HINDI NIYA ito hinahamon lang at hindi niya ito sinasabi dala ng pagiging sarkastiko kundi sinasabi niya iyon dahil punong-puno na rin siya rito. Hindi niya pwedeng hayaan na kontrolin lang siya nito dahil sa totoo lang ay masakit para sa kaniya na hindi man lang nito alam na pagsisihan ang mga ginawa nito sa kanya. Kung ang saktan talaga siya ang makakapagpaligaya rito ay hindi niya ito kayang pigilan.“Sinabi ko na sayo na huwag mo akong hamunin.” muling sabi nito sa kaniya.“Hindi kita hinahamon.” matigas na sagot niya rito. “Pagod na pagod na ako sa totoo lang. Kahit naman anong gawin ko ay hindi pa rin nagiging sapat sayo kaya sige. Gawin mo.” sabi niya rito. “Alam ko naman na wala ka talagang pakialam sa akin.”Alam niya na pauulit-ulit siya nitong tinatanong para pag-isipan niyang mabuti ang magiging sagot niya pero buo na ang loob niya. Wala talaga siyang balak na umuwi ng Pilipinas katulad ng gusto nito. Kailangan niyang isalba ang sarili niya mula rito. Kailangan niyang maka
NAMUMUGTO ANG MGA mata ni Asha paggising niya kinabukasan. Idagdag pa na sumasakit din ang kanyang ulo dahil hindi siya nakatulog nga maayos kagabi dahil sa dami ng iniisip niya. Sa katunayan nga ay halos umaga na yata nang makatulog siya kaya mataas na ang sikat nang araw ng magising siya. Habang nakahiga siya ay bigla na lang siyang napahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Napapikit siya ng mariin, sana lang ay hindi itinuloy ni Lawrence ang banta nito.Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lang at medyo nakainom siya kagabi kaya mayroon siyang lakas ng loob na sabihin ang mga iyon kay LAwrence pero kung hindi siguro siya lasing ay baka natameme na lang na naman siya.Ilang sandali pa ay bumangon na rin siya pagkatapos ay nagbihis bago tuluyang bumaba. Dumiretso siya sa kusina kung saan ay nakita niyang nakaupo sa harap ng hapag kainan si Don Lucio ngunit kitang-kita niya ang matigas na ekspresyon sa mukha nito dahilan
SINABI NIYA ang lahat sa matanda hindi dahil para makuha niya ang simpatya nito kundi dahil ayaw niya talagang magpakasal kay Lawrence. Ang pagpapakasal dito ay para na rin siyang inihukay mismo ang isa niyang paa dahil alam niya na ginagawa lang nito iyon para paghigantihan siya. Kahit na anong sabihin niya pa rito ay hindi ito makikinig dahil may sarili itong isip. Wala itong pinapakinggan kundi ang sarili lang nito.Oo, mahal niya pa rin ito pero sinasabi ng utak niya ng paulit-ulit na tama na. Na dapat na niyang itigil ang kahibangan niya dahil sobra na. Kailangan niya nang lumayo rito para hindi na siya masaktan pa. Handa rin naman siyang kalimutan ito kaya ginagawa niya rin ang lahat para lang makaiwas dito.Nang masabi niya rito ang lahat ng pinagdaanan niya sa kamay ni Lawrence ay yumuko siya mula sa kanyang kinuupuan at tumahimik lalo na nang makita niya kung gaano kaseryoso ang ekspresyon nito. Hindi na siya naglakas loob pa na magsalita. “Kung alam ko lang na magiging ganun
TAHIMIK NA nagmaneho si Adam at hindi nagtagal ay tumigil na ito sa isang tindahan ng mga damit. Magkasama silang pumasok sa loob at nag-ikot ikot. Habang namimili siya ng mga damit ay hindi niya maiwasang mapansin ang kakaibang mga titig nito sa kaniya dahilan para hindi na niya mapigilan pa ang sarili niya at tinanong na niya ito. “Parang kanina mo pa ako tinitingnan may problema ba?” nagtatakang tanong niya rito.Umiling ito sa kanya. “Nagulat lang ako dahil ang mga damit na pinipili mo ay parang medyo sexy sila sa paningin ko.” sagot nito sa kaniya. “Sigurado ka bang bibilhin mo ang mga yan?” tanong pa nitong muli sa kanya. “Sa tingin ko kasi ay hindi ka naman nagdadamit ng ganyan hindi ba?”Muli niyang itinutok ang tingin sa damit na hawak niya. “Oo. gusto ko kasing sumubok ng bagong design. I mean yung uso ba, baka sakaling bagay ko.” sabi niya rito.Tumango-tango na lang naman si Adam at pagkatapos ay nagpunta na sa counter. Nang akmang ilalabas na niya ang kanyang card ay naun
KINABUKASAN PAGKAGING na pagkagising ni Lawrence, dahil sa wala naman siyang pasok sa opisina dahil weekends ay agad siyang naligo at nagbihis. Gagawa siya ng paraan para mawala sa isip niya ang babaeng iyon. Hindi niya ito dapat pinag-aaksayahan ng oras na isipin kaya pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya para bumili ng mga kakailanganin niya dahil mag-oorganisa siya ng isang maliit na party sa mansyon sa may pool area.Hindi lang ito basta normal lang na party dahil nag-imbita siya ng mga magagandang babae dahil gusto niyang ipamukha sa babaeng iyon na hindi lang ito ang babae sa mundo. Napakarami pa na mas higit na maganda at sexy sa kaniya. Idagdag pa na sa party na iyon ay ibinilin niya na dapat ay mga bikini ang suot since isa iyong pool party.Sa katunayan nga ay pumasok pa sa isip niya na tawagan ang mga kaibigan niya para samahan ang mga ito ngunit naisip niya na baka kapag nakita ng mga ito ang ginagawa niya ay baka isipin ng mga ito na nababaliw na siya. Siya lang ang
AGAD NA NANLAKI ang mga mata ni Lawrence nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Hindi niya makapaniwalang napatingin dito. “Sobra naman yata yan Dad.” gulat na bulalas niya.“Sobra?” natawa ito ngunit ang mga mata nito ay nag-aapoy pa rin sa galit ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kaniya. “Kulang pa yan sa mga ginawa mo.” “Dad, huminahon muna kayo. Huwag kayong magpadalos-dalos ng desisyon ninyo and isa pa, para yun lang? Kailangan niyo ba talagang gawin sa akin ito?” hindi rin makapaniwalang tanong niya rito.Pumalatak ito. “Para yun lang? Do you really think na ganun lang iyon ha? Alam mo ba kung gaanong sakit ang idinulot mo sa kaniya?” malamig na tanong nito sa kaniya.Hindi siya nagsalita dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. “Bakit ba napakasama ng pakikitungo mo kay Asha? Yan ba ang itinuro ko sayo? Hindi naman kita tinuruan na maging ganun pagdating sa kaniya hindi ba?” tanong pa nito ulit sa kaniya.Sa puntong iyon ay halos hindi na niya nakaya
AGAD SIYANG dumiretso sa club pagkaalis niya sa kanilang bahay. Gusto niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak para pakalmahin ang kanyang sarili. Agad siyang nag-order ng alak at nang dumating iyon ay dali-dali siyang uminom kaya lang ang problema, habang umiinom siya ay si Asha pa rin ang naiisip niya.Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-isip kung ano ang una niyang dapat gawin pagbalik nito sa bansa. Kailangan niyang turuan ito ng lesyon syempre dahil sa pagmamatigas nito sa kaniya. Doon niya inubos ang kanyang hanggang sa gumabi kaya lang ay hindi naman siya nalasing idagdag pa na naboboring siya dahil wala naman siyang makausap. Ayaw niya namang mag-table ng babae dahil wala naman siyang interes sa iba sa ngayon.Tinawagan niya si Colt. “bakit mo na naman ako tinatawagan? Dis-oras na ng gabi.” sabi nito sa kaniya na ikinapikit niya lang. Maka dis-oras naman ito ng gabi wagas samantalang alas otso pa lang ng gabi.Napasandal siya sa kanyang kinauupuan. “Naiinip ako. Why don’t yo
