Share

Chapter 28: Unraveling the Fury

Penulis: Ember
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 17:35:21

Pagkababa pa lang ng sasakyan, mabilis na tinungo ni Cali ang harap ng bahay, ramdam sa bawat hakbang niya ang umaapaw na galit. Ang matalim na tunog ng kanyang takong sa sementadong daan ay para bang nagbabadya ng bagyo na paparating.

Hindi na niya inisip kung may makakakita sa kanila. Ang nais lang niya ay makapasok at tuluyang makatakas mula sa sitwasyong inilagay siya ni Lewis.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang kasambahay na abala sa pag-aayos ng sala. Ngunit sa isang iglap, natigilan ang mga ito nang makita siya—at lalo pang nanlaki ang kanilang mga mata nang mapansing kasunod niya si Lewis.

Napako ang dalawa sa kinatatayuan, saglit na nagkatinginan, bago halos sabay na nagmamadaling lumisan na para bang may nasaksihan silang hindi nila dapat makita.

Hindi na napigilan ni Cali ang sarili. Sa saglit na iyon, pakiramdam niya ay isa lamang siyang tropeo—isang bagay na ipinagmamalaki sa harap ng iba, walang sariling desisyon, walang kontrol sa kung paano siya ipi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 29: A Cage of a Different Kind

    Saglit na tumigil si Lewis, tila binabalot ng bigat ng hindi niya kayang sagutin. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa sahig, para bang tinatanggap na niya ang sagot na ayaw niyang marinig. His jaw clenched, his breathing slow and controlled, but the tension in his shoulders betrayed him.Then, without another word, he turned around, his fists tightening at his sides. His steps were heavy, deliberate, as if each one was an attempt to suppress something threatening to break free.Pero bago pa siya tuluyang makalayo—"I don’t know, Lewis!"Bumagsak sa pagitan nila ang boses ni Cali—matinis, nanginginig, puno ng hinanakit na hindi na niya napigilan."I don’t know what I’m supposed to feel anymore!"Lewis halted mid-step, his back stiffening at her words. Dahan-dahan, humarap siya muli, pero ang nakita niya ay isang Cali na halos sumisigaw na hindi gamit ang boses, kundi gamit ang kanyang paghinga—mabilis, mabigat, hindi pantay. Her emotions had finally broken through, spilling into the open

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 30: Silence After the Storm

    Nag-iwan ng malamig na espasyo si Lewis sa buong sala. Nang tuluyang sumara ang pinto sa kanyang pag-alis, isang malalim na buntong-hininga ang tuluyang bumagsak mula sa mga labi ni Cali—isang bigat na kanina pa niya gustong pakawalan, ngunit kasabay ng luwag na iyon ay ang mas malalim pang sugat na bumukas sa kanyang puso.Agad siyang nagtungo sa kanilang silid. Pinilig niya ang ulo, pilit na isinasantabi ang emosyon na bumabalot sa kanya, ngunit hindi niya napigilan ang panginginig ng kanyang balikat nang muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Naupo siya sa gilid ng kama, ni hindi na nag-abala pang punasan ang mga patak ng luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Sa gabing ito, wala na siyang lakas na pigilan pa ang sakit. Wala na siyang pwersang itago ang bigat sa dibdib niya."Hindi pa ako malaya."Muling umalingawngaw ang sariling tinig sa kanyang isip, at mas lalo siyang napapikit.Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito—ang makalaya mula sa hawla na pinuwersa siyang p

