NANG IMULAT ni Asha ang kanyang mga mata ay naramdaman niya ang bigat ng ulo niya kaya awtomatiko siyang napahawak dito. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga ngunit hindi siya tumayo mula sa kinahihigaan niya. Ilang oras na ba siyang nakatulog? At paano siya nakapunta sa lugar na iyon?Bigla niyang inalala ang mga nangyari kagabi at doon nga niya naalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Napahilamos siya gamit ang kanyang mga palad. Paano siya ngayon lalabas para harapin si Adam?Hindi niya akalain na gagawin nito iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na malalasing siya ng sobra dahil lang sa ilang basong alak. Ipinilig niya ang kanyang ulo para matanggal sa kanyang isip ang nangyari. Siguro ay dala na lang din ng alak kaya nito nagawa iyon. Hindi niya ito nakikita bilang isang lalaki kundi nakikita niya ito bilang kapatid dahil mabait naman ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay bigla na lang may kumatok sa pinto
INAYA NI LAWRENCE si Colt sa may bar para uminom dahil para naman mabawasan ang kanyang pagkabagot. Wala si Adam dahil sinabi nito sa kaniya na pupunta ito sa ibang bansa para sa ilang mahalagang bagay at mukhang matatagalan ito doon.Hindi niya alam pero parang naiirita siya ng mga oras na iyon kahit na wala namang dahilan. Binalingan siya ni Colt. “ano bang problema mo?” nagtatakang tanong nito, marahil ay dahil sa pag-aaya niyang mag-inom.“Wala, naiinip lang ako.” kaswal naman na sagot niya rito na totoo naman.“Gusto mo bang tumawag ako ng makakapagpawala ng inip mo?” nakangising tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Tiningnan naman niya ito ng ilang segundo at napaisip. Mukhang masaya iyon kaya dali-dali siyang tumango. “Sure.” mabilis na sagot niya at pagkatapos ay inubos ang alak na laman ng kanyang baso. Pagkababa niya sa kanyang baso ay bigla na lang niyang naramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon kaya dali-dali n
SIMULA nang umalis ito ay hindi na ito naalis pa sa kanyang isip sa totoo lang at naiinis siya. Ngayon na sinabi sa kaniya ng kanyang ama na hindi na matutuloy ang pagpapakasal nila ay para bang may nagtutulak sa kaniya na hanapin ito. Gusto niya itong makita. Sa halip ay pumikit siya at ipinilig ang kanyang ulo. Pinilit niyang itinuon ang kanyang atensyon sa babaeng nasa harap niya. Sinubukan niyang hawakan ang dibdib nito ngunit hindi man lang tumigas ang sandata niya.“Bakit hindi mo subukang isubo ito para tumigas?” tanong niya at tukoy niy sa kanyang sandata na natutulog pa hanggang sa mga oras na iyon.Tumitig sa kaniya ang babae. “Kadalasan sa mga lalaki ay nalilibugan na kapag nakakita sila ng s*so., pero ikaw…”“Magkakaiba kami.” bored na sagot niya.“Magkakaiba ba talaga?” tanong nito ulit.Pumikit siya ng mariin. “Siguro. Iba iba naman kami ng mata. Kung sa kanila mukha kang masarap sa akin parang wala kang lasa.” sabi niya rito.“Sigurado ka ba na ito ang gusto mong gawin
MARAHIL DAHIL sa matinding pagod sa byahe ay nakatulog si Asha. nang magising siya ay ang cellphone niya ang unang hinanap niya kaya lang ay nakita niya na lowbat na pala ito kaya dali-dali niya pang hinanap ang kanyang charger. Kaya lang ay hindi niya ito mahanap kahit na saan niyang bag. Maging sa maleta niya ay wala rin ito, hindi kaya nakalimutan niya itong dalhin? Kahapon ay marami pa naman itong baterya pero ngayon ay lowbat na? Hindi naman niya ito nagamit kahapon masyado.Ilang sandali pa ay nagkibit balikat na lang siya. Wala rin naman siyang paggagamitan ng kanyang cellphone isa pa ay wala naman siyang inaasahan na tatawag sa kaniya. Idagdag pa na nagbabalak din siya na mag-break muna sa paggamit ng social media dahil pakiramdam niya ay drain na drain siya.Dali-dali na nga siyang bumangon pagkatapos at nagtungo sa banyo upang maligo. Kahapon pa siya dumating doon ngunit ni hindi niya man lang nagawang magpalit ng damit sa kanyang matinding pagod. Nang matapos siyang maligo