HINDI MAIWASANG isipin ni Asha si Don Lucio. Pagkatapos kasi nilang mag-usap ay agad itong umuwi ng bansa para kausapin si Lawrence. Sa totoo lang ay hindi na siya makapaghintay pa na lamang kung ano na ang nangyayari doon ngayon hindi dahil sa nag-aalala siya kay Lawrence kundi gusto niyang malaman kung anong parusa kaya ang ipinataw ni Don Lucio rito. Sana rin sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang tigilan ni Lawrence lalo pa ay sobrang nasaktan siya dahil sa video na na kinuha nito.Tumayo siya mula sa kama at naglakad patungo sa may salamin. Tiningnan niya ang sariling repleksyon kung saan ay halos hindi na niya ito pa makilala. Naglagay kasi siya ng make up at ang kanyang damit ay medyo may pagka-sexy kung saan ay halos lumuwa na ang dibdib niya sa suot niya.Bigla kasi niyang naisip na lumabas ng mag-isa at pumunta sa isang bar kasabay ng pag-aayos niya ng ganun at pagsusuot ng damit na katulad nito. Katulad ng mga babaeng lumalabas tuwing gabi. Kadalasan kapag pupunta siya s
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo rin ang mga nangyari sa pagitan natin.” sabi nito sa kaniya.Agad na napakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sinabi nito. “Kung ang tinutukoy mo ay ang mapipilit mo sa akin at dahil sa ginawa mo akong parausan ay hindi ako masaya at hinding-hindi ako naging masaya. Hindi mo naaalala yung mga sinabi ko sayo? Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa bagay na nayuyurakan ang pagkatao ko?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Para bang nag-iisip ito o kung natamaan man lang ba ito sa mga sinabi niya, ngunit syempre ay napaka-imposibleng mangyari ng bagay na iyon dahil ang mga taong katulad ni Lawrence ay masyadong walang puso at hinding-hindi maa
HINDI NA NIYA mahintay pa ang araw na aalis si Lawrence at pupunta ng Taiwan. Kapag umalis ito ay paniguradong magiging malaya na siya at magiging tahimik na ang buhay niya. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kanyang likod kung saan ay nakita niya na paalis na ang kotse ni Lawrence dahilan para mapabuntong-hininga na lang siya.Tahimik siyang naglakad papasok ng campus at pagkatapos ay dali-daling hinubad ang coat na ipinasuot sa kanya ni Lawrence. Sa tingin ba talaga nito ay susundin niya ang utos nito sa kaniya? Nagbago na siya. Hindi na siya yung dating ASha na kilala nito.“Uyy…” napahawak siya sa kanyang dibdib sa matinding gulat nang bigla na lang sumulpot si Lester sa kung saan.“Aatakihin naman ako sa puso sayo.” sabi niya at naghahabol ng paghinga.Napakamot naman ito kaagad sa ulo nito at bahagyang ngumiti sa kaniya. “Sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka.” sabi nito sa kaniya.Tiningnan niya ito. “Wala ka bang klase?” tanong niya rito. Hindi niya kasi ito kaklase sa iba
