All Chapters of The Zillionaire's Abandoned Wife: Chapter 11 - Chapter 20

142 Chapters

Kabanata 11

Halos matawa si Trixie nang marinig niya iyon sa kaniyang ama.Tuluyan na nga talagang kinalimutan ng amain na narito pa siya, at ang hinihingian lang naman nito ng pabor ay ang kaniyang asawa. Sa totoo lang, si Wendy at Sebastian ay nagkakilanlan lamang matapos nilang ikasal ni Seb. Dahil nga mahiyan noong kabataan nila, hindi nagkaroon ng pagkakataon para sa maayos na pagkakilala ang dalawa. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at kita mo nga ngayon, nagkapalagayan pa sila ng loob. Without even minding the marital disputes involving them three. Yes, alam ni Wendy ang relasyon niya kay Sebastian, at hindi siya naniniwalang hindi alam ni Mateo Bolivar na asawa ni Sebastian ang isa pa niyang anak!Her father just chose to acknowledge the welfare of her favorite daughter. Kahit pa nga ikasira iyon ni Trixie.Sa katotohanang iyon, walang pakundangan pa ring ipinipilit ni Mateo ipares si Wendy kay Sebastian.Dito pa lang, makikita na kung gaano siya balewalain ng ama niya sa papel!Ilang
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Kabanata 12

Dahil napasarap sa kwentuhan, nag-over break tuloy siya. Matapos masiguro na nakaalis na ang sasakyan ng kaniyang Lola Thallia sa vicinity ng restaurant, agad na rin siyang bumalik sa kumpanya. Wala ang maalin man kina Calix o Yuan kaya walang nakapansin sa kaniyang pagbalik nang late. Nang hapon ding iyon, pagkatapos ng trabaho ni Trixie, umuwi muna siya upang kunin ang mga regalong inihanda niya para sa matanda at matandang lalaki ng pamilya Valderama. Nang matapos dito, sumakay siya sa kotse at nagtungo sa lumang bahay kung saan nakatira ang matanda ginang. Ang lumang bahay ng pamilya Valderama ay matatagpuan sa labas ng Maynila. Isa itong lugar sa Batangas na napapalibutan ng magagandang bundok at ilog. Dahil nakatayo sa gitna ng malawak na lupaing pag-aari ng mga Valderama, tahimik at presko ang paligid. Tamang-tama para sa matatanda. Ang tanging problema lang ay malayo ito sa siyudad. Maging ang town proper ng bayan ay aabutin pa ng ilang minuto bago mo marating.
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Kabanata 13

"Did you all guys wait for me?" Naglaho ang nakakainis na ngiti ni Simone nang batukan siya ni Samantha. "You idiot! Lahat kami gutom na gutom na sa kahihintay sa’yo!" Bagaman may iisang magulang, lubos na magkakaiba ng ugali ang magkakapatid. Si Sebastian ay palaging tahimik at kalmado, suplada at mainitin naman ang ulo ni Samantha. Sa kanilang tatlo, si Simone lang ang madaldal at palangiti sa kanila. Nang makumpleto sila, medyo lumambot ang malamig na ekspresyon ni Felizity. Lalo namang naging masaya ang matandang ginang dahil kumpleto ang kaniyang mga first grandchild. Dahil medyo ginabi na at nagugutom na ang lahat, agad na ipinahanda ng matandang ginang ang hapunan. Pito silang lahat kaya sa marangya at mahabang main dining hall na lang nila piniling kumain. Ang pagkakaayos ng upuan ay nasa gitnang pwesto si Thallia Valderama, magkatabi naman sa kaniyang kanang bahagi sina Sebastian, Xyza, at Trixie. Sa kaliwa niya pumwesto sina Felizity, Samantha, at Simone. Ngumiti an
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Kabanata 14

