All Chapters of Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy: Chapter 21 - Chapter 30

45 Chapters

Chapter 21: Obsession in Disguise

Habang tumatagal ang gabi, unti-unting lumalalim ang ingay sa bar—mga tawanan, kalansing ng baso, at bulungan ng mga taong may kanya-kanyang agenda. Pero sa kabila ng lahat ng ito, si Lewis ay nanatiling tahimik, nakasandal sa upuan habang nilalaro ang baso ng alak sa kanyang mga daliri.Isang bagay lang ang umiikot sa isipan niya.Si Cali.Mula nang makita niya ang sinapit nito sa kamay ni Devin, hindi na niya ito mabura sa isip. Noong una, inakala niyang awa lang ang nararamdaman niya. Pero habang tumatagal, habang lalo niyang nakikilala si Cali, mas lalong lumalabo ang sagot. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang mababang tinig ni Luis."Sa dinami-dami ng babae, why Devin's wife?"Bahagyang tumaas ang kilay ni Lewis at tumingin sa kanyang kuya, na kasalukuyang nakasandal sa upuan at nakatitig sa kanya na para bang sinusuri ang bawat galaw niya. Si Damien naman ay tahimik na nakikinig, halatang interesado rin sa sagot.Hindi agad sumagot si Lewis. Sa halip, unti-unti niy
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 22: The Unspoken Tension

Tahimik na bumukas ang pinto ng silid. Kasabay nito, bumalot ang malamig na hangin sa paligid nang lumusot ang presensya ni Lewis papasok. Hindi gumalaw si Cali. Kahit pa ramdam niya ang pagbagsak ng tahimik na yabag nito sa malambot na sahig, pinilit niyang manatiling nakapikit—nagpapanggap na mahimbing na natutulog.Ang silid ay halos balot ng kadiliman. Tanging ang mahina at mainit-init na ilaw mula sa lampshade sa tabi ng kama ang nagbibigay ng aninag sa paligid. Ang mga anino ay nagsasayaw sa bawat paggalaw ni Lewis, at kahit na pilit niyang itinatanggi sa sarili, nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa.Mula sa maliit na siwang ng kanyang pilit na nakapikit na mga mata, nakita niyang dahan-dahang tinanggal ni Lewis ang suot nitong coat, hinayaang mahulog ito sa upuang malapit sa kama. Sunod ang pagbukas ng butones ng long sleeves nito, isa-isa, sa mabagal at hindi nagmamadaling paraan. Para bang wala lang sa kanya ang ginagawa, ngunit kay Cali, bawat kilos nito ay parang isang t
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 23: The Spa Day

Isang malakas na katok ang pumunit sa katahimikan ng umaga, dahilan para sabay na mapabalikwas sina Cali at Lewis mula sa mahimbing nilang tulog.Napamura nang mahina si Lewis, dinama ang noo, at napapikit nang mariin bago bumangon. Halatang wala pa siya sa wisyo, lalo na’t kagabi lang ay nagkaroon sila ng tensyonadong pag-uusap.Samantala, si Cali ay nanatiling nakahiga, pinipilit pang bumalik sa pagkakatulog at umiiwas sa anumang interaksyon. Ngunit bago pa man siya makapikit ulit, bumukas nang malakas ang pinto, at agad na pumasok ang isang pamilyar na boses.“Bangon na, Lewis!” Sigaw ni Rowena, habang kasunod niya ang bunsong anak na si Rea.“Ma—” Naputol ang reklamo ni Lewis nang biglang lumapit si Rea kay Cali at marahas siyang hinila pabangon mula sa kama.“Tayo na, sis! May spa day tayo today, wala nang tulugan!” anito, puno ng sigla.“Ha?” napakurap si Cali, tuliro sa nangyayari. “Ano?”Napatingin siya kay Lewis na tila naguguluhan din, pero imbes na tulungan siya ay bahagya
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 24: Trapped in Lies

