"Mrs. Belen Peters, narinig ko na mahilig kayo sa alahas! Nagpadala ang pamilya Seniva ng isang pares ng white pearl earrings! Sana'y tanggapin ninyo po ito!"
"Mrs. Belen Peters, hindi pwedeng wala ring regalo ang pamilya Regala. Naghanda kami ng pinakamaganda na green Agatha pearl para sa inyo!"Tiningnan ni Mrs. Belen Peters ang mga lalaking nasa harapan niya na may ngiti sa kanyang mga mata. Ang buong eksena ay puno ng kasiyahan.“Maraming salamat sa mga regalo niyo. Well appreciated ang lahat ng iyan,” nakangiting sabi ni Mrs. Belen Peters.“Nida, kunin mo na ang mga regalong binibigay nila ha. Salamat,” utos ni Mrs. Belen Peters.Kaya naman, isa-isang tinanggap ng mayordoma ni Mrs. Belen Peters ang mga regalo at isinulat ang pangalan ng mga nagbigay.Hindi lamang nagbigay ng regalo ang lahat, nagbigay rin sila ng pagbati sa matanda at sinikap na maging pamilyar sa kanya.Marami sa kanila ang nagsumikap para makahanaKinagat ni Diana ang kanyang labi. Kitang-kita na interesado rin si Mrs. Belen Peters sa snow lotus grass. Kung ibibigay niya ang snow lotus grass sa matanda ngayon, tiyak na magbabago ang pagtingin nito sa kanya! Pero kung malalaman ni Mrs. Belen Peters na peke ang snow lotus grass na ibinigay niya… Hindi! Hindi niya hahayaang malaman ng matand na ito ay isang pekeng snow lotus grass lang! Sa pag-iisip nito, tinaas ni Diana ang kanyang mukha, puno ng kumpiyansa ang kanyang mga mata. "Grandma!" Ngumiti si Diana at masiglang lumapit kay Lola Belen. Tiningnan siya ni Lola Belen pero hindi tumugon. Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Hindi ito pinansin ni Diana. Lumapit siya kay Lola Belen, ngumiti, yumuko, at nagsabi, "Grandma, binabati kita po kita ng happy birthday! Nawa'y magkaroon ka ng mabuting kalusugan at mahabang buhay!" sinubukan niyang humalik sa cheeks ni Lo
Tumigil si Diana nang paalis na sana niyang buksan ang peke na snow lotus grass. “Lola Belen, hindi niyo na po ba titingnan itong snow lotus grass? Ito po ay para sa inyo!” pilit pa niya. Tiningnan na lang niya ang likuran ni Lola Belen habang naglalakad ito palabas ng pinto, ramdam ang inis at mariing kinagat ang kanyang ibabang labi. Ano ba ang maganda kay Celestine? Simula nang dumating si Celestine, hindi na man lang niya nilingon ang snow lotus grass?! Pagdating sa kagandahan at kasikatan, walang makakatalo sa kanyang mahal na si Celestine. Suot ni Celestine ngayon ang isang V-neck na pilak na chiffon fishtail dress, nakapusod ang kanyang maitim na buhok, maayos at malinis. Ang kanyang kutis ay labis na maputi, bahagyang nakikita ang kanyang dibdib, at ang damit ay perpektong nagpalutang sa kanyang kaakit-akit na kurba, ipinapakita ang kanyang magandang linya ng leeg at perpektong balikat.
Pinagpagan ni Sean ang kanyang mga kamay, at sumunod ang katiwala sa likuran niya. Sinabi ni Sean, "Lola Belen, ito ang regalong inihanda ng pamilya Vallejo para sa iyo, sana po ay magustuhan niyo!” Inihandog ng pamilya Vallejo ang isang hand-made jewelry ng isang sikat na jeweler sa buong Pilipinas! White jade earrings ito na para lang kay Mrs. Belen Peters. Nang lumabas ang regalo, kumislap ang mga ilaw, napakaliwanag. "Lola Belen, nawa’y maging malusog ka, magkaroon ng mahabang buhay at kaligayahan, at nawa’y pagpalain ka ng May Kapal!" personal na inihandog ni Sean. Hindi maitago ni Lola Belen ang tuwa at sinabing napakagandang regalo nito! Mahina na ang kanyang kalusugan, kaya’t talagang nakaaantig ang regalong ito. "Ito ba ay isang hand-made jewelry ng sikat na si Anton Cuevas? Aba, talaga namang napakagaling niya, ano!" sabi ni Mrs. Belen Peters, tuwang-tuwa. “Opo, iyan nga. Sigurado po akong bagay na bagay sa inyo iyan,” sagot ni Sean. "Ang kulay white jade na i
"Marahil ito ay dahil lahat ng mahahalagang halamang-gamot ay may pagkakatulad! Sinasabi mong mukha itong ginseng, pero hindi naman!""Tingnan mo ang ugat, ibang-iba! Mas makapal ito kaysa sa ginseng!""Wala bang damo ang snow lotus grass? Akala ko may damo talaga ito.”Patuloy na nagbigay ng opinyon ang lahat tungkol sa bagay na kamukha ng ginseng.Si Celestine ay napakagat-labi, hinaplos ang kanyang baba gamit ang isang kamay, at tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.‘Ano ka ba naman, Diana? Talagang lolokohin mo pa ang mga tao para lang mapabilang ka sa pamilya Peters? Kawawa ka naman talaga.’ sabi niya sa kanyang isip."Paano ito naging snow lotus grass? Hindi ba ito simple at binagong bersyon lang ng ginseng? Pininturahan lang ito, pinakapal ang rhizome, kaya't mukhang kakaiba!"Si Diana ay mayabang na ipinahayag na nakuha niya ang snow lotus grass pero peke
Nakita ni Celestine ang saya sa mga mata ni Diana. Tila ba pinoprovoke siya nito.Ang matanda ay napakaproud, kaya binigyan siya ng sapat na pagpapahalaga ng pamilya Valdez ngayong gabi!Gaano kasaya ang matanda ngayong gabi? Matutumbasan ba ito ni Celestine?Maingay ang paligid, nang biglang may sumigaw, "Ano ang ibinigay ni Celestine Peters? May regalo ba siya para kay Mrs. Belen Peters?”Tumahimik ang lugar sa loob ng tatlong segundo, at ang lahat ng mata ay napunta kay Celestine."Tama! Nasaan ang regalo mo, Celestine? Binigay mo na ba kay Mrs. Belen Peters? Wala pa akong nakikita!""Nagbigay na ng regalo si Mr. Sean Vallejo, pero hindi mo pa naibibigay ‘yong sa iyo, Celestine? Hindi naman yata pwede iyon.”"Parang nakita kong dumating siyang mag-isa at walang dala kanina. Posible bang wala siyang inihandang regalo para kay Mrs. Belen Peters?”"Kahit mahal siya ng mata
Pagkatapos magsalita ni Celestine, agad niyang inudyok ang pagkadismaya ng lahat sa loob ng lugar!"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Regalo iyon mula sa pamilya Valdez at gustong-gusto iyon ng matanda! Paano ito magiging peke?""Tama! Wala pang nakakita ng snow lotus grass! Ano ang basehan mo para sabihing peke ito?!""May mga balita kamakailan na ikaw at si Benjamin ay maghihiwalay na! Galit ka lang ba kaya mo ginugulo ang sitwasyon ngayon?""Sa tingin ko ay ganoon nga. Ang celebration ng birthday ay peke, pero ang pagkadismaya ay totoo!"Ang mga tanong at pang-iinsulto mula sa lahat ay nagpapatibay sa kamao ni Celestine. Parang gusto na niya tuloy suntukin ang lahat ng tao na magsasabing peke ang regalo niya.Lalong kumunot ang noo ni Lola Belen. Ayaw niyang magkaroon ng anumang gulo sa kanyang party! Hindi pwede itong nangyayari ngayon!Pagkatapos ng lahat, ang mga bisita ngayon ay puro mga kilalang tao sa industriya,
Nakikinig si Sean habang nakapulupot pa ang kanyang mga braso sa dibdib, nakasandal sa gilid ng entablado habang nanonood ng palabas, at hindi maiwasang isipin na talagang nakakatuwa ito!Totoo ba o pekeng damo ng snow lotus grass ang dala ni Diana?Lumapit si Vernard kay Celestine at magalang na sinabi, "Miss Yllana, ito ang snow lotus grass na hiniling mo!""Ilagay mo lang diyan." Tinuro ni Celestine ang isang flat na lamesa.Maingat na inilagay ni Vernard ang snow lotus grass sa tabi ng pekeng snow lotus.Kapag binuksan niya ang takip ng box ay malalaman agad kung alin ang totoo at alin ang peke!Napa-kunot ang noo ni Celestine, ibinaba ang boses, at may awtoridad na sinabi, "Buksan mo na iyan Vernard at ipakita na sa lahat ng nandito!"Pagkatapos magsalita, iniangat ni Vernard ang telang itim na pelus.Isang snow lotus grass na tila kumikinang ang agad na lumitaw sa kanilang paningin!Lahat ay napas
Nararamdaman man ni Diana ang kaba, nagawa pa rin niyang kumilos nang kalmado. Sinabi niya, "Sige, tingnan natin!" "Gumastos ako ng isang bilyon para bilhin ang snow lotus grass na iyan. Paano ko hindi malalaman kung ito ay totoo o peke? Bukod pa riyan, paano ko magagawang lokohin si Mrs. Belen Peters at ibigay sa kanya ang pekeng snow lotus grass?!” Ibinaba ni Diana ang kanyang bag at hinila ang isang upuan para maupo. Parang hindi niya alintana kung paano susuriin ni Vernard ang halamang gamot. "Miss Yllana, kung pinagbintangan mo ako nang mali ngayon, hinding-hindi kita mapapatawad kahit na lumuhod ka pa at magbigay-galang sa akin!" singhal ni Diana. Acting na acting. Akala mo ay talagang totoo ang kanyang sinasabi. Ano ang karapatan ni Celestine na sabihing peke ang pagmamay-ari niya? "At paano kung mapatunayan kong nagsasabi ako ng totoo?" Tumagilid ang ulo ni Celestine. Napangisi si Diana itinuro ang matataas na takong ni Celestine, nagngitngit, at nagsabing, "Kung ga
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka