Malakas ang ulan, at bahagyang nakita niya si Celestine na nakasandal sa manibela. Matagal nang hindi gumagalaw ang sasakyan.
Nakahilig si Celestine sa manibela, tinatakpan ang kanyang mga tainga gamit ang magkabilang kamay, sinusubukang hadlangan ang nakakainis na kulog.Pero sa hindi malamang dahilan, parang alam ng kulog na takot siya, at sinadyang umalingawngaw ng mas maraming beses na parang nanunukso.Nang muling itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, namumutla na ang buong mukha niya.Kinuha niya ang kumot mula sa likod at ibinalot ang sarili.Patuloy sa pag-ikot ang mga wiper, at pinilit ni Celestine na yakapin ang sarili sa isang maliit na bola, sinusubukang makahanap ng kahit kaunting pakiramdam ng seguridad.Dapat ay nagsisimula pa lang ang buhay-gabi sa Nueva Ecija bandang ala-una, pero dahil sa ulan, kakaunti lamang ang mga tao sa kalsada.Nagdilim ang mga ilaw sa bar, at naMalabo ang isip ni Celestine, kaya hindi niya napansin na sinusundan siya ni Benjamin. Binilisan tuloy ni Eduard ang takbo ng kotse, sinusubukang iwan si Benjamin. Pero nang bumilis siya, bumilis din si Benjamin.Umakyat ang sasakyan sa viaduct, at humampas ang malakas na ulan sa salamin. Aksidenteng nakita ni Celwstine ang sasakyan ni Benjamin sa rearview mirror. Sandaling natigilan siya at lumingon.Sinabi ni Eduard, "Sinusundan tayo ni Benjamin.”‘Bakit siya nandito? Hindi ba niya hinatid si Diana pauwi?’ iyon ang nasa isip ni Celestine noong mga oras na iyon."Baka nadaan lang siya,” sagot ni Celestine, inaalis sa kanyang isip na posibleng sinusundan sila ng ni Benjamin.Pero hindi ito ang naisip ni Eduard sa ganoong paraan. Kitang-kita sa bilis ni Benjamin na hindi lang siya basta nadaan doon.Dalawang sasakyan ang bumabaybay nang mabilis sa viaduct. Magaling magmaneho si Benjamin, at paminsan-minsan ay pumapantay siya kay E
"Ikaw ang anak ko, sa tingin mo ba wala akong alam tungkol sa'yo?" Singhal ni Wendell at hinila si Celestine para sabay silang kumain ng noodles.Naupo si Celestine sa tapat ni Wendell. Habang naamoy ang mabangong noodles, nakaramdam siya ng lungkot.Noong taon na iyon, tinamaan ng matinding ulan ang buong Nueva Ecija at nawalan ng kuryente ang buong lungsod. Tinawagan niya si Benjamin, na noon ay kasama si Diana.Kalaunan, nang hindi na niya alam ang gagawin, tinawagan niya si Wendell.Ang lalaking paulit-ulit na nagsasabing nais niyang putulin ang ugnayan nilang mag-ama ay dali-daling pumunta sa mansion para samahan siya, sa kabila ng masungit na panahon na bumali ng mga sanga ng puno.Kinabukasan, ipinagluto siya ni Wendell ng isang mangkok ng braised beef noodles, katulad noon.Pero dahil sa ilang masasamang salita ni Wendell laban kay Benjamin, nag-away silang dalawa, at natapon ang noodles sa s
Binuksan ni Diana ang kanyang bibig, at ang ekspresyon sa kanyang mukha ay halatang may kakaiba."Gusto rin bang makita ni Celestine ang ‘Boss’?""Miss Valdez, napakalakas mo na kaya mong makita ang mga ganitong klaseng tao. Hindi tulad ko, naririnig ko lang ang tungkol dito..." May ekspresyong "Gusto ko rin makita ang Boss" si Celestine.Suminghal si Diana, syempre. Siya ang panganay na anak ng pamilya Valdez, si Diana Valdez, at palagi niyang nakukuha ang gusto niya!"Kahit na mayaman na ang pamilya Yllana ay malayo pa rin ito sa apat na sikat na pamilya dito sa Nueva Ecija. Sa huli, magkaibigan tayo, kaya dalhin mo ako para makita ang boss na iyan, pwede ba?" Sinubukan ni Celestine na ibaba ang tingin sa pamilya Yllana para maging kapani-paniwala siya.Itinaas ni Diana ang kanyang kilay. Hindi niya matiis na tingalain siya ng iba. Gustong-gusto niya ang pakiramdam ng hinahangaan, lalo na't ang taong nasa harap
