Napabuntong-hininga na lamang si Frederick habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid. Walang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig, hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil sa loob-loob niya, dinadala rin niya ang bigat ng kanyang sariling konsensya. Hindi man niya kasalanan ang nangyari kay Seraphina, pakiramdam niya ay may bahagi siya sa lahat ng ito—lalo na’t siya ang unang nakatakas sa kapalarang ngayon ay kinasadlakan ng kanyang kapatid.Habang tahimik na nagmamaneho, napansin niyang may nadaanan silang Jollibee. Agad siyang lumiko papunta sa drive-thru, na tila ba iyon na lamang ang kaya niyang gawin para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na bumabalot sa sasakyan."Isang fries at saka sundae," wika ni Frederick sa staff nang makalapit sila sa ordering window. Walang pag-aalinlangan niyang inabot ang bayad, at matapos ang ilang saglit, pinaandar niya ang sasakyan papunta sa claiming area. Tahimik lang si Seraphina sa tabi niya, tila hindi man lang namamalayan ang
Mag-aala-nuwebe na nang makarating sila sa boarding house ni Seraphina. Pagkaparada ng kotse, agad siyang bumaba at binuksan ang pintuan ng kanilang tinutuluyan. Napansin niya ang dami ng tao sa labas ng mga kwarto—mga estudyanteng abala sa kani-kanilang gawain.Dahil malapit na ang finals, karamihan ay nakaupo sa corridors, may mga nag-aayos ng instructional materials para sa kanilang demo teaching, habang ang iba naman ay subsob sa kanilang laptop, abala sa pagsusulat ng thesis. Ang ilan ay nagkwekwentuhan, siguro’y nagpapalipas-oras matapos ang mahabang araw ng pag-aaral.“Good evening, ma’am!” bati ng ilan sa kanya nang mapansin ang pagdating niya.Ngumiti siya at magiliw na bumati pabalik. “Good evening!”“Kuya, halika pasok ka,” yaya niya kay Frederick na kasalukuyang bumababa mula sa kotse.Agad namang napatingin ang ilang estudyante sa kanyang kapatid, at hindi pa man ito nakakapasok sa loob ay nagsimula nang magbulungan ang ilan sa kanila. Hindi napigilan ni Seraphina ang mat
Maagang nagising si Frederick kinabukasan. Pagtingin niya sa orasan, alas-kuwatro pa lang ng umaga. Alam niyang masyado pang maaga para gumising si Seraphina, kaya nanatili muna siyang nakahiga sa couch, nakatingin sa kisame, pinakikinggan ang halos walang tunog na paligid.Ngunit kahit anong pilit niyang bumalik sa pagtulog, hindi na siya mapakali. Parang may bumabagabag sa kanya, isang hindi maipaliwanag na kaba na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.Bumangon siya at dumiretso sa kusina. Binuksan niya ang gripo at hinayaan munang mapuno ang baso ng malamig na tubig. Habang hinihintay niyang mapuno ito, dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tiningnan ang screen. Walang bagong mensahe, pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na paulit-ulit itong silipin."Ang tagal mag-umaga," mahina niyang bulong sa sarili bago ininom ang tubig sa isang lagok.Nang matapos, lumabas siya ng silid. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin sa mga oras na iyon, kaya hinayaan na lang
Madaling araw, ngunit kahit anong pilit ni Sebastian na ipikit ang kanyang mga mata, hindi siya dalawin ng antok. Mula nang umalis sila Seraphina at ang kanyang kapatid, hindi na siya tinantanan ng kanyang ina sa pangangaral at panunumbat. Paulit-ulit ang mga salita nito sa kanyang isipan, parang sirang plaka na hindi niya matakasan."Sebastian, paano mo hahayaan na lang na basta-basta kang iwanan ni Seraphina? Alam mong hindi tama ito!"Napapikit siya nang mariin, pilit na iniwasan ang iritasyong bumabalot sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago humarap sa kanyang ina, sinubukang pigilan ang sarili sa pagsabog.“You know what, Mom? Please lang, tama na,” aniya, pagod na ang kanyang tinig. “’Yun naman ang desisyon ni Seraphina, Ma. All we need to do is to respect it.”Hindi na niya hinintay ang sagot ng kanyang ina. Mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto, isinarado ang pinto, at diretsong humiga sa kama. Tinitigan niya ang kisame, habang bumibigat ang kanyang pakiramdam. Naalala niya
