PAGKALABAS NIYA SA silid ng matanda ay bumaba siya ngunit nagdadalawang isip pa rin siya kung lalabas ba siya o hindi. Biglang pumasok sa kanyang isip ang charger ng cellphone niya dahil nang malaman niya nalaman na ni Lawrence ang pagbawi ni Don Lucio sa pagpapakasal nila ay para bang bigla niyang gustong buksan ang kanyang cellphone.Pagbaba niya ay nakasalubong niya ang isa sa mga tauhan ni Don Lucio na kasama rin nitong pumunta doon. โAh, Kuya may alam ka bang nagtitiinda ng charger dito lang sa malapit?โ tanong niya rito.Tumango naman ito sa kaniya. โOo diyan lang.โ sabi nito. โKailangan mo ba? Ako na lang ang bibili para sayo.โ Agad naman siyang ngumiti rito at tumango. โSalamat po.โ sabi niya at ibinilin na rito kung anong charger ba ang kailangan niya. Mainam na rin iyon na ito na ang bibili para sa kaniya dahil baka nga mamaya ay maligaw lang siya.Umalis na ito kaya kumain na lang muna siya. Eksaktong matapos niyang hugasan ang kanyang pinagkainan ay dumating na ito at ina
NAPUNO SIYA ng pagkabalisa. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya na kagatin ang kanyang kuko ng mga oras na iyon. Natatakot siya. Natatakot siya na baka pumunta nga doon si Lawrence at parusahan pa siya ng mas matindi kaysa noong magkasama pa sila. Idagdag pa na tiyak na hindi niya ito kayang tiiisin lalo na at mahal na mahal niya pa ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at dali-daling lumabas ng kanyang silid at muling nagpunta sa silid ni Don Lucio.Pagkarating niya roon ay agad siyang kumatok bago nagsalita. โTulog na po ba kayo sir? Pwede po ba akong pumasok?โ magalang na tanong niya rito.Mula sa loob ay narinig niya naman ang mahinang tinig nito. โPasok ka hija.โ sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ay agad na itong nangtanong sa kaniya. โAnong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?โ tanong nito sa kaniya. Hindi niya akal
HINILA NIYA ang knaiyang kamay mula sa pagkakahawak nito at malamig na tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. โLumabas ka.โ malamig na utos niya rito.โPeroโฆ may dugo ang kamay mo. kailangan na magamot yan. Nag-aalala lang ako sayo kaya sana ay huwag mo akong itaboy.โ may himig ng lungkot na sabi nito at muling sinubukan na hawakan ang kanyang kamay ngunit mabilis niya itong iwinaksi at galit na napatitig dito.โHindi mo ba ako narinig?!โ galit niyang sigaw. โAng sabi ko ay lumabas ka! Hindi kita kailangan!โ ang kanyang paghinga ay naging marahas dahil sa galit. Hindi niya alam ngunit unti-unti na namang tumitindi ang galit na nararamdaman niya.Sa halip na matakot ay tumitig lang si Nadia sa kaniya. โGusto mo bang tulungan kita para mas maging maganda ang mood mo?โ malanding tanong nito at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya ng matamis. Hindi nagtagal ay lumuhod ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Malamig niya lang itong tiningna. โWala ako sa mood.โ malamig na sabi niya rito.โAkong b
NANG MAGISING SI Asha kinabukasan ay hindi siya nangahas na pulutin ang kanyang cellphone at tingnan ito dahil natatakot siya. Malamang sa malamang ay wala siyang ibang makikita roon kundi ang mga pagbabanta sa kaniya ni Lawrence.Dali-dali siyang nagbihis at bumaba. Pagkababa niya ay agad siyang kumain at inihatid sa silid si Don Lucio. Tinulungan niya ang nurse nito na pakainin ito at painumin ng gamot bago muling magpahinga. Pagkatapos nito ay lumabas siya sa labas ng bahay para sumagap ng sariwang hangin.Lumabas siya sa may garden. Patitingin-tingin siya sa mga bulaklak nang bigla na lang may pumaradang mamahaling sasakyan sa tapat ng gate. Nung una ay hindi niya ito pinansin kaya lang habang tumatagal ay doon na niya napansin na tinatawag na pala ng may-ari ng sasakyan ang kanyang pangalan. Nang lingunin niya na ito ay doon niya nakita si Adam na nakatayo sa labas ng sasakyan. โAshaโฆโ nakangiting tawag nito sa kaniya.โAdamโฆโ sagot niya naman at hindi niya alam ngunit nang makit
PAGKATAPOS NILANG KUMAIN ay naglalakad-lakad sila. Binalingan siya nito. โGusto mo bang mag-picture?โ tanong nito sa kaniya.Ngumiti siya ng bahagya. โAh, hindi ko dala ang cellphone ko.โ sabi niya rito.Itinaas naman nito ang cellphone na hawak nito. โIto na muna ang gamitin mo sa pag picture.โ sabi nito na ikinatango niya lang naman.Sa paligid ay napakaraming tao. Malamang na ang iba ay mga turista lang din kagaya nila dahil may mga ibat-ibang lahi siyang nakikita. Tahimik siyang tumayo sa isang gilid at nagpakuha ng ilang litrato ngunit pagkalipas lang ng ilang sandali ay bigla na siyang nailang. Paano ba naman ang mga taong nasa paligid nila ay nakatitig sa kaniya kaya sino ba naman ang hindi maiilang bigla.Pagkatapos nito ay inaya na niya si Adam na bumalik na lang sa sasakyan. Dinala siya ni Adam sa isang lugar na hindi ganun karami ang tao at talagang nag-enjoy siya. Nagkwentuhan sila nito tungkol sa ilang mga bagay hanggang sa hindi niya namamalayan na hapon na pala. Muli a
NAPAHIGPIT ANG hawak niya sa kanyang baso bago niya ito tuluyang inubos at pagkatapos ay malakas na ibinagsak ang baso. Mas tumindi pa ang sakit ng kaniyag dibdib dahil sa katangahan niya. Ngayon lang niya naiisip ang labis na katangahan niya noon. Sino ba naman ang may matinong utak na payagan ang lalaking gamitin siya ng paulit-ulit kahit na mahal niya ito kung wala naman itong ibang nararamdaman sa kaniya kundi pagkamuhi. Sobrang nagsisisi siya, pero kahit na ano pang pagsisisi niya ngayon ay hindi na niya maibabalik pa iyon.Ang magagawa na lang niya ay ang matuto mula sa pagkakamali niya. Ayaw niya nang bumalik pa sa pagiging siya noon. โOorder pa ako ng isa pang baso.โ baling niya kay Adam.Napuno naman ng pag-aalala ang mukha ni Adam. โTeka Asha, pasensya ka na. Mali ang mgaโโโHindi. Tama ka.โ putol niya rito at binalingan ang bartender at muling umorder ng isa pang baso.Hindi na nagsalita pa si Adam sa tabi niya. Nang ibigay ang kanyang order ay muli niya itong ininom na par
