Semua Bab Divorce Me Now, Mr. Peters!: Bab 71 - Bab 80

195 Bab

Chapter 71

Noong una ay gusto pang tumanggi ni Celestine, pero nang malaman niyang si Diana iyon, bigla siyang naging interesado sa kausap ni Vernard.Matagal na niyang hindi gusto si Diana, pero wala siyang pagkakataong gumawa ng anuman laban dito noon.Sa isip-isip niya, hindi naman labag sa batas ang magbiro ng kaunti, hindi ba? Siguro, okay lang naman ang gagawin niya.Sa pag-iisip nito, nag-log in si Chu Mian sa kanyang base account at direktang nakipag-usap sa lalaki."Isang bilyon. Isang bilyon para sa snow lotus grass.”"Isang simpleng isang bilyon lang, basta makuha mo ang snow lotus grass, anong halaga niyon, hindi ba?”"Magkita tayo at mag-usap nang masinsinan para rito kung gusto mo talagang kunin ang snow lotus grass.""Sige ba! Iyon lang pala eh. Walang problema!" sabi pa noong lalaki."Tawagan mo ang boss mo at makipag-usap sa akin nang personal ha? Siya ang gusto kong makipagkita sa akin.”"Bakit siya? Hindi ba pwedeng ako na lang? Ako naman ang kausap mo, ‘di ba? Ako na lang ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 72

Binuksan ni Diana ang pinto ng Box 999 ng The Rock Bar at ito'y walang katao-tao sa loob.Mahinang nagtanong ang bodyguard, "Miss, maaasahan ba talaga ang boss na iyon Bakit wala pa siya rito?""Siyempre naman pupunta iyon! Baka na-late lang. Alam mo na, busy na tao iyon eh!" pagkasabi noon ay sinulyapan niya ang kanyang bodyguard.Ito ang boss na makakatulong sa kanya para mahanap ang snow lotus grass. Kung may magsasabing hindi maaasahan ang boss na iyon, siya ang unang magagalit!Umupo si Diana sa sofa, kinuha ang kanyang cellphone, at masayang nagpadala ng mensahe kay Benjamin."Benjamin, hindi mo na kailangang hanapan ako ng snow lotus grass ha? Nahanap ko na ‘yon! Huwag ka na mag-alala sa akin!”Matapos iyon, isinara niya ang kanyang cellphone na may ngiti sa kanyang mukha.8 o’clock na ng gabi at tumayo si Diana, handang salubungin ang boss na sinasabi nila anumang sandali.Bihirang magpakita ang boss sa kahit sino sa pang-araw-araw. Ang pagkakataong makilala siya ay isang mala
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 73

“Sinabi niya na pagkatapos maayos ang sasakyan, napansin niyang sobrang lakas ng ulan, kaya bumalik siya sa parehong daan at hindi na darating ngayong gabi!”Galit na galit si Diana noong mga oras na iyon.Hinintay niya ito nang buong gabi, mula alas-otso hanggang alas-dose y media, pero bigla na lang niyang sinabi na hindi siya darating. Niloloko ba siya nito?!Siya si Diana Valdez! Diana Valdez! Ang panganay na anak ng pamilya Valdez! Maganda, mayaman at halos lahat ay nasa kanya na! Tapos, pinaghintay lang siya sa wala? Paano siya naloko ng ganito?!Siya ang laging nagpapalampas sa iba, pero ngayon siya ang pinalampas? Bakit?!Galit na galit si Diana, kinuha niya ang kanyang cellphone at handa nang magmura.Biglang may dumating pang isang message sa kanya."Pasensya na talaga sa nangyari, mag-set tayo ng panibagong oras bukas sa tanghali Promise! Matutuloy na talaga ito!"Naninikip ang mga mata ni Diana. Mag-set ng panibagong oras? Seryoso ba talaga ang kausap niya?"Hindi ka na ba
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 74

Nang lumabas si Celestine mula sa bar, malakas ang ulan. Madilim ang langit, at paminsan-minsan ay kumikidlat, pero tahimik ang kulog. Medyo kakaiba siya at mahilig sa mga araw na maulan, lalo na kapag nasa bahay lang siya, nanonood ng kdrama, kumakain, at umuulan sa labas. Pakiramdam niya ay tahimik at kumportable ang kanyang puso kapag ganoon ang weather. Pero, takot siya sa kulog. Natakot siya sa kulog noon matapos mahulog sa kailaliman ng dagat, dahil ang tunog nito ay nagbigay sa kanya ng matinding takot, na parang may sumabog sa kanyang mga tainga. Nang paalis na si Celestine para sumakay sa kotse, napansin niya ang isang itim na Maybach na nakaparada malapit. Bumukas ang pinto ng kotse, at isang lalaking naka-suit at leather shoes ang bumaba nang nagmamadali, may hawak na payong sa kamay, para salubungin si Diana. Saglit na tiningnan ni Celestine ang lalaki, at dumilim ang kanyang mga mata. Ang pinakamakapangyarihang tao at tila-diyos sa buong Nueva Ecija ay sumundo ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 75

Malakas ang ulan, at bahagyang nakita niya si Celestine na nakasandal sa manibela. Matagal nang hindi gumagalaw ang sasakyan.Nakahilig si Celestine sa manibela, tinatakpan ang kanyang mga tainga gamit ang magkabilang kamay, sinusubukang hadlangan ang nakakainis na kulog.Pero sa hindi malamang dahilan, parang alam ng kulog na takot siya, at sinadyang umalingawngaw ng mas maraming beses na parang nanunukso.Nang muling itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, namumutla na ang buong mukha niya.Kinuha niya ang kumot mula sa likod at ibinalot ang sarili.Patuloy sa pag-ikot ang mga wiper, at pinilit ni Celestine na yakapin ang sarili sa isang maliit na bola, sinusubukang makahanap ng kahit kaunting pakiramdam ng seguridad.Dapat ay nagsisimula pa lang ang buhay-gabi sa Nueva Ecija bandang ala-una, pero dahil sa ulan, kakaunti lamang ang mga tao sa kalsada.Nagdilim ang mga ilaw sa bar, at na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 76

Malabo ang isip ni Celestine, kaya hindi niya napansin na sinusundan siya ni Benjamin. Binilisan tuloy ni Eduard ang takbo ng kotse, sinusubukang iwan si Benjamin. Pero nang bumilis siya, bumilis din si Benjamin.Umakyat ang sasakyan sa viaduct, at humampas ang malakas na ulan sa salamin. Aksidenteng nakita ni Celwstine ang sasakyan ni Benjamin sa rearview mirror. Sandaling natigilan siya at lumingon.Sinabi ni Eduard, "Sinusundan tayo ni Benjamin.”‘Bakit siya nandito? Hindi ba niya hinatid si Diana pauwi?’ iyon ang nasa isip ni Celestine noong mga oras na iyon."Baka nadaan lang siya,” sagot ni Celestine, inaalis sa kanyang isip na posibleng sinusundan sila ng ni Benjamin.Pero hindi ito ang naisip ni Eduard sa ganoong paraan. Kitang-kita sa bilis ni Benjamin na hindi lang siya basta nadaan doon.Dalawang sasakyan ang bumabaybay nang mabilis sa viaduct. Magaling magmaneho si Benjamin, at paminsan-minsan ay pumapantay siya kay E
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 77