Ayaw niyang makita ang pinsan niya. Kaya sa halip na makipag-usap pa, dumiretso si Sebastian palabas ng café. Ngunit bago pa niya tuluyang malagpasan si Alistair, nagsalita ito, ang boses ay puno ng kumpiyansa at bahagyang panunuya."You're here. I guess you should sit with us and talk. Right, Frederick?"Narinig niya ang bahagyang pagsinghap ni Frederick, kita sa mukha nito ang pinipigil na inis. Napakunot ang noo ni Sebastian—hindi dahil sa takot kundi sa pagtataka."I contacted you, Sebastian, but I guess you blocked me," patuloy ni Alistair, nakangiti ngunit may bahid ng pagkayamot sa boses. "But this is a chance—all your unanswered questions will finally be answered. Kaya halika, umupo ka."Bago pa siya makatanggi, kumaway si Alistair sa waiter. "Pa-order kami," aniya, bago umupo sa isang mesa. Walang nagawa si Sebastian kundi sundan ito ng tingin. Napansin niyang si Frederick ay napilitang umupo, ngunit halata sa itsura nito na hindi ito komportable.Naupo rin si Sebastian, ngun
Pakiramdam ni Sebastian ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Para bang unti-unting bumigat ang paligid, pinipiga ang kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na sakit at pagkagulat. Tumunog ang pintig ng kanyang puso sa kanyang mga tainga, napakabilis, parang gustong kumawala mula sa kanyang dibdib.Hindi… Hindi maaari.Tumingin siya kay Alistair, umaasang may bahid ng kasinungalingan sa mga mata nito, na isa lamang itong maruming laro upang guluhin siya. Ngunit walang bahid ng pag-aalinlangan ang kanyang pinsan—seryoso ito, puno ng galit, at mukhang matagal nang hinintay ang sandaling ito upang ibunyag ang lahat."Your mom is a killer, Sebastian!"Matigas at mariing boses ni Alistair ang pumuno sa buong café. Para itong pumailanlang sa hangin at tumama sa kanyang katawan nang buong pwersa, isang suntok na hindi niya kayang salagin.Napakurap si Sebastian, umaasang mali lang ang narinig niya. Her mom can’t do that. She’s not a murderer. She can’t be. Their family is not a family
Nagulat si Seraphina sa bilis ng mga pangyayari. Isang saglit lang ay naglalakad siya papasok ng unibersidad, at sa susunod na saglit, nasa loob na siya ng sasakyan ni Sebastian. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong pigilan ito.Napatitig siya sa asawa, halatang balisa ito. Ang mga mata ni Sebastian ay may halong galit at pagkalito, ngunit hindi niya mawari kung ano ang dahilan.“What are you doing?” mariing tanong niya, pilit na tinatanggal ang kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang braso.Hindi sumagot si Sebastian. Sa halip, mabilis nitong isinara ang pinto at pinaandar ang sasakyan."Sebastian!" Napataas ang boses ni Seraphina, halatang naiinis. "Where are you taking me?"Hindi pa rin ito sumagot. Nakatingin lang sa daan, ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa manibela.Naramdaman ni Seraphina ang malamig na pakiramdam ng kaba sa kanyang dibdib. Ano na naman ba ito? Ano na naman ang iniisip ng lalaking ito?Napatingin siya sa rearview mirror. May kakaiba sa ekspresyo
Pagkalipas ng ilang minuto, huminto na ang sasakyan sa harap ng gate ng university. Walang sabi-sabing binaba ni Seraphina ang bintana ng kotse, at agad namang lumapit ang guard upang inspeksyunin sila.Isang mabilis na tango lamang ang ibinigay nito bago sila pinapasok.“How come—” Nagsimula sanang magtanong si Sebastian, ngunit agad siyang pinutol ni Seraphina.“I’m employed in this university, so of course, makakapasok ako dito,” malamig niyang sagot, hindi man lang siya lumingon dito.Alam niyang hindi pa tapos ang usapan nila, pero wala siyang balak itong pahabain. Wala na siyang oras para sa walang katapusang tanong ni Sebastian na ni siya mismo ay hindi alam kung kaya niyang sagutin.Idiniretso niya ang sasakyan papunta sa gymnasium, mabilis ang kilos, para bang gusto na niyang makalayo rito. Nang makarating sila, bigla niyang inapakan ang preno at walang pasabing pinatay ang makina. Wala siyang inaksayang oras at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse upang makalabas.Pagkaba
