All Chapters of When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband: Chapter 51 - Chapter 60

70 Chapters

Kabanata 51: The Laughter

Nilalandas nila Seraphina ang daan patungo sa bahay ng kanyang tiyuhin. Nakaupo siya sa back seat ng kotse, katabi ang kanyang nakababatang kapatid na abala sa paglalaro sa kanyang iPad. Tahimik siyang nakatanaw sa bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pagdaan ng mga gusali at puno sa gilid ng kalsada. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan ay nagbibigay sa kanya ng kaunting ginhawa, ngunit hindi nito napawi ang bigat ng mga iniisip niya.Habang tahimik siyang nagmumuni-muni, biglang nagsalita ang kanyang tiyuhin, si Tito Hugo, na siyang nagmamaneho.“Why not start working sa law firm, Seraphina?” tanong nito, hindi na nagpaliguy-ligoy pa.Napatingin siya rito, at sa isang iglap, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigang si Althea noong huli silang mag-usap.“I have a work sa Tagum, Tito,” sagot niya ng mahinahon.“You did? I really thought you’d call me when you decided to move out of your husband’s house,” tugon ng kanyang tiyuhin, may bahi
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Kabanata 52: Happen To Meet The Three Of Them

Mabilis lang lumipas ang mga araw, at hindi nagtagal ay bumalik na rin si Seraphina sa Tagum. Ngayon, nakasakay siya sa bus patungo sa lungsod, habang yakap ang kanyang tote bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit—ang kanyang iPad, cellphone, laptop, at wallet. Kaunti lang ang kanyang dala, sapat lamang para sa kanyang pangangailangan.Pagdating sa Gmall, naisipan niyang bumaba upang mamili ng ilang gamit na kakailanganin niya sa mga susunod na araw. Habang naglalakad sa loob ng mall, napagtanto niyang kailangan din niyang bumili ng ilang bagong damit, lalo na't marami sa kanyang mga damit ang naiwan niya sa Maynila.Habang abala siya sa pagpili kung saan shop ng damit siya bibili, napansin niya ang tatlong pigurang papasok sa isang kainan. Bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata, pilit na inaalala kung pamilyar ba sa kanya ang mga ito. Gayunpaman, hindi niya agad matukoy kung sino sila, kaya nagpatuloy na lamang siya sa kanyang paglalakad. Subalit, hindi niya namalayan na di
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Kabanata 53: Fight Between Me And Her

Napatayo naman si Seraphina, marahang hinaplos ang kanyang braso na bahagyang sumakit sa pagkakatumba. Mabilis niyang kinuha ang cart, balak na sanang umalis at layuan na lamang si Diane upang maiwasan ang gulo. Ngunit bago pa man siya makalayo, bigla na lamang niyang naramdaman ang madiing paghatak sa kanyang buhok.Napasinghap siya sa sakit at napilitan siyang huminto. Lumingon siya at nakita niyang si Diane ang humablot sa kanya, may nanlilisik na tingin at halatang hindi pa tapos sa alitan nilang dalawa.Mabilis na inabot ni Seraphina ang pulsuhan ni Diane na mahigpit na nakakapit sa kanyang buhok. Hindi siya natinag at sa halip ay hinarap ito nang diretso sa mata. Sa kabila ng sakit, pinilit niyang mapanatili ang kalmado ngunit matigas na tono ng kanyang boses.“What’s with you? Gusto mo ang cart? Binigay ko. Pero binalik mo rin sa akin, kaya aalis na ako. I can’t understand why you keep sticking to me,” aniya habang pilit niyang inaalis ang kamay ni Diane sa kanyang buhok.Marii
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Kabanata 54: Someone Come To Rescue Me

