PARA akong nawalan ng lakas sa buhay pagkatapos nang pag-uusap namin ni Veos. Lutang akong umuwi sa bahay at kulang na lamang ay mawalan ako ng malay dahil hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin ang lahat. Kahit anong sampal ko sa sarili ko, wala pa rin pagbabago. At habang naka-facepalm akong pumasok sa bahay ay bumungad sa akin ang kapatid kong si Tasha at masaya niya akong sinalubong. "Hi ate! Ano? Kamusta ang projects mo, successful ba?" aniya habang nakahawak ang kaniyang magkabilang kamay sa aking braso. Gumuhit lamang ang isang maliit na ngiti sa aking labi. Para akong naluluha habang pinagmamasdan ko ang inosenteng mukha ng kapatid ko. Paano ko nga ba uumpisahan, paano ko nga ba sasabihin na magkakaroon kami ng kasunduan ni Veos. Lord grabeng paghihirap naman yata ang ipinataw mo sa akin. Ganito na ba ako kasama para maranasan ang lahat ng ito? Lalo na at isa sa mga kahinaan ko AY ANG NAKIKITANG NASASAKTAN KO ANG KAPATID KO at akon pa yata ang magiging dah
HALOS mapunit na ang balat ng palad ko sa pagpihit ng doorknob, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin bumubukas ang pinto. Napamura ako sa inis bago ko naalala. May duplicate ako ng susi ng kuwarto ni Tasha. Mabilis kong hinugot ang susi mula sa bulsa. Nanginginig ang kamay ko habang isinusuksok ito sa seradura. Nang bumukas ang pinto, agad akong sumugod sa loob. Pero ang bumungad sa akin? Si Tasha—mahimbing na natutulog at parang walang nangyari. Nakatigilid siya at mukhang masarap na rin ang kaniyang tulog. Masakit pa rin kaya ang loob niya sa akin? Marahan akong umupo sa tabi niya habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha na noo'y natatabuhan ng kaniyang mga kumawalang buhok. Akma ko na sana siyang hahawakan ngunit bigla siyang gumalaw at nag-iba ng puwesto. Kaagad kong binawi ang aking kamay. "Tash, I am so sorry...hindi ko talaga sinasadyang saktan ang damdamin mo. Huwag mo sanang tuluyan na ilayo sa akin ang loob mo. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng ate." S
"NOON pa man Veos ay gusto na kita. Hindi mo ba napapansin iyon ha? Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito para masabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko. At akala ko makakalimutan na kita simula noong umalis ka na hindi man lang nagpapaalam," ani Tasha at hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ng kapatid ko sa harapan namin ni Veos. Hindi maatim ng damdamin ko na nakikita ang kapatid ko na tila ganid sa atensiyon. Sa mga oras na iyon ay tila tumigil ang mundong kinagagalawan namin, napakabigat ng paligid at parang napakasikip para sa aming tatlo. Kaagad kong hinawakan ang palad ng kapatid ko pero nagulat ako nang bigla niyang tapikin ng malakas ang kamay ko. "Puwede ba ate, ibalato mo na muna ang araw na ito sa akin. We're having a moment here so sana naman marunong kang makiramdam." May diin ang mga boses n'yang sabi sa akin. Napasinghal na lamang ako at patuloy na pinipigilan ang sarili ko na magalit. Bakit ba ayaw akong pakinggan ng kapatid ko na magpaliwanag! "Veos.
KINAUMAGAHAN nga ay hindi ako nagdalawang-isip na makipagkita kay Veos. May usapan kami ngayon na may pag-uusapan kaming importante. Paalis na sana ako ngunit bigla kong nasulyapan ang pintuan ng room ni Tasha. Akma ko na sanang lalagpasan ngunit tila may bumubulong sa akin na lapitan ko ang pinto. Dalawang hakbang papalapit sa pinto at hindi ako nag-alangan na katukin iyon. "Tash?" sagot ko at patuloy pa rin ako sa pagkatok. Marahil ay mahimbing pa ang tulog niya kaya wala pa itong pagtugon sa akin. "Tash, if ever na naririnig mo man ako, ready na ang pang-umagahan mo. Kumain ka na lang mamaya at may aasikasuhin lang akong importante," saad ko kahit na walang kasiguraduhan na sasagot pabalik ang kapatid ko. Masakit sa damdamin na araw-araw ay nagiging komplikado ang samahan namin ng kapatid ko. Kaya desidido na ako sa gagawin ko, gagawin ko ang nararapat. Napabuntong-hininga ako bago ako muling humakbang palabas ng bahay. Hindi ko na rin p'wedeng ipaalam Kay Tasha na ma
PAK! Isang malakas na palo sa braso ni Veos ang pinakawalan ko. Gagong 'to may pa-honeymoon pang nalalaman! "May ubo ka ba sa utak? Huwag mo akong biruin ng ganiyan Veos!" "Chill. Nag-o- overreacting ka na naman eh, masiyado ka kasing seryoso sa buhay," aniya habang hinahagod ang braso niya sa pagkakapalo ko. Ng mga oras na iyon ay pilit kong pinipigilan ang sarili ko mula sa pamumula. At walang pasabi na tinungo ang wedding boutique at kalaunan ay sumunod naman si Veos. SA LOOB NG WEDDING BOUTIQUE ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff. Warm welcome kumbaga. "Good morning Sir Veos, hindi niyo naman kami sinabihan sir na sobrang ganda pala ng magiging bride niyo," pangiting saad ng isang staff. Mukhang suki nila si Veos rito base sa kung paano nila tratuhin ito. Hooo, marketing strategy, mambobola ng mga customers para makabenta? "Nessa, ang mata mo..." ani Veos. Doon ko lang napagtanto na pinagmamasdan niya pala ako na supladang nakatingin sa isang staff.
