Madaling araw, ngunit kahit anong pilit ni Sebastian na ipikit ang kanyang mga mata, hindi siya dalawin ng antok. Mula nang umalis sila Seraphina at ang kanyang kapatid, hindi na siya tinantanan ng kanyang ina sa pangangaral at panunumbat. Paulit-ulit ang mga salita nito sa kanyang isipan, parang sirang plaka na hindi niya matakasan."Sebastian, paano mo hahayaan na lang na basta-basta kang iwanan ni Seraphina? Alam mong hindi tama ito!"Napapikit siya nang mariin, pilit na iniwasan ang iritasyong bumabalot sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago humarap sa kanyang ina, sinubukang pigilan ang sarili sa pagsabog.“You know what, Mom? Please lang, tama na,” aniya, pagod na ang kanyang tinig. “’Yun naman ang desisyon ni Seraphina, Ma. All we need to do is to respect it.”Hindi na niya hinintay ang sagot ng kanyang ina. Mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto, isinarado ang pinto, at diretsong humiga sa kama. Tinitigan niya ang kisame, habang bumibigat ang kanyang pakiramdam. Naalala niya
Last Updated : 2025-03-06 Read more