"Siyempre naman, ako pa ba? Kailan ba ko hindi naging sigurado?" Tumango si Celestine nang seryoso at kalmadong nagsabi, "Wow! Grabe ka naman! Siguradong matutuwa si Mrs. Belen Peters na matanggap ang snow lotus grass!" Tumawa si Diana. "Celestine, ang weird mo talaga kahit kailan!" "Ako ang magiging asawa ni Benj, pero kaya mong umupo rito at makisama sa akin nang ganito katahimik..." Napatawa si tuloy si Diana. Hinawakan ni Celestine ang dulo ng kanyang ilong. ‘Siyempre, kaya kong umupo rito para pagtawanan ka, munting tanga!’ iyon ang nasa isip niya. Nakaramdam ng kawalang-katarungan si Celestine. "Ano pa nga ba? Ang galing mo kaya, Miss Valdez. Hindi nga kita kayang talunin.” "Hindi naman sa hindi mo ako kaya talunin, kung hindi dahil wala kang suporta ni Benjamin kahit anong gawin mo!" Ang dahilan kung bakit niya nagagaw
Namuti ang mukha ni Diana sa isang iglap. Hindi na niya alam ang gagawin. Kabadong-kabado siya.Diyos ko, bakit blinock siya nito?!Siya si Diana Valdez, paano siya nagkaroon ng ganitong lakas ng loob na tratuhin siya ng ganito?! Hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban niya!Pinindot ni Diana ang "add as a friend," ngunit natuklasan niyang hindi niya ito ma-add. Tuwing susubukan niya, biglang nagla-lag ang kanyang cellphone.Ano ang nangyayari? Bakit ganoon?Patuloy pa ring nakatingin si Celestine sa cellphone ni Diana. Nang makita ito, mabilis na tinakpan ni Diana ang screen ng kanyang cellphone para hindi ito makita ni Celestine.Agad niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan at nagtanong, "Bakit hindi ko siya makontak? Ikaw ba, nakokontak mo pa siya?""Hindi na po eh. Ms. Valdez, na-offend mo ba siya?""Ano ang ibig mong sabihin?" kinagat ni Diana ang kanyang labi.
Di nagtagal, narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa cellphone, "Diana, ano ang itsura ng snow lotus grass na ito? Dalhin mo ito pauwi at ipakita sa amin!""Diana, ngayon ang pamilya Valdez ay yayaman na nang yayaman! Tinawagan ako ng mga kaibigan ko at tinanong kung pwede nilang makita ang snow lotus grass! Ano? Pwede ba?” tanong ng ina ni Diana sa kanya.Kumplikado ang ekspresyon ni Diana at dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang noo gamit ang isang kamay.Patay na, mukhang lumaki na nang husto ang gulong ito. Ano ang gagawin ni Diana ngayon? Paano niya aayusin ito?Ibinaba ni Diana ang kanyang cellphone at nilagay sa silent mode. Tiningnan niya ang walang laman na box kung saan niya sana ilalagay ang snow lotus grass, pagkatapos ay naalala niyang dalawang beses na siyang iniwan sa kwartong ito, bigla siyang nagalit.Lintik! Bakit hindi nagpaloko ako sa lalaking iyon?! Ano na ang gagawin niya ngayon?Huwag lang niyang malaman kung sino talaga ang taong iyon, kung hindi, baba
"Mrs. Belen Peters, narinig ko na mahilig kayo sa alahas! Nagpadala ang pamilya Seniva ng isang pares ng white pearl earrings! Sana'y tanggapin ninyo po ito!""Mrs. Belen Peters, hindi pwedeng wala ring regalo ang pamilya Regala. Naghanda kami ng pinakamaganda na green Agatha pearl para sa inyo!"Tiningnan ni Mrs. Belen Peters ang mga lalaking nasa harapan niya na may ngiti sa kanyang mga mata. Ang buong eksena ay puno ng kasiyahan.“Maraming salamat sa mga regalo niyo. Well appreciated ang lahat ng iyan,” nakangiting sabi ni Mrs. Belen Peters.“Nida, kunin mo na ang mga regalong binibigay nila ha. Salamat,” utos ni Mrs. Belen Peters.Kaya naman, isa-isang tinanggap ng mayordoma ni Mrs. Belen Peters ang mga regalo at isinulat ang pangalan ng mga nagbigay.Hindi lamang nagbigay ng regalo ang lahat, nagbigay rin sila ng pagbati sa matanda at sinikap na maging pamilyar sa kanya.Marami sa kanila ang nagsumikap para makahana
Kinagat ni Diana ang kanyang labi. Kitang-kita na interesado rin si Mrs. Belen Peters sa snow lotus grass. Kung ibibigay niya ang snow lotus grass sa matanda ngayon, tiyak na magbabago ang pagtingin nito sa kanya! Pero kung malalaman ni Mrs. Belen Peters na peke ang snow lotus grass na ibinigay niya… Hindi! Hindi niya hahayaang malaman ng matand na ito ay isang pekeng snow lotus grass lang! Sa pag-iisip nito, tinaas ni Diana ang kanyang mukha, puno ng kumpiyansa ang kanyang mga mata. "Grandma!" Ngumiti si Diana at masiglang lumapit kay Lola Belen. Tiningnan siya ni Lola Belen pero hindi tumugon. Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Hindi ito pinansin ni Diana. Lumapit siya kay Lola Belen, ngumiti, yumuko, at nagsabi, "Grandma, binabati kita po kita ng happy birthday! Nawa'y magkaroon ka ng mabuting kalusugan at mahabang buhay!" sinubukan niyang humalik sa cheeks ni Lo
Puno ng gulat ang mga mata ni Benjamin dahil sa narinig.Alam niyang baliw si Celestine kung minsan, pero hindi niya inasahan na masasabi nito ang ganoong bagay!"Celestine, alam mo ba ang sinasabi mo?" Lumapit si Benjamin at mahigpit na hinawakan ang pulso ni Celestine gamit ang isang kamay.Kinagat ni Celestine ang kanyang labi at naramdaman ang sakit sa kanyang pulso.Ramdam na ramdam niya ang lakas ng hawak nito dahil sa galit na dulot ng kanyang sinabi.“Gusto kong mamatay si Diana.”Kung mamamatay si Diana, hindi na siya makakatakas. Siya agad ang pagbibintangan ng pamilya Valdez at ni Benjamin.Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha at tinitigan ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon. Wala nang pagmamahal o lambing sa kanyang mga mata, puro pagkailang na lamang.Dati, iniisip niya na kung dumating ang araw na hindi na siya mahal si Benjamin, mawawalan na ng saysay ang kanyang buhay.Ngayon, natuklasan niyang kung hindi na niya mahal si Benjamin kaya mas magiging mak
Siya ba ay nasa hustong gulang at nalilito, o si Benjamin ba ang nalilito? Malinaw na kakaiba siya sa kanyang propesyon at may matalas na pananaw, pero bakit siya ang parang hindi malinaw pagdating sa pag-ibig?Dahil ba hindi niya mahal ang sarili niya? Kaya ba niya tinatapakan ang sarili niya nang ganoon na lang?Lumapit si Zsa Zsa at itinulak si Celestine sa likuran niya, at sumigaw, "Benjamin, ano bang ginagawa mo rito? Naunawaan mo na ba ang totoong nangyari? Nagsisigaw ka rito nang wala sa lugar?""Anuman ang nangyari, pinaluhod ni Celestine si Diana sa harap ng napakaraming tao, at kasalanan iyon ni Celestine!" Mahinang sabi ni Benjamin,puno ng galit.Napasulyap si Celestine sa mata ni Benjamin at nakita ang matinding pagkainis na hindi pa niya nararanasan noon.Mas higit pa ang poot nito sa kanya kaysa dati!Napayuko si Celestine, ramdam ang hindi maipaliwanag na sakit sa puso niya at sakit na bumalot sa buong pagkatao niya.Kailanman, hindi siya naniwala sa sarili niya o ipina
Itinaas ni Celestine ang kanyang kilay. Lumapit siya kay Zsa Zsa. Mahinahon at may lambing niyang sinabi, "Mom, bakit hindi na lang natin kalimutan ito? Nagbibiro lang naman ako kanina! Baka talaga naloko lang si Miss Valdez kung saan man niya nabili iyan!”"Kalimutan? Walang ganun! Hindi pwede! Kailangan kong tanggapin ni Miss Valdez ang consequence ng pagkatalo niya!" Hindi natuwa si Zsa Zsa.Paano matatanggap ng pamilya Peters na mapahiya si Celestine? Hindi papayag si Zsa Zsa.Bukod pa rito, araw-araw siyang inaakit ng malanding ito si Benjamin, dahilan para masira ang relasyon nina Benjamin at Celestine. Kailangan niyang bigyan ng leksyon si Diana.Talagang matigas si Zsa Zsa. Walang nagawa si Celestine kung hindi tingnan si Diana nang may bahagyang awa, na tila sinasabi, "Sinubukan ko na rin naman na pigilan ang pagpapahiya sa iyo."Sa unang pagkakataon, pakiramdam ni Celestine ay napakasarap palang gumanap bilang isang Mrs. Peters.
Nag-aalala na ang lahat kung kanino ba talaga ang totoong snow lotus grass.Sari-saring komento na rin ang nasabi dahil dumating na ang magpapatunay, si Mr. Dante Alfarez.“Iyan! Malalaman na talaga natin kung kanino ang totoo at kung kanino ang fake!”“Basta, kay Miss Valdez ang pusta ko! Hindi naman siguro niya sisirain ang image ng pamilya Valdez sa napakaraming tao, hindi ba?”“Kay Mrs. Peters naman ang pusta ko! Mas kapani-paniwala ang itsura noong kanya tapos may instrumento pa siyang ginamit kanina, ‘di ba? E di, sa kanya ‘yong totoo.”Lumapit na si Zsa Zsa para malaman na kung sino ba ang nagsasabinng totoo."Mr. Alfarez, pwede mo bang sabihin sa akin kung alin sa dalawang ito ang tunay na snow lotus grass?" tanong ni Zsa Zsa kay Mr. Dante Alfarez.Bagama’t naniniwala siyang ang kay Celestine ang tunay na snow lotus grass, kailangan magsalita ni Dante Alfarez kung gust
Narinig pa ni Lola Belen ang sari-saring komento at tumingin kay Diana. "Binigyan siya ng pekeng snow lotus grass? Minamaliit ba siya nito?" “Ay, baka nga totoong gusto lang ng pamilya Valdez na mapalapit sa pamilya Peters. Narinig ko iyon sa mga balita nitong mga nakaraang araw.” “Pero, in fairness, ang ganda pala talaga ng totoong snow lotus grass!” Namumutla ang mukha ni Diana. Mabilis siyang umiling at nagsabi kay Lola Belen, "Lola Belen, huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan ng mga tao! Ang pamilya Valdez po ay tapat sa pamilya niyo at lubos ko kayong iginagalang! Hindi ko kayang gawin sa inyo ang ganitong klaseng gawain!” Gustung-gusto niyang makapasok sa pamilya Valdez, kaya paano niya mamaliitin ang head of the family? Kinagat ni Diana ang ibabang labi niya, itinuro ang instrumento sa kamay ni Celestine at sinabi, "Ito ang tunay na snow lotus grass!
"Mas mabuti pang hawakan mo ang iyong rosas at umalis ka rito! Hindi namin iyan kailangan dito!"Muling naging magulo ang mga tagapanood sa lugar at walang awang pinagtawanan at pinagtabuyan si Celestine.Ang bawat pangungusap, tulad ng madilim na ulap, ay dumadagok sa kanya hanggang halos hindi na siya makahinga.Ang takot niya sa mga tao sa kanyang paligid ay mahahalintulad sa takot niya sa kulog at kidlat.Ang dahilan kung bakit siya sumuko ay dahil ayaw niyang magalit si Mrs. Belen Peters. Pero sa paningin pala ng iba, isa lamang itong pagkakataon para lalo siyang saktan.Kung ganoon…Siya mismo ang magpapatunay kung aling snow lotus grass ang tunay! Hindi siya pwedeng umuwing luhaan! Siya si Celestine Yllana at hindi na siya magpapa api kahit na kailan.Kinuha ni Celestine ang instrumento sa pagche-check mula sa kamay ni Vernard at, sa gitna ng pangungutya ng lahat, diretsong ini-s
Nararamdaman man ni Lu Jiao ang kaba, nagawa pa rin niyang kumilos nang kalmado. Sinabi niya, "Sige, tingnan natin!" "Gumastos ako ng isang bilyon para bilhin ang snow lotus grass na iyan. Paano ko hindi malalaman kung ito ay totoo o peke? Bukod pa riyan, paano ko magagawang lokohin si Mrs. Belen Peters at ibigay sa kanya ang pekeng snow lotus grass?!” Ibinaba ni Diana ang kanyang bag at hinila ang isang upuan para maupo. Parang hindi niya alintana kung paano susuriin ni Vernard ang halamang gamot. "Miss Yllana, kung pinagbintangan mo ako nang mali ngayon, hinding-hindi kita mapapatawad kahit na lumuhod ka pa at magbigay-galang sa akin!" singhal ni Diana. Acting na acting. Akala mo ay talagang totoo ang kanyang sinasabi. Ano ang karapatan ni Celestine na sabihing peke ang pagmamay-ari niya? "At paano kung mapatunayan kong nagsasabi ako ng totoo?" Tumagilid ang ulo ni Celestine.
Nakikinig si Sean habang nakapulupot pa ang kanyang mga braso sa dibdib, nakasandal sa gilid ng entablado habang nanonood ng palabas, at hindi maiwasang isipin na talagang nakakatuwa ito!Totoo ba o pekeng damo ng snow lotus grass ang dala ni Diana?Lumapit si Vernard kay Celestine at magalang na sinabi, "Miss Yllana, ito ang snow lotus grass na hiniling mo!""Ilagay mo lang diyan." Tinuro ni Celestine ang isang flat na lamesa.Maingat na inilagay ni Vernard ang snow lotus grass sa tabi ng pekeng snow lotus.Kapag binuksan niya ang takip ng box ay malalaman agad kung alin ang totoo at alin ang peke!Napa-kunot ang noo ni Celestine, ibinaba ang boses, at may awtoridad na sinabi, "Buksan mo na iyan Vernard at ipakita na sa lahat ng nandito!"Pagkatapos magsalita, iniangat ni Vernard ang telang itim na pelus.Isang snow lotus grass na tila kumikinang ang agad na lumitaw sa kanilang paningin!Lahat ay napas
Pagkatapos magsalita ni Celestine, agad niyang inudyok ang pagkadismaya ng lahat sa loob ng lugar!"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Regalo iyon mula sa pamilya Valdez at gustong-gusto iyon ng matanda! Paano ito magiging peke?""Tama! Wala pang nakakita ng snow lotus grass! Ano ang basehan mo para sabihing peke ito?!""May mga balita kamakailan na ikaw at si Benjamin ay maghihiwalay na! Galit ka lang ba kaya mo ginugulo ang sitwasyon ngayon?""Sa tingin ko ay ganoon nga. Ang celebration ng birthday ay peke, pero ang pagkadismaya ay totoo!"Ang mga tanong at pang-iinsulto mula sa lahat ay nagpapatibay sa kamao ni Celestine. Parang gusto na niya tuloy suntukin ang lahat ng tao na magsasabing peke ang regalo niya.Lalong kumunot ang noo ni Lola Belen. Ayaw niyang magkaroon ng anumang gulo sa kanyang party! Hindi pwede itong nangyayari ngayon!Pagkatapos ng lahat, ang mga bisita ngayon ay puro mga kilalang tao sa industriya,