"HOYY! Kahit kailan talaga ang dumi ng utak mo!" "Why? I'm just being practical here, saka let me finish my word kasi, ang ibig ko lang naman sabihin, why do we need to stay in a private place kung p'wede naman tayong MAG-USAP inside the car? Hmm?" aniya. Bigla akong napaiwas ng tingin kay Veos dahil kaagad kasi akong nag-react. Eh syempre may trauma na ako sa kotse niya, akala niya siguro gano'n lang kadaling kalimutan iyong nangyari sa amin. "Sige, diyan ka lang. May gagawin ako. Sakaling makatulong ito para hindi matuloy ang kasal," bulong ko at nilagpasan ko lamang siya at dumiretso ako sa sarili kong kotse. Honestly hindi ko alam kung effective ang gagawin kong ito. Hindi rin naman ako gaano nagpapaniwala sa mga kasabihan na iyan. Pero malay ba natin at baka magkatotoo. Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay kaagad kong hinubad ang blouse ko. Mula sa malaking kahon ay kaagad kong kinuha ang gown at halos pagpawisan ako sa kakasuot nito. "Hey Nessa! What took you so lon
MABILIS ang bawat paghakbang ni Veos palapit sa akin hanggang sa nagulat na lamang ako when he gently pulls me tapos pinatalikod, maingat niyang ibinababa ang zipper ng wedding gown na suot ko, napalunok na lamang ako noon. "T-teka! Huwag naman dito Veos b-baka mamaya may mga makakita," pag-angal ko. I can feel his warm breath traveling around my spine dahil sa bawat paghingang pinapakawalan niya. Nanatili pa rin siyang tahimik habang inaayos ang zipper ng gown ko mula sa aking likod. Hindi ko magawang tingnan siya. Halos hindi rin mapakali ang mga mata ko sa kakakurap. "V-Veos..." "Yes..." "A-ano okay na ba? H-huwag mo naman ako hubaran dito," nauutal kong sagot. "Why would I do that Nessa? Inaayos ko lang itong zipper, hindi mo siya maibaba nang maayos because may maliit na telang naka-ipit, kung bakit mo ba naman kasi naisipan na isuot 'to, masiyado mo naman kasing ipinapahalata na excited ka masiyado sa wedding ceremony natin," aniya at naramdaman ko na lamang noon a
"TAKE this," ani Veos at inabot ang isang maliit na box sa harapan ko. "Ano iyan?" "Engagement ring. Isuot mo 'yan, magkakaroon tayo ng party tomorrow." "Bakit kailangan pa natin ng engagement ring?" pagtataka ko. "Remember our number one mission? Ang mapaniwala ang lahat na totoo nga tayong magkarelasyon and I need you to wear this ring bago tayo magpakita sa mga bisita." Wala pa nga kami sa sinasabing event ni Veos pero tila bigla akong nakaramdam ng nerbyos. "Nessa?" "A-amh, okay, okay. S-sige, isusuot ko 'to bukas. Pero bakit may party? Anong klaseng party ba 'yon?" "Engagement party nating dalawa Nessa," seryosong saad ni Veos. Ilang segundong katahimikan bago ko pa ibuka ang aking bibig. Tila sinasariwa pa ng utak ko ang mga naririnig ko ngayon. "Seriously? Gagastos pa kayo sa engagement party?!" "Hindi naman ako ay may idea no'n Nessa, it was Lolo. Gusto niya talaga na realistic." "Lakas din ng trip ng Lolo mo ah?" "No Nessa, honestly, tus
PAGKASARADO ko ng pintuan, agad akong sinalubong ng malamig na titig ni Tasha. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, ang isang binti nakapatong sa kabila, animo’y isang reyna sa trono niya. Masama na naman ang tingin niya sa akin. "G-gising ka na pala," mahinhin kong sabi. "Yeah, kanina pa. Mukhang excited si Veos na puntahan ka ngayong umaga?" Ang sagot niya ay tila may kakaiba na naman sa tono ng pananalita niya. So tama nga ako, siya 'yong sumisilip kanina sa bintana. "Huh? Iyon ba? Wala 'yon, may pinabibigay lang ang Lolo niya," saad ko kasabay ng paglapag ko ng mga shopping bags sa sofa. Kaagad naman na napatayo si Tasha habang nakakibit ang mga kamay. "Napapadalas naman yata ang mga pagbibigay sa 'yo ng Lolo ni Veos? Hmm, kulang na lamang siya na ang manligaw sa 'yo. The wedding gown, the expensive ring at ngayon...mukhang another branded thing?" "Tasha, maliit lang na bagay ang mga 'yan, saka it's not my fault kung kinailangan pa na ganiyan kamahal ang ibinibigay sa
KAAGAD akong lumabas ng bahay at mabilis na nilapitan si Veos. Honestly, this is not the right time para pumunta siya dito sa bahay lalo na at hindi pa kami nagkakaayos ni Tasha. "Ano ang ginagawa mo dito," malamig kong sagot. "Nessa... I'm here to give you all of these," sagot niya sabay abot sa akin ng mga nagmamahalang shopping bags. "Ano 'yan suhol?" "Huh? No, I came here because Lolo wants me to give you these, you have to wear all these things Nessa para sa gaganapin na engagement party mamayang gabi." Engagement party? Oh okay! Kamuntikan ko nang makalimutan ang dadaluhan kong party dahil sa sobrang dami kong iniisip. "Required ba talaga na branded lahat?!" "If possible yes, mga bigatin ang magiging bisita natin Nessa. At magtataka ang mga 'yon kapag they found out na isa ka lang ordinaryong babae." Iba ang pitik ng mga salita ni Veos kaya naman tinititigan ko siya, titig na tila nagsasabing ARE-YOU-BELITTLING-ME? "What? 'W-wag kang tumitig sa akin ng
"WHAT the hell are you doing here?!" Hindi ako nagpasindak kay Tasha nang bigla na lamang siyang pumasok. Kalmado lamang ako sa pagkakatayo habang galit kong tinatapunan ng masamang tingin ang aking kapatid. "Ate?! Ano ang ginagawa mo dito?" pag-uulit niya. Ilang sandali pa lamang ay ibinato ko sa kaniya ang hawak kong bagay. "Tell me Tasha, kailan ka pa gumagamit ng mga 'yan, kailan ka pa natutong gumamit ng droga! Kailan pa!" sigaw ko na halos pumiyok ako dahil sa galit. Tila mas lalo pa akong nainsulto nang kalmado niya lang itong pinulot at banayad na inilagay sa kaniyang maliit na bag. "Sino bang nagsabi sa 'yo na basta basta ka na lang pumapasok nang walang paalam dito sa kuwarto ko? Kung galit ka pala sa mga nakita mo e 'di sana hindi ka na pumasok dito," matapang niyang sagot kasabay ng pabalibag na paglapag niya sa kaniyang bag sa kanyang desktop table. "Tasha kausapin mo ako ng masinsinan huwag kang bastos!" "Oh c'mon! Nandito ka na naman ba para ser
"TASHA ikaw ba?!" pag-uulit ko. "Oo!" "The hell?! Bakit mo naisipan na lagyan ng tracking device ang kotse ko! Nag-iisip ka ba?!" galit kong sigaw. Nakita ko siyang napaayos nang kaniyang pagkakaupo. And now she's acting as if hindi nakagawa ng kasalanan. She just crossed her arms and wore that deadly grin. "Heto na naman ba tayo ate? Actually hindi mo ako masisisi, alam mong baliw na baliw ako kay Veos! At kahit pa ilang ulit na i-reject ni Veos ang pagmamahal ko para sa kaniya, hinding hindi ako susuko," diin niyang sagot. "Tasha, naririnig mo pa ba ang sarili mo?! Ikaw pa ba 'yan ha! Bakit mo masiyadong binababa ang sarili mo! Ikaw ang babae at hindi ka dapat naghahabol!" sigaw ko na halos mahulog ang ibang utensils sa table nang makalampag ko ito nang malakas dahil lang sa galit. "Wow! You're acting now na parang ang tino tino mo masiyado! Bakit ikaw ate, hindi mo rin ba nasubukan ang nararamdaman ko?! 'Di ba iniyakan mo rin si kuya Drew? Kahit ilang ulit mong
LABIS akong nagulat sa sinabi ng kapatid ko. Maging si Veos ay tila natahimik na lamang bigla. "Paano niyo...paano niyo naaatim na magkasama? Sa kabila ng nangyari sa inyo, tapos ngayon...ikakasal kayo?! That's bullshit!" galit na sigaw ni Tasha at tila hindi ang kapatid ko ang kaharap namin ngayon ni Veos. "Tasha! Tama na! Veos, please lang...umalis ka na muna, please..." may diin ang boses kong pinakiusapan siyang umalis na muna. Sumunod naman kaagad si Veos at walang pasabing pinaandar ang kotse nito palayo sa harap ng bahay namin. Muli ay galit kong hinatak papasok sa loob si Tasha. "Ano ba! Ate bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya at nang makapasok kami sa loob ay puwersahan kong binitawan ang braso niya. Wala na akong pakialam kung mamula o magmarka dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. "Talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko Tasha! Kailangan ba talagang...s-sabihin mo ang bagay na iyon sa harapan ni Veos!" sigaw ko na halos lumabas ang ugat mula sa aking leeg haba