NAPATIGIL SIYA SA PAGSASANDOK nang marinig niya ang mga yabag na tumigil hindi kalayuan sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Lawrence na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya habang salubong na salubong ang mga kilay. “Ano yan? Papasok ka ba talaga sa paaralan o mang-aakit lang ng mga lalaki?” puno ng panunuyang tanong nito sa kaniya.Tumaas naman ang sulok ng labi niya. Sa halip na maapektuhan sa sinabi nito ay tinaasan niya ito ng kanyang kila. “E ano naman kung may balak akong mang-akit sa paaralan? Masama ba?” walang pake na tanong niya rito.Naging matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Balak mo ba talaga na i-provoke ako?” malamig na tanong nito sa kanya.“Hindi naman. Ano ba kasing pakialam mo sa pananamit ko?” kaswal na tanong niya rito. Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong nito. Sa halip ay mas lalo pang gumuhit ang galit sa mukha nito.Napakuyom ang mga kamay nito. “Wala akong pakialam! Magpalit ka ng damit mo!” biglang sigaw nito sa kaniya na umalin
NAGLAKAD SIYA PAPALAYO roon nang hindi lumilingon. Ang katulad nitong adik na adik sa s3x ay dapat lang na mangyari iyon sa kaniya. Mas mainam pa nga kung mabugbog ang partying iyon ng katawan niya upang tuluyan niya nang hindi magamit pa. Naglakad siya pabalik patungo sa dalawa. Umupo siya sa tabi ni Adam na para bang walang nangyari bago niya inilibot ang kanyang paningin at nagtanong. “Saan nagpunta si Lawrence?” tanong niya na para bang hindi niya alam kung nasaan ito para lang mapagkatakpan na sumunod ito sa kaniya.Nagkibit-balikat lang naman si Adam at maging si Luke. “ewan, bigla na lang siyang umalis e. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta.” parehong sagot ng mga ito.Iginala niya ang paningin sa kanyang paligid nang mapansin niya na wala an ang mga babae kanina. Kumunot ang noo niya nang magtanong. “Nasaan na ang mga babaeng iyon kanina?”“Pinuwi ko na.” sagot ni Luke at biglang tumingin ito sa kaniya. Ang mga titig nito ay para bang may kakaiba dahilan para mag-iwas siy
NAGULAT SIYA NANG bigla na lang may humawak sa kanyang braso at itinulak siya papasok ng banyo bago pa man siya makapasok sa loob. Nang makita niya ito ay agad na napakunot ang kanyang noo. “Ba-bakit ka pumasok dito?” gulat na tanong niya rito. Hindi niya akalain na susundan siya nito.“Bakit mo sinabi ang mga iyon ha? Ano bang gusto mong patunayan?” galit na tanong nito sa kaniya.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Adam kanina?” tanong nito sa kaniya.“Ano naman ngayon? Anong pakialam ko ngayon doon?” walang emosyon na tanong niya rito. Sinalubong niya ang mga mata nito ng walang katakot-takot.“Talaga bang sinusubukan mo ako ha? Ayaw mo bang patunayan o subukan man lang kung totoo nga yung sinabi niya kanina?” nanghahamong tanong nito sa kaniya.“Hindi ako interesado. Lumabas ka na rito.” malamig na sabi niya rito pero nakatayo pa rin doon si Lawrence at walang kagalaw-galaw. Nakatingin lang ito sa kaniya.Nagulat siya nang bigla na lang nitong ipinulupot ang kamay nito sa beywang n
BAHAGYA itong natawa dahil sa sinabi niya at tumitig sa kaniya. “Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay na bumalik ka? Sa tingin mo ba talaga ay ganun-ganun lang iyon?” may nakakatakot na ngiti sa mga labi nito.“Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa akin ito ha? Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi na ako ulit magpapauto sayo!” inis na bulalas niya.Mas lalo pa naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa kaniya bago nagsalita sa mahinang boses. “Huwag ka ng magmatigas pa kung ako sayo. Nakikipag-usap ako sayo ng matiwasay kaya huwag mo sana akong galitin. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kahit pa anong gawin mo ay hinding-hindi kita bibitawan, hindi mo pa rin ba iyon naiintindihan?” tanong nito sa kaniya.Hindi na lang siya sumagot. Kaysa makipagtalo pa siya rito ay pinili na lang niyang tumalikod at naglakad palayo mula dito. Pero habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niyang nakasunod ito ng tingin sa kaniya. Kung ganito at ganito ang ga
NGUMITI ITO SA kaniya pagkalipas ng ilang sandali. “Kahit na ano pa ang gusto mong isuot ay hindi kita pipigilan hija lalo pa at kung iyon naman ang ikakasaya mo.” sabi nito at ngumiti ng matamis sa kaniya. “Masaya ako na nakabalik ka na rito.” dagdag pa nito.Ngumiti lang din naman siya rito at pagkatapos ay para bang bigla itong may naalala. “Ay siya nga pala, naghanda si sir Lawrence ng isang welcome party para sayo kanina pang umaga. Halika tingnan mo.” excited na sabi nito sa kaniya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Si Lawrence po?” hindi makapaniwala niyang tanong.Nilingon siya nito at mas lumawak pa ang pagkakangiti. “Oo naku, nung nalaman niya na uuwi ka ay naghanda na siya kaagad ng welcome party para sayo. Nakakatuwa nga e.” masayang sabi nito sa kaniya.Napaawang na lang ang labi ni Asha nang marinig niya ang sinabi ni Manang Selya. Marahil ay hindi iniisip ni Manang Selya na walang kakaiba kay Lawrence kaya ginawa nito iyon ngunit siya sa sarili niya alam niya na may b
MATULIN NA LUMIPAS ang araw at dumating na nga ang takdang oras ng pagbalik niya sa bansa. Inihanda na niya ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay malungkot na iginala ang kanyang tingin sa loob ng silid. Nalulungkot siyang umalis dahil ayaw niya pa sana talagang umalis ngunit kailangan na. Nagulat na lang siya nang bigla na lang may nagsalita mula sa pinto. “Tapos ka na bang mag-ayos? Baka mahuli ka sa flight mo.”Nang lumingon siya sa pinto ay nakita niya si Don Lucio na nakatayo doon. Nag-presinta ito na ihatid siya sa airport kaya lang ay tumanggi siya dahil alam niya na kailangan nitong magpahinga. Sinabi na lang niya na sabay sila ni Lester na babalik kaya hindi na siya nito dapat pang ihatid pa.Ngumiti siya rito. “Tapos na po.” may halong lungkot na sabi niya. Hindi pa man siya nakakaalis ay nalulungkot na siya. Paano na lang kung nandoon na siya? Hindi kaya siya manibago?“Ah, tungkol nga pala sa pakiusap mo. ipagbibilin ko sa mga tauhan ko na hanapan ka ng maayos na condo.”
PAG-UWI NI Asha ay tinitigan niya ang mga maleta niyang nakahanda na sa gilid ng kama. Napaupo na lang siya ng wala sa oras at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Malapit na naman siyang bumalik ng bansa at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang umuwi muna. Kaso ay hindi pwede.Yung nandito na nga siya sa malayo ay nagagawa pa rin ni Lawrence na gumawa ng paraan para lang mapahirapan siya at talagang hindi siya nito tinigilan sa mga banta nito sa kaniya at kung babalik siya ng bansa, ano na lang ang naghihintay sa kaniya kung sakali lalo na at naroon pa rin ito? Ayaw niya sana itong makita o ni makasalamuha na ngunit kapag iniwasan niya naman ito ay baka sabihin nito na natatakot siya. Napakuyom ang kanyang mga kamay, hindi na siya papayag pa na yurakan pa nitong muli ang pagkatao niya.~~~~MAKALIPAS ANG isang linggo, umupo si Asha sa may kama at isa-isa nang isinisilid sa kanyang maleta ang mga damit niya. Mabigat ang loob niya habang inaayos ang damit niya da