HINDI NIYA ito hinahamon lang at hindi niya ito sinasabi dala ng pagiging sarkastiko kundi sinasabi niya iyon dahil punong-puno na rin siya rito. Hindi niya pwedeng hayaan na kontrolin lang siya nito dahil sa totoo lang ay masakit para sa kaniya na hindi man lang nito alam na pagsisihan ang mga ginawa nito sa kanya. Kung ang saktan talaga siya ang makakapagpaligaya rito ay hindi niya ito kayang pigilan.โSinabi ko na sayo na huwag mo akong hamunin.โ muling sabi nito sa kaniya.โHindi kita hinahamon.โ matigas na sagot niya rito. โPagod na pagod na ako sa totoo lang. Kahit naman anong gawin ko ay hindi pa rin nagiging sapat sayo kaya sige. Gawin mo.โ sabi niya rito. โAlam ko naman na wala ka talagang pakialam sa akin.โAlam niya na pauulit-ulit siya nitong tinatanong para pag-isipan niyang mabuti ang magiging sagot niya pero buo na ang loob niya. Wala talaga siyang balak na umuwi ng Pilipinas katulad ng gusto nito. Kailangan niyang isalba ang sarili niya mula rito. Kailangan niyang maka
NAMUMUGTO ANG MGA mata ni Asha paggising niya kinabukasan. Idagdag pa na sumasakit din ang kanyang ulo dahil hindi siya nakatulog nga maayos kagabi dahil sa dami ng iniisip niya. Sa katunayan nga ay halos umaga na yata nang makatulog siya kaya mataas na ang sikat nang araw ng magising siya. Habang nakahiga siya ay bigla na lang siyang napahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Napapikit siya ng mariin, sana lang ay hindi itinuloy ni Lawrence ang banta nito.Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lang at medyo nakainom siya kagabi kaya mayroon siyang lakas ng loob na sabihin ang mga iyon kay LAwrence pero kung hindi siguro siya lasing ay baka natameme na lang na naman siya.Ilang sandali pa ay bumangon na rin siya pagkatapos ay nagbihis bago tuluyang bumaba. Dumiretso siya sa kusina kung saan ay nakita niyang nakaupo sa harap ng hapag kainan si Don Lucio ngunit kitang-kita niya ang matigas na ekspresyon sa mukha nito dahilan
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.โBakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!โ sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.โHindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?โ walang emosyong tanong niya rito.โSo ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!โ galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. โAno bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?โ muling tanong niya rito.โTalaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!โ sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. โMukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?โ mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. โNaayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.โ sabi niya rito.โGalit ba siya na sinundo kita?โ muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. โPasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. โHindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?โ tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.โBingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.โ inis na rin niyang sabi rito.โAsha ano ba!โ malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.โUmalis ka na diyan.โ walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. โHindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.โ pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. โAno ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. โAnong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?โโGabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.โ sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.โE di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.โ suhestiyon niya naman dito.โAyoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.โ walang emosyong sagot nito sa kaniya.โE anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.โ sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. โLumayo ka nga sa akin.โ pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. โAlam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. โLahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.โ Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. โSabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?โ tanong niya rito.โBakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?โ balik nitong tanong sa kaniya.โHindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.โ sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. โLawrence anong ginagawa mo?โ tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.โPwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?โ sabi niya na may himig ng pakiusap.โHuh bakit?โ tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. โAnong ginawa niya sayo?โ tanong pa nito ulit.โPaano kinuha niya ang susi ng kotse ko.โ sumbong niya kaagad dito.โKotse mo?โ biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. โOkay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.โ sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. โBitawan mo ako.โ sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. โPwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?โ tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. โAt ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?โโTungkol sa relasyon natin.โ sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. โSina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. โBakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?โ tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. โBakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.โ titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. โNagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.โ diretsong sabi niya rito.โAlam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.โ sagot din naman nito sa kaniya.โBakit ba mas magaling ka pa sa akin?โ tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.