"Wala.” Umatras si Celestine."Wala kang karapatang tumanggi sa akin!" Napaka-talim ng tono ni Benjamin.Patuloy na umatras si Celestine hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa rehas. Hindi niya napigilang huminga nang malalim.Napansin ni Benjamin na may kakaiba kay Celestine. Kinuha niya ang yodo at sipit, ibinaba ang boses, at nagtanong, "Saan ba masakit?"Tiningnan siya ni Celestine ng namumula ang mga mata. Ang dati’y matatalim niyang mata ay napalitan ng kawalang magawa.Parang may humila sa puso ni Benjamin. Naiinis siya at hindi mapakali. "Tinatanong kita, ‘di ba?! Saan masakit?!"Anong klaseng sumpa ito!Bakit siya naiirita nang makita si Celestine na nasasaktan? Parang problema rin niya ang mga sugat na natamo ni Celestine. Hindi siya matahimik kahit isang sandali! ‘Di ba, wala siyang pakialam dito?Nang makita niyang ganoon ang tingin sa kanya ni Celestine, nakaramdam siya ng kaunting pagkakonsensya.Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ganito siya kay Celestine! Bakit
Napakunot-noo su Celestine, hindi nasiyahan sa pang-aasar ni Benjamin sa kanya, at handa nang itulak siya palayo.Pero niyakap siya ni Benjamin nang direkta, sinadya pang ipatong ang kanyang baba sa balikat ni Celestine, at pagkatapos ay nagsalita nang may kahulugan."Hindi naman sa hindi kita kayang paligayahin."Hindi nakasagot si Celestine noon.‘Talagang walang hiya ang lalaking ito. Hindi na nahiya sa mga lumalabas sa bibig niya!’Bakit hindi niya napansin noon na ganito pala kawalang-hiya si Benjamin? Ganoon ba siya kabulag sa pagmamahal niya rito noon?Tinapakan ni Cestine ang paa ni Benjamin.“Aray ko!”Hindi siya umatras, pero binitiwan niya si Celestine.Tiningnan siya ni Celestine na may galit sa mga mata at handa nang lumingon at umalis. Pero kumunot ang noo ni Benjamin at nagtanong, "Makakalakad ka ba? Baka matumba ka ulit. Tutulungan na kita.”Ngumiti si Celestine nang pilit, "Huwag kang mag-alala, Mr. Peters. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko na ito."Pagkatapos n
Si Celestine ay lubos na nag-iisip kaya hindi niya napansin ang mga hagdan sa unahan.Bigla siyang nadulas at bumagsak nang hindi inaasahan papunta kay Benjamin."Mm..." Napakunot ang noo ni Celestine, ang kanyang mukha ay napadikit sa likod ni Benjamin, at mainit ang kanyang hininga.Agad na lumingon si Benjamin, inabot ang baywang ni Celestine gamit ang kanyang kamay, at iniangat siya. "Ano na namang nangyari? Ayos ka lang ba?”Kumunot ang noo ni Celestine."Sorry. Hindi ko napansin ang mga hagdan.""Celestine,palagi kang pabaya. Simula pa noon,pabaya ka na talaga."May bahagyang inis sa kanyang boses nang sabihin niya iyon.Tiningnan siya ni Celestine nang masama.Napaka-impatient niya dahil lang nabangga siya nito.Kung si Diana ang nandito, siguradong hahalikan, yayakapin, at aalagaan niya ito na may labis na pag-aalala, hindi ba?Pero sa sumunod na segundo, biglang binuhat ni Benjamin si Celestine! Nanlaki ang mga mata niya.Malalim ang boses ni Benjamin."Halika na. Iuuwi na ki
Binuksan ni Benjamin ang pinto ng sasakyan, yumuko at inihiga si Celestine, ang kanyang boses ay bahagyang malambing, "Sige, sumakay ka muna sa sasakyan."Mahigpit na nakayakap si Celestine sa kanyang leeg, kaya hindi siya makaalis.Alam na alam niya na kung hindi niya papayagang magtanong si Celestine ngayon, hindi siya bibitawan nito.Matigas ang ulo ni Celestine, alam niya iyon.Wala siyang magawa kundi yumuko at manatili sa ganitong posisyon, saka napabuntong-hininga at sinabing, "Sige, magtanong ka na."Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha, diretsong tumingin sa kanya, marahang kumurap ang kanyang mga mata, at mahina niyang tinanong, "Kung wala si Diana sa buhay mo,mamahalin mo ba ako?"‘Kung wala si Diana sa buhay mo, mamahalin mo ba ako?’ Iyon ang paulit ulit na tanong sa isip ni Benjamin.Tanong ito na nais niyang itanong sa loob ng tatlong taon. Sobrang tagal na ito sa isip niya pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob.Bahagyang sumimangot si Benjamin at unti-untin
Mas marahas na gumalaw ang mga daliri ni Benjamin, dumilim ang kanyang mga mata, at hindi niya namalayang nabura niya pala ang lipstick ni Celestine.Nahulog ang banayad na liwanag sa kanyang magandang mukha. Kumunot ang noo ni Celestine at marahang umungol, "Hmm..."Ang malambot at banayad na tunog na ito ay tuluyang nagpawala ng pagpipigil ni Benjamin.Ibinaling niya ang kanyang ulo pababa at matakaw na hinalikan siya.Palagi siyang may matibay na kakayahang kontrolin ang sarili, ngunit sa harap ni Celestine ngayon, tuluyang bumagsak ang kanyang depensa mula nang maghalikan sila sa bar noong gabi na iyon.Hinawakan ni Benjamin ang baba ni Celestine nais niyang halikan siya hanggang sa makuntento.Pero natatakot siyang magising si Celestine at mahihirapan siyang ipaliwanag ang kanilang sitwasyon.Napilitan siyang bitiwan si Celestine nang may panghihinayang, pero bago ito, marahang dumampi ang kanyang labi sa kanya, gaya ng isang tutubi na humahaplos sa tubig.Nakasandal si Celestine
Nang mabuksan ang pinto, bahagyang iminulat ni Celestine ang kanyang mga mata, antok na antok.“Nasa mansion na ba tayo?” tanong niya nang mahina.Ibinaling ni Benjamin ang kanyang tingin sa kanya. Nakakunot ang noo ni Celestine, at tila may bahagyang sakit sa kanyang ekspresyon. Marahil ay mas lalong sumasakit ang kanyang mga sugat, kaya hindi siya komportable."Oo, nandito na tayo," sagot ni Benjamin nang seryoso habang binuhat niya si Celestine paakyat sa itaas.Nakaramdam ng hilo si Celestine at muling nakatulog nang hindi namamalayan. Nang makita ni Benjamin kung gaano ito kaantukin, napabuntong-hininga siya nang may bahagyang pagkabigo.Ano ba naman tong babang ito, natulog na naman.Mabuti na lang at siya ang nagdala kay Celestine sa ospital ngayong araw. Paano kung si Eduard ang naghatid sa kanya pauwi? Hindi niya maisip ang ganoong posibilidad! Hindi siya papayag!Pagpasok sa kwarto, binuksan ni Benjamin ang ilaw. Bumungad sa kanya ang nakasanayan niyang space, pero ngayon ay
Kasabay nito, tumunog ang cellphone ni Benjamin. Nakita sa caller ID ang pangalan ni Diana. Pipindutin na sana ni Benjamin ang answer button, pero hindi sinasadyang napindot niya ang end call button! Naiinis siya at wala siyang balak aliwin si Diana, kaya minabuti niyang i-mute ang cellphone at itinabi ito. Gabi na. Gusto na rin naman niyang magpahinga. Hindi mahimbing ang tulog ni Celestine at madalas siyang nagigising dahil sa sakit. Alas-sais pa lang ng umaga nang magising siya. Makulimlim sa labas at madilim pa rin sa loob ng kwarto. Kinusot ni Celestine ang kanyang ulo, ramdam ang matinding pangangalay sa buong katawan. Lumingon siya at nagulat nang makita ang mukha ng lalaking natutulog sa tabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Celestine. Sino pa nga ba ang lalaking ito kundi si Benjamin? Napaatras siya sa gulat, pero tumama ang kanyang bewang sa gilid ng kama at muntik na siyang mahulog. Bigla siyang hinawakan sa braso, saka hinila pabalik. Sa sumunod na segundo, nasa
Gulat na gulat pa rin si Celestine na niyaya siyang mag-stay ni Benjamin para kumain ng breakfast. Hindi niya pa rin gusto kumain doon dahil baka pumunta nga si Diana.Wala siyang balak makipag-away kay Diana dahil umagang-umaga pa lang."Hindi na, masyado na kitang naabala simula pa kagabi , Mr. Peters.”Umiling si Celestine, itinulak ang kamay ni Benjamin at tumanggi.Bumagsak ang kamay ni Benjamin, at nang makita niyang papalabas si Celestine, hindi niya napigilang sundan ito."Celestine, alam kong marami kang tiniis sa nakaraang tatlong taon. Pagkatapos ng divorce natin, sana ay maging maayos tayo sa isa't isa. Hindi kailangang maging strangers tayo at hindi na muling magkita."Maganda sa pandinig ni Celestine ang mga salitang iyon.Sa loob ng tatlong taon, wala siyang ibinigay, at hindi niya nalaman kung ano ang pakiramdam ng sakit na dinulot niya sa puso ni Celestine.Siyempre, kaya niyang magpanggap na maayos ang lahat. Kaya niyang harapin siya na para bang wala lang nangyari s
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!” "Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?” Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon. Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass. Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya. Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang. Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine. Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuk
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka