“ANG gusto ko lang, kumain ka. Hindi naman siguro ‘yun mahirap...” “Kita mo na? Lahat na lang inuutos mo. Lahat ng bagay gusto mong dinidiktahan ako. Hindi ako puwedeng gumalaw ng akin, para na akong robot na may master na nagkokontrol sa lahat ng kilos ko,” hinanakit ni Velora. Kitang kita ni Dewei ang sobrang pagod at panghihina sa mga mata nito. "Sa totoo lang, nakakapagod na, Dewei. Pagod na pagod na 'ko. I just want to breathe. Sobra na, e... Konting konti na lang talaga. Malapit na 'kong bumigay," dugtong ni Velora bago tumalikod sa kanya. Nagtaas baba ang balkat nito. Panay din ang punas ng mukha at maririnig ang mahihinang hikbi. He extended his hand to tap Velora's shoulder, pero hindi niya ginawa. Binawi niya ang kamay at pilit iniiwas ang sarili. Gustong gusto ni Dewei na i-comfort, yakapin, at iparamdam na hindi siya nag-iisa, na may kasama siya. Nandito lang siya sa tabi nito at hinding hindi siya iiwan. Dewei tried to compose himself. Nanatili siyang nakatayo sa
Terakhir Diperbarui : 2025-03-18 Baca selengkapnya