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Luciana at sinabing, “Ma, pumapayag na ako sa hiwalayan basta mailabas mo lang ang aking ama ay agad akong sasang-ayon at hindi na makikialam sa buhay ni Maximo kahit na kailan.”Totoo ang mga salita ni Luciana at para sa kanyang ama, handa niyang isakripisyo ang lahat. Ang kalayaan na dati ay

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0049

    Pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso ni Luciana nang marinig ang sinabi ng kanyang biyenan at ilang sandali muna ang lumipas bago siya nakapagsalita.“M-Ma, paano mo nalaman?” nauutal niyang tanong.“Tumawag siya sa akin kaninang umaga para sabihin ang tungkol sa kanyang dinadala,” sagot ni Giselle at isang hindi maitago na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Luciana kung saan nanggagaling ang saya ng kanyang mother-in-law at ito ay dahil nga buntis si Liezel.“Ah,” ani Luciana at pinipigilan ang sariling emosyon niya.Totoo ang balita na buntis si Liezel, at wala nang magagawa si Luciana upang baguhin ang tungkol doon.“Si Maximo ba ang ama ng bata?” tanong ni Giselle sa kanya nang diretso.“Sa tingin ko ay kay Liezel mo ‘yan itanong, Ma. Siya lang ang makakasagot sa ‘yo,” tugon ni Luciana sa kalmado niyang tono. Ang totoo niyan ay hindi niya rin alam. Bagamat sinabi ni Liezel na si Maximo ang ama, hindi pa rin ito kinumpirma ni Maximo.

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0048

    Hindi sinagot ni Maximo ang sinabi ni Luciana, bagkus iba ang kanyang sinabi.  “Pagbutihan mo lang ang pagiging Mrs. Guevarra, at walang makakapagpahirap sa ‘yo,” ani nito sa kanya. Samantala, bahagya namang ngumiti si Luciana sa sinabi nito sa kanya.“Pero wala akong pakialam diyan,” tugon niya kay Maximo.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Maximo habang ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Luciana. Sa ilalim ng dilim, tahimik silang nagkatitigan, at ang mga mata ni Maximo ay tila malalim at mahirap mabasa.Tila palaging nararamdaman ni Luciana na may kakaibang bahagi ng sarili niya na sumasalamin sa mga mata ni Maximo, at ito ay isang bagay na hindi niya lubusang maunawaan.“Hubby, pwede ba akong magtanong sa ‘yo?” ani Luciana sa lalaking kaharap niya.“Ano ‘yan?” tanong nito sa kanya.“Kung bibigyan kita ng pagkakataon, handa ka bang putulin ang koneksyon mo kay Liezel?” tanong ni Luciana sa kanyang nanginginig na boses at ito na ang kanyang huling pagsusumamo.Nanatili naman

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0047

    Hindi pinansin ni Maximo si Liezel, at mabilis itong iniwan sa clubhouse. Sa labas, nakita niya si Luciana na nakaupo sa gilid ng daan habang ang mga mata nito ay nakatuon sa mga bulaklak sa hardin na walang kahit anong emosyon na makikita.Agad niyang nilapitan si Luciana nang walang pag-aalinlangan kaya naman ay napaangat nang tingin si Luciana at bahagyang nagulat. Walang pagdadalawang-isip, agad na hinawakan ang kanyang pulso at pinatayo siya.“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Luciana at tila naguguluhan.“Uuwi na,” malamig na sagot ni Maximo sa kanya, at hindi na nagbigay pa ng paliwanag nang itinulak siya nito papasok ng kotse upang bumalik patungo sa lumang mansyon.Naging tahimik lamang ang kanilang biyahe. Samantala, hindi na  nagsalita si Luciana, at ang mga saloobin niya ay nakatago sa ilalim ng isang hindi matitinag na ekspresyon.Pagdating nila sa mansyon, nagpapatuloy pa rin ang katahimikan. Dumiretso si Luciana sa banyo at pagkatapos ay tahimik na lumabas mula roon habang

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0046

    Napalingon naman si Luciana kay Maximo na nakaupo sa tabi niya at ang presensya nito ay walang kahirap-hirap na nang-aakit. Sa isang saglit, nakaramdam siya nang ginhawa.Ang pagkakaroon ng isang taong maaasahan sa kanyang likuran ay nakakapagpatibay ng loob, isang uri ng pakiramdam na hindi niya inaasahan. Ngunit agad ding niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag magpakalulong sa pakiramdam na iyon. Buntis si Liezel at hindi siya nagpapakasiguro.“Ano’ng tinitingnan mo?” wika ni Maximo sa malalim at kalmadong tono na siyang nagpagising kay Luciana mula sa kanyang mga malalim na pag-iisip.Napakurap siya nang ilang saglit dahil sa gulat at saka mabilis na nagsalita.“Ano’ng meron?” takang tanong ni Luciana sa kanya.“Pwede mo bang kunin ang cellphone ko? Nasa ibabaw ng sofa nakalagay,” sabi ni Maximo nang walang kaabog-abog.“Sige,” tugon niya at agad tumayo upang pumunta sa sofa para kunin ang telepono ni Maximo.Nang hawakan niya ito, biglang nabuksan ang screen ng cellphone at luma

