Home / Romance / Divorce Me Now, Mr. Peters! / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Divorce Me Now, Mr. Peters!: Chapter 81 - Chapter 90

198 Chapters

Chapter 81

Di nagtagal, narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa cellphone, "Diana, ano ang itsura ng snow lotus grass na ito? Dalhin mo ito pauwi at ipakita sa amin!""Diana, ngayon ang pamilya Valdez ay yayaman na nang yayaman! Tinawagan ako ng mga kaibigan ko at tinanong kung pwede nilang makita ang snow lotus grass! Ano? Pwede ba?” tanong ng ina ni Diana sa kanya.Kumplikado ang ekspresyon ni Diana at dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang noo gamit ang isang kamay.Patay na, mukhang lumaki na nang husto ang gulong ito. Ano ang gagawin ni Diana ngayon? Paano niya aayusin ito?Ibinaba ni Diana ang kanyang cellphone at nilagay sa silent mode. Tiningnan niya ang walang laman na box kung saan niya sana ilalagay ang snow lotus grass, pagkatapos ay naalala niyang dalawang beses na siyang iniwan sa kwartong ito, bigla siyang nagalit.Lintik! Bakit hindi nagpaloko ako sa lalaking iyon?! Ano na ang gagawin niya ngayon?Huwag lang niyang malaman kung sino talaga ang taong iyon, kung hindi, baba
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 82

"Mrs. Belen Peters, narinig ko na mahilig kayo sa alahas! Nagpadala ang pamilya Seniva ng isang pares ng white pearl earrings! Sana'y tanggapin ninyo po ito!""Mrs. Belen Peters, hindi pwedeng wala ring regalo ang pamilya Regala. Naghanda kami ng pinakamaganda na green Agatha pearl para sa inyo!"Tiningnan ni Mrs. Belen Peters ang mga lalaking nasa harapan niya na may ngiti sa kanyang mga mata. Ang buong eksena ay puno ng kasiyahan.“Maraming salamat sa mga regalo niyo. Well appreciated ang lahat ng iyan,” nakangiting sabi ni Mrs. Belen Peters.“Nida, kunin mo na ang mga regalong binibigay nila ha. Salamat,” utos ni Mrs. Belen Peters.Kaya naman, isa-isang tinanggap ng mayordoma ni Mrs. Belen Peters ang mga regalo at isinulat ang pangalan ng mga nagbigay.Hindi lamang nagbigay ng regalo ang lahat, nagbigay rin sila ng pagbati sa matanda at sinikap na maging pamilyar sa kanya.Marami sa kanila ang nagsumikap para makahana
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 83

Kinagat ni Diana ang kanyang labi. Kitang-kita na interesado rin si Mrs. Belen Peters sa snow lotus grass. Kung ibibigay niya ang snow lotus grass sa matanda ngayon, tiyak na magbabago ang pagtingin nito sa kanya! Pero kung malalaman ni Mrs. Belen Peters na peke ang snow lotus grass na ibinigay niya… Hindi! Hindi niya hahayaang malaman ng matand na ito ay isang pekeng snow lotus grass lang! Sa pag-iisip nito, tinaas ni Diana ang kanyang mukha, puno ng kumpiyansa ang kanyang mga mata. "Grandma!" Ngumiti si Diana at masiglang lumapit kay Lola Belen. Tiningnan siya ni Lola Belen pero hindi tumugon. Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Hindi ito pinansin ni Diana. Lumapit siya kay Lola Belen, ngumiti, yumuko, at nagsabi, "Grandma, binabati kita po kita ng happy birthday! Nawa'y magkaroon ka ng mabuting kalusugan at mahabang buhay!" sinubukan niyang humalik sa cheeks ni Lo
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 84

