Ysla“Hija, finally! Kanina pa kita hinihintay. Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala bilang assistant ni Nathan,” masayang bungad ni Lola Andrea habang nakaunat ang kanyang mga braso, handang-handang yakapin ako.Hindi ko na rin siya pinaghintay pa. Agad akong lumapit at niyakap siya nang mahigpit, ‘yung tipong parang matagal ko siyang hindi nakita at sabik na sabik akong muling makasama siya. Ramdam ko ang init ng kanyang yakap na may halong pagmamahal at pangungulila, na tila ba kahit saglit lang kaming hindi nagkita ay napakatagal ng kanyang pag-aabang.Hindi man ganun katindi ang emosyon ko kagaya ng inaasahan niya, hindi ko rin maikakailang masaya ako sa imbitasyon niya. Sa totoo lang, malaking ginhawa rin ito sa akin. hindi ko kailangang makasabay si Nathan sa tanghalian. Isa pa, bihira ang pagkakataong may mapagpahingahan ang damdamin ko gaya ngayon.“Oh, Lola Andrea, mukhang napakalakas niyo pa rin po,” biro kong may halong pagkamangha. Bahagya akong lumayo mula sa kanyang yak
Terakhir Diperbarui : 2025-04-29 Baca selengkapnya