"Ikaw ang anak ko, sa tingin mo ba wala akong alam tungkol sa'yo?" Singhal ni Wendell at hinila si Celestine para sabay silang kumain ng noodles.Naupo si Celestine sa tapat ni Wendell. Habang naamoy ang mabangong noodles, nakaramdam siya ng lungkot.Noong taon na iyon, tinamaan ng matinding ulan ang buong Nueva Ecija at nawalan ng kuryente ang buong lungsod. Tinawagan niya si Benjamin, na noon ay kasama si Diana.Kalaunan, nang hindi na niya alam ang gagawin, tinawagan niya si Wendell.Ang lalaking paulit-ulit na nagsasabing nais niyang putulin ang ugnayan nilang mag-ama ay dali-daling pumunta sa mansion para samahan siya, sa kabila ng masungit na panahon na bumali ng mga sanga ng puno.Kinabukasan, ipinagluto siya ni Wendell ng isang mangkok ng braised beef noodles, katulad noon.Pero dahil sa ilang masasamang salita ni Wendell laban kay Benjamin, nag-away silang dalawa, at natapon ang noodles sa s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 78

Binuksan ni Diana ang kanyang bibig, at ang ekspresyon sa kanyang mukha ay halatang may kakaiba."Gusto rin bang makita ni Celestine ang ‘Boss’?""Miss Valdez, napakalakas mo na kaya mong makita ang mga ganitong klaseng tao. Hindi tulad ko, naririnig ko lang ang tungkol dito..." May ekspresyong "Gusto ko rin makita ang Boss" si Celestine.Suminghal si Diana, syempre. Siya ang panganay na anak ng pamilya Valdez, si Diana Valdez, at palagi niyang nakukuha ang gusto niya!"Kahit na mayaman na ang pamilya Yllana ay malayo pa rin ito sa apat na sikat na pamilya dito sa Nueva Ecija. Sa huli, magkaibigan tayo, kaya dalhin mo ako para makita ang boss na iyan, pwede ba?" Sinubukan ni Celestine na ibaba ang tingin sa pamilya Yllana para maging kapani-paniwala siya.Itinaas ni Diana ang kanyang kilay. Hindi niya matiis na tingalain siya ng iba. Gustong-gusto niya ang pakiramdam ng hinahangaan, lalo na't ang taong nasa harap
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 79

"Siyempre naman, ako pa ba? Kailan ba ko hindi naging sigurado?" Tumango si Celestine nang seryoso at kalmadong nagsabi, "Wow! Grabe ka naman! Siguradong matutuwa si Mrs. Belen Peters na matanggap ang snow lotus grass!" Tumawa si Diana. "Celestine, ang weird mo talaga kahit kailan!" "Ako ang magiging asawa ni Benj, pero kaya mong umupo rito at makisama sa akin nang ganito katahimik..." Napatawa si tuloy si Diana. Hinawakan ni Celestine ang dulo ng kanyang ilong. ‘Siyempre, kaya kong umupo rito para pagtawanan ka, munting tanga!’ iyon ang nasa isip niya. Nakaramdam ng kawalang-katarungan si Celestine. "Ano pa nga ba? Ang galing mo kaya, Miss Valdez. Hindi nga kita kayang talunin.” "Hindi naman sa hindi mo ako kaya talunin, kung hindi dahil wala kang suporta ni Benjamin kahit anong gawin mo!" Ang dahilan kung bakit niya nagagaw
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 80

Namuti ang mukha ni Diana sa isang iglap. Hindi na niya alam ang gagawin. Kabadong-kabado siya.Diyos ko, bakit blinock siya nito?!Siya si Diana Valdez, paano siya nagkaroon ng ganitong lakas ng loob na tratuhin siya ng ganito?! Hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban niya!Pinindot ni Diana ang "add as a friend," ngunit natuklasan niyang hindi niya ito ma-add. Tuwing susubukan niya, biglang nagla-lag ang kanyang cellphone.Ano ang nangyayari? Bakit ganoon?Patuloy pa ring nakatingin si Celestine sa cellphone ni Diana. Nang makita ito, mabilis na tinakpan ni Diana ang screen ng kanyang cellphone para hindi ito makita ni Celestine.Agad niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan at nagtanong, "Bakit hindi ko siya makontak? Ikaw ba, nakokontak mo pa siya?""Hindi na po eh. Ms. Valdez, na-offend mo ba siya?""Ano ang ibig mong sabihin?" kinagat ni Diana ang kanyang labi.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
678910
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status