Tumigil si Diana nang paalis na sana niyang buksan ang peke na snow lotus grass. “Lola Belen, hindi niyo na po ba titingnan itong snow lotus grass? Ito po ay para sa inyo!” pilit pa niya. Tiningnan na lang niya ang likuran ni Lola Belen habang naglalakad ito palabas ng pinto, ramdam ang inis at mariing kinagat ang kanyang ibabang labi. Ano ba ang maganda kay Celestine? Simula nang dumating si Celestine, hindi na man lang niya nilingon ang snow lotus grass?! Pagdating sa kagandahan at kasikatan, walang makakatalo sa kanyang mahal na si Celestine. Suot ni Celestine ngayon ang isang V-neck na pilak na chiffon fishtail dress, nakapusod ang kanyang maitim na buhok, maayos at malinis. Ang kanyang kutis ay labis na maputi, bahagyang nakikita ang kanyang dibdib, at ang damit ay perpektong nagpalutang sa kanyang kaakit-akit na kurba, ipinapakita ang kanyang magandang linya ng leeg at perpektong balikat.
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 85

Pinagpagan ni Sean ang kanyang mga kamay, at sumunod ang katiwala sa likuran niya. Sinabi ni Sean, "Lola Belen, ito ang regalong inihanda ng pamilya Vallejo para sa iyo, sana po ay magustuhan niyo!” Inihandog ng pamilya Vallejo ang isang hand-made jewelry ng isang sikat na jeweler sa buong Pilipinas! White jade earrings ito na para lang kay Mrs. Belen Peters. Nang lumabas ang regalo, kumislap ang mga ilaw, napakaliwanag. "Lola Belen, nawa’y maging malusog ka, magkaroon ng mahabang buhay at kaligayahan, at nawa’y pagpalain ka ng May Kapal!" personal na inihandog ni Sean. Hindi maitago ni Lola Belen ang tuwa at sinabing napakagandang regalo nito! Mahina na ang kanyang kalusugan, kaya’t talagang nakaaantig ang regalong ito. "Ito ba ay isang hand-made jewelry ng sikat na si Anton Cuevas? Aba, talaga namang napakagaling niya, ano!" sabi ni Mrs. Belen Peters, tuwang-tuwa. “Opo, iyan nga. Sigurado po akong bagay na bagay sa inyo iyan,” sagot ni Sean. "Ang kulay white jade na i
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 86

"Marahil ito ay dahil lahat ng mahahalagang halamang-gamot ay may pagkakatulad! Sinasabi mong mukha itong ginseng, pero hindi naman!""Tingnan mo ang ugat, ibang-iba! Mas makapal ito kaysa sa ginseng!""Wala bang damo ang snow lotus grass? Akala ko may damo talaga ito.”Patuloy na nagbigay ng opinyon ang lahat tungkol sa bagay na kamukha ng ginseng.Si Celestine ay napakagat-labi, hinaplos ang kanyang baba gamit ang isang kamay, at tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.‘Ano ka ba naman, Diana? Talagang lolokohin mo pa ang mga tao para lang mapabilang ka sa pamilya Peters? Kawawa ka naman talaga.’ sabi niya sa kanyang isip."Paano ito naging snow lotus grass? Hindi ba ito simple at binagong bersyon lang ng ginseng? Pininturahan lang ito, pinakapal ang rhizome, kaya't mukhang kakaiba!"Si Diana ay mayabang na ipinahayag na nakuha niya ang snow lotus grass pero peke
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 87

Nakita ni Celestine ang saya sa mga mata ni Diana. Tila ba pinoprovoke siya nito.Ang matanda ay napakaproud, kaya binigyan siya ng sapat na pagpapahalaga ng pamilya Valdez ngayong gabi!Gaano kasaya ang matanda ngayong gabi? Matutumbasan ba ito ni Celestine?Maingay ang paligid, nang biglang may sumigaw, "Ano ang ibinigay ni Celestine Peters? May regalo ba siya para kay Mrs. Belen Peters?”Tumahimik ang lugar sa loob ng tatlong segundo, at ang lahat ng mata ay napunta kay Celestine."Tama! Nasaan ang regalo mo, Celestine? Binigay mo na ba kay Mrs. Belen Peters? Wala pa akong nakikita!""Nagbigay na ng regalo si Mr. Sean Vallejo, pero hindi mo pa naibibigay ‘yong sa iyo, Celestine? Hindi naman yata pwede iyon.”"Parang nakita kong dumating siyang mag-isa at walang dala kanina. Posible bang wala siyang inihandang regalo para kay Mrs. Belen Peters?”"Kahit mahal siya ng mata
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 88

Pagkatapos magsalita ni Celestine, agad niyang inudyok ang pagkadismaya ng lahat sa loob ng lugar!"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Regalo iyon mula sa pamilya Valdez at gustong-gusto iyon ng matanda! Paano ito magiging peke?""Tama! Wala pang nakakita ng snow lotus grass! Ano ang basehan mo para sabihing peke ito?!""May mga balita kamakailan na ikaw at si Benjamin ay maghihiwalay na! Galit ka lang ba kaya mo ginugulo ang sitwasyon ngayon?""Sa tingin ko ay ganoon nga. Ang celebration ng birthday ay peke, pero ang pagkadismaya ay totoo!"Ang mga tanong at pang-iinsulto mula sa lahat ay nagpapatibay sa kamao ni Celestine. Parang gusto na niya tuloy suntukin ang lahat ng tao na magsasabing peke ang regalo niya.Lalong kumunot ang noo ni Lola Belen. Ayaw niyang magkaroon ng anumang gulo sa kanyang party! Hindi pwede itong nangyayari ngayon!Pagkatapos ng lahat, ang mga bisita ngayon ay puro mga kilalang tao sa industriya,
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 89

Nakikinig si Sean habang nakapulupot pa ang kanyang mga braso sa dibdib, nakasandal sa gilid ng entablado habang nanonood ng palabas, at hindi maiwasang isipin na talagang nakakatuwa ito!Totoo ba o pekeng damo ng snow lotus grass ang dala ni Diana?Lumapit si Vernard kay Celestine at magalang na sinabi, "Miss Yllana, ito ang snow lotus grass na hiniling mo!""Ilagay mo lang diyan." Tinuro ni Celestine ang isang flat na lamesa.Maingat na inilagay ni Vernard ang snow lotus grass sa tabi ng pekeng snow lotus.Kapag binuksan niya ang takip ng box ay malalaman agad kung alin ang totoo at alin ang peke!Napa-kunot ang noo ni Celestine, ibinaba ang boses, at may awtoridad na sinabi, "Buksan mo na iyan Vernard at ipakita na sa lahat ng nandito!"Pagkatapos magsalita, iniangat ni Vernard ang telang itim na pelus.Isang snow lotus grass na tila kumikinang ang agad na lumitaw sa kanilang paningin!Lahat ay napas
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 90

Nararamdaman man ni Diana ang kaba, nagawa pa rin niyang kumilos nang kalmado. Sinabi niya, "Sige, tingnan natin!" "Gumastos ako ng isang bilyon para bilhin ang snow lotus grass na iyan. Paano ko hindi malalaman kung ito ay totoo o peke? Bukod pa riyan, paano ko magagawang lokohin si Mrs. Belen Peters at ibigay sa kanya ang pekeng snow lotus grass?!” Ibinaba ni Diana ang kanyang bag at hinila ang isang upuan para maupo. Parang hindi niya alintana kung paano susuriin ni Vernard ang halamang gamot. "Miss Yllana, kung pinagbintangan mo ako nang mali ngayon, hinding-hindi kita mapapatawad kahit na lumuhod ka pa at magbigay-galang sa akin!" singhal ni Diana. Acting na acting. Akala mo ay talagang totoo ang kanyang sinasabi. Ano ang karapatan ni Celestine na sabihing peke ang pagmamay-ari niya? "At paano kung mapatunayan kong nagsasabi ako ng totoo?" Tumagilid ang ulo ni Celestine. Napangisi si Diana itinuro ang matataas na takong ni Celestine, nagngitngit, at nagsabing, "Kung ga
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
PREV
1
...
7891011
...
20
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status