Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa isang mataas na bahagi ng lungsod. Isang lugar na hindi matao, pero ligtas. Malawak ang tanawin—mula roon, kita ang buong siyudad. Parang alitaptap ang mga ilaw sa baba, gumagalaw, nagliliwanag, humihinga. Napanganga si Bella. “Ang ganda…” Ngumiti lang si Rafael at lumapit sa gilid kung saan mas maliwanag ang view. “Dito ako madalas pumunta... kapag kailangan kong mag-isip.” Sumunod siya, at saglit silang natahimik. Pareho silang nakatitig sa mga ilaw sa ibaba, para bang may sinasabi ang tanawin na hindi kayang bigkasin ng salita. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ni Bella, halos pabulong. “Para makita mo ‘yung ganda... kahit sa gitna ng gulo.” Napatingin siya kay Rafael. Tahimik lang ito, pero may lalim ang boses—parang may tinatago, pero ayaw ipakita. At sa gabing iyon, si Bella ay unti-unting nalilito. Kasi sa bawat sulyap ng lalaki, sa bawat simpleng kilos, may init na hindi niya maintindihan. Tumingin ulit siya sa view,
Terakhir Diperbarui : 2025-04-11 Baca selengkapnya