All Chapters of ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE: Chapter 71 - Chapter 80

114 Chapters

Chapter 71

SIMULA nang umalis ito ay hindi na ito naalis pa sa kanyang isip sa totoo lang at naiinis siya. Ngayon na sinabi sa kaniya ng kanyang ama na hindi na matutuloy ang pagpapakasal nila ay para bang may nagtutulak sa kaniya na hanapin ito. Gusto niya itong makita. Sa halip ay pumikit siya at ipinilig ang kanyang ulo. Pinilit niyang itinuon ang kanyang atensyon sa babaeng nasa harap niya. Sinubukan niyang hawakan ang dibdib nito ngunit hindi man lang tumigas ang sandata niya.“Bakit hindi mo subukang isubo ito para tumigas?” tanong niya at tukoy niy sa kanyang sandata na natutulog pa hanggang sa mga oras na iyon.Tumitig sa kaniya ang babae. “Kadalasan sa mga lalaki ay nalilibugan na kapag nakakita sila ng s*so., pero ikaw…”“Magkakaiba kami.” bored na sagot niya.“Magkakaiba ba talaga?” tanong nito ulit.Pumikit siya ng mariin. “Siguro. Iba iba naman kami ng mata. Kung sa kanila mukha kang masarap sa akin parang wala kang lasa.” sabi niya rito.“Sigurado ka ba na ito ang gusto mong gawin
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 72

MARAHIL DAHIL sa matinding pagod sa byahe ay nakatulog si Asha. nang magising siya ay ang cellphone niya ang unang hinanap niya kaya lang ay nakita niya na lowbat na pala ito kaya dali-dali niya pang hinanap ang kanyang charger. Kaya lang ay hindi niya ito mahanap kahit na saan niyang bag. Maging sa maleta niya ay wala rin ito, hindi kaya nakalimutan niya itong dalhin? Kahapon ay marami pa naman itong baterya pero ngayon ay lowbat na? Hindi naman niya ito nagamit kahapon masyado.Ilang sandali pa ay nagkibit balikat na lang siya. Wala rin naman siyang paggagamitan ng kanyang cellphone isa pa ay wala naman siyang inaasahan na tatawag sa kaniya. Idagdag pa na nagbabalak din siya na mag-break muna sa paggamit ng social media dahil pakiramdam niya ay drain na drain siya.Dali-dali na nga siyang bumangon pagkatapos at nagtungo sa banyo upang maligo. Kahapon pa siya dumating doon ngunit ni hindi niya man lang nagawang magpalit ng damit sa kanyang matinding pagod. Nang matapos siyang maligo
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 73

PAGKALABAS NIYA SA silid ng matanda ay bumaba siya ngunit nagdadalawang isip pa rin siya kung lalabas ba siya o hindi. Biglang pumasok sa kanyang isip ang charger ng cellphone niya dahil nang malaman niya nalaman na ni Lawrence ang pagbawi ni Don Lucio sa pagpapakasal nila ay para bang bigla niyang gustong buksan ang kanyang cellphone.Pagbaba niya ay nakasalubong niya ang isa sa mga tauhan ni Don Lucio na kasama rin nitong pumunta doon. “Ah, Kuya may alam ka bang nagtitiinda ng charger dito lang sa malapit?” tanong niya rito.Tumango naman ito sa kaniya. “Oo diyan lang.” sabi nito. “Kailangan mo ba? Ako na lang ang bibili para sayo.” Agad naman siyang ngumiti rito at tumango. “Salamat po.” sabi niya at ibinilin na rito kung anong charger ba ang kailangan niya. Mainam na rin iyon na ito na ang bibili para sa kaniya dahil baka nga mamaya ay maligaw lang siya.Umalis na ito kaya kumain na lang muna siya. Eksaktong matapos niyang hugasan ang kanyang pinagkainan ay dumating na ito at ina
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 74