"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul
"You hard-headed bastard! Mahirap bang makinig sa akin? Just once, please, makinig ka naman," naiinis na wika ni Trisha kay Sebastian, ang kanyang tono ay puno ng pagod at frustration habang nakatingin sa kapatid niyang tila hindi nadadala sa mga payo niya."’Hindi mahirap makinig, but it’s not about listening," sagot ni Sebastian, hindi nagpapatalo, ramdam ang bigat ng kanyang loob. "You did it already, nagbigay ka na ng payo, but I need to do what I think is right. Sana noon ko pa ito nagawa," dagdag pa niya, habang pinipilit ipaintindi sa kapatid ang bigat ng kanyang desisyon. "After my daughter almost lost her life, I realized I can’t waste another moment. I don’t want that to happen again. I want to give her a complete family. I don’t want to be like Father. I don’t want to be him."Sa mga salitang iyon ay natahimik si Trisha. Tumigil siya sa paglalakad at napalunok, ramdam niya ang kirot sa dibdib. Alam niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng kanilang ama — isang babaeron
Isinuot na niya ang kanyang tuxedo, maingat na inayos ang kwelyo at siniguradong maayos ang bawat tiklop ng damit. Wala siyang inaksayang oras—pagkatapos magbihis ay agad na siyang lumabas ng kwarto, hindi man lang lumingon kay Diane na naiwan doon. She don’t want to talk to her, not on this night. Hindi niya kayang makipag-usap o makipagtalo, lalo na ngayon na masyado ng magulo ang lahat.Dumiretso siya sa villa, sakay ng kanyang itim na kotse. Habang nasa biyahe, tahimik ang paligid ngunit sa kanyang isipan ay parang may isang kaguluhang hindi matahimik. Ginugulo siya ng mga pangyayari—ang hindi inaasahang sitwasyon sa pagitan ng kanyang asawa at si Diane. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin o maramdaman. He doesn’t know what to think. Tila ba kahit anong pilit niyang magpakatatag, ay may pumipigil sa kanya na makapagdesisyon ng maayos.Dahil abala siya sa malalim na pag-iisip at panandaliang nakalimot sa daan, hindi niya namalayang palapit na pala siya sa isang konkretong pos
Pagkalipas ng isang buwan matapos ang gabing iyon, ay hindi na pinatahimik si Sebastian ng kanyang pag-iisip. Araw at gabi, walang humpay ang pag-ikot ng mga tanong at alaala sa kanyang isipan—at ang nakapagtataka pa, si Seraphina ang laman nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging abala sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa buong sampung taon nilang pagsasama. Parang isang panibagong emosyon ang unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib—hindi kilala, hindi pamilyar, at lalo’t higit, hindi niya inaasahan.Napabuntong-hininga siya habang naupo sa kanyang swivel chair, napasandal at muling napapikit. Sa kanyang pag-idlip, tila muling nabuhay ang alaala ng gabing iyon—isang gabing hindi niya malilimutan, isang gabing paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Gising siya ng gabing iyon—hindi siya dinalaw ng antok, at parang may kung anong kaba sa kanyang dibdib. Hindi nagtagal,
Pagkatapos ng nangyari noong gabi ng salu-salo, nanatiling nakakulong sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon ang lahat ng sumunod. Dalawang buwang buong-buo na ang lumipas mula noon, at dahil sa sunod-sunod na abalang iskedyul, parang isang iglap lang ang lumipas na panahon. Para kay Seraphina, wala nang dahilan para ungkatin pa iyon. Wala siyang intensyong pag-usapan ito, ni banggitin man kahit bahagya. Sa isip niya, isa lamang iyong sandaling bunga ng kalasingan—dulot ng alak na, sa hindi nila nalalaman noon, ay may halong droga. Walang kahulugan. Isang pagkakamali lamang na nangyari sa ilalim ng impluwensiya ng lasing na isipan.Simula noon, nalunod si Seraphina sa sunod-sunod na responsibilidad. Araw-araw ay punô ng mga miting, legal na papeles, at walang katapusang tawag. Bawat oras na siya’y gising ay inuukol niya sa pagtugis sa kaniyang malapit nang maging dating asawa—pilit siyang humahanap ng katarungan, o baka isang pagsasara ng kabanata, para sa nangyaring hindi niya kay
Warning: SPGAng pakiramdam na nararamdaman ni Seraphina ay bago sa kanya—isang kakaibang halo ng sakit, hiya, at isang bagay na hindi niya mabigyan ng pangalan. Habang unti-unting pinapasok ng kanyang asawa ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan, naramdaman niya ang pag-igting ng kanyang kalamnan, ang pagkabog ng dibdib na tila lalabas sa kanyang balat.“Please… Ahh, masakit,” daing niya, bahagyang nanginginig ang boses, at ang mga mata’y nakapikit habang ang kanyang mga daliri ay mahigpit na kumakapit sa sapin ng kama. Ngunit sa kabila ng pakiusap, hindi huminto si Sebastian. Hindi dahil sa kawalan ng malasakit—kundi marahil dahil sa alam niyang may kailangang ilabas, may kailangang wakasan, may kailangang simulan.At sa di inaasahang sandali, ang kirot ay unti-unting napalitan ng kakaibang sarap. Para bang ang hapdi ay naging hudyat ng isang damdaming matagal nang kinulong. Ramdam niya ang bawat paglabas-masok ng daliri ni Sebastian—paulit-ulit, mas malalim, mas de
Warning: SPG [Droga, Sexual]“Ang init… masakit ang aking puson,” dagdag ni Seraphina, halos paungol na ang boses, punong-puno ng kaba at tila may halong desperasyon. Napapikit siya habang pilit kinakalmang ang sarili, pero ramdam niyang parang may humihigop ng lakas niya mula sa loob.Napakuyom ng kamao si Sebastian. Gusto niyang lapitan si Seraphina, gusto niyang alalayan ito, yakapin man lang. Ngunit kahit siya ay halos hindi na makalakad ng maayos—nilalagnat ang katawan, nanlalambot ang tuhod, at parang umiikot ang paligid.Pinagmasdan niya ang asawa—pawisan, namumungay ang mata, at bahagyang napapahawak sa tiyan. Sa kabila ng pagkalito, hindi maitatanggi ni Sebastian ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ang kanyang asawa… sa ganitong estado… at pareho silang biktima ng kung anuman ang inilagay sa inumin nila.Hindi niya magawang makalapit. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil takot siya sa pwedeng mangyari—takot na baka mawalan siya ng kontrol, takot na masaktan lalo si Seraphina, lalo n
Habang nasa jacuzzi si Sebastian, nakapikit siya’t sinisikap kalmahin ang sarili. Ang init ng tubig ay bahagyang nagpapagaan sa tensyong nararamdaman niya, pero hindi pa rin iyon sapat upang tuluyang mawala ang inis sa kanyang dibdib. Maya-maya, isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw—ang pagsara ng pintuan. Napadilat siya, ngunit hindi siya gumalaw.Siguro si Diane lang iyon… o baka cleaning service, bulong niya sa sarili, pilit ipinagsasawalang-bahala ang tunog. Ayaw na niyang mag-isip. Gusto lang niyang magpahinga. Ngunit habang patuloy siyang nagbababad, unti-unti niyang naririnig ang mahinang tinig ng isang babae mula sa loob ng kwarto. Hindi iyon ang boses ni Diane.At habang lalong lumalakas ang bawat hinaing ng babae, mas malinaw na niyang naririnig ang bawat salita.“What if I never gave birth to Chantal?”Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Bigla siyang napatigil sa paggalaw. Ang malamig na pakiramdam ng gulat ay tila kumalaban sa init ng tubig na bumabalot sa kanyang kataw
Sa gitna ng masiglang kasayahan sa party, walang ibang inatupag si Seraphina kundi lunurin ang sarili sa alak. Walang ni isang salita na nais niyang marinig mula sa kanyang ama o kapatid—lalo na’t pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ngayong gabi. Kaya’t nagpasya na siyang manatili sa hotel para sa gabing iyon. Isang gabi lang, malayo sa tanong, sa intriga, at sa masalimuot na katotohanang pilit na sumisiksik sa kanyang mundo.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text ang kanyang tiyuhin ngunit walang sagot. Marahil ay hindi nito marinig ang ringtone dahil sa malakas na tugtugin sa loob ng banquet hall. Kaya’t sa halip na humanap ng sagot mula sa iba, pinili na lang niyang sumandal sa mesa sa tabi, tahimik na umiinom ng alak, isa… dalawa… hanggang sa hindi na niya mabilang.May mga waiter na palakad-lakad, nag-aalok ng pagkain, at sa hindi inaasahan, natuwa si Seraphina nang mapansing may hinain na litson—paborito niya. Napangiti siya kahit papaano.“Ma’am, you’re drunk na po,