PARA kaming siraulo ni Veos na seryosong nagtititigan, pilit namin na pinapakiramdaman ang isa't isa kung sino ang mauunang kikibo sa aming dalawa. Honestly nasa isang lugar kami ngayon, isang tahimik na lugar at nasa ilalim ng acacia tree. "Akala ko ba may sasabihin ka?" ang sagot ko at hindi na ako nakatiis na buwagin pa ang katahimikan sa pagitan namin. Pinagmamasdan ang bawat galaw ni Veos, tila natatakot, ninenerbyos ang dating niya dahil hindi ito mapakali at pabalik balik na naglalakad sa harapan ko habang nakaupo ako. "Hoy umupo ka nga, nakakahilo ka naman eh! Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?!" naiinis kong sabi. I saw him bit his lower lips bago pa niya simulan na magsalita. "Nessa, h-huwag kang mabibigla sa sasabihin ko. I know na, hindi ito madali para sa akin at para sa 'yo...b-but I'm expecting you to calm down." "Sige na sabihin mo na ang dami mo pang satsat eh," ang sagot ko at tila iba na rin ang pakiramdam ko sa nais niyang sabihin. HUWAG NIYANG LANG SABI
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya