"Mahal kita, Lilienne. Sobrang mahal. At hindi ko alam kung saang sulok ng mundo ako hahanap ng katulad mo, kung sakaling mawawala ka sa akin." Hindi ko alam ang isasagot. Tinitigan ako nito ngunit wala itong ginawang ibang hakbang upang mas lalong mapalapit ang mukha sa akin. Kaya napanatag ako.Akala ko dati. Biruan lamang ang lahat. Akala ko binobola lang ako ni Hector. Hindi ko alam na sa mga pinapakita nyang akala ko ay hindi ko seseryosohin, nahulog ako. Higit pa sa pagkahulog ko sa ama ng batang dinadala ko."Bulaklak para sa mahal na prinsesa." Nakaupo ako sa garden nang dumating ito. May dalang mga pulang rosas. Tinanggap ko naman iyon at inamoy. Hindi ko alam kung saan nya ito nakuha pero sobrang gusto ko iyon."Pinitas mo lang yata ito sa daan, Hector e." Pagsimangot ko. Kunwari malungkot."Binili ko iyan sa bayan. Nagustuhan mo?" Tanong nito at umupo sa harapan ko. May kinuha rin ito sa bulsa at iniabot sa akin.Pera iyon galing sa pamamasahero nya. Simula noong dumating
Terakhir Diperbarui : 2025-04-10 Baca selengkapnya