Home / Romance / Divorce Me Now, Mr. Peters! / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Divorce Me Now, Mr. Peters!: Chapter 111 - Chapter 120

199 Chapters

Chapter 111

Narinig ng lahat ang kanilang sarili na huminga nang malalim—masyadong matapang si Mr. Macabuhay. Maging ang waiter ay nag-aalalang nagsalita, " Sir, hindi namin kilala ang babaeng ito. Baka mapaano po kayo.” Bukod sa kanyang sinabi, hindi naman talaga taga-teahouse nila si Celestine. Kung may mangyaring masama sa ilalim ng kanyang mga kamay, hindi sila mananagot. "Kung may maging problema sa paggamot niya sa akin, ako ang mananagot! Huwag kayong mag-alala," seryosong sagot ni Mr. Macabuhay. Hindi napigilan ni Celestine ang matawa. Talagang may tiwala ang dean na ito sa kanya. Kaya hindi niya ito bibiguin! Matapos sabihin iyon, inihanda ni Celestine ang kanyang mga karayom. Ang kanyang mga karayom ay mukhang awtoritatibo at nakakatakot. Maingat na pinagmasdan ni Mr. Macabuhay ang karayom sa kamay ni Celestine. Ang karayom na ito… bakit parang pamilyar? Tumingin si Celestine kay Mr. Macabuhay, pagkatapos ay dahan-dahang ipinatong ang kamay sa namamagang at nangingitim nito
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 112

Si Shiela ay nakahiga sa kama at tinawagan si Celestine, “Celestine? Nandyan ka na ba? Bakit ang tagal mo naman yata?”Pagkabagsak ng kanyang tinig, biglang bumukas ang pinto.Napatingin si Shiela at nakita niyang bumalik na sa private room si Celestine."My super star, bumalik na ko para ayusin ang acupuncture na nilagay ko sa iyo kanina." Lumapit si Celestine at hindi na binanggit ang nangyari sa labas kanina."Asan ang sombrero ko? ‘Di ba, suot mo lang kanina iyon?" tanong ni Shiela."Gusto ko iyon ha. Bilhan mo ko noon, pero iniwan ko na lang sa labas at hindi ko na isusuot. Kung hindi, baka isipin nilang ikaw ako kapag lumabas ako rito!" Gumawa si Celestine ng palusot para makalusot.Hindi na nagtanong pa si Shiela.Matapos ayusin ni Celestine ang acupuncture si Shiels,pakiramdam niya ay lubos siyang nare-relax at hindi na pagod.Habang papaalis, narinig ni Celestine ang lobby manager na nagsabi, "Ang weird talaga, bakit nawala ang surveillance video? Nandito lang ‘yon kanina!”"
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 113

Pero lumapit siya para magbigay ng sermon kay Diana.Biglang lumamig ang guwapong mukha ni Benjamin, at ibinaba niya ang kanyang boses, "Shiela! Ano ba? Sabi ko, tama na hindi ba? Bakit hindi ka pa rin tumitigil?"Hindi si Shiela si Celestine, at hindi niya kailanman kinukunsinti ang masasamang ugali ng kahit na sino. Tinitigan niya si Benjamin at diretsong sinabi, "Bakit ka ka ba sumisigaw? Para kang aso, ah?”Kumunot ang noo ni Benjamin, at ang madilim niyang mga mata ay biglang lumamig.Lumingon agad ang mga tao sa teahouse. Nang makita na si Benjamin iyon, dali-daling inutusan ng lobby manager ang mga tauhan na paalisin ang mga usisero para hindi masyadong dumami ang tao.Nang makita ang sitwasyon, agad na humarap si Diana kay Benjamin, "Tama na nga iyan! Shiela, kung may problema ka sa akin, ako ang harapin mo! Bakit mo inaaway si Benj? Wala kang karapatan na gawin iyan sa kanya!”"Sa tingin mo ba hindi kita haharapin? Kahit sigawan din kita, kaya kong gawin iyon! Hindi ako takot
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 114

Ang bahay ng pamilya Yllana ay punong-puno ng mga bulaklak. Halos binili na ni Shiela ang lahat ng rosas sa buong Nueva Ecija para kay Celestine.Nakatayo si Celestine sa balcony ng bahay at tinitingnan ang mga rosas sa bakuran sa harap at likod. Napabuntong-hininga siya. Sa ganitong klaseng kaibigan, ano pang silbi ng isang lalaki? Sobrang effort na ni Shiela para sa kanya, kung lalaki lang ito ay kanina pa siya kinilig.“Ano’ng nangyayari?” Tanong ni Wendell sa kanyang sarili, na kakauwi lang galing sa trabaho. “Bagong manliligaw? Diyos ko, hindi pa ba nagigising sa katotohanan si Celestine?!”“Oh, anak ko, masyado kang love-brained. Huwag mong hayaang lokohin ka ng isang bakuran ng rosas!Baka mamaya ay kagaya lang iyan ni Benjamin!” Paalala ni Wendell habang nakatingala kay Celestine.Malungkot na hinila ni Celestine ang sulok ng kanyang labi.Ding.Biglang tumunog ang kanyang cellphone.Lumingon si Celestine at sumandal sa railing. Si Benjamin ang tumatawag.Sandaling nag-alinlang
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 115

Hinawakan ni Wendell ang braso ni Celestine. Sabay na tumingin sina Celestine at Benjamin kay Wendell. Napakapangit ng ekspresyon ni Wendell, walang kahit anong emosyon. Galit na galit talaga siya kay Benjamin. Sinabi ni Wendell sa kanyang anak, "Celestine, may mga bagay na dapat linawin agad. Mas makabubuti para sa lahat kung agad kayong makalaya sa isa't isa.” Bagamat tinawag niya si Celestine, alam ni Benjamin na pati siya ay pinatutungkulan nito. Ang ibig sabihin ng mga salita ni Wendell ay malinaw para sa kanya, minamadali na sila agad na mag-file ng divorce at huwag nang magpatuloy sa komplikasyon ng kanilang relasyon. "Naunawaan ko po, Daddy," kalmadong tugon ni Celestine. Tiningnan ni Celestine si Benjamin, hudyat na kailangan nilang lumabas at mag-usap. Sumunod si Gu Benjamin sa kanya. Nakasuot siya ng maluwag na itim na dress na may spaghetti straps, at ang kanyang mahabang buhok ay malayang bumagsak sa kanyang balikat. Kasing-puti snow ang kanyang balat, at ang kan
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 116

"Sige, hihintayin na lang kita rito,” sagot ni Celestine.Ayaw naman talaga niyang magpasama kay Eduard, pero dahil nandoon si Benjamin ay iyon ang sinabi niya para isipin talaga ng dating asawa na okay na okay sila ni Eduard at naka move on na talaga siya rito."Salamat, Celestine. See you," Ibinaba ni Eduard ang tawag, pero balak ni Celestine na tawagan ulit siya kapag nakauwi ba si Benjamin.Napansin niyang hawak pa rin siya ni Benjamin after the call."Mr. Peters, hindi magalang para sa akin na hawakan mo ulit ang kamay ko. Hindi na tayo mag-asawa.”Paalala niya kay Benjamin sa isang magiliw na tono.Mag-asawa pa rin naman sila, pero hiwalay na. Bakit pa siya hinahawakan? Nakakahiya sa mga taong makakakita.Kapag nakita ito ni Diana, siguradong iiyak iyon at magagalit sa kanya at hindi kay Benjamin."Talaga bang sasama ka kay Eduard bukas o pinagseselos mo lang ako?" may inis sa tinig ni Benjamin nang tanungin niya iyon."Hindi ko alam, saka wala kang pakialam! Hindi naman na tayo
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 117

Kinabukasan, nasa kwarto niya si Celestine nang marinig niyang sinabi ni Purisima, ang kanilang katiwala,"Miss Celestine, mag-ayos ka. Bilisan niyo!”Nagulat si Celestine, hindi niya alam kung bakit siya pinagmamadali ni Purisima.“Bakit Purisima? Bakit ako magbibihis? Aalis daw ba kami sabi ni Daddy?” tanong ni Celestine sa kanilang katiwala.“Po? Hindi po. May bisita po kayo sa baba. Kailangan niyo pong magbihis.”“Sino? Nandyan ba si Eduard? Pero, wala naman kaming usapan ngayon,” sagot ni Celestine, nagtataka pa rin.“Hindi po si Sir Eduard, ang sabi po sa akin ng Lola Celia niyo, si Mr.Macabuhay daw po ang bisita niyo. Kaya, mag-ayos na raw po kayo.”Nanlaki ang mga mata ni Celestine nang marinig niya ang sinabi ni Purisima.“Seryoso ka ba? Si Mr. Macabuhay? Nandito sa bahay namin?” pagkumpirma pa ni Celestine kay Purisima.“Oo nga po. Sige na. Mag-ayos ka na po. May kasama din po siya, anak niya yata ‘yon.”Wala nang nagawa si Celestine kung hindi maligo at mag-ayos ng sarili pa
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 118

Tatlong araw ang lumipas. Habang sila ay kumakain ng lunch. Sinsbi ni Celestine na pupunta siyang ospital."Mom, pupunta po ako sa ospital mamaya para palitan ang benda, ha. Kailangan ko siguraduhin na walang peklat," sabi ni Celestine matapos inumin ang huling lagok ng mainit na sabaw mula sa sinigang na kinakain niya.“Sige, magpasama ka kaya kay Jolo para alam kong safe ka? What do you think?” sabi ni Nancy.Umiling si Celestine, pinunasan ang sulok ng kanyang bibig, at sumagot, "Hindi na kailangan, Mom. Kaya ko naman pong mag-isa. Don't worry, I'll be safe naman, sabi ni Celestine pagkatapos ay ngumiti."Sigurado ka ba, anak? Hindi ako mapapalagay niyan, knowing na mag-isa ka,” may pag-aalalang tanong ni Nancy sa kanyang anak.“Opo, Mommy. Kaya ko po, promise ko iyan,” ngumiti si Celestine.Ngumiti na lang din si Nancy at tumango. Pagkatapos kumain ni Celestine ay umupo na siya sa sofa para kahit paano ay makapaghanda na sa pag-alis niya papunta sa ospital.Biglang tumunog ang d
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 119

Huminto ang kanilang sasakyan sa tapat ng ospital.Binuksan ni Benjamin ang pinto para sa kanya. Lumingon si Celestine sa kanya nang malamlam at naglakad papunta sa emergency room.Sumunod sa kanya si Benjamin na may mabigat na ekspresyon.Hindi maginhawa ang pakiramdam ni Celestine, pero hindi niya pa rin nakalimutang lumingon sa kanya.Kumunot ang noo ni Benjamin, sumabay siya sa paglakad at tumayo sa tabi niya. "Ano ang tinitingnan mo? Tingin na tingin ka sa akin?”Pakiramdam ni Celestine, kakaiba lang talaga ang lahat sa kanila ni Benjamin ngayon.Dati, palagi niyang gusto na samahan siya ni Benjamin kahit saan siya magpunta.Pero ngayon, nakakainis na ito para sa kanya. Tila ba gusto na lang niyang magtago tuwing aalis siya dahil sunud nang sunod ss kanya ni Benjamin.Sa ospital, ang parehong doktor noong araw na iyon ay matagal nang naghihintay sa kanila.Yumuko si Celestine at hinayaang palitan ng doktor ang benda na nakalagay sa kanya.Nagtanong si Benjamin mula sa gilid, "Kai
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 120

“Opo, dederetso na nga po ako papunta roon pagkatapos ko rito,” nahihiyang sabi ni Celestine. Wala na siyang pakialam kung tanungin pa siya ni Benjamin tungkol doon.Nang makapagpaalam na sila sa doktor ay lumabas na si Celestine ay kasunod pa rin niya si Benjamin. Tatanungin na sana siya ni Benjamin tungkol sa pagtatrabaho niya sa ospital nang biglang kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone sa bag.“Sino naman ang ite-text mo? Si Eduard ba?” tanong ni Benjamin.“Oo, sino pa ba? Kailangan ko siyang kamustahin dahil sa ginawa mong pagkuha sa akin kanina,” sagot ni Celestine.“Iniintindi mo pa talaga ang nararamdaman ng lalaking iyon?” may selos sa boses ni Benjamin.“Oo, iintindihin ko ang nararamdaman niya dahil-” natigilan si Celestine.“Dahil ano?” tanong ulit ni Benjamin.“Dahil mahalaga siya sa akin. Naiintindihan mo?” Biglang natawa si Celestine pagkatapos ay nagsalita ulit.“Ah, oo nga pala. Hindi mo alam ang tungkol doon dahil wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo.
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
20
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status