All Chapters of EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG): Chapter 121 - Chapter 129

129 Chapters

121

TINATAMASA ni Dwight ang tagumpay sa Solara Essence. Limang buwan na siyang nakaupo bilang CEO ng kompanya at lubos niyang ine-enjoy ang lahat ng magagandang pribilehiyo. Mula sa marangyang opisina hanggang sa mga fully-paid business trips, ramdam niya ang sarap ng buhay sa itaas. Hindi lang siya basta CEO ngayon, kilala na rin siya sa industriya. Madalas siyang ma-feature sa business magazines at naiimbitahan sa mga malalaking events bilang speaker. Sa social media, kaliwa’t kanan ang papuri. Marami ang humahanga sa kung paano niya napaangat ang Solara Essence sa loob lang ng maikling panahon. Kahit sa mga coffee shop at hotel lobby, may nakakakilala na sa kanya. Iba na talaga ang dating ng pangalan niya, si Dwight ang pinakabatang CEO na mabilis umakyat sa tuktok. At gusto niya 'yon. Gusto niya ang atensyon, ang paghanga, at ang pakiramdam na siya ang bagong mukha ng tagumpay. "Congratulations, Dwight. I'm so proud of you. Hindi ako nagkamali na italaga ka bilang CEO ng Solara Es
last updateLast Updated : 2025-04-16
Read more

122

UNANG kaarawan ni Devor, ang anak ni Velora. Isang taon na rin ang bata, at halos dalawang taon na rin silang malayo kay Dewei. Napanindigan ni Velora ang kagustuhan ng ina ni Dewei, ang magpakalayo-layo. "Wala ka pa bang balak bumalik?" Seryosong tanong ni Aster. Napabaling si Velora sa kaibigan niya saka napalingon sa anak niyang nilalaro nina Vanna at Zander. "Meron. Pero natatakot pa ako para kay Devor. Paano kung malaman nila ang tungkol sa anak ko? Ako, kaya ko na ako ang masaktan. Kung ang anak ko ang sasaktan nila, hindi ko kakayanin." Hinawakan ni Aster ang mga kamay ni Velora. "Walang makakapanakit kay Devor. Hindi nila magagawang saktan ang inaanak ko. Andito tayo para protektahan siya." Marahang napatango si Velora at ngumiti ng bahagya. "Pag-iisipan ko ang mga sinabi mo," sabi pa niya. "Velora... Aster. Halina kayo at kumain na tayo," sabat na aya ni Len sa magkaibigan. Tumayo ang magkaibigan at lumapit kina Len. NAGBUKAS ng panibagong branch ng restaurant sina D
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

123

PARANG bombang sumabog sa pandinig ni Marilyn ang sinabi ni Dewei. Napaamang siya na tila 'di pa naintindihan ang sinabi nito. "A-Anong sinabi mo, Dewei?" Hindi pa rin maproseso sa utak niya iyon. "You want to know the whole truth?" tanong ni Dewei na mariing napatitig sa babaeng kaharap. 'Di malaman ni Marilyn kung anong isasagot sa tanong ni Dewei. Parang mayroon sa kanya na tila mawawasak sakaling marinig niya ang buong katotoohanan. "Isang taon kang umalis sa mansyon. Isang taon kang hindi man kami kinumusta ng anak mo. Pagkatapos kung ano-ano pa ang sasabihin mo. Kung hindi pa sinabi ng isang kakilala ko na nakita ka dito, hindi ko malalaman kung nasaan ka..." mga hinanakit ni Marilyn. "Ngayon gusto ko nang aminin sa'yo lahat, Marilyn. Humihingi ako ng kapatawaran sa'yo at sa anak natin. Hindi ko talaga kayang pakisamahan ka. Our marriage is fake. Legally, hindi tayo kasal dahil hindi ko pinaregister ang kasal natin. I can't marry you because I'm already married." Nat
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

124

NAPATAYO si Dwight. "Walang magagawa si Kuya Dewei sa 'tin. 'Wag mong ipakitang natatakot ka. Saka, sino bang may sabi na puntahan mo siya?" Namumutla pa rin ang labi ni Marilyn. Nasukol sila ni Dewei, at magiging malaking kahihiyan kung lalabas sa publiko ang relasyon nila ni Dwight. Lalo't alam ng lahat na kasal sila ni Dewei. "Dwight, natatakot talaga ako. Paano si Marizca?" tanong niya. Kumalma siya ng kaunti. "Matagal na siyang hindi nagpapakita, kaya noong may nagsabi sa akin kung nasaan siya. Pinuntahan ko siya para kumbinsihing bumalik dito sa mansyon. Saka, may inamin siya sa akin..." Napabaling si Dwight kay Marilyn. "Ano naman 'yon?" Curious niyang tanong "Hi-Hindi kami totoong mag-asawa." "What did you say? Anong hindi totoong mag-asawa?" Sunod-sunod na mga tanong ni Dwight. Marahang tumango si Marilyn at napayuko. “We're not really married. Hindi kami totoong mag-asawa. We had a church wedding, pero to be honest… we're not legally husband and wife. Iyon ang sabi niy
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

