"PAANO mo naman nalamang andito na siya sa bansa?" "Nagkataon naka-duty ako kanina sa airport nang makita ko siya. And she's with a little girl." Sagot ni Zoren sa kanya. "Nakita ka ba niya? Sino naman ang bata na kasama niya?" Napakibit-balikat si Zoren. "They didn’t see me. Hindi ko alam kung sino ang batang 'yon. I didn’t check their information sa airport, pero kamukhang-kamukha niya ang batang babae na 'yon.'" Matagal nawala si Marilyn sa bansa. Ang huling impormasyon na nalaman niya ay nagta-trabaho ito sa Korea. At pagkatapos niyon, wala na siyang nabalitaan pa tungkol sa dalaga. Wala na rin naman siyang interest, kaya hindi na niya inalam pa ang nangyayari sa buhay nito. Alam na kaya ng kapatid niya na andito na sa bansa ang dati nitong nobya? "Isa pang problema ko, pumunta ang kapatid ko mansyon. Nag-usap sila ni daddy," sabi ni Dwight. "Mawawala na sa akin ang Solara Essence at babalik ako sa dati kong kompanya." "Oh, anong gagawin mo ngayon? Ibabalik na ng daddy mo a
"GO back to sleep, Velora. Maaga pa," sabi ni Dewei habang lumalapit sa kama at naupo malapit sa kanya. Pupungas-pungas pa si Velora habang kinukusot ang kanyang mga mata. "Bakit? Anong oras na ba?" Tanong ng dalagang napabangon. Naupo siya sa tabi ni Dewei at napasuyod niya ng tingin ang binata. "Bihis na bihis ka naman. Saan ka pupunta?" Ang guwapo ni Dewei sa suot niyang black suit, kaya hindi nakapagtatakang maraming babae ang napapalingon at nababaliw sa kanya. Malakas ang dating at kahit isang tingin pa lang ay ramdam na ang kanyang presensya. Kahit siya mismo, hindi maiwasang humanga sa hubog ng katawan ng binata. Kahit balot ng suit, kitang-kita pa rin ang perpektong proporsyon ng kanyang katawan, ang malapad niyang balikat, matikas na dibdib, at matitigas na braso. Kayang-kaya nitong kunin ang atensyon ng kahit sino nang hindi man lang nagsasalita. "Seven in the morning. Papasok ako sa kompanya, sa Solara Essence," sagot ni Dewei na inilagagay ang neck tie. Nakita n
HUMINTO ang kotse ni Dewei sa harapan ng gusali ng Solara Essence. Agad bumaba ang driver at binuksan ang pinto para sa kanya. Lumabas siya ng kotse at tumingin sa matayog na building ng Solara. Hindi niya inakala na makakabalik pa siya sa Solara. Halos tatlong linggo rin siyang nawala. Sana'y hindi makaapekto ang kumalat na video ngayong muli siyang lumantad. Naglakad siya papasok sa main entrance ng lobby. Binati siya ng dalawang guwardiyang nakabantay, at tinugon niya ang mga ito ng isang ngiti. Pagkapasok niya sa lobby, binati siya ng lahat ng empleyadong nakakasalubong niya. At walang sawa naman niyang tinugon ang mga iyon ng isang magandang ngiti. Alam niyang may pagtataka ang mga ito. Maging siya ay nagtataka rin sa sarili niya, nagiging hobby na ata niya ang ngumiti ngayon. Nasa executive floor na siya nang makita niya si Jai na papalapit sa kanya, nakangiti. "Good morning and welcome back, sir!" masayang bati nito. "Thank you, Jai. How's everything here at Solar
"PAPA, he refused to talk to me. His assistant called me at may emergency meeting daw si Dewei. Alam ko namang iniiwasan lang niya akong makausap kaya nau-cancel niya ang appointment ko," sabi ni Marilyn. Kakausap lang niya sa assistant ni Dewei, at sinabi nga nitong na-cancel ang appointment niya. Akala niya'y magkakausap na sila ni Dewei ngayon at masasabi na niya ang tungkol kay Marizca. Ngunit gumuho ang inaasahan niyang magkakaharap silang dalawa. Ngayon, alam na niyang may galit pa rin sa kanya ang binata, kahit pitong taon na ang lumipas. "Ano na ngayon ang gagawin mo? Sa mansyon na lang ng mga Hughes mo siya puntahan. Malapit ka naman sa ina ni Dewei. Gustong-gusto ka rin ni Solara para sa anak niya," mungkahi nito sa kanya. "Hindi po maari. Gusto ko pong si Dewei muna ang makausap. Bago ako pumunta sa mansyon at makipag-usap kay Dona Solara." "Ano nga ba ang totoong intensyon mo, Marisol? Ang akala ko kasi ay ayaw mo nang bumalik dito sa Pilipinas. Sabi mo noon, gusto
"MAGANDANG gabi, Dewei. Salamat at pinagbigyan mo akong makausap ka. nakangiting sabi ni Vener habang nakatayo at nakatingin sa binata. Inilahad niya ang kamay para makipagkamay.Napilitan namang tumayo si Dewei at tinanggap ang pakikipagkamay ni Vener Del Sol."Good evening din po, Mr. Del Sol. Have a seat," alok niya sa ama ng kanyang dating nobya. Sa isang restaurant pinili ni Dewei na makipagkita kay Vener Del Sol, ayaw niyang sa kompanya sila magkita at makita ng iba na muling may ugnayan siya sa pamilya Del Sol.Nang makaupo sila, mataman niyang pinagmasdan ang lalaking kaharap. Halata na ang tanda nito, pero siya pa rin ang ama ng babaeng minsan niyang minahal."Masyado namang pormal ang tawag mo sa akin. Papa Vener na lang ulit. 'Yan naman ang tawag mo sa akin noong kayo pa ni Marilyn," sabi nito.Napatikhim si Dewei. "Do you want something to eat? Or do you prefer coffee or juice?" tanong niya."Coffee na lang. Hindi rin naman ako magtatagal."Tumango si Dewei at napalinga sa
HINDI dumiretso nang uwi si Dewei. Sa halip ay pumunta ito sa isang bar, kasama niya si Jai na nakaupo hindi kalayuan sa kanya. Ganito palagi ang ginagawa ng binata sa tuwing masama ang loob. Gusto niyang hayaang lunurin sa alak ang sarili para makalimutan saglit ang nararamdamang sakit. "Sh^t—! Seven years... after seven years, sasabihin niyo sa akin na may anak kami! Ano bang akala nila sa akin? Tanga?!" Mga sigaw ni Dewei. Hinayaan naman ni Jai ang amo na isigaw ang galit sa puso. "Niloko ako! Minahal ko siya, higit pa sa buhay. Ibinigay ko ang mundo ko sa kanya. Pero, g@go! Sinaktan niya lang ako!" Ginulo niya ang kanyang buhok saka malakas na hinampas ang lamesa. Kinuha ni Dewei ang isa pang bote ng beer at nilaklak 'yon. Gulo-gulo ang kanyang buhok at tanggal na ang apat na butones ng kanyang polo. Pagkaubos ng laman ng bote ay malakas na ibinato ni Dewei ito sa sahig. Lalapit sana ang waiter pero pinigilan ito ni Jai. "Hayaan mo siya. Bayad naman ang buong bar.
NAGISING si Dewei na parang binibiyak ang ulo sa sobrang sakit. Wala siyang matandaan sa mga nangyari kagabi. Ang huling naalala niya ay kasama niya si Jai sa bar. Napansin niya ang tray ng pagkain sa side table. Pero bago pa siya tatayo ay bumukas na ang pintuan. "Kumusta ang pakiramdam mo, Dewei?" tanong ng dalaga na naglalakad palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Dewei nang maalala na inaya niya pala si Velora na kumain sa labas kagabi. "I'm okay. Kumikirot lang ang ulo ko..." "May gamot akong inilagay sa tray. Pero bago ka uminom ng gamot. Kumain ka muna ng breakfast," sabi ni Velora. Napatingin si Dewei sa kanyang kabuuan. Naka-pajama na siya pero walang suot pang-itaas. "Ikaw ba ang nagbihis sa akin?" "O-Oo," sagot ni Velora na parang naiilangan. May mapaglarong ngiti sa labi ni Dewei. "E, 'di may nakita ka?" Mabilis na umiling si Velora. "W-Wala..." todo tanggi nito. Humalakhak ng mapang-asar si Dewei. Bigla ring sumeryoso ang kanyang mukha. "Sorry nga pala. Na
BIGLANG humarang si Magenta sa kanyang daraanan. Nangungusap ang mga mata na umiling-iling sa kanya. Nagtaka si Dewei at tumaas ang kanyang kilay. "What's the problem, Magenta? Bakit ka humaharang sa dadaanan ko?" Pagalit na mga tanong niya. "E, sir... K-Kasi po..." Kumunot ang noo ni Dewei dahil sa putol-putol na sinasabi ng kanyang sekretarya. "Magenta!" tawag niya na tumaas ang tono ng boses. Tiningnan niya ito nang may madilim na ekspresyon sa mukha. Tumabi si Magenta at napayuko ang ulo. Pagkapasok ni Dewei sa loob ng kanyang opisina, natigilan siya nang mamukhaan ang babaeng nasa loob. Saglit siyang napahinto at napatitig kay Marilyn. "D-Dewei..." tawag nito sa pangalan niya, habang dumadaloy ang luha ni Marilyn sa kanyang mga mata. Nakatayo si Dewei sa pintuan, ang mga mata’y matalim at puno ng galit. "Anong ginagawa mo dito?! tanong niya, galit ang kanyang nararamdaman nang makita ang babaeng unang nanakit sa kanya. Nanatiling nakatayo siya, hindi makagalaw. Ipino-pr
BUHAT ni Dwight ang asawang si Marilyn. Wala itong malay at duguan ang damit. Kasunod niya ang ama ng asawa, mga kapatid nito, at si Dewei. "Doktor! Doktor!" malakas na sigaw ni Dwight habang napatingin kay Marilyn. Mula sa isang kuwarto ay lumabas ang isang babaeng nurse at agad silang nilapitan. "Ano pong nangyari sa pasyente?" "She got hit by a speeding car," sagot ni Dwight. "Ipasok n'yo na po sa loob at ihiga niyo sa bed. Tatawagin ko lang po ang doktor." Utos ng babaeng nurse at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Sumunod si Dwight sa sinabi ng nurse at naiwan sina Velora sa labas na nakasilip lamang sa loob habang maingat na naihiga si Marilyn sa bed. Takot na takot sila habang ang kanilang mga mata ay nasa kapatid. Ilang minuto lamang ay bumabalik ang babaeng nurse, kasama na ang doktor. "Excuse me po..." sabi ng doktor at binigyan nila ng daan ang lalaking doktor para makapasok sa loob. Napatingin si Dewei kay Velora. Banaag na banaag sa mukha nito ang pag-aalala at so
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman