Pinagtulungan naming ligpitin ni Nathan ang aming pinagkainan. Tahimik kaming gumalaw, pero may kakaibang alon ng tensyon sa pagitan namin. Sa bagay, ganito naman na talaga kami. Magkibuan-dili, at hindi rin ganap na komportable.Kinuha ko ang lunchbag ko at nagtangkang lumabas ng kanyang opisina, ngunit bago ko pa man mahawakan ang doorknob, nagsalita siya.“Kapag dumating ang report na inaasahan ko, ipapatawag ulit kita,” aniya, malamig ngunit magalang ang tono.Napalingon ako sa kanya at tumango, walang salita, pero sapat na ang tugon ko para malaman niyang naintindihan ko. Pagkatapos ay tahimik na akong nagpatuloy sa paglakad palabas ng opisina niya.Habang pabalik sa desk ko, naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil ba sa pag-uusap namin o dahil sa tinig niyang tila ba pinipigil ang sariling emosyon? Iniisip ko na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.Pagdating ko sa table ko, maingat kong inilagay sa ilalim nito ang lunchbag na dala ko. Saglit akong naup
Last Updated : 2025-04-23 Read more