Home / Romance / Divorce Me Now, Mr. Peters! / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Divorce Me Now, Mr. Peters!: Chapter 91 - Chapter 100

199 Chapters

Chapter 91

"Mas mabuti pang hawakan mo ang iyong rosas at umalis ka rito! Hindi namin iyan kailangan dito!"Muling naging magulo ang mga tagapanood sa lugar at walang awang pinagtawanan at pinagtabuyan si Celestine.Ang bawat pangungusap, tulad ng madilim na ulap, ay dumadagok sa kanya hanggang halos hindi na siya makahinga.Ang takot niya sa mga tao sa kanyang paligid ay mahahalintulad sa takot niya sa kulog at kidlat.Ang dahilan kung bakit siya sumuko ay dahil ayaw niyang magalit si Mrs. Belen Peters. Pero sa paningin pala ng iba, isa lamang itong pagkakataon para lalo siyang saktan.Kung ganoon…Siya mismo ang magpapatunay kung aling snow lotus grass ang tunay! Hindi siya pwedeng umuwing luhaan! Siya si Celestine Yllana at hindi na siya magpapa api kahit na kailan.Kinuha ni Celestine ang instrumento sa pagche-check mula sa kamay ni Vernard at, sa gitna ng pangungutya ng lahat, diretsong ini-s
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 92

Narinig pa ni Lola Belen ang sari-saring komento at tumingin kay Diana. "Binigyan siya ng pekeng snow lotus grass? Minamaliit ba siya nito?" “Ay, baka nga totoong gusto lang ng pamilya Valdez na mapalapit sa pamilya Peters. Narinig ko iyon sa mga balita nitong mga nakaraang araw.” “Pero, in fairness, ang ganda pala talaga ng totoong snow lotus grass!” Namumutla ang mukha ni Diana. Mabilis siyang umiling at nagsabi kay Lola Belen, "Lola Belen, huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan ng mga tao! Ang pamilya Valdez po ay tapat sa pamilya niyo at lubos ko kayong iginagalang! Hindi ko kayang gawin sa inyo ang ganitong klaseng gawain!” Gustung-gusto niyang makapasok sa pamilya Valdez, kaya paano niya mamaliitin ang head of the family? Kinagat ni Diana ang ibabang labi niya, itinuro ang instrumento sa kamay ni Celestine at sinabi, "Ito ang tunay na snow lotus grass!
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 93

Nag-aalala na ang lahat kung kanino ba talaga ang totoong snow lotus grass.Sari-saring komento na rin ang nasabi dahil dumating na ang magpapatunay, si Mr. Dante Alfarez.“Iyan! Malalaman na talaga natin kung kanino ang totoo at kung kanino ang fake!”“Basta, kay Miss Valdez ang pusta ko! Hindi naman siguro niya sisirain ang image ng pamilya Valdez sa napakaraming tao, hindi ba?”“Kay Mrs. Peters naman ang pusta ko! Mas kapani-paniwala ang itsura noong kanya tapos may instrumento pa siyang ginamit kanina, ‘di ba? E di, sa kanya ‘yong totoo.”Lumapit na si Zsa Zsa para malaman na kung sino ba ang nagsasabinng totoo."Mr. Alfarez, pwede mo bang sabihin sa akin kung alin sa dalawang ito ang tunay na snow lotus grass?" tanong ni Zsa Zsa kay Mr. Dante Alfarez.Bagama’t naniniwala siyang ang kay Celestine ang tunay na snow lotus grass, kailangan magsalita ni Dante Alfarez kung gust
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 94

Itinaas ni Celestine ang kanyang kilay. Lumapit siya kay Zsa Zsa. Mahinahon at may lambing niyang sinabi, "Mom, bakit hindi na lang natin kalimutan ito? Nagbibiro lang naman ako kanina! Baka talaga naloko lang si Miss Valdez kung saan man niya nabili iyan!”"Kalimutan? Walang ganun! Hindi pwede! Kailangan kong tanggapin ni Miss Valdez ang consequence ng pagkatalo niya!" Hindi natuwa si Zsa Zsa.Paano matatanggap ng pamilya Peters na mapahiya si Celestine? Hindi papayag si Zsa Zsa.Bukod pa rito, araw-araw siyang inaakit ng malanding ito si Benjamin, dahilan para masira ang relasyon nina Benjamin at Celestine. Kailangan niyang bigyan ng leksyon si Diana.Talagang matigas si Zsa Zsa. Walang nagawa si Celestine kung hindi tingnan si Diana nang may bahagyang awa, na tila sinasabi, "Sinubukan ko na rin naman na pigilan ang pagpapahiya sa iyo."Sa unang pagkakataon, pakiramdam ni Celestine ay napakasarap palang gumanap bilang isang Mrs. Peters.
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 95

Siya ba ay nasa hustong gulang at nalilito, o si Benjamin ba ang nalilito? Malinaw na kakaiba siya sa kanyang propesyon at may matalas na pananaw, pero bakit siya ang parang hindi malinaw pagdating sa pag-ibig?Dahil ba hindi niya mahal ang sarili niya? Kaya ba niya tinatapakan ang sarili niya nang ganoon na lang?Lumapit si Zsa Zsa at itinulak si Celestine sa likuran niya, at sumigaw, "Benjamin, ano bang ginagawa mo rito? Naunawaan mo na ba ang totoong nangyari? Nagsisigaw ka rito nang wala sa lugar?""Anuman ang nangyari, pinaluhod ni Celestine si Diana sa harap ng napakaraming tao, at kasalanan iyon ni Celestine!" Mahinang sabi ni Benjamin,puno ng galit.Napasulyap si Celestine sa mata ni Benjamin at nakita ang matinding pagkainis na hindi pa niya nararanasan noon.Mas higit pa ang poot nito sa kanya kaysa dati!Napayuko si Celestine, ramdam ang hindi maipaliwanag na sakit sa puso niya at sakit na bumalot sa buong pagkatao niya.Kailanman, hindi siya naniwala sa sarili niya o ipina
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 96

Puno ng gulat ang mga mata ni Benjamin dahil sa narinig.Alam niyang baliw si Celestine kung minsan, pero hindi niya inasahan na masasabi nito ang ganoong bagay!"Celestine, alam mo ba ang sinasabi mo?" Lumapit si Benjamin at mahigpit na hinawakan ang pulso ni Celestine gamit ang isang kamay.Kinagat ni Celestine ang kanyang labi at naramdaman ang sakit sa kanyang pulso.Ramdam na ramdam niya ang lakas ng hawak nito dahil sa galit na dulot ng kanyang sinabi.“Gusto kong mamatay si Diana.”Kung mamamatay si Diana, hindi na siya makakatakas. Siya agad ang pagbibintangan ng pamilya Valdez at ni Benjamin.Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha at tinitigan ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon. Wala nang pagmamahal o lambing sa kanyang mga mata, puro pagkailang na lamang.Dati, iniisip niya na kung dumating ang araw na hindi na siya mahal si Benjamin, mawawalan na ng saysay ang kanyang buhay.Ngayon, natuklasan niyang kung hindi na niya mahal si Benjamin kaya mas magiging mak
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 97

"Celestine, gusto mo talaga akong pagtawanan, hindi ba?" Kinagat ni Diana ang kanyang ibabang labi at tumingin nang masama kay Celestine.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, "Mali ang gumamit ng pekeng snow lotus grass para pasiyahin lang si Lola Belen. Kung natatakot kang pagtawanan, hindi ka sana nagdala ng pekeng snow lotus grass.”"Nasa iyo pala ang totoo, bakit hindi mo sinabi?" Biglang hindi napigilan ni Diana ang kanyang emosyon.Kung sinabi lang ni Celestine sa kanya, magdadala pa ba siya ng peke?!"Hindi mo naman ako tinanong, hindi ba?" Ngumiti si Celestine, may bahagyang panunuya sa kanyang tono.Napakagat sa labi si Diana at biglang natigilan.Sa tuwing nagkikita sila, siya ang nagsasabi na nakuha na niya ang snow lotus grass. Hindi niya talaga tinanong si Celestine.Dahil sa kanyang inasta ang mga tulad ni Celestine ay hindi karapat-dapat sa snow lotus grass. Maging ang tingnan ito ay isang luho na!
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 98

Nang buhatin niya si Celestine, siya ay tuliro. May konting hilo siyang nararamdaman.Itinaas niya ang kanyang mga mata, at ang kanyang mga labi ay bahagyang dumampi sa pisngi ng lalaki. Sandaling natigilan ang lalaki.Nilunok ni Celestine at kusang yumakap sa leeg ng lalaki bago ibinaba ang kanyang ulo."Benjamin, dalhin mo si Celestine sa pinaka malapit na ospital para i-check siya roon!" Mabilis na paalala ni Zsa Zsa kay Benjamin.Gumalaw ang lalamunan ni Benjamin, at mahinang tumango bago mahigpit na niyakap si Celestine.Nakangiting pinigilan ni Eduard ang kanyang sarili na humabol. Ngunit malamig siyang tiningnan ni Benjamin noong mga oras na iyon."Nag-aalala ka bang hindi ko siya kayang alagaan?Asawa ko siya, alam ko kung paano siya aalagaan!"Agad na natigilan si Eduard at ngumiti. "Huwag mong masamain ang ginawa ko, gusto ko lang namang tumulong kay Celestine. Iyon lang iyon.”Dumadaloy ang dugo mula sa pulso ni Celestine papunta sa leeg ni Benjamin. Ang madikit at madugong
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 99

"Wala.” Umatras si Celestine."Wala kang karapatang tumanggi sa akin!" Napaka-talim ng tono ni Benjamin.Patuloy na umatras si Celestine hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa rehas. Hindi niya napigilang huminga nang malalim.Napansin ni Benjamin na may kakaiba kay Celestine. Kinuha niya ang yodo at sipit, ibinaba ang boses, at nagtanong, "Saan ba masakit?"Tiningnan siya ni Celestine ng namumula ang mga mata. Ang dati’y matatalim niyang mata ay napalitan ng kawalang magawa.Parang may humila sa puso ni Benjamin. Naiinis siya at hindi mapakali. "Tinatanong kita, ‘di ba?! Saan masakit?!"Anong klaseng sumpa ito!Bakit siya naiirita nang makita si Celestine na nasasaktan? Parang problema rin niya ang mga sugat na natamo ni Celestine. Hindi siya matahimik kahit isang sandali! ‘Di ba, wala siyang pakialam dito?Nang makita niyang ganoon ang tingin sa kanya ni Celestine, nakaramdam siya ng kaunting pagkakonsensya.Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ganito siya kay Celestine! Bakit
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 100

Napakunot-noo su Celestine, hindi nasiyahan sa pang-aasar ni Benjamin sa kanya, at handa nang itulak siya palayo.Pero niyakap siya ni Benjamin nang direkta, sinadya pang ipatong ang kanyang baba sa balikat ni Celestine, at pagkatapos ay nagsalita nang may kahulugan."Hindi naman sa hindi kita kayang paligayahin."Hindi nakasagot si Celestine noon.‘Talagang walang hiya ang lalaking ito. Hindi na nahiya sa mga lumalabas sa bibig niya!’Bakit hindi niya napansin noon na ganito pala kawalang-hiya si Benjamin? Ganoon ba siya kabulag sa pagmamahal niya rito noon?Tinapakan ni Cestine ang paa ni Benjamin.“Aray ko!”Hindi siya umatras, pero binitiwan niya si Celestine.Tiningnan siya ni Celestine na may galit sa mga mata at handa nang lumingon at umalis. Pero kumunot ang noo ni Benjamin at nagtanong, "Makakalakad ka ba? Baka matumba ka ulit. Tutulungan na kita.”Ngumiti si Celestine nang pilit, "Huwag kang mag-alala, Mr. Peters. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko na ito."Pagkatapos n
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
PREV
1
...
89101112
...
20
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status