Matapos ang hapunan, nagpasya ang lahat na sa sala na ituloy ang kwentuhan at doon na lang ang dessert set-up. Tulad ng dati, gusto ng matandang ginang na laging malapit sa isa't-isa si Trixie at Sebastian. Kaya naman wala nang nagawa ang dalawa nang pinaupo silang magkatabi nito. But to no avail, just like in the old times, Sebastian wouldn’t even spare Trixie a glance. Ayaw sanang umupo ni Trixie sa tabi nito, pero hindi rin maganda kung patuloy niyang tatanggihan ang matandang ginang. Natatakot siyang baka magdamdam pa ito. Hindi naman gusto ni Trixie na magkasakit ang matanda dahil lang sa pabor na hindi niya ginawa pero kayang-kaya niya naman gawin. Hindi niya tuloy maiwasan na mailang sa lalaki dahil ito ang unang pagkakataon, makalipas ang ilang buwan, na nagkadikit sila nang ganito kalapit ni Seb. Sa sobrang lapit, malinaw niya pa ngang naamoy ang pamilyar na pabango ng lalaki. Mapait siyang napangiti sa sarili dahil hanggang ngayon pala ay gamit pa nito ang pabangong
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 15

Napatingin si Trixie sa pinagmulan ng tinig. Nandoon si Samantha… at si Sebastian.Saglit siyang natigilan.Nagsisindi ng sigarilyo si Sebastian at hindi sumagot.Malayo ang distansya at nakatayo si Sebastian sa dilim, kaya hindi makita ni Trixie ang ekspresyon sa kanyang mukha.Muling nagsalita si Samantha, "To be honest, I kind of understand you. I met Wendy a lot of times before, and she's always the center of ladies’ gossip during social gatherings. Narinig kong 25 year old pa lang siya, pero may doctorate na mula sa isang kilalang unibersidad. From her looks, mukhang mahusay din siyang humawak ng negosyo ng pamilya. Also, she's quite a beauty, bolder, and with fierce personality. No doubt, taglay niya ang galing at kinang na hindi basta-basta nakikita sa karamihan ng kababaihan. Kaya naman, nakikita ko na kung bakit ka nahumaling sa kanya. Pero Seb, hindi malinis ang pinagmulan niya. Napag-isipan mo na ba talaga ito?"Agad sumagot si Sebastian. " I know exactly the kind of woman
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Kabanata 16

Nang maalala ni Xyza ang karera mamayang gabi ng kaniyang tita mommy, kahit masama ang gising, napuno ng saya at excitement ang bata.Excited na siyang makita si Wendy na nakasuot ng isang cool at magandang damit!Dali-dali siyang nagbihis. Kumukanta at kumekendeng pa habang nagsusuot ng damit. Matapos magbihis, kinuha niya ang cellphone niya at chineck ito.Ngunit agad ding napakunot ang kaniyang noo nang makitang wala pang mensahe ang kaniyang tita mommy.Dati kasi, kapag nagmemesaage siya kay Wendy, mabilis itong sumasagot. Pero ngayon, tapos na lang siyang mag-ayos, wala pa ring reply si Wendy."Is she mad at me? Oh no, I can't take that!"Nabahala siya sa ideyang iyon, kaya dali-dali siyang magpadala ng sunod-sunod na mensahe.[Tita Mommy, are you mad at me po?][Why aren't you replying to my message po?][Tita Mommy, I'm sorry if Mom will be the one sending me to school. You know naman po na ikaw mas gusto ko, ‘di ba?. Tita Mommy, don't be mad at me po, please?]Matagal siyang n
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Kabanata 17

Pagkatapos ng almusal, nang paalis na si Xyza, napansin niyang may kulang sa mga gamit niya. Mabilis tuloy siyang tumakbo pabalik sa itaas para kunin ito.Nang makita ang nanakbo na anak, umupo na lang sa sala si Trixie para hintayin ang bata doon.Habang nag-aantay siya, biglang tumunog ang cellphone ni Xyza. May nagpadala dito ng mensahe.[Tita Mommy sent you a message.]Napahinto si Trixie.Kahit bata pa si Xyza, simula nang magkaroon ito ng cellphone, iginagalang na ni Trixie ang kanyang privacy. Hindi niya kailanman pinakialaman ang cellphone ng anak.Pero nang makita niya ang pangalan ni Wendy, napahinto siya at kinuha ang cellphone ni Xyza.Wala namang mali kung titingnan niya ang pinag-uusapan ng mga ito, hindi naman basta ibang tao lang si Xyza, anak niya ito.Habang nag-scroll sa palitan ng mensahe ng dalawa. Doon tuluyang naintindihan ni Trixie kung bakit mainit ang ulo ni Xyza ngayong umaga.Mabilis niyang tiningnan ang mga chat records nila at nalaman niyang araw-araw pal
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Kabanata 18

Ang batang si Tantan ay napaka-sweet at cute. May bilugan itong mukha at malalim na biloy sa mga pisngi kaya naman lahat ng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang manggigil sa bata. Bukod pa doon, bibo rin ito at palangiti kaya kilalang-kilala ito ng mga tao sa subdivision na tinitirahan ni Trixie.Kahit saan mo tingnan, hindi mo masasabi na pangit o nakakairita ang bata. Kaya naman lumaki itong laging pinupuri ng mga tao.Nang marinig sa kauna-unahang pagkakataon ang ganitong pang-aalispusta mula sa iba, biglang gusto na lang ni Tantan na lamunin ng lupa. Hindi niya matanggap na sa kabila ng pagiging mabait at masunurin niya, sasabihan lang siya ng ibang bata ng ganoon.Hindi na napigilan ni Tantan ang sama ng loob na nararamdaman kaya lalo pang kumapit ito kay Trixie at doon pumalahaw ng iyak.Agad naman siyang niyakap ni Trixie para aluin."Hush, Tantan, hindi… hindi totoo ang sinabi niya. ‘Wag ka nang umiyak. Hindi ka pangit, walang pangit na nilikha si Jesus, okay? Ang totoo ni
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Kabanata 19

Alam ni Trixie na matalino ang anak niya.Baka kung ang ibang bata ang kausap niya ngayon, ay hindi maiintindihan ng mga ito ang sinabi niya, pero natitiyak niyang maiintindihan ito ni Xyza.At tama nga siya.Alam din ni Xyza na mali ang sinabi niya.Kanina kasi, hindi niya lang talaga matanggap na makita si Trixie na yakap ang ibang bata at mabait dito. Pero nang marinig ang pangaral ng ina, she somewhat get her point. Kung ibang bata siguro ang nagsabi sa kaniya ng mga sinabi niya kay Tantan, tiyak na iiyak din siya.She's just blinded by jealousy that's all. Pero kaysa direktang aminin ang kamalian, hindi na lang siya nagsalita ngunit tumango sa tanong ni Trixie. Kita niyang maliit na napangiti si Trixie sa kaniyang tugon. Kumuha ito ng panyo, at dahan-dahang pinunasan ang mga hindi natuyong luha ng anak.Nagmukmok siya at hindi nagsalita.Haplos ni Trixie ang buhok niya, kumuha ng panyo, at dahan-dahang pinunasan ang mga luha ng anak."Ayos lang magkamali, basta alam rin natin
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Kabanata 20

“Hello? Xyza?" Napukaw ang atensiyon ni Xyza nang tawagin siya ni Wendy. Napatulala pala siya ng sandali nang maalala ang pagkasabik niya kanina sa luto ni Trixie.Na-guilty tuloy siya dahil si Trixie ang iniisip niya gayong ang kaniyang tita mommy ang kaharap niya ngayon. Para makabawi, mas naging naging masiyahin siya sa harap ng camera. Inisa-isa na rin niya ang paborito niyang pagkain kay Wendy. Tahimik namang nakikinig si Sebastian. Pinapanood niya na lang kung paano mag-bonding ang katabi niya at ang anak niyang si Xyza. Sanay na siya sa kulitan ng mga ito. Bihirang makisali si Sebastian sa usapan ng nga ito Tahimik lang siyang kumakain gamit ang kutsilyo at tinidor.Nang matapos si Xyza sa pagbanggit ng mga pinaka-paborito niyang pagkain, nangingiti na lang si Wendy sa kadaldalan nito. Napansin ni Wendy na ang suot ng bata ay ang minsang pinili niya para rito na cool na damit ng minsan silang magkakasamang mag-shopping tatlo. "Ang ganda ng damit mo, Xyza! Bagay na bagay sa
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more
PREV
123456
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status