"MAY mama po ako, Papa. Bakit po kayo may fiancée?!" Sigaw na tanong ni Marizca. Bumalahaw na ito nang malakas na iyak. "Mama! Mama!" Hanap pa nito sa ina. Parang naalarma si Dewei sa malakas na iyak ng kanyang anak. Hindi niya alam ang isasagot sa bata. "Tahan na, baby girl..." nag-aalalang alo niya na hinahagod ang likod ng anak. Habang si Velora ay hindi rin malaman ang kanyang gagawin. Hindi siya makalapit sa mag-ama. Hahawakan palang sana niya ito ang mukha ng bata. Pero bigla na lamang itong umatungal ng malakas na iyak. "Dewei, akin na muna si Marizca," sabi ni Marilyn. Pinababa ang anak at hinawakan ito sa kamay. Naglakad ang mag-ina paalis sa harap ng maraming tao. Sinusundan ng tingin ni Velora ang mag-ina habang palayo sa kanila. Hindi sinasadya na nadaanan ng kanyang mata ang ina ng nobyo, tila may galit ang mga mata nitong madiin ang titig sa kanya. Napatingin si Velora sa mga bisita. Nagsisimula na silang magbulungan. "Ah, I'm sorry for what happened. Nagka-tantru
TINITITIGAN ni Velora ang singsing na nasa kanyang daliri. Mag-isa lang siya sa lamesa, umalis sandali si Dewei dahil may kinausap ito. Napakaganda at halatang mamahalin ng singsing na suot niya. Ang laki ng batong nasa gitna ng singsing, kumikinang sa ilalim ng ilaw, habang napalilibutan ito ng maliliit na diamante na lalong nagpapatingkad sa kinang nito. Kanina pagkatapos ng proposal ni Dewei sa kanya ay nawala ang ina ng nobyo. Humingi lang ng paumanhin ang ama ni Dewei dahil sumakit daw ang ulo ni Mrs. Solara. Maging ang mag-ina ay hindi pa bumabalik dahil sa pag-iyak ng anak ng nobyo niya. Para tuloy siyang binabagabag ng kanyang konsensiya. Ayaw niya sanang mamagitan sa kanilang tatlo. Pero habang nagpo-propose si Dewei, sobra ang kaligayahan niya na hindi na niya naisip ang mga taong masasagasaan niya. "Alone?" Napaaangat ang tingin niya sa baritonong boses na nagsalita mula sa kanyang gilid. "Kasama ko si Dewei pero tinawag siya ng kasosyo niya sa kompanya." Alangan pa
HATAK ni Dewei si Velora papasok sa kanyang kuwarto sa loob ng mansyon. Mabilis na natapos ang party dahil sa sunod-sunod na hindi magagandang nangyari. Ipinatigil na lang din ng binata dahil sa mainit na ang ulo niya. "Nag-uusap lang kami, Dewei. Wala naman kaming ginagawang masama ng kapatid mo, ah. Saka, bakit ka ba nagagalit sa akin?" Naiiyak na sabi ni Velora. Ginulo ni Dewei ang kanyang buhok sa sobrang frustration. Sa galit na matagal nang namamahay sa dibdib niya dahil sa ginawa ng kanyang mismong kapatid. "You don’t know what happened between us seven years ago, Velora! Kaya sana, hangga’t maaari, iwasan mo si Dwight. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nakita kitang kasama siya!" Napailing-iling si Velora. Kung anuman ang nangyari kina Dewei at ng kapatid niya ay wala na siya doon. Ang sa kanya lang, bakit siya hindi pinagkakatiwalaan ni Dewei? "Alam ko naman ang tama at mali. At alam ko na may boyfriend ako! Hindi na ako bata para bawalan mo na makipag-us
TAHIMIK ang umaga sa mansyon ng mga Hughes. Ang mag-asawang sina Solara at Donny lamang ang nasa hapag. "Minda, si Marizca nakakain na ba ng breakfast?" tanong ni Solara sa kanilang kasambahay. "Ma'am, dinalhan na po ni Ma'am Marilyn kanina sa kuwarto nila." "Eh, si Marilyn ba kumain na?" Tumango ang kasambahay sa kanya. "Opo. Nabanggit niya pong sabay na sila ni Marizca kaya hindi siya makakasabay sa dining po." "Okay..." tanging nasambit ni Solara. Marahas siyang napahinga nang malalim. Ibinaba ni Donny ang newspaper na binabasa. Pinagmamasdan ang asawa sa reaksyon nito habang nagsisimula nang kumain. "Wala kang gana?" untag niya. Panay ang buntong-hininga ng asawa. "Sinong gaganahan sa mga nangyayari? Don't you see it o nagbubulag-bulagan ka lang? Hindi nababagay ang babaeng iyon sa pamilya natin. Dumating lang siya sunod-sunod na problema ang dumarating. I don't like her for our son Dewei," mahabang sagot ni Solara. Hayagan ang pagsasabi ni Solara nang hindi pagkadisgust
NANG makarating sa resthouse ay dumiretso si Velosa papasok sa loob ng bahay. Nadaanan niya si Nanay Igna pero hindi siya huminto para batiin ito. Iniiwasan niyang makita ang pamumugto ng kanyang mga mata.Nagtaka naman si Igna sa naging kilos ng dalaga. Dahil sa pag-aalala niya ay sinundan kaagad niya ito sa kuwarto nila.Agad siyang kumatok sa pinto, walang sumagot sa kanya. Pinihit ang seradura, bukas. Kaya pumasok na siya sa loob."Velora, hija..." tawag niya. Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa kama. "Anak, bakit mag-isa ka lang umuwi? Maysakit ka ba?" sunod-sunod niya pang tanong.Umupo na si Igna sa gilid ng kama at hinawakan ang balikat ni Velora. Pansin niya ang pag-alon ng balikat nito at ang palihim na pagpunas ng luha sa mata."May maitutulong ba ako? Baka gusto mong ilabas 'yan. Masama daw kapag kinikimkim sa loob ang lungkot," aniya.Dahan-dahang bumangon si Velora at umupo. Isinandal ang kanyang likod sa headboard habang tiklop ang dalawang tuhod."Naiwan po si Dewei
NANLAKI ang mga mata ni Dewei. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paanong nalaman ni ina na si Velora ang babaeng kasama niya sa video pati ang dating trabaho ng dalaga? "Nagtataka ka siguro kung paano namin nalaman ng daddy mo, Dewei. Tama ba ako?" Tumaas ang sulok ng labi ng binata. "Hindi na po ako nagtataka kung malaman n’yo man. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Mahal ko si Velora, at kahit anong pangba-blackmail n’yo, hindi ko iuurong ang kasal namin!" madiin at matapang niyang sagot. Napaamang si Solara sa tapang na nakikita sa mukha ng panganay na anak. Talagang pipiliin nito ang babaeng iyon kaysa magulang niya. "Ganyan mo tratuhin ang sarili mong magulang?" sigaw ni Solara, lalo pang nag-alab ang galit niya dahil sa babaeng bayaran na ‘yon. Binalingan niya ang asawang nanatiling tahimik. "Donny, magsalita ka nga! Tell your child what will happen if he continues to disobey us! Masyado nang humahaba ang sungay ni Dewei, pati tayong magulang niya, hindi na n
MATAMAN na naghihintay si Velora sa pag-uwi ni Dewei. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sopa at nakatingin sa pintuan. Inaabangan niya ang pagbukas nito. "Velora, 'wag mong kalimutan na i-lock ang mga pintuan. Iyong mga bintana rin, 'wag mong hayaang nakabukas. Ikaw lang mag-isa dito. Sa kusina na-lock ko na lahat ng mga binata at pinto, pati sa ibang kuwarto," mga bilin ni Igna sa dalaga. "Opo, Nay. Saka, sino naman po ang papasok dito?" "Mas mabuti na sigurado tayo. Mahirap na masalisan tayo ng mga magnanakaw. Di bale, kung may kasama ka dito," sabi ni Igna. Iniisip lang niya ang magiging kaligtasan ng dalaga. "Opo, Nay. Okay lang po ako dito. Huwag kayong mag-alala. Baka rin po umuwi si Dewei mamaya-maya lang po." Pagtatakip sa binata. Pero ang totoo, hindi niya alam kung sigurado ito uuwi. Dahil 'di naman ito nagparamdam sa kanya. Ni hindi tumawag para sabihin na uuwi ito o kamustahin siya, simula noong makauwi sa Batangas. "Mag-iingat ka dito, anak. Tumawag ka lang sa akin kung
PAGKABUKAS ng pinto ng kuwarto, nadatnan ni Dewei si Velora na mahimbing ang tulog sa kama. Napangiti siya na nilapitan ang asawa. Ang kontrata na ibinigay niya ay pinalitan niya ng marriage contract na pinapirmahan niya dito at ipinalakad niya kay Jai para maging legal niyang asawa si Velora. Dinukwang niya ang asawa para mahalikan sa pisngi. Nagising si Velora at nagmulat ng kanyang mata. Kaagad na sinalubong ng matamis na ngiti ni Dewei ang asawa. Napabalikwas ito ng bangon. "A-Andito ka na pala. Kumain ka na ba?" Untag ni Velora. Tumango-tango si Dewei. "Yeah, tapos na. Nakainom din konti," ngingiti-ngiting sagot ni Dewei. "For you.. peace offering," sabi pa niya na ibinigay ang mga bulaklak. Tinanggap iyon ni Velora nang makita ang bulaklak. "Thank you." Namumula ang pisnging aniya. Hinawakan ng binata ang kamay niya. "I want to apologize. Hindi ako nakahingi ng tawad sa'yo dahil itinago ko ang tungkol sa anak ko," panimula niya. "Natatakot ako na baka hindi mo matanggap
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman
"SAMAHAN mo 'ko, Jai. Gusto ko silang makita... kahit patago lang. Miss na miss ko na sila," mahina pero buo ang loob na sabi ni Dewei. Pinipilit niyang magpakatatag, pero ramdam ni Jai ang bigat sa boses nito. Sa kabila ng kagustuhang magpatawad, hindi mabura ni Dewei ang sakit, kung paanong winasak nina Dwight at Marilyn ang buhay niya. Ang tanging pag-asa na lang niya, kung sakaling makita niya ulit sina Velora at Devor, baka muling tumibay ang puso niyang pagod na sa pakikibaka. "Oo naman. Bakit hindi ka pa nagpapakita kay Velora? Bawiin mo na siya, Dewei. Sayang ‘yung pagmamahal n’yo. Ngayon ka pa ba aatras?" sagot ni Jai, may bahid ng paghihikayat sa boses. "Kailangan kong maging handa. May anak na kami ni Velora. Isa pa, gusto kong humingi ng tawad ang pamilya ko sa kanya. Umaasa ako... sana tanggapin na siya ngayon." "Sana nga," ani Jai. "Kilala mo naman sila. Mabilis manghusga lalo kung mahirap lang ang kausap. Hindi man lang nila sinubukang kilalanin si Velora bago