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0045

    Natigilan si Luciana sa kanyang narinig. Halos 10,000 lamang ang kanyang ipon at hindi niya alam kung paano bayaran ang ganoong halaga na pera na sinabi ni Alvin sa kanya.“Huwag mo sabihin na wala ka man lang ilang daang libo na pera, Miss Luciana?” nakangiting tanong ni Alvin nang mapansin ang kanyang naguguluhang reaksyon.“Imposible ‘yan,” singit ni Matthew at nagpatuloy, “Sa tulong ni Maximo ay wala  lang ‘yang daan-daan na libo. Tiyak na tutulungan ka naman niya.”Namutla si Luciana nang maalalang naka-freeze ang kanyang credit kay Maximo kaya walang paraan kung paano maaayos ang kailangan niyang bayaran dahil sa laro nila kanina.“Maximo, natalo na si Miss Luciana. Hindi ba’t dapat ka nang makialam at tulungan siya?” ani Matthew habang unti-unti nang na-stress si Luciana kakaisip ng gagawin niya.Samatala si Maximo naman na nakaupo sa sofa at abala sa kanyang telepono, ay ibinaling ang tingin sa kanilang direksyon. Tumama ang tingin ni Maximo kay Luciana na ngayon ay magkasalubo

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0044

    Naguguluhan naman si Matthew sa kanyang mga nakikita. Iniisip niya na dapat ay pagalitan ni Maximo si Luciana nang malala ngunit nagtataka siya.‘Bakit nga ba tila kabado si Luciana sa pagbanggit ng salitang tuturuan ng leksyon?’ takang tanong ni Matthew sa kanyang isip. Kinagat ni Matthew ang kanyang dila nang mahina bago siya magsalita upang magbigay ng kanyang payo sa kaibigan.“Alama mo, Pare, ang mga babae ay dapat pinapahalagahan, hindi dinidisiplina. Kahit na anong aspeto ay mahusay ka. Gwapo, matalino pero pagdating sa mga babae, sobra ka namang istrikto. Ang asawa mo ay asawa, hindi alipin. Paano mo nagagawang ituturing siya nang ganito?” sambit ni Matthew kay Maximo.“Ganito siya dapat tratuhin,” ani Maximo sa kanya, sq parehong ekspresyon at ibinaling niya ang tingin kay Luciana na may kahulugan.Halos masamid naman si Luciana sa kanyang iniinom nang dahil kay Matthew at Maximo. ‘Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi nagtutugma ang kanilang mga salita,’ sabi niya sa sarili na

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0043

    Bahagyang tinadyakan naman ni Matthew si Alvin Salcedo dahil sa biglang sinabi nito kanina.“Ano’ng sinasabi mo? Siya ang asawa ng kaibigan natin, si Luciana Mendoza!” ani Matthew sa kanya.“Pasensya ka na, Miss Luciana, at hindi kita agad nakilala,” mabilis at taos-puso na sabi ng lalaki sa kanya.Ngumiti naman nang magalang si Luciana at sinabi, “Ayos lang ‘yon.”Nasa apat o limang lalaki sa loob ng silid na ‘yon at kapansin-pansin ang taglay na kagwapuhan ng mga ito.Samantala, inilingon naman ni Luciana ang kanyang ulo sa direksyon ni Matthew upang ito ay batiin.“Kumusta, Dr. Matthew,” sambit ni Luciana sa kanya.Agad namang tumango si Matthew bilang tugon sa kanya at kilala niya si Luciana mula sa taunang physical exam nito kaya naman ay pamilyar sila sa isa’t-isa.“Kamusta, Miss Luciana? Kamusta, Maximo? Mabuti at dumating kayong dalawa,” bati ni Matthew at agad na sinenyasan ang dalawang lalaking nasa gitna ng silid upang bigyan ng pwesto sina Maximo at Luciana.Bigla namang su

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0042

    “At bakit naman ako hindi karapat-dapat sa kanya?”Nang dahil sa tanong ni Luciana, nakuha niya ulit ang atensyon ni Maximo na ngayon ay nababalutan na naman ng yelo.“Lugmok na ang pamilya mo, at wala kang pera. Sa tingin mo, sino ang karapat-dapat sa ‘yo, ha?” malamig niyang tanong kay Luciana.Tila mas lalong nasaktan ang dignidad ni Luciana nang dahil sa sinabing iyon ni Maximo pero hindi niya maikakailang totoo ang mga sinabi nito. Maski kay Maximo o Adrian ay hindi karapat-dapat sa kanya ngunit hindi naman umaasa si Luciana nang ganoon. Ang nais lang naman niya ay mamuhay nang maayos at maabot ang kanyang mga pangarap balang araw.“Bakit hindi ka na makagsalita?” muling tanong ni Maximo nang mapansin ang kanyang pananahimik. Napalabi na lamang si Luciana at nagbuntong-hininga.“Ano pa ba ang sasabihin ko? Oo na, kayo na ang nasa taas at ako na ang mababa. Ako na itong hindi karapat-dapat kahit na sino sa inyo,” malamig na sagot ni Luciana sa tanong ni Maximo sa kanya.Agad na siy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status