Share

Chapter 21

last update Last Updated: 2025-04-16 19:53:22
Ysla

Kahit na parang may nagngangalit na bulkan sa loob ko habang pinagmamasdan ko ang dalawa na magkatabing nakaupo, wala naman akong magawa. Office assistant lang ako sa silid na ito, kaya wala akong karapatang magsalita, bagkus ay naging taga-abot lang ako ng lahat ng kailangan nila.

“Do you have pineapple juice?” tanong ni Blythe sa tono niyang parang prinsesa sa isang fairy tale pero hindi ko maiwasan ang pagkunot ng aking noo. Ano ba 'to, naliligaw ng lugar? Nasa corporate meeting kami, hindi resort sa Siargao.

“Ysla, can you get Ms. Blythe the drink that she likes?” magalang na utos ni Ma’am Raquel. Natural, hindi ko pwedeng tanggihan. Kaya ngumiti ako kahit medyo pilit, at hinarap si Blythe.

“In can na lang po, Ms. Blythe?” tanong ko, sinisikap panatilihin ang tono ng boses ko na magalang kahit medyo kumikirot na ang sentido ko na parang sasabog. Ang sakit kasi sa mata ng itsura nilang dalawa.

“Yes, okay lang.” Ang ngiting ibinigay niya sa akin ay parang naka-glue lang sa mukha
Lovella Novela

Selos na selos na talaga!

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kaye Cee
tanggi pa sa nararamdaman ysla ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 22

    Ysla“Nakakainis ka!” bungad ko agad pagkapasok ni Nathan sa kwarto namin, agad ko na siyang sinalubong ng inis. Galing siya sa trabaho. Ako naman, nauna nang dumating dahil naka-motor ako. Katunayan ay nakapagpalit na ako ng damit at ilang minuto na ring naghintay sa kanya.Napahinto siya sa may pinto, parang napag-isipan kung tatakbo na lang pabalik palabas. Pero tuloy-tuloy pa rin siyang naglakad papasok habang inaalis ang kanyang coat at ipinatong iyon sa ibabaw ng kama.“Ano na namang ginawa ko?” tanong niya habang tinatanggal ang necktie, kita sa mukha niya ang pagod pero mas kita ko ang inis ko.“Hindi pa nga ako nakakaupo, sinalubong mo na agad ako ng sermon.” Tumagilid siya para ilapag ang necktie sa ibabaw din ng kama, katabi ng kanyang coat.“Bakit, kailan ba kita ginaganito? Ngayon lang, ‘di ba?” malakas kong sagot. Tumayo ako sa gitna ng kwarto para harapin siya nang buo ang loob. “At hindi ko ‘to gagawin kung hindi dahil sa sinabi mo kanina.”“Ano na naman ang sinabi ko?”

    Last Updated : 2025-04-17
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 23

    Ysla“Kape mo,” sabi ko habang marahang inilapag ang mainit na tasa sa mesa ni Nathan habang nakatuon ang kanyang mga mata sa document na binabasa.Halos mapabuntong-hininga na lang ako. Sa kabila ng lahat ng pagtutol ko, siya pa rin ang nasunod. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas mula noong huling pagtatalo namin, at ngayon, narito na ako sa opisina niya bilang assistant ng assistant niya.Pero kahit gano'n, pinaninindigan ko pa rin ang desisyon kong hindi sumabay sa sasakyan niya kaya nakamotor pa rin ako papasok at pauwi.“Thank you,” malamig niyang sagot, ni hindi man lang ako tiningnan. Hindi niya tuloy nakita kung paano ko siya pinandilatan. Sayang ang effort ko. Nakakainis.Napairap ako at agad na tumalikod. Hindi ko talaga kaya ang presensya niya kapag ganyan na parang wala lang ang lahat. Parang hindi niya nararamdaman na umiinit na ang ulo ko dahil ang kagustuhan niya ang nangyari.Pagbalik ko sa sarili kong desk, agad akong umupo at ni hindi na nag-abala pang magpakita ng

    Last Updated : 2025-04-18
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 24

    NathanGusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Sobrang halata ng pagkainis niya, pero wala siyang magawa kundi sundin ang gusto ko. At doon ako mas lalong natuwa. Sa bawat kibot ng labi niya, sa bawat irap ng mga mata niyang ayaw makipagtagpo sa akin ay ramdam ko ang galit, pero mas ramdam ko ang kawalan niya ng kontrol.Kaya ko siya inilipat sa opisina ko ay dahil ayokong may kung sinu-sinong nag-uutos sa kanya. Asawa ko pa rin siya, at hindi ko maatim na tratuhin siya na parang ordinaryong empleyado lang. Lalo na kung para lang mag-abot ng kape o dokumento. Pakiramdam ko ay binabastos din ako kapag ganun ang nangyayari.At isa pa, si Marichu na hindi ko maiwasang tingnan ng masama. Ang babaeng ‘to.Dahil sa kanya, nakapagsalita ako ng masama kay Ysla. Nakita ko ang galit at disbelief sa mga mata ng asawa ko habang tinataasan ko siya ng boses noon. Pasalamat na lang si Marichu at na-control ko ang aking sarili at hindi ko siya tinanggal kahit parang gusto ko na siyang palayasin at hi

    Last Updated : 2025-04-19
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 25 Part 1

    YslaHindi ko na pinansin ang paghabol ni Blythe papasok sa opisina ni Nathan. Wala akong pakialam. Ang buong atensyon at utak ko ay nasa isang tao lang, kay Lizbeth.Sa totoo lang, iniisip ko pa rin kung talaga bang iniisip niyang makakalusot siya sa pagpapanggap bilang masked singer. Akala ba niya, hanggang ay magbubulagbulagan ako? Na hahayaan kong gamitin niya ako?Yes, she can sing. Pero hanggang doon lang 'yon. Ang pagkanta ko bilang masked singer ay hindi basta basta magagaya. Kung balak niyang mag-lipsync ay bahala siya. Iilan lang naman ang alam kong mga kantang maaari niyang magamit.Pero sigurado ako na once na magsimula akong mag-livestream ay mapapansin at mapapansin ng marami na iisa lang ang boses namin ng naunang masked singer.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Grace. Kailangan kong may makausap at siya lang ang tao na makakaintindi sa level ng inis ko ngayon.“Ano na, friendship?” bungad agad niya, parang may kutob nang may pasabog ako.Wala akong si

    Last Updated : 2025-04-21
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 25 Part 2

    YslaPinilit ko ng ibaling ang atensyon ko sa monitor, pero wala akong maintindihan sa mga lumalabas sa screen. Parang ang utak ko ay nasa ibang frequency. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko, hindi sa kaba kundi sa gigil at pagka-inip.Ilang sandali pa, napatingin ulit ako sa pintuan ng opisina ni Nathan at napansin kong tila mas lumaki ang awang non. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagiging bukas nang tuluyan. Napakunot ang noo ko. Hindi ako chismosa pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapatingin.Nakita ko ang anino ni Nathan na nakaupo sa swivel chair niya, bahagyang nakatagilid. Si Blythe ay nakatayo sa gilid, nakasandal sa lamesa niya at parang may sinasabi. Hindi ko marinig, pero kita ko ang pagkibit ng balikat niya na parang may sinasadyang landi.Napakagat ako sa loob ng aking pisngi. Alam kong hindi ako dapat maapektuhan. Technically, wala kaming “kami” ni Nathan. Contract lang ang meron. Pero kahit pa, asawa ko siya. At hindi ako papayag na bastusin

    Last Updated : 2025-04-21
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 1

    YslaBumalik ako sa table ko sa labas at marahang naupo, sabay patong ng folder na may dokumentong pinirmahan ni Nathan. Bahagyang napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang papel kasabay ang pag-asa na bigla na lang maglaho ang gulo sa utak ko. Mamaya lang ay babalik na rin si Jam para kunin ito.Pilit kong tinatapik ang sarili ko mentally. Focus, Ysla. Trabaho muna. Wala ka sa teleserye.Sinubukan kong balikan ang ginagawa ko kanina, pero parang wala na akong maalala. Parang kinuha ng hangin ang atensyon ko. Kahit ilang beses kong i-redirect ang utak ko, wala talaga. Ang isip ko, kung saan-saan napapadpad."Miss Ysla, okay na po ba?"Napalingon ako at nakita ko si Jam, humihingal ng bahagya na parang nagmadali. Inabot ko sa kanya ang folder at ngumiti."Thank you so much po talaga." Kita sa mukha niya ang pag-aalala pero mas nangingibabaw ang pasasalamat."Walang anuman, Jam. Basta huwag kang mahihiya o matatakot na lumapit next time, lalo na kung para sa trabaho." Pinilit kong i

    Last Updated : 2025-04-22
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 2

    “Follow me,” utos niya. Wala man lang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi. Seryoso ang tono niya, matigas ang pananalita na parang pinapaalala sa akin kung sino ang boss dito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang, kahit medyo kumulo ang dugo ko sa istilo ng pagkakasabi niya.Diretso siya sa tila receiving area ng opisina niya. Isa iyong six-seater rectangular table na hindi naman kalayuan sa mismong office desk niya. Doon ko lang napansin iyon at sa palagay ko, dito niya inaasikasong makipag-usap kay Damien o sa kung sinumang bisita niya kung sakaling may pag-uusapan silang importante.Nakakatawang hindi ko iyon agad napansin kanina nang dalhin ko ang folder at pinapirmahan sa kanya. Lalo na kaninang umaga nang inihatid ko ang kape niya. Ni hindi ko nga nakita ang table na ‘yan dahil sa tuwing pumapasok ako sa opisina niya, siya agad ang unang nahuhuli ng paningin ko.Pero isang tanong ang bigla kong hindi napigilan, bakit hindi sila nag-usap ni Blythe dito? Bakit sa mismong

    Last Updated : 2025-04-22
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 27 Part 1

    YslaAyaw ko sa nararamdaman ko.May kakaibang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tuwing nahuhuli ko ang mga titig ni Nathan. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng gutom, ng pagod, o ng simpleng ilusyon. Pero ang sigurado ako, delikado 'yon.Sobra.Kaya dapat akong umiwas.Hindi ko dapat hayaang mahulog ako sa bitag ng mga tingin niyang 'yon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.“Maupo ka na at nang makakain na tayo,” aniya, kaya kahit ayokong magmukhang sunud-sunuran, napilitan na rin akong gawin ang sinabi niya. Para saan pa at makikipagtalo ako kung totoo namang nagrereklamo na ang sikmura ko?Pagkaupo ko, saka ko lang napansin na para sa aming dalawa pala talaga ang laman ng lunchbag. Hindi ko man lang naramdaman na medyo mabigat pala iyon noong kunin ko 'yon sa table kanina ng ipatong ni Manang Nelda.Siguro ay dahil sa inis na nararamdaman ko kanina bago umalis dahil nga kailangan ko ng mag-report ngayon sa office ni Nathan bilang assistant ng assistant niya.Ang bango ng ulam. Beef na

    Last Updated : 2025-04-23

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 29 part 2

    Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho habang pilit na pinapawi ang mga gumugulo sa isip ko. Maingat kong kinuha ang folder na naglalaman ng report tungkol sa pamilya ng tiyuhin ni Ysla at inilagay ito sa aking bag. Plano kong dalhin iyon pauwi upang mapag-aralan nang mas maigi sa mas tahimik na kapaligiran.Gusto kong siguruhing walang kahit anong detalye ang makakalusot sa aking pagsusuri lalo na’t mahalaga ito para sa asawa ko at sa kinabukasan niya. Nakasalalay din dito ang tanong sa isip ni ysla, kung bakit nagawang planuhin ng pamilyang pinagkatiwalaan niya ang pagkawasak niya na mabuti na lang ay hindi natuloy.Tungkol naman kay Blythe... hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon ang naging pahayag niya kay Damien. Wala kaming napagkasunduan na magkikita sa susunod na araw lalo at Sabado iyon dahil maaring magpunta kaming mag-asawa kay Lola na nakakatuwang makita na malakas na.Ang totoo, niyaya ako ni Blythe na mag-lunch sa labas kanina pero maayos ko siyang tinanggihan. Sinabi ko

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 29 Part 1

    NathanNa-receive ko na ang initial report ng private investigator na hin-hire ni Damien para silipin ang nakaraan ni Sandro Dela Peña.Bilang isang negosyante, alam ko kung gaano kahirap magsimula mula sa wala.Hindi madali.Hindi biro.Hindi lang basta ideya ang puhunan kung hindi pati oras, pagod, at buong pagkatao ang nakataya.Kaya’t bilang tagapagmana ng kumpanya ni Lolo, at sabay na pinapatakbo ang sarili kong itinayong negosyo, sanay na akong makakita ng mga pattern, ng inconsistencies, ng mga numerong hindi nagsisinungaling.Kahit na may pangalan na ako dahil nga sa kumpanyang namana ko ay nahirapan pa rin akong mag-established ng sarili kong brand name. At talagang ipinagmamalaki ko 'yon.Kaya nagtataka ako sa tiyuhin ni Ysla. Owner ng number one fast food chain sa bansa, pero walang nakaraan, walang pinagmulan.Iyon ay ayon sa report na binigay sa akin ng private investigator kaya naman may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ko. Parang may kulang. Parang may hindi tama.