Habang naglalakad si Seraphina palabas ng grocery store patungo sa baggage counter, patuloy pa rin niyang pinoproseso ang mga pangyayari. Mabigat ang kanyang dibdib, ngunit pinilit niyang panatilihin ang tuwid na tindig. Hawak niya ang kanyang cellphone, kung saan naka-save ang video ng gulo kanina—isang patunay na hindi na niya hahayaang tapakan siya ng kahit sino.Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa baggage counter, isang pamilyar na pigura ang tumambad sa kanya. Nakita niyang nakatayo ito malapit sa isang cart, tila may hinihintay.“Ate Seraphina?”Napahinto siya. Pamilyar ang tinig na iyon, ngunit hindi niya agad matukoy kung kanino galing. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ng boses, at doon niya nakita ang isang hindi ganoong kakilalang mukha—isang lalaki na may bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kanya.“What happened?” tanong nito habang sinusuri ang kanyang itsura.“It’s nothing,” sagot ni Seraphina, pilit na pinapakalma ang kanyang boses
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Kabanata 55: At The House

Nagulat si Sebastian. Hindi niya inasahan ang pagdating ni Jude, lalo na ang nag-aalab na galit sa mga mata nito. Ang mahigpit na pagkakahawak ni Jude sa kanyang kwelyo ay nagpapahiwatig ng matinding poot—isang galit na tila kay tagal nang naipon.“Ano'ng ginawa mo kay Seraphina?” mariing tanong ni Jude, ang kanyang boses ay puno ng pagpipigil.Napansin ni Seraphina kung paano nagdilim ang mukha ng kanyang asawa. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili siyang tahimik. Wala siyang balak makialam. Para sa kanya, ito ang pagkakataon ni Sebastian na marinig mula sa iba kung gaano siya kadesperadong ipinagtatanggol ang maling tao.Sa unang pagkakataon, may isang taong lumalaban para sa kanya—isang taong hindi niya kailangang ipaglaban ang sarili niya sa harap ng mga maling akala at kasinungalingan.Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa, habang ang kanyang puso ay punong-puno pa rin ng hinanakit. Ngunit bago pa man tuluyang umabot sa suntukan ang dalawa, isang sigaw ang pumunit sa hangin.“Seba
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 56: Scold By Mother

Nagkatitigan si Sebastian at Chantal, parehong hindi alam kung paano sasagutin ang matinding tanong na bumagsak sa kanila. Alam ni Sebastian ang naging pagkakamali niya—ngunit paano niya ipapaliwanag ito nang hindi lalong gumulo ang sitwasyon?Samantala, si Chantal, sa kabila ng bata niyang edad, ay walang pag-aalinlangang nagsalita.“I invited Mom too! Nagkita kami sa restaurant. Pero bakit niyo tinatanong kung sino ang dapat kong imbitahin? This is my celebration! Why are you stopping me from choosing who I want to be with?”Nagulantang ang kanyang lola sa sagot niya—maging si Sebastian ay hindi inaasahan ang diretsahang sagot ng anak niya.Hindi kailanman sumagot pabalik si Sebastian sa kanyang ina, lagi niyang tiniis at kinontrol ang sarili upang manatiling maayos ang kanilang relasyon. Ngunit iba si Chantal—siya ay isang prangkang tao, walang takot na ihayag ang nasa isip niya.At ngayon, wala siyang alinlangan sa pagsasabi ng nararamdaman niya.“You’re just like Mom,” matalim na
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Kabanata 57: The Aftermath Of The Scandal

“Ma, stop it, please. I’ll talk to Seraphina in case she wants something—a settlement.”Biglang sumabat si Jude, ang kanyang tinig ay malamig at puno ng awtoridad.Napatingin si Sebastian sa kanyang kapatid, bahagyang nagulat sa naging pahayag nito. Sa isang iglap, nawala sa kanyang isipan ang naunang tanong tungkol sa sinabi ng kanilang ina. Ngayon, mas nakatuon na ang kanyang pansin sa naging tugon ni Jude.“I’ll talk to her—” sinimulan ni Sebastian, ngunit agad siyang pinutol ni Jude.“No, Sebastian. Ako ang kakausap sa kanya.” Madiin at walang pag-aalinlangan ang boses ng kanyang kapatid. “Alam ko naman kung saan patutunguhan ang usapan kung ikaw ang kakausap kay Seraphina. Ipaglalaban mo pa rin si Diane, at lalo lang lalala ang lahat.”Napalunok si Sebastian. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ng kanyang kapatid, ngunit hindi niya maiwasang sumagot.“Alangan namang hindi ko ipagtatanggol si Diane?” sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. “Wala naman siyang kasalanan dito
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Kabanata 58: That's Why You Came?

“Best friend, ayos ka lang?” tanong ni Althea habang pinagmamasdan si Seraphina na nakatanaw sa langit. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang balikat nito, tila pilit pinipigilan ang anumang emosyon na gustong kumawala.Dahan-dahang ibinaba ni Seraphina ang kanyang tingin at tiningnan ang kaibigan. Isang tipid na ngiti ang iginuhit niya sa kanyang labi, isang ngiting halatang pilit. Kahit natatakpan ng mask ang kalahati ng kanyang mukha, kitang-kita pa rin ito sa kanyang mga mata.“Ayos lang ako,” sagot niya sa mahina at bahagyang nanginginig na tinig.Ngunit hindi iyon binili ni Althea. Kilala niya si Seraphina—kung paano ito ngumiti kahit wasak na sa loob, kung paano ito magkunwaring matatag kahit halos hindi na makahinga sa bigat ng nararamdaman.“You can file a case, Seraphina,” malumanay ngunit may diin na sabi ni Althea. “To be honest, dapat matagal mo na iyong ginawa. Alam kong hindi ka okay.”Napabuntong-hininga si Seraphina at nag-umpisang maglakad. Para bang sa bawat hak
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 59: I'm Not Interested In Private Settlement

“I just want to settle everything in private. Hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina,” paliwanag ni Jude, ang boses niya ay puno ng pagsusumamo.Ngunit imbes na makuha ang simpatiya ng dalawa, lalo lamang nitong ikinairita si Seraphina at Althea. Pinilit ni Seraphina na panatilihing kalmado ang kanyang sarili, kaya't tumango-tango lang siya habang nakikinig, ngunit ramdam niya ang nag-aapoy na galit ng kaibigan.Hindi na napigilan ni Althea ang sarili. Matalim ang tingin niyang ibinato kay Jude habang mariing bumuntong-hininga.“Oh, here we go again! ‘I just want to settle everything in private, hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina.’” Inulit ni Althea ang sinabi ni Jude, ginagaya ang tono nito na may halong panunuya. “Cut your clout, Jude, kasi nakakarindi! Settle everything in private? And what about my best friend’s dignity? Private lang din ba iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari? Nag-iisip ba kayo?”Puno ng poot ang boses ni Althea, ramdam ang matin
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 60: I Have Them So She Won't Touch Me

Malinaw. Malinaw pa sa sikat ng araw ang naging pahayag ni Ms. Ynez. Ang bawat salitang binitiwan nito ay tila patalim na tumarak sa sitwasyon, nag-iiwan ng hindi maitatangging epekto sa bawat isa sa silid.Napapikit na lamang si Romulo, ang ama ni Diane. Ramdam niya ang matinding bigat ng pangyayari, isang pagkadismayang hindi niya inaasahang mararanasan mula sa sariling anak. Wala na siyang alam kung ano pa ang maaari niyang gawin upang baguhin ang sitwasyon. Alam niyang hindi niya maaaring pwersahin o takutin ang dalaga upang makuha ang gusto niya—hindi kung ayaw niyang makalaban ang tiyuhin nito, isang taong hindi niya gugustuhing maging kaaway. Ang pangalan pa lamang nito ay sapat ng magpabigat sa kanyang loob.Huminga siya ng malalim bago tumayo. May hinanakit man sa dibdib, kinailangan niyang panatilihin ang anyo ng isang mahinahong tao. "I’m sorry again, Ms. Ynez. Aalis na ho kami," aniya, may bahagyang paggalang sa tinig.Walang imik si Seraphina. Tanging pagtango lamang ang
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status