NAPUNO SIYA ng pagkabalisa. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya na kagatin ang kanyang kuko ng mga oras na iyon. Natatakot siya. Natatakot siya na baka pumunta nga doon si Lawrence at parusahan pa siya ng mas matindi kaysa noong magkasama pa sila. Idagdag pa na tiyak na hindi niya ito kayang tiiisin lalo na at mahal na mahal niya pa ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at dali-daling lumabas ng kanyang silid at muling nagpunta sa silid ni Don Lucio.Pagkarating niya roon ay agad siyang kumatok bago nagsalita. “Tulog na po ba kayo sir? Pwede po ba akong pumasok?” magalang na tanong niya rito.Mula sa loob ay narinig niya naman ang mahinang tinig nito. “Pasok ka hija.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ay agad na itong nangtanong sa kaniya. “Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong nito sa kaniya. Hindi niya akal
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 75

HINILA NIYA ang knaiyang kamay mula sa pagkakahawak nito at malamig na tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. “Lumabas ka.” malamig na utos niya rito.“Pero… may dugo ang kamay mo. kailangan na magamot yan. Nag-aalala lang ako sayo kaya sana ay huwag mo akong itaboy.” may himig ng lungkot na sabi nito at muling sinubukan na hawakan ang kanyang kamay ngunit mabilis niya itong iwinaksi at galit na napatitig dito.“Hindi mo ba ako narinig?!” galit niyang sigaw. “Ang sabi ko ay lumabas ka! Hindi kita kailangan!” ang kanyang paghinga ay naging marahas dahil sa galit. Hindi niya alam ngunit unti-unti na namang tumitindi ang galit na nararamdaman niya.Sa halip na matakot ay tumitig lang si Nadia sa kaniya. “Gusto mo bang tulungan kita para mas maging maganda ang mood mo?” malanding tanong nito at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya ng matamis. Hindi nagtagal ay lumuhod ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Malamig niya lang itong tiningna. “Wala ako sa mood.” malamig na sabi niya rito.“Akong b
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 76

NANG MAGISING SI Asha kinabukasan ay hindi siya nangahas na pulutin ang kanyang cellphone at tingnan ito dahil natatakot siya. Malamang sa malamang ay wala siyang ibang makikita roon kundi ang mga pagbabanta sa kaniya ni Lawrence.Dali-dali siyang nagbihis at bumaba. Pagkababa niya ay agad siyang kumain at inihatid sa silid si Don Lucio. Tinulungan niya ang nurse nito na pakainin ito at painumin ng gamot bago muling magpahinga. Pagkatapos nito ay lumabas siya sa labas ng bahay para sumagap ng sariwang hangin.Lumabas siya sa may garden. Patitingin-tingin siya sa mga bulaklak nang bigla na lang may pumaradang mamahaling sasakyan sa tapat ng gate. Nung una ay hindi niya ito pinansin kaya lang habang tumatagal ay doon na niya napansin na tinatawag na pala ng may-ari ng sasakyan ang kanyang pangalan. Nang lingunin niya na ito ay doon niya nakita si Adam na nakatayo sa labas ng sasakyan. “Asha…” nakangiting tawag nito sa kaniya.“Adam…” sagot niya naman at hindi niya alam ngunit nang makit
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 77

PAGKATAPOS NILANG KUMAIN ay naglalakad-lakad sila. Binalingan siya nito. “Gusto mo bang mag-picture?” tanong nito sa kaniya.Ngumiti siya ng bahagya. “Ah, hindi ko dala ang cellphone ko.” sabi niya rito.Itinaas naman nito ang cellphone na hawak nito. “Ito na muna ang gamitin mo sa pag picture.” sabi nito na ikinatango niya lang naman.Sa paligid ay napakaraming tao. Malamang na ang iba ay mga turista lang din kagaya nila dahil may mga ibat-ibang lahi siyang nakikita. Tahimik siyang tumayo sa isang gilid at nagpakuha ng ilang litrato ngunit pagkalipas lang ng ilang sandali ay bigla na siyang nailang. Paano ba naman ang mga taong nasa paligid nila ay nakatitig sa kaniya kaya sino ba naman ang hindi maiilang bigla.Pagkatapos nito ay inaya na niya si Adam na bumalik na lang sa sasakyan. Dinala siya ni Adam sa isang lugar na hindi ganun karami ang tao at talagang nag-enjoy siya. Nagkwentuhan sila nito tungkol sa ilang mga bagay hanggang sa hindi niya namamalayan na hapon na pala. Muli a
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 78