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 28 Part 2

    YslaHindi ko maipaliwanag, pero parang biglang lumundag ang puso ko. Naging mabilis ang tibok, walang babala, parang tambol na sunod-sunod ang hampas. Para akong biglang natahimik sa sarili kong mundo habang magkahinang ang aming mga mata.Para bang huminto ang oras, at sa pagitan ng titig na iyon, may lihim kaming naiintindihan na kahit kami mismo ay hindi kayang ipaliwanag.Ilang segundo pa lang ang lumipas, ngunit pakiramdam ko'y habang-buhay kaming na-stuck sa sandaling iyon. Hanggang sa napansin kong pareho naming pinakawalan ang bahagyang ngiti sa aming mga labi. Sabay, tulad ng kung paanong sabay ding tumigil ang aming mga titig sa isa’t isa.Teka lang… paano ko nalaman 'yon?Dahil sa mga labi niya ako nakatingin.Bigla akong napalunok, para bang nanuyo ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang init na dahan-dahang umaakyat mula leeg ko hanggang sa pisngi.Umiinit ang mukha ko, hindi dahil sa kahihiyan lang, kundi dahil sa alaala. Ang maalab at mapusok na alaala ng kung paano niya ak

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 28 Part 1

    Ysla“Anong ibig mong sabihin? Hindi ko ma-gets,” litong-lito kong tugon habang napapakunot ang noo. “Wala naman sigurong masama kung maging tauhan niya ang mga magulang ko. Magkapatid sila ng nanay ko at natural lang kung magtutulungan sila, ‘di ba?”Napatingin siya sa akin, matalim ngunit puno ng pag-aalalang titig. “I’m thinking… na maaaring ang mga magulang mo ang talagang may-ari ng kumpanyang hawak ng tiyuhin mo ngayon.”“What?” napabulalas ako, at halos matawa sa absurdity ng sinabi niya. “Nasisiraan ka na ba? Hindi ko maintindihan ‘yan, at lalong hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang ‘yon.”Pero nanatili siyang seryoso. “How long have you been living with your uncle?” tanong niya, diretsahan.“Since I was five,” sagot ko. “Nagkaroon ng aksidente sa pamilya namin, tapos nagising na lang ako sa ospital.”“Tapos?” ulit niya, parang ayaw tantanan hangga’t hindi niya nakuha ang buong kwento.“That’s it. Sila na ang kumupkop sa akin mula noon kasi nga raw… namatay ang mga mag

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 27 Part 2

    Pinagtulungan naming ligpitin ni Nathan ang aming pinagkainan. Tahimik kaming gumalaw, pero may kakaibang alon ng tensyon sa pagitan namin. Sa bagay, ganito naman na talaga kami. Magkibuan-dili, at hindi rin ganap na komportable.Kinuha ko ang lunchbag ko at nagtangkang lumabas ng kanyang opisina, ngunit bago ko pa man mahawakan ang doorknob, nagsalita siya.“Kapag dumating ang report na inaasahan ko, ipapatawag ulit kita,” aniya, malamig ngunit magalang ang tono.Napalingon ako sa kanya at tumango, walang salita, pero sapat na ang tugon ko para malaman niyang naintindihan ko. Pagkatapos ay tahimik na akong nagpatuloy sa paglakad palabas ng opisina niya.Habang pabalik sa desk ko, naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil ba sa pag-uusap namin o dahil sa tinig niyang tila ba pinipigil ang sariling emosyon? Iniisip ko na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.Pagdating ko sa table ko, maingat kong inilagay sa ilalim nito ang lunchbag na dala ko. Saglit akong naup

