All Chapters of ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE: Chapter 61 - Chapter 70

114 Chapters

Chapter 61

TUMITIG LANG din ito sa kanyang mga mata bago nagsalita. “Gusto ko lang malaman.” simpleng sagot nito sa kaniya.“Bakit?” muli niyang tanong dito. Hindi siya naniniwala na basta-basta na lang papasok si LAwrence sa kanyang kwarto para lang itanong ang bagay na iyon. Isa pa, malayo sa interes nito para alamin pa nito kung kailan siya aalis. Tiyak na mas may malalim itong dahilan kung bakit ito pumasok sa silid niya. Dahil ba mawawalan na ito ng parausan?“Bakit?” balik nitong tanong sa kaniya. “Wala ba akong karapatang malaman? Anong klaseng tao ba ang pag-aakala mo sa akin?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya.Tumitig siya sa mga mata nito at hindi nag-iwas ng tingin. “Isang masamang tao.” matapang niyang sagot dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at puno ng pagmamayabang na nakatingin sa kaniya. “Kahit na gaano pa ako kasama ay alam kong mahal na mahal mo pa rin ako.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lang siya nagsalita dahil ano pa sana ang sasabihin niya sa sinabi nito?Nagulat na lang
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 62

ILANG SANDALI pa nga ay narinig niya ang malamig na tinig nito. “Ganyan ka ba talaga ka-desididong makalayo sa akin?” medyo hindi nasisiyahan ang tono nitong tanong sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi magtaka ng mga oras na iyon dahil dito. Hindi ba at siya ang nag-utos mismo sa kaniya na gawin niya iyon? Bakit parang hindi pa ito masaya sa kabila ng lahat?Napakagat-labi siya. “Ayoko sanang umalis pero pinipilit mo akong umalis dahil sa mga ginagawa mo.” kaagad na sagot niya rito.Nang mga oras na iyon ay halos wala na siyang natitirang saplot sa kanyang katawan dahil tuluyan na niyang nahubad lahat. Nakita niyang sinuyod nito ng tingin ang buo niyang katawan na tumagal din ng ilang minuto. Nakatitig lang din siya rito dahil sa kawalang magawa niya. “Ano? Tatayo ka na lang ba riyan?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Napakagat-labi na lang siya nang marinig niya ang mga sinabi nito bago dahan-dahang naglakad patungo rito habang nanginginig ang
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 63

MABILIS NA lumipas ang dalawang araw at iyon na ang araw na aalis na siya. Nitong mga nakalipas na araw, kahit papano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya lalo pa at sa dalawang araw na iyon ay hindi niya nakita si Lawrence. Paglabas niya sa kusina habang dala ang kanyang maleta ay nakita niya si Manang Selya. “Hay, ngayon pa lang hija ay nalulungkot na ako.” sabi sa kaniya nito habang nakasunod nito sa kaniya na naglalakad.Tumigil naman siya at nilingon ito. “Tatlong buwan lang naman po akong mawawala.” sabi niya rito.Malungkot na ngumiti ito sa kaniya. “Matagal din ang tatlong buwan, ano ka ba hija.” sabi nito sa kaniya sa malungkot na tinig at para bang iiyak na ito.“Huwag po kayong mag-alala dahil palagi ko po kayong tatawagan.” sabi niya at pagkatapos ay lumapit dito upang yakapin ito. Niyakap din naman siya nito pabalik.Nang bitawan siya nito ay hinawakan nito ang kanyang kamay at nagsalita. “Nandiyan si sir Lawrence at mukhang ihahatid ka yata niya.” sabi nito sa kaniya.Aw
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 64

NAGULAT SIYA nang bigla na lang nitong hinawakan ang kanyang mukha at pilit siya nitong pinatingin sa mukha nito. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na para bang may nasabi na naman siyang hindi maganda. Nag-aapoy kasi sa matinding galit ang mga mata nito. “Ang lakas naman ng loob mo? Talaga ba huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.“Kung ganun ay ano ba ang gusto mong isagot ko sa tanong mo?” balik niyang tanong dito. “Na tama ka?” titig na titig sa mga mata nitong tanong niya rito. Hindi niya na maintindihan pa ang gusto nito. Sinubukan niyang hindi pansinin ang mga pasaring nito sa kaniya kaya lang ay patuloy ito sa pagsasalita kahit na ayaw na sana niyang patulan pa ito. Idagdag pa na naiinis ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan.Natahimik naman ito bigla dahil sa kanyang sinabi at hindi sumagot. Ang mga mata nito ay bumaba sa kanyang mga labi at ilang segundo na tumagal doon. Napalunok siya at nakita niya ring napalunok ito idagdag pa na nagtaas baba ang adams appl
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 65

NAPAKAGAT-labi na lamang siya at napatahimik ng wala sa oras. Mabilis na lumilipas ang oras at paano na lang kung mahuli siya sa flight niya? Tahimik nilang ipinagpatuloy ang kanilang pagbibihis ng walang nagsasalita sa pagitan nilang dalawa. Ang pinaka-inaalala niya ay ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa mansyon, bakit napakagatal nila doon. Halos kalahating oras na sila roon kung tutuusin. Mamaya ay maghinala ang mga ito.Idagdag pa na lalabas ito para maligo. Ano na lang ang iisipin nila pag nagkataon? Nang matapos itong magbihis ay malamig siya nitong sinulyapan. “Pag bumalik ako rito at wala ka, susundan kita kahit pa saang bansa para parusahan.” banta nito sa kaniya na para bang nabasa nito ang iniisip niya. Naisip niya kasi na takasan ito. Hahanapin niya na lang sa loob ng kotse nito ang passport niya tiyak na nandoon lang ito sa loob.Natahimik na lang siya at napalunok. Hindi siya sumagot sa banta nito. “Alam mo namang kaya kong gawin ang sinasabi ko hindi ba? Kaya huwag
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 66

