Semua Bab The Principal's Affair : Bab 41 - Bab 50

72 Bab

Chapter 41

“Aray ko po, Lord,” wika ni Bella matapos mabangga ang noo niya sa pintuan ng ref. Dali-dali niyang binalik ang tingin sa ref at kunwari sobrang interesado siya sa loob nito. "Pang-ilang beses mo nang binuksan ‘yang ref?" Tanong ni Rafael sa kanya. ‘Giiiilk!’ mahinang wika niya na siya pang ang nakarinig. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. PUTIK. Pilit niyang nilunok ang kaba at sinara ang ref, bago bumaling kay Rafael. "A-Ah… e… nag-iisip pa kasi ako kung ano ang gusto kong kainin!" Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Kung wala ka namang kukunin, umupo ka na lang." ‘Hala, hala! Tatabi ba ako sa kanya?! May choice ba ako?! Wala! ARGH!’ Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na parang may pasaning isang toneladang hiya. Hindi siya pwedeng tumingin nang diretso kay Rafael. Hindi niya kaya. Kumuha siya ng baso ng gatas at mabilis na iniinom ‘yon. Malamang! Buntis siya, dapat gatas lang! Pero putik, bakit parang… parang mas lalo lang siyang naging awkward?! Naramdaman niyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 42

Habang naglalakad sila sa loob ng mall, hindi mapakali si Bella. Hindi lang dahil sa sobrang dami ng pinamili nila, kundi dahil halos lahat ng turo ni Amieties ay agad na binibili!"Ma'am, tama na po yata ‘to…" aniya habang nakatingin sa isang bundle ng baby clothes na may sobrang taas na presyo. "Ang mahal po kasi, baka po masyadong magastos—""Sus! Ano ka ba, Bella? Hindi tayo nagtitipid para sa apo ko!" natatawang sagot ni Amieties habang iniaabot sa saleslady ang mga gamit. "Dapat lahat ng best, para sa baby mo. Hindi pwedeng basta-basta lang."Bella bit her lip. Diyos ko, ang dami na nito! Ilang taon bago ko mapapantayan ang ganitong klaseng shopping spree?!"Ma'am, baka hindi naman po natin kailangan lahat ng ‘to agad—"Amieties raised a brow at her, amused. "Hija, wala kang kawala sa akin! Kapag sinabing bibilhin, bibilhin. Walang kontra-kontra!"Bella sighed, alam niyang wala na siyang laban. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti at sumunod na lang sa ginang habang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 43

Pagkalabas ni Bella ng mall, nag-abang siya sa harap habang hawak ang ilang paper bag ng pinamili nilang gamit para sa baby. Maya-maya lang, huminto ang isang pamilyar na itim na sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang bintana, at sumilip si Rafael—seryoso ang mukha, tulad ng dati.“Sakay na,” malamig niyang sabi.Ngumiti si Bella at mabilis na sumakay sa passenger seat. Habang nagda-drive si Rafael, hindi niya napigilan ang pagiging madaldal.“Alam mo ba, ang saya ni mama kanina! Kung pwede lang bilhin lahat ng nasa mall, ginawa na niya! Tapos, may mga cute na damit doon na gusto kong bilhin pero grabe ang presyo! Ang mahal! Tapos, tawang-tawa ako kasi—”“Bella,” putol ni Rafael, hindi inalis ang tingin sa kalsada.“Ha?”“Ang ingay mo.” Anya nito sa kanya.Napanguso si Bella, pero hindi niya napigilang tumawa. “Eh, wala eh, masaya lang ako! Hindi mo ba ako namimiss?” pabirong tanong niya sabay tawa.Hindi sumagot si Rafael, pero bahagyang gumalaw ang sulok ng kanyang labi—parang pilit na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya

Chapter 44

“Bella?!”Napalingon siya at nanlaki ang mata sa gulat. “Ha?! Ikaw?!”Isang pamilyar na lalaking may matamis na ngiti at gwapong tindig ang nakatayo sa harapan niya. Kaya na patayo siya tumayo na rin si Rafael. Napako sa kinatatayuan si Bella habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Gwapo, matangkad, at may aura ng isang taong sanay sa buhay sa ibang bansa. May dala itong maletang mukhang bagong dating pa lang.“Bella, hindi ako makapaniwala! Ikaw nga!” masayang bati ng lalaki bago siya niyakap nang mahigpit.Napatulala si Bella. Hindi agad siya naka-react, pero agad niyang naalala kung sino ang kaharap niya.Siya.Ang kaibigan niya mula noon. Ang lalaking minsang naging parte ng kanyang buhay.At ngayon, nasa harapan niya ito… habang kasama niya si Rafael.Dahan-dahang tumingin si Bella kay Rafael na nakatayo lang sa tabi niya. Tulad ng inaasahan niya, walang ekspresyon ang mukha ng asawa. Pero may kakaibang lamig sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag.Napalunok siya. N
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya

Chapter 45

Habang nasa sasakyan, hindi maalis ni Bella ang kaba sa dibdib niya. Tahimik lang si Rafael habang nagmamaneho, pero ramdam niya ang tensyon sa loob ng sasakyan. “Sino siya?” ulit ni Rafael, mas mababa na ngayon ang boses nito. Napatingin si Bella sa kanya at napangiti nang pilit. “Ha? Ah… siya si—” “Ang pangalan,” malamig na putol ni Rafael, hindi man lang siya tinignan. Napabuntong-hininga si Bella. Wala namang masama kung sasabihin niya, ‘di ba? “Siya si Noah Cruz. Best friend ko noong college.” Tahimik si Rafael, pero napansin ni Bella ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa manibela. “Best friend lang?” tanong nito, pero may bahid ng pagsisiyasat ang tono. “Uh, oo naman!” sagot niya agad. “Si Noah? Grabe, Rafael, kung alam mo lang—” “Hindi ko nga alam, Bella. Kaya ipaliwanag mo.” Natahimik siya. Teka, bakit parang inis si Rafael? Huminga siya nang malalim at saka nagpatuloy. “Si Noah ay kaibigan ko simula pa noong college. Nag-aral siya sa ibang bansa for year
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya

Chapter 46

Umaga pa lang, nagising na si Bella. Hindi siya makatulog nang maayos dahil sa tawag kagabi mula kay Noah. Buong gabi siyang balisa, iniisip kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nitong “may nalaman siya.” Pagkababa niya sa sala, tahimik ang buong bahay. Wala si Rafael sa dining area. Wala ring ibang tao kundi ang kasambahay na abalang naghahanda ng almusal. “Bella, good morning po,” bati ng isa sa kanila. Ngumiti si Bella. “Good morning po. Asan po si Rafael?” “Umalis po nang maaga. May meeting daw po sa kumpanya,” sagot ng isa. Tumango lang si Bella. Buti na rin… masyado siyang malamig kahapon. Ewan ko ba sa lalaking ‘yon. Habang kumakain ng almusal, hindi na niya napigilan ang sarili. Kinuha niya ang phone at nag-chat kay Noah. “Anong oras tayo magkikita?” tanong niya sa chat. Mabilis naman ang reply ni noah. “12 noon. Same café na madalas nating puntahan noon. May gusto talaga akong sabihin, Bella. Please be there.” Yun lang reply nito na tila naninigurado na pumunta talag
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Chapter 47

Tahimik ang biyahe pauwi.Nasa passenger seat si Bella, nakatingin sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kalsada ay tila kumikislap sa kanyang mga mata, na parang pilit tinatago ang mga luhang hindi niya maipaliwanag kung para kanino at medyo kinakabahan din siya ngayon.Alam niyang nasa tabi lang si Rafael, pero bakit parang ang layo-layo ng presensiya nito?Wala ni isang salita ang binitawan ni Rafael simula nang umalis sila sa café. At si Bella, kahit gustong magbukas ng kahit anong usapan ay mapipigilan ang bigat ng sitwasyon.Natatandaan pa niya ang mensahe nito kanina.“Uuwi ka ba o doon ka na sa lalaking ‘yan?”Napapikit si Bella. Gusto niyang magpaliwanag, gusto niyang sumigaw na wala siyang ginagawa na mali, pero... paano nga ba magsisimula kung hindi rin siya sigurado sa nararamdaman?“Cold mo na naman,” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. “Para ka namang refrigerator.”Napalingon si Rafael saglit—na tila narinig ang kanyang bulong—pero agad ding ibinalik ang tingin s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Chapter 48

Kinabukasan, tahimik si Bella habang kumakain ng almusal sa veranda. Hawak niya ang tasa ng gatas, pero hindi siya umiinom. Bumabalik sa isip niya ang sulat kagabi… at ang aninong hindi niya nakilala.May takot. May kaba. Pero higit sa lahat, may isang tanong na hindi niya mawaglit sa isip—sino ang gustong sirain ang katahimikan niya?"Mainit ang gatas, pero malamig ang titig mo sa kawalan."Napalingon si Bella.Nandoon si Rafael, suot ang simpleng puting shirt at pajama pants. Mukhang bagong gising, pero kahit ganoon, nakaka-inis pa rin siyang tingnan—‘yung tipong ayaw mong aminin na gwapo siya kasi baka lumaki ang ulo niya."Ikaw pala," sagot ni Bella, pinilit ang mahinhing ngiti habang nilingon muli ang tasa niya.Umupo si Rafael sa tabi niya. Tahimik lang din ito. Ilang segundo ng katahimikan bago siya nagsalita."Naglakad ka ba kagabi?" Tanong nito sa kanya.Nabigla si Bella. “Ha? Bakit mo natanong?”"Nakita ko kasing bukas ang ilaw mo. Parang may iniisip ka."Napalunok siya. Hin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-07
Baca selengkapnya

Chapter 49

Mabigat ang bawat hakbang ni Bella habang tinatahak niya ang maikling hallway papunta sa kwarto ni Rafael. Pero sa bawat paglapit niya sa pintuan, parang mas lalo namang bumibigat ang dibdib niya. Para bang sa bawat hakbang ay may kasamang tanong: Paano ko sasabihin? Hindi ba siya magagalit? Hindi ba niya ako pagtatawanan? Nakahawak na siya sa doorknob, pero hindi niya ito agad binuksan. Pinikit niya ang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. “Kaya mo ‘to, Bella. Para kay Kiera. Para sa pamilya mo. Huwag ka munang mahiya. Isantabi mo muna ‘yang pride mo.” Bulong niya sa sarili. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at doon niya nakita si Rafael—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko habang hawak ang cellphone. Tahimik ito, tila malalim ang iniisip. Walang salita ang lumabas agad sa bibig ni Bella. Tumayo lang siya sa may pinto, parang isang batang hindi alam kung papasok ba o lalabas. Napansin siya ni Rafael. Tumingin ito sa kanya—yung malamig na tingin na parang laging ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-07
Baca selengkapnya

Chapter 50

Tahimik ang buong bahay nang bumaba si Bella. Dama niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang paa at ang lalim ng gabi na tila nakikiramay sa bigat ng kanyang dibdib. Pagdating niya sa sala, nandoon na si Rafael. Nakaupo ito sa mahabang sofa, nakayuko habang hawak ang cellphone. May bahagyang kunot sa kanyang noo—seryoso, parang may iniisip. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Tahimik. Isang sulyap na may kahulugan, pero walang salitang binitiwan. Dahan-dahan siyang naupo sa kabilang dulo ng sofa, inipit ang kanyang mga daliri sa gitna ng kanyang palad. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita, halos pabulong. "Salamat... sa tulong." Wika niya dito. Bahagyang tumango si Rafael. "Hindi mo kailangan na magpasalamat. Mag-asawa na tayo, diba?" Napayuko si Bella, kinagat ang labi para pigilan ang pag-angat ng emosyon sa kanyang lalamunan. Hindi naman sila totoong mag-asawa sa papel lang naman, pero sa sandaling ito, ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Rafael.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-08
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status