Parang nanlamig ang buong katawan ni Cali. Napalunok siya, pilit pinapanatili ang kanyang composure kahit na biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung paano sasagot—kung aamin ba siya sa kasinungalingang bahagi ng kasunduan o kung may paraan siyang maiiwasan ang tanong nang hindi nagdududa si Rowena.Naramdaman niyang bahagyang tumaas ang kilay ni Rea, halatang nag-aabang din ng kanyang sagot.Napilitan siyang ngumiti nang bahagya, pilit na pinapakalma ang sarili bago marahang nagsalita.“Uh… two weeks pa lang po.”Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Rowena, habang si Rea naman ay tila mas lalong na-excite.“Two weeks? That’s so early! Buti nalaman mo agad,” ani Rowena, may halong tuwa sa boses. “Nagpa-check up ka na ba? May OB-GYN ka na?”Napasinghap si Cali sa sunod-sunod na tanong. Hindi niya iyon naisip!“A-Ah… Hindi pa po. Wala pa akong time,” palusot niya, sinisikap gawing casual ang tono.“You should go as soon as possible,” sabat ni Rea, halos nanginginig
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 25: Under Their Eyes

Habang patuloy na pinag-uusapan nina Rowena at Rea ang mga detalye ng baby shower, lalong lumakas ang kaba ni Cali. Hindi niya alam kung paano siya makakalusot sa patong-patong na kasinungalingan. Napansin niyang abala si Rea sa paghahanap ng iba't ibang party themes sa kanyang cellphone, habang si Rowena naman ay tila nag-iisip na ng mga bisitang iimbitahan."O, paano naman ‘yung cake? Siyempre dapat may customized design! May alam akong pastry shop na gumagawa ng—”"Ma’am, ready na po kayo for your next session," singit ng isang staff na may malumanay na boses.Mabilis na naputol ang usapan nila, dahilan upang makapagpahinga nang bahagya si Cali. Ngumiti si Rowena sa staff at tumango. "Ah, yes. Ano na nga ulit ang kasunod?""Facial and massage po, Ma’am."Biglang nagliwanag ang mukha ni Rea at napahawak ito sa braso ni Cali. "Ate, sobrang relaxing nito! Pangtanggal stress. Lalo na sa'yo, kasi bawal kang mastress dahil buntis ka."Napilitan siyang tumango at ngumiti. "S-Sige."Haba
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 26: Into the Lion’s Den

Tahimik lang si Cali habang nasa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ang city lights na dumaan sa bintana. Kanina pa siya kinakabahan mula nang sabihin ni Lewis na may pupuntahan sila—at lalo na nang marinig niya kung sino ang makakasama nila."Are you seriously bringing me to a meeting with him?" tanong niya, binasag ang katahimikan.Mula sa driver’s seat, hindi siya agad sinagot ni Lewis. Hawak nito ang manibela gamit ang isang kamay, habang ang isa ay nakakampay sa armrest. Kalmado ito, pero alam niyang may kung anong iniisip ang lalaki."Yes," sagot nito sa wakas, diretsong tumingin sa daan. "It’s time."Napasinghap si Cali. "Time for what?"Doon lang siya nilingon ni Lewis, saglit na hinawakan ang kanyang kamay at pinaglaruan ang mga daliri niya gamit ang hinlalaki. "Time for him to see what he lost."Nag-init ang mukha niya, hindi dahil sa kilig kundi sa biglaang realization. Hindi niya alam kung ano talaga ang plano ni Lewis, pero isa lang ang sigurado—hindi ito basta simpleng busi
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 27: Silent War