125

DUMATING si Jai, may dala itong regalo para sa kanyang inaanak. "How is my Devor? Happy birthday, handsome boy!" Masayang bati niya. Tuwang-tuwa naman ang batang lalaki na pilit nagpapakuha kay Jai. Habang lumalaki si Baby Devor, hindi maikakaila na anak nga ito ni Dewei Hughes. Kuhang-kuha nito ang mapupungay na abong mga mata ng ama, pati na rin ang mala-foreigner nitong itsura, matangos ang ilong, maputi ang balat, at may kakaibang karisma. Kaya imbes na makalimutan ni Velora ang dating nobyo ay 'di rin niya magawa. Dahil halos parang araw-araw niyang nakikita si Dewei sa kanyang anak. "Oh, bakit ngayon ka lang?" Esterehadang tanong ni Aster. "Ilang araw na ako dito, ah. Ngayon ka lang dumating." Napaismid si Velora, nanunukso ang kanyang ngiti sa kaibigan. "Anong mayroon sa inyong dalawa?" Nangingiting tanong niya habang ibinibigay si Baby Devor kay Jai. "W-Wala..." ang todo tangging sagot ni Aster. "Wala. E, bakit namumula ang mukha mo, Aster?" untag ni Velora saka napabal
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

126

DAHAN-DAHAN pa na lumalapit si Vanna sa Ate niya. Pilit na itinatago ang kanyang phone sa likuran. Nang makalapit sa kapatid ay inilapit ang mukha kay Baby Devor. Gumilid pa sa tabi ni Velora pagkatapos ay pumunta sa unahan. Pero hindi naman nagsasalita. Napakunot ang noo ni Velora nang mapansin si Vanna na tila hindi mapakali. "Anong problema mo, Vanna? Parang kang buntis na 'di mapaanak. Umupo ka nga!" Inis na saway niya. Napalunok si Vanna nang biglang tumaas ang boses ng Ate niya. Kinabahan siya bigla, 'di niya alam kung ano magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang gusto siyang makausap ng Papa nila. Hindi pa rin nagsalita ang nakakabatang kapatid. Napatitig siya sa kapatid at pinanonood lang ang bawat galaw nito. Napabuga ng hangin si Velora. "Ano ba, Vanna? May sasabihin ka ba?" Naiiritang tanong niya. Napayuko si Vanna, nahihiya talaga siyang ibukas ang usapin tungkol sa kanilang Papa. "Ate... ka-kakausapin ka raw ni Papa." Pauna niya na nauutal-utal pa. Nag-iba ang ti
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

126

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Velora? May ilang oras ka pa para magback-out," paniniguradong tanong ni Aster. Napabaling siya ng tingin kay Jai na busy sa kausap sa phone. Nasa airport na silang lahat. Sabay-sabay na sila pabalik ng bansa. "Kailan ko pa pupuntahan ang Papa ko? Matanda na siya at mahina na. Ito na rin ang pagkakataon ni Vanna na makilala ng personal ang Papa namin. Maliit pa siya noong umalis siya ng walang paalam," sagot ni Velora at napadako ang tingin sa anak niyang tulog, na nakahiga sa trolley. "Napatawad mo na ba Papa mo? Wala ka na bang galit sa kanya?" Usisa pang tanong ni Aster. "Mahal ko ang Papa ko. Siyempre, patatawarin ko na siya ngayon. Ayokong sayangin na maging masaya na buo kami, kasama namin si Papa." "E, pano kapag nakita kayo ni Dewei? Handa ka na bang harapin siya?" "Sa totoo lang pagdating kay Dewei, natatakot ako. Ayoko na magtagpo ang landas naming dalawa. Kailangan kong protektahan ang anak ko," tugon ni Velora. Inaalala ang kalagaya
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

128

PARANG may ibig ipahiwatig ang mga sinabi ni Marilyn. Na pera lang ang ipinunta niya kaya niya ito sinadya pa sa eskwelahan ng kaniyang apo. "Anak, hindi ako manghihingi ng pera. Kayo pa nga ang iimbitahin kong kumain sa labas. Nakakuha naman ako ng pera mula sa pension ko." "Baka kulangin pa po 'yun. Saka, saan n'yo naman po kami ililibre ni Marizca?" Nakataas ang kilay na tanong ni Marilyn. Lumamlam ang mukha ni Vener. Ang dating sigla sa mga mata’y nawala, napalitan ng lungkot na hindi niya kayang itago. "Halos hindi ko na kayo nakakasamang mag-ina," sabi niya. Pero napangiti rin si Vener nang sumagi sa isip ang kanyang pakay. "Mayroon lang akong importanteng sasabihin din sa'yo. Tiyak na matutuwa ka." "Pa, pumunta pa kayo dito para lamang doon. Puwede namang tawagan na lang ako." Tila naiiritang gagad ni Marilyn. "Anak, kailangang personal ko na sabihin. Excited lang din talaga akong makita kayo ni Marizca. Nami-miss ko na kayo. Hindi na kayo pumapasyal sa condo," nahimigan
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

129

NAGING abala ang buong araw ni Dewei sa restaurant at sa opisina. Bukas pa ang balik ni Jai sa trabaho, pero may malaki silang event na kailangang asikasuhin—iyon ay ang booking mula kay Mr. Velasco. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin iyon dahil may nararamdaman siyang kakaiba. Pero, ipinagsawalang-bahala na lang niya ang kutob. "Sir, kukunin n'yo po ba 'yung booking para sa event? Sayang, malaking event pa naman po ’yun..." tanong ng isang empleyado ni Dewei. "Tanungin ko si Jai mamaya. Pero tama ka—sayang ang opportunity," sagot niya habang tumango. Magkikita sila ni Jai mamaya sa condo dahil may mahalaga silang pag-uusapan. Nag-ring ang telepono ni Dewei. Napalingon siya rito at agad itong kinuha. Tumalikod na ang tauhan niya at tahimik na lumabas ng opisina. "Mr. Galvez, napatawag ka..." bungad ni Dewei. "Magandang gabi po, Sir Hughes. I have good news and bad news. Kayo na lang po ang bahalang pumili kung alin ang gusto ninyong marinig muna." "I would rath
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status