[SIARGAO ISLAND, CLOUD 9 SURFING AREA] ILANG oras pa lamang ay nakarating na kami ni Tasha kung saan magaganap ang meeting place nila ng mga ka-workmates niya. Medyo nakahinga ako nang malalim nang makita ko na wala si Veos. "Hayahay ang buhay," nakangiting wika ko. "Bakit ate excited ka na ba?" masayang tanong ni Tasha. "Oo naman! Wala si Veos eh," pang-aasar ko sa kapatid ko. "Hay nako ate darating na mamaya 'yon," pagpupumilit ni Tasha. "Hindi na 'yon makakasipot Tasha, masiyadong hectic ang schedule no'n." Sagot ko at nakita ko naman noon na tila may kumpiyansa pa rin si Tasha sa kaniyang mga sinasabi. Nang makarating kami sa kanilang meeting place ay lubha akong nagulat nang makita ko ang isang chopper na sa tantiya ko ay may apat at anim itong upuan. "Oh, iyan ba ang gagamitin natin papuntang Siargao?" tanong ko. "Oo ate. Ang ibang team ay may kanya-kanya din naman na sakayan pero tayo social kasi may pa- helicopter pa. Bilisan mo ate at pasakay na 'yong
Terakhir Diperbarui : 2025-03-02 Baca selengkapnya