"Auntie, may pupuntahan kayo?" Tanong ko nang makasalubong si Auntie sa may bakuran. May dala-dala itong isang maliit na bag at bote ng tubig."May nakuha akong trabaho sa may kanto, stay-in ng one night. May kasalanan kasi roon at kailangan ng maghihugas ng mga plato." Masaya at tila proud pa nitong wika.Napatitig na lang ako rito at malungkot na napangiti. Soon, Auntie. Soon."Sayang din ang kikitain, Lilienne." "Auntie, may pera pa naman tayo. Ako na'ng bahala sa atin. Wag na kayo magtrabaho baka magkasakit pa kayo." "At ikaw naman ang napapasama? Katawan mo naman ang mapapasama kung di ako magtatrabaho, Lilienne." Naaawang wika nito sa akin. Kung titingnan mabuti, kitang-kita na ang katandaan sa hitsura ni Auntie simula nang maoperahan. Pero kahit na ganoon, maganda parin ito at maputi gaya ng dati. Mahilig pa rin sa mga kolorete, lipstick, at pampapula ng pisngi."Basta magmemessage kayo sakin kapag may di okay na nangyari, Auntie." Paalala ko habang iniayos ang tuwalya nito
Terakhir Diperbarui : 2025-03-10 Baca selengkapnya