NAGULAT si Velora nang mapansin ang kanyang phone sa side table. Napatingin siya kay Dewei, na kasalukuyang nagbibihis. Nakapaligo na ang binata, habang siya naman ay nakatakip pa rin ng kumot. Dalawang linggo na siya sa resthouse, at halos araw-araw nilang ginagawa ang pag-iisa. Para na talaga silang mag-asawa—malayong-malayo sa dati, kung saan may galit pa sa kanya si Dewei. Habang tumatagal ang pagsasama nila, nag-iiba na ang pakikitungo ng binata sa kanya. Dahil doon, lalo pang lumalalim ang nararamdaman niya para kay Dewei. Hindi man sabihin ni Dewei, ramdam niya sa kilos at pag-aalaga nito na mahal din siya. Sa bawat pag-aasikaso nito sa kanya, sa mga tingin na puno ng lambing, at sa init ng mga yakap nito, alam niyang may puwang siya sa puso ng binata. Pero ayaw niyang umasa, baka mali lang siya at nag-iilusyon lang pala. "Anong ibig sabihin nito, Dewei?" Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa gulat na kinuha ang kanyang phone. "I found your phone and purse in my cabinet.
Terakhir Diperbarui : 2025-03-21 Baca selengkapnya