NAPAHIGPIT ANG hawak niya sa kanyang baso bago niya ito tuluyang inubos at pagkatapos ay malakas na ibinagsak ang baso. Mas tumindi pa ang sakit ng kaniyag dibdib dahil sa katangahan niya. Ngayon lang niya naiisip ang labis na katangahan niya noon. Sino ba naman ang may matinong utak na payagan ang lalaking gamitin siya ng paulit-ulit kahit na mahal niya ito kung wala naman itong ibang nararamdaman sa kaniya kundi pagkamuhi. Sobrang nagsisisi siya, pero kahit na ano pang pagsisisi niya ngayon ay hindi na niya maibabalik pa iyon.Ang magagawa na lang niya ay ang matuto mula sa pagkakamali niya. Ayaw niya nang bumalik pa sa pagiging siya noon. “Oorder pa ako ng isa pang baso.” baling niya kay Adam.Napuno naman ng pag-aalala ang mukha ni Adam. “Teka Asha, pasensya ka na. Mali ang mga—”“Hindi. Tama ka.” putol niya rito at binalingan ang bartender at muling umorder ng isa pang baso.Hindi na nagsalita pa si Adam sa tabi niya. Nang ibigay ang kanyang order ay muli niya itong ininom na par
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 79

HINDI NIYA ito hinahamon lang at hindi niya ito sinasabi dala ng pagiging sarkastiko kundi sinasabi niya iyon dahil punong-puno na rin siya rito. Hindi niya pwedeng hayaan na kontrolin lang siya nito dahil sa totoo lang ay masakit para sa kaniya na hindi man lang nito alam na pagsisihan ang mga ginawa nito sa kanya. Kung ang saktan talaga siya ang makakapagpaligaya rito ay hindi niya ito kayang pigilan.“Sinabi ko na sayo na huwag mo akong hamunin.” muling sabi nito sa kaniya.“Hindi kita hinahamon.” matigas na sagot niya rito. “Pagod na pagod na ako sa totoo lang. Kahit naman anong gawin ko ay hindi pa rin nagiging sapat sayo kaya sige. Gawin mo.” sabi niya rito. “Alam ko naman na wala ka talagang pakialam sa akin.”Alam niya na pauulit-ulit siya nitong tinatanong para pag-isipan niyang mabuti ang magiging sagot niya pero buo na ang loob niya. Wala talaga siyang balak na umuwi ng Pilipinas katulad ng gusto nito. Kailangan niyang isalba ang sarili niya mula rito. Kailangan niyang maka
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 80

NAMUMUGTO ANG MGA mata ni Asha paggising niya kinabukasan. Idagdag pa na sumasakit din ang kanyang ulo dahil hindi siya nakatulog nga maayos kagabi dahil sa dami ng iniisip niya. Sa katunayan nga ay halos umaga na yata nang makatulog siya kaya mataas na ang sikat nang araw ng magising siya. Habang nakahiga siya ay bigla na lang siyang napahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Napapikit siya ng mariin, sana lang ay hindi itinuloy ni Lawrence ang banta nito.Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lang at medyo nakainom siya kagabi kaya mayroon siyang lakas ng loob na sabihin ang mga iyon kay LAwrence pero kung hindi siguro siya lasing ay baka natameme na lang na naman siya.Ilang sandali pa ay bumangon na rin siya pagkatapos ay nagbihis bago tuluyang bumaba. Dumiretso siya sa kusina kung saan ay nakita niyang nakaupo sa harap ng hapag kainan si Don Lucio ngunit kitang-kita niya ang matigas na ekspresyon sa mukha nito dahilan
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status