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 31: The Weight of Silence

    Pagkababa ni Cali mula sa silid, sinalubong siya ni Linda. "Magandang umaga po, Ma’am Cali. Nakahanda na po ang almusal ninyo sa dining area," magalang na bati nito.Napahinto siya saglit, bahagyang tiningnan ang paligid. May kung anong hinahanap ang kanyang mga mata—o mas tamang sabihing, may isang boses siyang nais marinig. Ngunit ang sumalubong sa kanya ay katahimikan.Napakakalmado ng buong mansion, malayong-malayo sa tindi ng emosyon na bumalot dito kagabi. Walang nag-iisang hakbang ni Lewis na bumabasag sa tahimik na umagang ito. Wala ang presensya nitong punong-puno ng awtoridad at init na hindi niya maipaliwanag.Gusto niyang magtanong. Alam niyang alam ng mga kasambahay kung nasaan ito. Ngunit agad niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang mukha sa ideyang siya mismo ang maghahanap dito.Ano bang ginagawa niya? Bakit parang biglang nag-iba ang pakiramdam niya?Hindi niya dapat iniisip ito. Hindi niya dapat hinahanap si Lewis.Kaya sa halip na bumigkas ng kahit anong tanong,

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 32: Trapped in the Fallout

    Tumagal ng ilang minuto ang pagtitig ni Cali sa saradong coffee shop. Marahang dumampi ang hangin sa kanyang balat, tila isang malamig na paalala ng lahat ng nawala sa kanya. Naisip niyang bumalik sa sasakyan at lumayo na lang, ngunit may isang bahagi sa kanya na gustong manatili. Gusto niyang damhin ang sakit, ang panghihinayang—dahil iyon lang ang natitira sa kanya ngayon.Pero hanggang kailan siya magpapakatali sa nakaraan?Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang inalis ang kamay sa salamin ng café. Hindi niya napansin ang mga luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata hanggang sa maramdaman niya ang bahagyang pag-init ng kanyang pisngi. Agad niya itong pinahid, hindi nais na hayaang manaig ang kahinaan.Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Lumapit si Kuya Ben sa kanya, maingat ang bawat kilos."Ma’am Cali," marahang tawag nito. "Gusto niyo pa pong manatili rito?"Saglit siyang natahimik bago marahang umiling."Hindi na, Kuya Ben." Pinigilan niya ang basag sa kany

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 33: Captive in Silence

    Nanigas ang katawan ni Cali, parang nagyelo sa kinatatayuan niya. Hindi siya agad nakakilos, ngunit bago pa siya makatakbo, mabilis na lumapit si Devin at sinunggaban ang kanyang braso. Napapikit siya sa sakit ng mahigpit nitong hawak.“Miss mo ba ako, sweetheart?” malamyos ang tono ni Devin, pero ang diin ng pagkakahawak nito ay nagsasabing wala siyang pagpipilian. Ang amoy ng alak ay hindi rin nakatakas kay Cali, bagay na lalo niyang ikinatakot. Kilala niya si Devin, nagiging halimaw ito tuwing may alak ang sistema. Napakapit si Cali sa braso nito, pilit itong inaalis. “Bitiwan mo ako, Devin.”Pero lalong humigpit ang hawak ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas masakit at nakakatakot.“Sa tingin mo makakatakas ka talaga sa akin?” bulong nito sa kanyang tenga. “Cali, wala akong sinabing tapos na tayo.”Napapikit siya, pilit nilalabanan ang panginginig ng kanyang katawan."Divorced na tayo, Devin. Tapos na tayo—ayaw mo man o gusto. Kaya paalisin mo ako ngayon din kung ayaw mong—”Big

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 34: A Desperate Escape

    Nang tuluyang huminto ang sasakyan, lalo pang lumakas ang kaba ni Cali. Nasa harap na sila ng isang lumang warehouse, malayo sa kalsada, malayo sa kahit sinong puwedeng tumulong sa kanya.Madilim ang paligid. Wala ni isang ilaw kundi ang mahinang liwanag mula sa dashboard ng sasakyan. Ang katahimikan ng gabi ay parang nagbabadya ng panganib, isang paalala kung gaano siya nalalayo sa kahit anong seguridad.Hindi. Hindi siya puwedeng manatili rito.Kailangan niyang makatakas.Mabilis siyang lumingon kay Devin, na abala sa paghuhukay sa bulsa nito, waring may hinahanap. Hindi siya sigurado kung baril ba iyon o susi ng warehouse, pero hindi na siya naghintay pang malaman.Ito na ang pagkakataon niya.Nang hindi na nagdalawang-isip, inabot niya ang door handle at buong lakas na binuksan ang pinto. Halos mahulog siya sa sahig ng sasakyan sa pagmamadali, pero hindi siya tumigil.Tumakbo siya.Patakbo siyang nagmamadali sa madilim na gilid ng warehouse, hindi alintana ang matutulis na bato sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 35: The Storm Unleashed

    Sa loob ng ilang segundo, bumalot ang nakakabinging katahimikan sa warehouse. Mabigat ang tensyon sa hangin—parang isang patalim na nag-aantay lang na bumaon sa laman ng sinumang gumawa ng maling galaw.Nakahawak pa rin si Devin sa buhok ni Cali, marahas na hinihila ito pabalik na parang isang tropeo na nais ipakita kay Lewis—isang patunay na siya pa rin ang may hawak ng kontrol. Ngunit hindi natinag si Lewis. Walang pag-aalinlangan sa kanyang mukha, walang takot sa kanyang mga mata—tanging matinding galit at determinasyon ang nangingibabaw."Let her go…" malamig ang boses ni Lewis, ngunit puno ng emosyon. Hindi niya hinayaang mapansin ni Devin ang bahagyang panginginig ng kanyang kamao.Samantala, si Cali ay nananatiling tila nakapako sa kanyang kinatatayuan. Ang takot na bumalot sa kanya ay mas matindi pa sa anumang naramdaman niya noon. "Huwag kang lalapit, Alcaraz!" sigaw ni Devin, idinikit ang baril sa sentido ni Cali. Napasinghap siya, ang malamig na bakal ay lalong nagpalala s

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 36: In the Aftermath

    Duguan ang mga kamay ni Lewis habang mahigpit na hawak si Cali, binibilisan ang mga hakbang palabas ng warehouse. Naririnig niya ang alingawngaw ng sarili niyang paghinga—mabigat, magulo, puno ng takot na hindi niya kayang aminin.“Boss, dito!” sigaw ni Ben habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.Walang pag-aalinlangan, maingat na ipinasok ni Lewis si Cali sa loob ng kotse, iningatan ang bawat galaw na tila ba isang marupok na babasaging porselana. Malamig ang kamay nito, at kahit mahina ang paghinga, naroon pa rin ang takot na maaaring bumitiw ito anumang oras.Mabilis siyang sumakay sa tabi nito, hindi na inintindi ang sariling sugat. Agad niyang kinuha ang kamay ni Cali, mahigpit iyong hinawakan habang pilit na ginising ang babae.“Cali, please... Wake up,” mahina niyang bulong, halos hindi niya namalayang nanginginig ang sariling tinig. “We’re getting out of here, okay? Just hold on for me.”Walang sagot.Binalot ng matinding kaba ang puso ni Lewis. Ang babaeng kanina lang ay umi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10

Bab terbaru

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 45: A Step Closer

    Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 44: Unspoken Desire

    Pagkarating nila sa sasakyan, tahimik na binuksan ni Lewis ang pinto para kay Cali. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay, ngunit bago pa man niya maisara ang pinto, sumunod si Lewis at bahagyang yumuko, ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa kanya.“Where do you want to go next?” tanong nito, ang mababang boses ay tila may kasamang pag-aalok ng isang bagay na hindi lang basta simpleng destinasyon.Cali met his gaze. “You decide.”Napangiti si Lewis. “That’s dangerous. You’re giving me too much control.”She smirked slightly. “Maybe I trust you.”For a moment, something flickered in his eyes—an emotion she couldn’t quite name. Pero bago pa siya makapag-isip ng iba pang ibig sabihin ng sinabi niya, tumuwid na si Lewis at isinara ang pinto.Sa buong biyahe, hindi na sila gaanong nagsalita. Hindi naman awkward, ngunit may kakaibang pakiramdam na bumalot sa paligid. Parang may unspoken tension na hindi nila gustong i-address, o baka hindi pa nila handa

