MAKALIPAS ang ilang segundo nang makaalis si Veos ay siya naman na dating ng kapatid kong si Tasha at sobrang dami nitong bitbit na shopping bags. Nako mukhang na-stress na naman si bunso. Kung ako sobrang kuripot ko sa sarili ko si Tasha naman sobrang maluho sa mga materyal na bagay. Sabagay pinagpaguran niya naman kaya wala naman kaso sa akin iyon. "Oh Tasha, bakit ang dami mo naman yatang pinamili ngayon?" "Pumasok tayo sa loob ate tingnan mo ang mga nabili ko, syempre dahil sahuran binilihan din kita ng sa 'yo." Saad niya at hinatak ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Mula sa sala ay excited siyang binubuksan ang laman ng mga paper bags. At kitang-kita sa mga brand na mamahalin ito. "Ito para sa 'yo ate. Magkakaroon kami ng team building sa Siargao at pumayag naman ang manager namin na magsama ako ng mga outsiders. Kahit mga dalawa. Kaya naisipan ko na isama ka at si Veos! Yay! I'm so excited!" Wika ni Tasha habang isa-isang inilalabas ang mga bikinis sa loob ng paper bag.
[SIARGAO ISLAND, CLOUD 9 SURFING AREA] ILANG oras pa lamang ay nakarating na kami ni Tasha kung saan magaganap ang meeting place nila ng mga ka-workmates niya. Medyo nakahinga ako nang malalim nang makita ko na wala si Veos. "Hayahay ang buhay," nakangiting wika ko. "Bakit ate excited ka na ba?" masayang tanong ni Tasha. "Oo naman! Wala si Veos eh," pang-aasar ko sa kapatid ko. "Hay nako ate darating na mamaya 'yon," pagpupumilit ni Tasha. "Hindi na 'yon makakasipot Tasha, masiyadong hectic ang schedule no'n." Sagot ko at nakita ko naman noon na tila may kumpiyansa pa rin si Tasha sa kaniyang mga sinasabi. Nang makarating kami sa kanilang meeting place ay lubha akong nagulat nang makita ko ang isang chopper na sa tantiya ko ay may apat at anim itong upuan. "Oh, iyan ba ang gagamitin natin papuntang Siargao?" tanong ko. "Oo ate. Ang ibang team ay may kanya-kanya din naman na sakayan pero tayo social kasi may pa- helicopter pa. Bilisan mo ate at pasakay na 'yong
NANG akma na sana akong tatakbo papunta kina Tasha ay labis akong nagulat nang biglang sumugod si Veos at walang pasabing inambahan ng suntok ang dayuhan. "What's your problem man!" sigaw ng dayuhan na balak pa sanang maghiganti pero dahil sa lasing nga ito ay hindi na niya magawang makatayo. "Are you okay?" malumanay ang boses niyang tinanong ako. Aminado akong na-shocked ako sa ginawa ni Veos pero mas pinili ko na lamang na umastang parang normal lang ang kaguluhan na nangyari. "S-salamat." Sagot ko at nagsimula na akong maglakad tsaka dali dali ko siyang linampasan. Narinig ko na lamang noon na tinatawag niya ako mula sa likuran ko pero nagbingi-bingihan na lamang ako. At sa bawat malalaking hakbang ko ay nahabol niya pa rin ako. "Hey..." ang sagot niya at ramdam ko ang paghingal niya. "What did you say? Salamat ba ka 'mo?" ang sagot niya ngunit isang pag-irap lamang ang iginanti ko sa kaniya. "Hindi ka na dapat nagsayang ng effort na ambahan ng suntok ang day
HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko nang makita ko si Veos na unti-unting umaahon at habang bumabawbaw ang tubig sa katawan niya ay lalo naman akong naiilang dahil malapit ko ng makita ang malaking sawa niya. "H-hoy! Ano ang ginagawa mo! Takpan mo 'yan!" sigaw ko nang mabilisan ko siyang tinalikuran. "Pasimple ka rin Nessa." Bulong niya malapit sa tainga ko at halos makiliti ako dahil sa init ng hininga niya. "K-kunin mo na 'tong damit mo!" Nauutal kong sagot na halos 'di ko maunawaan ang aking sarili. Ilang segundo pa lamang ay naramdaman ko ang palad niya nang kunin niya ang brief at shorts niya na kasalukuyang hawak-hawak ko. "May pagkapilya ka rin pala. And I didn't expect na itatakbo ang mga damit ko para pasimpleng makita ang kabuuan ng katawan ko. Bakit Nessa, nami-miss mo na ba?" May halong panunukso ang tinig niya at napakalalim nito. Pinipigilan ko ang sarili kong sumabog sa inis dahil the more na naiinis ako, the more na pinipikon ako ng kumag na 'to! "An
NANG makalapit kami ni Tasha sa kinaroroonan ni Veos ay saglit na nagambala ang ilang kababaihan dahil sa ginawa ng kapatid. Pati ako ay nagulat nang biglang hawakan ni Tasha ang braso ni Veos at puwersahang hinila ito palapit sa kaniya sabay tingin ng nakakaasar sa mga dayuhan na babae. "Hi ladies, it's already late so maybe it's time for you to say goodbye to my BOYFRIEND," ani Tasha at hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga salitang iyon. Maging si Veos ay nangunot ang noo nang marinig niya ang sinabi ni Tasha. "Oh you're a fucking liar man? You told us that you're single? C'mon girls let's get inside," ang sagot ng isa sa mga babaeng dayuhan at nagpatuloy ang mga ito sa pagsasalita. "Ayos ba?" ani Tasha sabay nakangiting tumingin sa amin ni Veos. Napansin ko noon na kaagad dumistansiya si Veos kay Tasha. At upang hindi madismaya ang kapatid ko ay sinabay ko na lang siya sa paghatak palapit sa akin. "Behave yourself. Kababae mong tao nagpapakita ka na kaagad n
[Third Person Point of View] KASALUKUYAN noon na nakaupo sa sarili niyang office si Mr. Facundo Dimitre, ang lolo ni Veos Dimitre. Isang kilala at mayamang business tycoon ang matanda kaya naman iniingatan niya ang kaniyang imahe bilang may-ari ng INNOVISION CORPORATION kung saan ang business niya ay tungkol sa mga makabagong teknolohiya. Habang humihithit ng tobacco ang matanda ay biglang nag-ring ang telepono nito. Kaagad niya naman itong sinagot at lubha siyang nabigla sa ibinalita ng inatasan nitong spy ni Veos. "What? Kailan pa kumalat? Marami na bang nakakita?" anang matanda na halos hindi maipinta sa mukha nito ang pagkagulat. "Nasa thousands na rin po ang naka-view Don Facundo. Hindi po ito magandang sinyales lalo na't sigurado akong galing ito sa mga kakompentensya ninyo sa negosyo." Sagot ng spy nito mula sa kabilang linya. "Send me the video RIGHT NOW!" galit na sigaw ng matanda at halos tirisin niya ang kaniyang tabako habang pinapatay nito ang nagliliyab
[Nessa Point of View] "Sige na damputin mo na, 'di ka ba nahihiya sa amin. Panay kami mga babae na ka-team mo alangan naman na kami pa ang mag-aastang lalake dito?" pilyang sagot ko habang nakakibit ang aking mga kamay. "We talk about cooperation here right? So take it," pagmamatigas ni Veos. "Hayy, tumabi ka na diyan ako na." "No, ako na." "Akala ko ba takot ka sa jebs ng hayop?" "I'm not afraid." "Oh e 'di go, lamasin mo." Nahahalata ko noon na sobra ang pandidiri ni Veos habang kinukuha ang pulang bagay sa tae ng hayop. At nang madukot niya ito ay labis siyang nadismaya dahil hindi pala ito ang pulang flag. Kung hindi ay isang bagay lamang na nahalo siguro sa tae. "Fuck!" mura niya na halos nakaangat ang isang kamay na may nakadikit na jebs. Kadiri nga. LUMIPAS ang oras ng paghahanap ay dalawang red flag pa lamang ang naiipon namin. So anim na flags pa. "Can we at least take a rest muna?" angal ni Veos nang bigla na lamang itong mapaupo sa malaking
"KADIRI ka naman ate? Pero ang galing ha? As in napapayag mo si Veos na hawakan niya iyon? Buti ka pa..." ani Tasha at tila may halong pagkainggit ang tono nito. "Oh, bakit bigla kang napabusangot diyan?" "Wala ate, may naalala lang ako. Noong mga bata kasi tayo palagi kong napapansin na sobrang napakaarte ni Veos sa lahat ng bagay. Halos magalit siya no'n kapag hinahagisan ko siya ng putik galing sa kanal," pagkukwento ni Tasha habang binabalikan ang nakaraan at gumuguhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "At alam mo no'n ate, halos isumpa niya ako nang hagisan ko siya ng gano'n. Kaya nga napabilib ako sa 'yo ate kasi nauutusan mo siya sa mga gano'n na bagay," dagdag nito habang nakangiti. Bigla na lamang akong hindi nakakibo sa nasabi ng kapatid ko. Feeling ko tuloy nagseselos siya sa maliit na bagay na naipagawa ko kay Veos. "Ano ka ba?! Kaya lang pumayag 'yon dahil wala siyang choice at isa pa siya ang team leader kaya dapat lang na ipakita niya sa amin na hand
[Nessa Point of View] Sa sobrang taranta ko dahil sa posisyon namin ni Veos ay wala akong pasabi na itinulak siya. Dios ko! May bumubukol at hindi ko carry ang mabilisang pagtigas no'n! Hindi na rin pumasok sa isipan ko na hubo't hubad si Veos. Kaagad kong tinakbo ang pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. "H-hi!" Hinihingal kong tugon sa isang staff na kanina pa kumakatok sa pintuan. "Good morning, ma'am. I've brought your breakfast. Is there anything else I can assist you with during your stay? Perhaps a refreshment or an adjustment to your accommodations?" ang pormal na sagot ng isang housekeeper. "Umhh..n-no, that's enough," mabilisan kong sagot. Muli pang nagsalita ang staff at sinabi na kung maari ay siya na ang magpasok ng trolley ngunit kaagad ko siyang hinarangan. "M-Miss, let me take that. Teka lang? Pinay ka ba?" "Ah yes ma'am," nakangiti nitong sagot. "Ah nice, sige na, ako na ang magpasok nito sa loob Miss, tatawag na lang ulit ako mamaya kapa
[Nessa Point of View] NAGPATULOY ako sa paglalakad. Alam ko na sa mga oras na iyon ay wala akong alam kung bakit ako dinala ni Veos dito. At nang magawi ako sa napakagandang partes ng bahay ay nakita ko doon si Veos, nakapulupot lamang sa pang-ibabang bahagi niya ang puting towel. Sa mesa naman ay naroroon ang ibang petals na kanina ko pa sinusundan. Puno ng pagkain ang lamesa na tila ba nasa loob kami ng isang fine dining restaurant. "V-Veos...b-bakit tayo nandito! Bakit mo ako dinala dito!" sigaw ko ngunit nanatiling nakaiwas ang mga mata ko dahil naaasiwa ako sa half naked body niya. "Oh hi wifey, good morning?" "S-saka... b-bakit ang ganiyan ang suot mo?! Naubusan ka na ba ng damit?!" saad ko. "C'mon Nessa, we're on a honeymoon. Saka bakit ka ba naiilang? Mag-asawa na tayo kaya dapat maging komportable ka na sa mga ganitong inaasta ko," aniya na tila ba ay sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa. "Che! Pero teka, n-nasaan ba tayo?! Bakit mo ako dinala dito!"
[Nessa Point of View] DAPIT-HAPON na nang maisipan ko na umuwi sa bahay. Hinintay ko pa kasing magsibalikan ang mga dati kong trabahador para masigurado kong alam na nila lahat ang goodnews na babalik na naman sa normal ang lahat. Tatlong projects na rin ang hawak ko at for sure hindi na muling mababakante ang mga laborers at skilled workers ko. Kailangan kong i-priority muna sila since mas Malaki ang ambag nila sa mga nakukuha kong proyekto. Legit rin na masisipag, mabilis ang galaw at mga madiskarte. Napapangiti na lamang ako habang kumakaway ang aking mga workers at isa isang nagsibalikan sa kanilang mga quarter. Ngunit ito pa rin si Veos at hindi talaga ako tinantanan. "Oh ikaw, huwag mong sabihin na pati sa bahay ay susundan mo pa rin ako?" may katamtaman kong tono na saad. "Why not? Sa bahay naman talaga tayo uuwi," aniya. "Mr. Dimitre, uuwi ako sa SARILI KONG BAHAY. Hindi sa condo mo," mataray kong saad. "Pero padilim na Nessa, two hours pa ang biyahe right? Sa
[ NESSA Point of View] HABANG papalapit sa direksiyon namin ang misteryosong babae ay tila nakaramdam ako ng pagkairitable."Sure ka, hindi mo talaga siya kilala?" "Hindi and we never met. Asawa mo na ako alangan naman na papatol pa ako sa iba," aniya. Hindi ko na lamang tinugunan ang sinabi niya at sa halip ay nakaabang pa rin ang aking mga mata sa paparating na babae. At noong malapit na siya sa amin ni Veos ay laking-gulat ko nang bigla niyang binigyan ng mabilisang halik si Veos sa kaniyang pisngi. Uy speed! "H-hey?" ani Veos. "Hello Veos. Kanina pa ako tumatawag sa 'yo but you keep ignoring my calls," saad ng babae. Wait? Pinaglololoko ba ako ni Veos? Kilala niya ang babae base sa paraan ng pagsasalita nito. "Your call? M-miss wait lang ha? Have we met before?" tanong ni Veos. At ako naman, ito lang papalit-palit ng tingin sa kanila. "Honestly, ngayon pa lang tayo nag-meet. Your architect told me na nandito ka that's why nagpasama ako saglit sa kaniya pero sinabi niya ang
[ Nessa Point of View] ISANG KATAHIMIKAN ang namayagpag sa pagitan namin ni Veos. Natulala ako sa sinabi niya. Teka? Bakit napunta sa pagbubuntis ang usapan? Seryoso ba siya? "Napakaseryoso mo naman magsalita Veos, malabong mabuntis mo ako noh? Hindi mangyayari 'yan," saad ko sabay patay-malisya at natuon ang paningin sa blueprint na hawak ko. Napansin kong bahagya siyang dumistansiya. Hindi na ako nakatiis at agad ko siyang liningon. Doon ko lang na-realized na baka na-offend ko siguro siya. Upang maiwasan ang ano pa man na topic ay bigla akong nagtanong sa kaniya. "Siya nga pala, ano ba talagang motibo mo at pumunta ka dito?At teka, may alam ka ba kung bakit nagsibalik ang mga dating hawak ko ang projects? May kinalaman ka ba?" Seryoso kong saad habang nakapameywang ako. He shrouded at tila ay walang balak sagutin ang mga tanong ko. "Hindi ka sasagot? So may alam ka nga?" dagdag ko na halong diin ang boses ko. Sa puntong iyon ay liningon niya ako. "Kung bumalik man sila
[Nessa Point of View] MEDYO MAKULIMLIM ngayon dito sa site. Isa-isa nang nagpaalam sa akin ang mga trabahador ko. Nakakalungkot lang isipin na nawalan sila ng susunod na proyekto. Ngayon lang nangyari sa career ko ito. But at the same time natutuwa ako dahil sa wakas, makakauwi na rin sila sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Namalagi rin sila ng isang taon sa aking bilang mga tauhan ko, kaya deserve din nila na umuwi habang wala pa akong susunod na proyekto. Tinanggal ko ang aking hardhat at pilit na pinagmamasdan ang natapos na bridge. May mga katanungan ako sa sarili ko. Tama ba talaga na pinasok ko ang pagiging isang engineer? Proud kaya si tatay sa akin kahit na minsan nakatengga ako at kapos sa proyekto? Hayy...ang hirap maging independent. Maya-maya lamang ay nakita ko si Mang Norman, galak ang naging reaksyon nito habang patakbong papalapit sa akin. "Ma'am Nessa! Ma'am Nessa!" Hinihingal nitong sigaw. "Oh Mang Norman, bakit ho?" "Eh Ma'am, tumawag po mula sa telepo
[Tasha Point of View] "V-Veos, I'm sorry pero... h-hindi mo dapat sinasagot ng ganiyan ang iyong ina," saad ko. I need to do this. Kailangan kong magpakitang gilas. "Hmm, well, she's right anak. Kahit na nakikisabat siya ay may sense naman ang mga sinasabi ng babaeng ito," saad ni Mrs. Ynah ngunit ang mga mapangmata na tinig nito ay tila napipilitan lamang sa mga nasabi ko. "Tash, wala ka bang ibang pupuntahan ngayon? Umalis ka na muna dahil hindi ka dapat sumasali sa usapan namin okay?" ang tugon ni Veos na labis kong ikinalungkot. Wala ako ibang naging reaksyon at sinunod ko na lamang ang gusto niya. Dahan-dahan akong naglakad at nag-excuse Kay Mrs. Ynah na noo'y hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya dahil mukha siyang naaawa sa akin. Ngunit nang makalagpas na ako ng pinto ay kaagad akong tinawag ni Mrs. Ynah. "Hija? What is your name again?" "Umm...T-Tasha po...Tasha Villego," nauutal kong tugon habang hindi matingnan sa mata ang ina ni Veos. "Tasha Villego
[ Tasha Point of View] BUTI na lamang at mabilis ang aking kamay at kaagad kong dinampot ang bagay na hindi maaring makita ni Veos. Thank God...wala siyang nakita. "Kaya mo ba? Tulungan na kitang damputin lahat 'yan," saad niya pero kaagad ko siyang tinanggihan. "N-no, k-kaya ko ako na. By the way...m-may pupuntahan ka ba ngayon? Kung wala sana...baka puwede mo akong samahan na gumala since day off ko ngayon," pagmamakaawa ko sa kaniya. I saw his reaction...parang...ayaw niya. "Ha, umh, gustuhin ko man Tash, pero...m-may mga clients din ako ngayon na nag-aantay. Maybe next time...kapag off din ng ate mo," nakangiti niyang sabi. Si ate na naman? At that point, hindi ko na talaga maitago kay Veos ang pagkadismaya ko. He's obvious...na mas gusto niyang makasama si ate kaysa sa akin. Kahit pa todo deny siya. "Alam mo...nakakatampo ka na," saad ko. "Why?" "Simula nang magkaroon kayo ng kontrata ni ate...parang...parang dumidistansya ka na sa akin, which is hindi m
[Tasha Point of View] I WAS HAPPY inside nang makaalis na si ate. Sa ngayon, kami na lamang ni Veos ang nandito. Kasalukuyan kaming nasa kitchen ngayon. He's still enjoying the meal na dala ko. Sobrang saya ko dahil feeling ko mas naka-score ako ngayong araw. "Kumain ka lang ng madami Veos. Tomorrow, babalik ako at magdadala ulit ako ng iba pang putahe," I said seductively. "Umm...you don't need to do that Tasha. Baka makaabala pa kami sa 'yo ng ate mo, ikaw, hindi ka ba kakain?" ani Veos. Lumipat ako ng puwesto at umupo sa bandang malapit sa kaniya. Inabutan ko siya ng tubig. Gusto kong iparamdam kay Veos na I am better than my sister. Ramdam ko rin naman na hindi ako tatraydurin ni ate ng patalikod so I need to grab this opportunity para mapaamo si Veos at sa akin lang matuon ang attentions niya. Matagal ko itong pinapangarap, ang makausap siya ng malapitan, pagmasdan siyang kumilos at higit sa lahat...ang mapagsilbihan siya. Baliw na ba ako kung sasabihin kong I am obs