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 27 Part 1

    YslaAyaw ko sa nararamdaman ko.May kakaibang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tuwing nahuhuli ko ang mga titig ni Nathan. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng gutom, ng pagod, o ng simpleng ilusyon. Pero ang sigurado ako, delikado 'yon.Sobra.Kaya dapat akong umiwas.Hindi ko dapat hayaang mahulog ako sa bitag ng mga tingin niyang 'yon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.“Maupo ka na at nang makakain na tayo,” aniya, kaya kahit ayokong magmukhang sunud-sunuran, napilitan na rin akong gawin ang sinabi niya. Para saan pa at makikipagtalo ako kung totoo namang nagrereklamo na ang sikmura ko?Pagkaupo ko, saka ko lang napansin na para sa aming dalawa pala talaga ang laman ng lunchbag. Hindi ko man lang naramdaman na medyo mabigat pala iyon noong kunin ko 'yon sa table kanina ng ipatong ni Manang Nelda.Siguro ay dahil sa inis na nararamdaman ko kanina bago umalis dahil nga kailangan ko ng mag-report ngayon sa office ni Nathan bilang assistant ng assistant niya.Ang bango ng ulam. Beef na

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 2

    “Follow me,” utos niya. Wala man lang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi. Seryoso ang tono niya, matigas ang pananalita na parang pinapaalala sa akin kung sino ang boss dito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang, kahit medyo kumulo ang dugo ko sa istilo ng pagkakasabi niya.Diretso siya sa tila receiving area ng opisina niya. Isa iyong six-seater rectangular table na hindi naman kalayuan sa mismong office desk niya. Doon ko lang napansin iyon at sa palagay ko, dito niya inaasikasong makipag-usap kay Damien o sa kung sinumang bisita niya kung sakaling may pag-uusapan silang importante.Nakakatawang hindi ko iyon agad napansin kanina nang dalhin ko ang folder at pinapirmahan sa kanya. Lalo na kaninang umaga nang inihatid ko ang kape niya. Ni hindi ko nga nakita ang table na ‘yan dahil sa tuwing pumapasok ako sa opisina niya, siya agad ang unang nahuhuli ng paningin ko.Pero isang tanong ang bigla kong hindi napigilan, bakit hindi sila nag-usap ni Blythe dito? Bakit sa mismong

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 1

    YslaBumalik ako sa table ko sa labas at marahang naupo, sabay patong ng folder na may dokumentong pinirmahan ni Nathan. Bahagyang napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang papel kasabay ang pag-asa na bigla na lang maglaho ang gulo sa utak ko. Mamaya lang ay babalik na rin si Jam para kunin ito.Pilit kong tinatapik ang sarili ko mentally. Focus, Ysla. Trabaho muna. Wala ka sa teleserye.Sinubukan kong balikan ang ginagawa ko kanina, pero parang wala na akong maalala. Parang kinuha ng hangin ang atensyon ko. Kahit ilang beses kong i-redirect ang utak ko, wala talaga. Ang isip ko, kung saan-saan napapadpad."Miss Ysla, okay na po ba?"Napalingon ako at nakita ko si Jam, humihingal ng bahagya na parang nagmadali. Inabot ko sa kanya ang folder at ngumiti."Thank you so much po talaga." Kita sa mukha niya ang pag-aalala pero mas nangingibabaw ang pasasalamat."Walang anuman, Jam. Basta huwag kang mahihiya o matatakot na lumapit next time, lalo na kung para sa trabaho." Pinilit kong i

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 25 Part 2

    YslaPinilit ko ng ibaling ang atensyon ko sa monitor, pero wala akong maintindihan sa mga lumalabas sa screen. Parang ang utak ko ay nasa ibang frequency. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko, hindi sa kaba kundi sa gigil at pagka-inip.Ilang sandali pa, napatingin ulit ako sa pintuan ng opisina ni Nathan at napansin kong tila mas lumaki ang awang non. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagiging bukas nang tuluyan. Napakunot ang noo ko. Hindi ako chismosa pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapatingin.Nakita ko ang anino ni Nathan na nakaupo sa swivel chair niya, bahagyang nakatagilid. Si Blythe ay nakatayo sa gilid, nakasandal sa lamesa niya at parang may sinasabi. Hindi ko marinig, pero kita ko ang pagkibit ng balikat niya na parang may sinasadyang landi.Napakagat ako sa loob ng aking pisngi. Alam kong hindi ako dapat maapektuhan. Technically, wala kaming “kami” ni Nathan. Contract lang ang meron. Pero kahit pa, asawa ko siya. At hindi ako papayag na bastusin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status