HABANG HINIHINTAY nila ang kanilang order ay nagkaroon sila bigla ng isang malaking problema. Paano ba naman ay bigla na lang may tumabi kay Lawrence na isang magandang babae at umakbay ito rito pagkatapos ay halos idikit na nito ang katawan kay Lawrence.“Lawrence! Alam mo bang miss na miss na kita?” malambing na sabi nito kay Lawrence at ibinalot nito ang kamay sa braso nito. Tulala at gulat siyang napatingin sa babae at pinanuod niya lang kung paano ito lumingkis kay Lawrence.Hindi niya alam ngunit bigla na lang niyang naramdaman ang paninikip bigla ng kanyang dibdib na para bang may pumipiga sa kanyang puso habang may katabing isang napakagandang babae si Lawrence na kung saan ay talagang kitang-kita niya pa talaga. Agad siyang nag-iwas ng tingin upang hindi niya makita ang masakit na eksena sa harap niya.NILINGON ni Nadia ang babaeng kasama ni Lawrence sa mesa bago muling ibinalik kay Lawrence ang tingin. “Sino yang kasama mo?” tanong niya kaagad dito. “Naiinip ka na ba sa akin
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 67

TINITIGAN niya ang mukha nito. “E ano?” tanong niya rito.“Tama ka, gusto kong araw-araw ay magdusa ka, pero hindi ko sinabing hindi kita papaalisin. Umalis ka hanggang gusto mo dahil ayaw din naman kitang nakikita.” bulong nito sa kaniya na may ngiti pa sa mga labi nito na para bang napakasayang bagay ng sinabi nito sa kaniya.Pinagmasdan niya ang mukha nito habang sobrang kumikirot ang puso niya. Ano nga ba ang inaasahan niya pagdating dito. Gusto niyang matawa sa sarili niya dahil sa umasa siya dito. Masyado naman na siyang tanga pagdating dito. Palagi na lang nitong sinasaktan ang loob niya pero heto siya at nagpapakatanga pa rin dito. Hanggang kailan ba titibok ang puso niya para sa lalaking walang puso na ito? Hanggang kailan ba siya magpapaka-gaga rito? Kung pwede niya lang iuntog ang ulo niya para matauhan dito ay baka ginawa na niya kaso alam niyang imposible iyon.“Asha, palagi mo sanang tatandaan ang mga iyon.” sabi pa nitong muli sa kaniya. Napakuyom na lamang ang kanyang
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 68

AGAD NA nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa naging tanong bigla ni Adam sa kaniya. “Ah, hindi no.” kaagad na sagot niya rito. “Bakit naman sana ako matatakot sa kaniya?” dagdag pa niyang tanong.“Kung ganun na pala ay tara na. Kailangan na nating sumakay sa eroplano.” sabi nito sa kaniya.Matagal na niyang kilala si Adam kaya tiwala naman siya rito. Sa tingin niya naman kasi ay mas di hamak naman itong mas mabait kaysa kay Lawrence. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin na kung sana ay ganun lang kabait sa kaniya si Lawrence ay wala sana silang problema. Inalalayan nito paakyat ng eroplano.Hindi na siya nagulat na sa isang pribadong eroplano sasakay si Adam dahil alam niya naman na kagaya nila Lawrence ay mayaman din ito. Idagdag pa na sa pagkakaalam niya ay marunong itong magpalipad ng eroplano kaya hindi niya maiwasang isipin din na napaka-cool nito sa part na iyon.Sinalubong sila ng ilang crew ng eroplano. Marahil ay mga tauhan ito ni Adam. Pagkatapos nga lang din ng ilang mi
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 69

NANG IMULAT ni Asha ang kanyang mga mata ay naramdaman niya ang bigat ng ulo niya kaya awtomatiko siyang napahawak dito. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga ngunit hindi siya tumayo mula sa kinahihigaan niya. Ilang oras na ba siyang nakatulog? At paano siya nakapunta sa lugar na iyon?Bigla niyang inalala ang mga nangyari kagabi at doon nga niya naalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Napahilamos siya gamit ang kanyang mga palad. Paano siya ngayon lalabas para harapin si Adam?Hindi niya akalain na gagawin nito iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na malalasing siya ng sobra dahil lang sa ilang basong alak. Ipinilig niya ang kanyang ulo para matanggal sa kanyang isip ang nangyari. Siguro ay dala na lang din ng alak kaya nito nagawa iyon. Hindi niya ito nakikita bilang isang lalaki kundi nakikita niya ito bilang kapatid dahil mabait naman ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay bigla na lang may kumatok sa pinto
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 70

INAYA NI LAWRENCE si Colt sa may bar para uminom dahil para naman mabawasan ang kanyang pagkabagot. Wala si Adam dahil sinabi nito sa kaniya na pupunta ito sa ibang bansa para sa ilang mahalagang bagay at mukhang matatagalan ito doon.Hindi niya alam pero parang naiirita siya ng mga oras na iyon kahit na wala namang dahilan. Binalingan siya ni Colt. “ano bang problema mo?” nagtatakang tanong nito, marahil ay dahil sa pag-aaya niyang mag-inom.“Wala, naiinip lang ako.” kaswal naman na sagot niya rito na totoo naman.“Gusto mo bang tumawag ako ng makakapagpawala ng inip mo?” nakangising tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Tiningnan naman niya ito ng ilang segundo at napaisip. Mukhang masaya iyon kaya dali-dali siyang tumango. “Sure.” mabilis na sagot niya at pagkatapos ay inubos ang alak na laman ng kanyang baso. Pagkababa niya sa kanyang baso ay bigla na lang niyang naramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon kaya dali-dali n
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status