MATAMAN na naghihintay si Velora sa pag-uwi ni Dewei. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sopa at nakatingin sa pintuan. Inaabangan niya ang pagbukas nito. "Velora, 'wag mong kalimutan na i-lock ang mga pintuan. Iyong mga bintana rin, 'wag mong hayaang nakabukas. Ikaw lang mag-isa dito. Sa kusina na-lock ko na lahat ng mga binata at pinto, pati sa ibang kuwarto," mga bilin ni Igna sa dalaga. "Opo, Nay. Saka, sino naman po ang papasok dito?" "Mas mabuti na sigurado tayo. Mahirap na masalisan tayo ng mga magnanakaw. Di bale, kung may kasama ka dito," sabi ni Igna. Iniisip lang niya ang magiging kaligtasan ng dalaga. "Opo, Nay. Okay lang po ako dito. Huwag kayong mag-alala. Baka rin po umuwi si Dewei mamaya-maya lang po." Pagtatakip sa binata. Pero ang totoo, hindi niya alam kung sigurado ito uuwi. Dahil 'di naman ito nagparamdam sa kanya. Ni hindi tumawag para sabihin na uuwi ito o kamustahin siya, simula noong makauwi sa Batangas. "Mag-iingat ka dito, anak. Tumawag ka lang sa akin kung
Last Updated : 2025-03-31 Read more