Binalingan ni Devin si Lewis, na kaswal lang na nakasandal sa upuan, ngunit ang bahagyang pagsisikip ng panga nito ay hindi nakaligtas kay Cali. Alam niyang hindi sanay si Lewis na hindi siya ang may hawak ng kontrol sa sitwasyon—at sa pagkakataong ito, siya mismo ang kumuha ng atensyon ni Devin."Ang deal natin," patuloy ni Devin, iniligay ang isang braso sa mesa habang iniikot sa daliri ang hawakan ng baso. "Your company is offering a partnership with ours. I assume you still have the same terms in mind?"Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Lewis. "That depends. Do you still have the same pride you had before?"Tumawa si Devin—isang tawa na walang saya, puno ng mapait na pang-uuyam. "Don’t test me, Alcaraz. Alam mo namang hindi kita tatantanan kung hindi patas ang usapan natin."Nagtagpo muli ang kanilang mga titig, parang dalawang mabagsik na hayop na parehong ayaw sumuko sa laban.Si Cali, sa gitna ng lahat, ay pilit na pinapanatili ang kanyang poker face. Pero sa loob-loob niy
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 28: Unraveling the Fury

Pagkababa pa lang ng sasakyan, mabilis na tinungo ni Cali ang harap ng bahay, ramdam sa bawat hakbang niya ang umaapaw na galit. Ang matalim na tunog ng kanyang takong sa sementadong daan ay para bang nagbabadya ng bagyo na paparating.Hindi na niya inisip kung may makakakita sa kanila. Ang nais lang niya ay makapasok at tuluyang makatakas mula sa sitwasyong inilagay siya ni Lewis.Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang kasambahay na abala sa pag-aayos ng sala. Ngunit sa isang iglap, natigilan ang mga ito nang makita siya—at lalo pang nanlaki ang kanilang mga mata nang mapansing kasunod niya si Lewis.Napako ang dalawa sa kinatatayuan, saglit na nagkatinginan, bago halos sabay na nagmamadaling lumisan na para bang may nasaksihan silang hindi nila dapat makita.Hindi na napigilan ni Cali ang sarili. Sa saglit na iyon, pakiramdam niya ay isa lamang siyang tropeo—isang bagay na ipinagmamalaki sa harap ng iba, walang sariling desisyon, walang kontrol sa kung paano siya ipi
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 29: A Cage of a Different Kind

Saglit na tumigil si Lewis, tila binabalot ng bigat ng hindi niya kayang sagutin. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa sahig, para bang tinatanggap na niya ang sagot na ayaw niyang marinig. His jaw clenched, his breathing slow and controlled, but the tension in his shoulders betrayed him.Then, without another word, he turned around, his fists tightening at his sides. His steps were heavy, deliberate, as if each one was an attempt to suppress something threatening to break free.Pero bago pa siya tuluyang makalayo—"I don’t know, Lewis!"Bumagsak sa pagitan nila ang boses ni Cali—matinis, nanginginig, puno ng hinanakit na hindi na niya napigilan."I don’t know what I’m supposed to feel anymore!"Lewis halted mid-step, his back stiffening at her words. Dahan-dahan, humarap siya muli, pero ang nakita niya ay isang Cali na halos sumisigaw na hindi gamit ang boses, kundi gamit ang kanyang paghinga—mabilis, mabigat, hindi pantay. Her emotions had finally broken through, spilling into the open
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 30: Silence After the Storm

Nag-iwan ng malamig na espasyo si Lewis sa buong sala. Nang tuluyang sumara ang pinto sa kanyang pag-alis, isang malalim na buntong-hininga ang tuluyang bumagsak mula sa mga labi ni Cali—isang bigat na kanina pa niya gustong pakawalan, ngunit kasabay ng luwag na iyon ay ang mas malalim pang sugat na bumukas sa kanyang puso.Agad siyang nagtungo sa kanilang silid. Pinilig niya ang ulo, pilit na isinasantabi ang emosyon na bumabalot sa kanya, ngunit hindi niya napigilan ang panginginig ng kanyang balikat nang muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Naupo siya sa gilid ng kama, ni hindi na nag-abala pang punasan ang mga patak ng luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Sa gabing ito, wala na siyang lakas na pigilan pa ang sakit. Wala na siyang pwersang itago ang bigat sa dibdib niya."Hindi pa ako malaya."Muling umalingawngaw ang sariling tinig sa kanyang isip, at mas lalo siyang napapikit.Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito—ang makalaya mula sa hawla na pinuwersa siyang p
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status