PAGKALABAS NIYA SA silid ng matanda ay bumaba siya ngunit nagdadalawang isip pa rin siya kung lalabas ba siya o hindi. Biglang pumasok sa kanyang isip ang charger ng cellphone niya dahil nang malaman niya nalaman na ni Lawrence ang pagbawi ni Don Lucio sa pagpapakasal nila ay para bang bigla niyang gustong buksan ang kanyang cellphone.Pagbaba niya ay nakasalubong niya ang isa sa mga tauhan ni Don Lucio na kasama rin nitong pumunta doon. “Ah, Kuya may alam ka bang nagtitiinda ng charger dito lang sa malapit?” tanong niya rito.Tumango naman ito sa kaniya. “Oo diyan lang.” sabi nito. “Kailangan mo ba? Ako na lang ang bibili para sayo.” Agad naman siyang ngumiti rito at tumango. “Salamat po.” sabi niya at ibinilin na rito kung anong charger ba ang kailangan niya. Mainam na rin iyon na ito na ang bibili para sa kaniya dahil baka nga mamaya ay maligaw lang siya.Umalis na ito kaya kumain na lang muna siya. Eksaktong matapos niyang hugasan ang kanyang pinagkainan ay dumating na ito at ina
NAPUNO SIYA ng pagkabalisa. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya na kagatin ang kanyang kuko ng mga oras na iyon. Natatakot siya. Natatakot siya na baka pumunta nga doon si Lawrence at parusahan pa siya ng mas matindi kaysa noong magkasama pa sila. Idagdag pa na tiyak na hindi niya ito kayang tiiisin lalo na at mahal na mahal niya pa ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at dali-daling lumabas ng kanyang silid at muling nagpunta sa silid ni Don Lucio.Pagkarating niya roon ay agad siyang kumatok bago nagsalita. “Tulog na po ba kayo sir? Pwede po ba akong pumasok?” magalang na tanong niya rito.Mula sa loob ay narinig niya naman ang mahinang tinig nito. “Pasok ka hija.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ay agad na itong nangtanong sa kaniya. “Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong nito sa kaniya. Hindi niya akal
HINILA NIYA ang knaiyang kamay mula sa pagkakahawak nito at malamig na tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. “Lumabas ka.” malamig na utos niya rito.“Pero… may dugo ang kamay mo. kailangan na magamot yan. Nag-aalala lang ako sayo kaya sana ay huwag mo akong itaboy.” may himig ng lungkot na sabi nito at muling sinubukan na hawakan ang kanyang kamay ngunit mabilis niya itong iwinaksi at galit na napatitig dito.“Hindi mo ba ako narinig?!” galit niyang sigaw. “Ang sabi ko ay lumabas ka! Hindi kita kailangan!” ang kanyang paghinga ay naging marahas dahil sa galit. Hindi niya alam ngunit unti-unti na namang tumitindi ang galit na nararamdaman niya.Sa halip na matakot ay tumitig lang si Nadia sa kaniya. “Gusto mo bang tulungan kita para mas maging maganda ang mood mo?” malanding tanong nito at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya ng matamis. Hindi nagtagal ay lumuhod ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Malamig niya lang itong tiningna. “Wala ako sa mood.” malamig na sabi niya rito.“Akong b
NANG MAGISING SI Asha kinabukasan ay hindi siya nangahas na pulutin ang kanyang cellphone at tingnan ito dahil natatakot siya. Malamang sa malamang ay wala siyang ibang makikita roon kundi ang mga pagbabanta sa kaniya ni Lawrence.Dali-dali siyang nagbihis at bumaba. Pagkababa niya ay agad siyang kumain at inihatid sa silid si Don Lucio. Tinulungan niya ang nurse nito na pakainin ito at painumin ng gamot bago muling magpahinga. Pagkatapos nito ay lumabas siya sa labas ng bahay para sumagap ng sariwang hangin.Lumabas siya sa may garden. Patitingin-tingin siya sa mga bulaklak nang bigla na lang may pumaradang mamahaling sasakyan sa tapat ng gate. Nung una ay hindi niya ito pinansin kaya lang habang tumatagal ay doon na niya napansin na tinatawag na pala ng may-ari ng sasakyan ang kanyang pangalan. Nang lingunin niya na ito ay doon niya nakita si Adam na nakatayo sa labas ng sasakyan. “Asha…” nakangiting tawag nito sa kaniya.“Adam…” sagot niya naman at hindi niya alam ngunit nang makit
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.