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 43: A Moment of Peace

    Tahimik lang na nakaupo sina Cali at Lewis sa bangko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga koi fish sa pond ay marahang lumalangoy, kumikislap ang kanilang makukulay na kaliskis tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak, tila isang banayad na yakap na nagpapaalala kay Cali na may mga bagay pa ring kayang magbigay sa kanya ng kapayapaan. Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang nakasandal sa likod ng bangko, nakatingala sa mga dahon ng puno na sumasayaw sa hangin. Tahimik lang ito, pero halatang komportable. Parang sanay itong namnamin ang bawat sandali nang hindi kailangang magsalita. Napangiti si Cali. Hindi niya inakalang makakahanap siya ng ganitong uri ng katahimikan sa piling ni Lewis. “I never really do this,” biglang sabi niya, bumasag sa katahimikan. Lewis turned to her, his brows slightly raised. “Do what?” “This.” Itinuro niya ang paligid gamit ang isang kumpas ng kamay. “Going out just to relax. Bef

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 42: A Stroll Through Serenity

    Pagkatapos nilang kumain, tahimik na tinipon ni Lewis ang mga pinagkainan nila habang si Cali naman ay nakasandal sa upuan, pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan—walang bigat sa dibdib, walang takot na bumabalot sa kanya.“Gusto mo bang lumabas?” biglang tanong ni Lewis habang inaayos ang kubyertos.Napatigil siya. “Ha?”“Let’s go somewhere. Para makalabas ka rin ng bahay,” aniya habang nakangiti, halatang may binabalak na naman. “I was thinking of taking you to a botanical garden. Maganda doon, tahimik, at makakatulong sa’yo para makapag-relax.”Nag-isip sandali si Cali. Hindi na niya maalala ang huling beses na lumabas siya para mamasyal, at sa totoo lang, gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. “Hmm… okay,” sagot niya sa wakas, bahagyang natatawa sa kasabikang kita sa mukha ni Lewis.Agad itong tumayo at tinapik ang mesa. “Great! Magbihis ka na. I’ll wait for you downstairs.”Napailing na lang siya bago tumayo at nagp

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 41: A Taste of Care

    Tahimik na pinagmasdan ni Cali si Lewis habang nakatayo ito sa harap ng kusina, nakakunot-noo sa mga sangkap na nakalatag sa mesa. Halatang hindi ito sanay sa ganitong gawain, lalo pa’t mukhang hindi nito alam kung saan magsisimula.Nakangiti siyang lumapit at kinuha ang kutsilyo mula sa gilid. “Mukhang kinakabahan ka?” biro niya.Tumingala si Lewis at pinanood siya sandali bago tumawa nang mahina. “I’m just trying to figure out if this is a cooking lesson or an attempt to make me suffer.”Napailing si Cali at inabot sa kanya ang kutsilyo. “Huwag kang mag-alala, hindi kita papahirapan. Basic lang ang ituturo ko.”Napabuntong-hininga si Lewis bago marahang kinuha ang kutsilyo. “You do realize I could just take you to the best restaurant in town, right? Save us both the trouble?”“Hindi ‘to tungkol sa pagkain lang, Lewis,” sagot ni Cali, tinapik ang braso nito. “Gusto mo bang matuto o hindi?”Isang malalim na hinga ang pinakawalan nito bago tumango. “Fine. But if I burn the kitchen down

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 40: Little Steps to Something More

    Pagpasok ni Cali sa bagong kwarto, saglit siyang natigilan. Malinis at maaliwalas ang buong paligid, malayo sa dati niyang kwarto sa mansyon ni Lewis. Simple pero may halong modernong elegante—isang espasyo na tila idinisenyo hindi lang para sa ginhawa kundi para rin sa katahimikan.Ang malalaking bintana ay natatakpan ng manipis na kurtinang kulay cream, hinahayaan ang malambot na liwanag ng araw na pumasok sa loob. Ang dingding ay may soft beige tones, perpektong bumagay sa minimalist na aesthetic ng silid. Isang queen-sized bed na may upholstered headboard ang nasa gitna, may neatly arranged pillows at puting kumot na mukhang malambot at nakakaakit higaan.May isang makinis na wooden vanity table sa tabi, may kaunting eleganteng dekorasyon—isang flower vase na may fresh white lilies, isang scented candle na may banayad na amoy ng lavender. Sa kabila, may isang built-in bookshelf na puno ng iba’t ibang klaseng libro—halatang pinili nang may pag-iingat, marahil si Lewis mismo ang pum

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 39: A Place to Stay

    Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente. Sa wakas, nakabalik na sila sa mansion.Pagkababa niya ng sasakyan, agad na kinuha ni Lewis ang mga gamit niya. Wala siyang nagawa kundi tahimik na sumunod sa loob. Sinalubong sila ni Linda at inabot ang mga dala ni Lewis, habang si Rico naman ay biglang nakatanggap ng tawag at lumayo upang sagutin iyon.Wala sa sarili siyang umakyat patungo sa kanilang kwarto. Ngunit pagpasok pa lang niya, agad niyang napansin ang pagbabago sa ambience ng silid. May kakaiba—hindi niya matukoy kung ano, pero nanibago siya.Lumakad siya papunta sa closet para kumuha ng damit, ngunit agad siyang natigilan. Walang kahit isa sa mga gamit niya roon.Nanlamig ang kamay niya habang bumibigat ang pakiramdam niya. Napalunok siya, pilit iniisip kung anong ibig sabihin nito.Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Lewis. Walang emosyon ang mukha nito, pero matigas ang boses nang magsalita."Pinalipat ko ang mga gamit mo sa kabilang kwarto," aniya, ka

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 38: A Gentle Touch

    Tahimik ang kwarto, pero hindi ito payapang katahimikan. Para kay Cali, ito'y isang katahimikang puno ng anino—mga aninong unti-unting gumagapang sa kanyang isipan, bumubulong ng mga bangungot na hindi niya matakasan.Nakahiga siya sa kama, nakatulala sa kisame. Ang kanyang katawan ay pagod—pero ang kanyang utak ay gising na gising, binubuhay ang mga sugatang alaala na pilit niyang ibinabaon sa limot.Sa isang sulok ng kwarto, nakaupo si Lewis sa isang maliit na upuan, ang tingin nito ay hindi naalis sa kanya. Tahimik ito, pero sa pagitan ng kanilang distansya, dama niya ang pag-aalalang bumabalot sa presensya nito. Hindi ito umalis simula nang magising siya mula sa panic attack niya kanina.Hindi niya alam kung ilang oras na silang ganito. Wala siyang ideya kung gaano na katagal ang paminsan-minsang pagdampi ng liwanag ng buwan sa kurtinang bahagyang nakabukas, nilulunod sa anino ang kalahati ng silid.Malamig ang gabi, pero hindi iyon ang nagpapakilabot sa kanya.Alam niyang may gus

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 37: A Battle of Demons

    Mabilis na dinala si Lewis ng doktor sa isa pang silid, kung saan naghihintay na ang isang nurse na may dalang medical kit. Umupo siya sa kama, pero nanatili ang kanyang mga mata sa pinto, para bang sa sandaling ipikit niya ang mga ito, mawawala si Cali.“Sir, kailangang tahiin ang sugat ninyo,” anunsyo ng doktor habang sinusuri ang lalim ng mga hiwa sa kanyang tagiliran. “You lost a lot of blood, but thankfully, nothing too critical.”Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kawalan habang ang malamig na antiseptic ay dumampi sa kanyang sugat. Napangiwi siya, pero hindi siya gumalaw.“She’ll be okay,” dagdag ng doktor, marahil ay napansin ang kanyang pag-aalala.“Yeah,” mahina niyang sagot, pero hindi niya alam kung para kanino ang sagot na iyon—para sa doktor, o para kumbinsihin ang sarili.Napuno ng katahimikan ang silid maliban sa tunog ng gunting, karayom, at ang marahang paghinga ni Lewis. Alam niyang dapat siyang magpahinga, pero paano? Paano kung sa ilang minutong ipipikit

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status