Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Nakasubsob si Cali, halos hindi humihinga, habang pinipilit niyang itukod ang nanginginig na kamay sa maruming tiles. Ang kanyang duguang pisngi ay nakadikit sa sahig, at ang maitim niyang buhok ay nagkalat sa paligid niya habang ang ilang hibla ay dumidikit sa kanyang mamasa-masang balat.Masakit ang katawan niya—hindi lang dahil sa bugbog na natamo niya ngayong gabi, kundi dahil sa paulit-ulit na ganitong pangyayari sa loob ng tatlong taon ng kanyang buhay.Napapikit siya nang mariin, pinipilit pigilan ang pagsabog ng kanyang luha. Hindi niya na kailangang tingnan ang sarili sa salamin upang malaman kung gaano siya kawasak. Sobra pa ang sakit sa kaniyang dibdib para patunayan iyon.Sa kanyang harapan, isang lalaking may matipunong katawan at bagsak na balikat ang nakatayo. Hawak nito ang kanyang kamao, mabigat ang paghinga na parang siya ang nasaktan. Nakatingin ito sa kanya—hindi dahil sa awa, kundi dahil sa inis.Pinunasan ni Devin ang bahid ng dugo sa kamao gamit ang manggas ng k
Pagkalabas ni Cali sa ospital, dama pa rin niya ang panghihina ng kanyang katawan, bagama’t hindi na masyadong bakas ang mga sugat at pasa. Mabagal ang kanyang mga hakbang, animo’y binubuhat ng malamlam niyang kalamnan ang bigat ng bawat pasakit na iniwan ng gabing hindi niya gustong balikan. Pero higit sa lahat, hindi sakit ang pinakamabigat niyang dinadala—takot. Takot na anumang oras, babalik si Devin upang hilahin siya pabalik sa impyernong kanyang nilayasan.Alam niyang hindi basta-basta hahayaan ni Devin na mawala siya. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa, natutunan niyang wala siyang kontrol sa buhay niya. Siya ang babae. Siya ang asawa. Siya ang dapat sumunod. Siya ang dapat manatili.Pero hindi na siya ang babaeng iyon.Mahigpit niyang niyakap ang coat na ibinigay ng ospital, pinipilit itago ang sugat sa kanyang braso. Kahit paano, nakapagbibigay iyon ng kaunting proteksyon, hindi lang laban sa lamig kundi laban sa paningin ng mundo—isang mundo na hindi k
Hindi alam ni Cali kung paano siya napasama sa sitwasyong ito. Mula sa impyernong tinakasan niya kay Devin, ngayon ay nasa isang mundo siya na ni minsan ay hindi niya inakalang mararating—ang mundo ni Lewis Alcaraz.Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang bahagyang ingay ng ulan na bumabagsak sa windshield. Nakatitig lang siya sa labas, pinagmamasdan ang lumulutang na mga ilaw sa kalsada, pero kahit anong gawin niya, hindi niya magawang itaboy ang matinding kaba sa dibdib.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin kay Lewis, na kasalukuyang nakatutok sa pagmamaneho. Tahimik ito, walang emosyon ang mukha, pero may kung anong kakaiba sa presensya niya—isang uri ng awtoridad na hindi niya kailangang ipagsigawan para lang madama ng sinuman.Makalipas ang ilang minuto, unti-unting bumungad sa kanya ang isang engrandeng mansion na tila eksaktong kinuha mula sa isang kwento ng mga hari at reyna. Napasinghap siya,
Sa loob ng opisina ni Lewis, tahimik na nakatayo si Cali sa harapan ng kanyang desk. Ilang beses niyang sinubukang lunukin ang galit na bumibigat sa kanyang dibdib, pero hindi niya kayang pigilan ang poot na unti-unting pumupuno sa kanya. Hindi niya akalain na basta-basta na lang ipapahayag ni Lewis sa harap ng lahat na buntis siya kahit hindi naman totoo. Hindi rin siya sinabihan na ito ay bahagi ng kasunduan nila. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng kontrol sa sarili niyang buhay. Napakapit siya sa gilid ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili. “Bakit mo sinabi ‘yon?” tanong niya, pilit na iniingatan ang boses para hindi sumabog. Walang alinlangan siyang tiningnan ni Lewis, ang malamlam nitong mata ay puno ng kasiguraduhan, para bang wala itong nakikitang mali sa ginawa nito. “Because it’s the only way to make them believe.” Napanganga siya. “Believe what? That I’m pregnant?” “I told you, Cali.” Tumayo si Lewis mula sa kanyang upuan at lumapit sa kanya, pinagmamasd
Ang bigat ng hangin sa paligid ni Cali ay lalong bumigat nang mapansin niya ang mga panaka-nakang sulyap ng mga bisita. Kahit pa may musika at tawanan sa paligid, ramdam niyang siya ang sentro ng usapan ng ilan. Ang ilang pares ng mata ay may halong pagtataka, ang iba ay may bahagyang pag-aalinlangan, habang ang iba naman ay tila pinipilit ikubli ang kanilang pagkakausisa.Alam niyang nakita nila si Devin na kinakaladkad ng mga tauhan ni Lewis. Malamang ay nagtatanong ang lahat kung anong ginawa nito sa isang pagtitipon ng pamilya Alcaraz—lalo na’t umalis ito na parang isang kriminal. Mabuti na lang at hindi sila nagkita sa mismong party hall. Kung hindi, tiyak na mas magiging usap-usapan ang nangyari, at mas magiging mahirap para sa kanya ang bumalik dito nang hindi nakukubkob ng mga mapanuring tingin.Ramdam niya ang bahagyang pagdikit ng palad ni Lewis sa kanyang likuran, isang tahimik ngunit matatag na pagpaparamdam ng suporta. Ngunit sa kabila nito, hindi niya mapigilan ang pagbi
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap
Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy
Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin
Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’
Pagkarating nila sa sasakyan, tahimik na binuksan ni Lewis ang pinto para kay Cali. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay, ngunit bago pa man niya maisara ang pinto, sumunod si Lewis at bahagyang yumuko, ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa kanya.“Where do you want to go next?” tanong nito, ang mababang boses ay tila may kasamang pag-aalok ng isang bagay na hindi lang basta simpleng destinasyon.Cali met his gaze. “You decide.”Napangiti si Lewis. “That’s dangerous. You’re giving me too much control.”She smirked slightly. “Maybe I trust you.”For a moment, something flickered in his eyes—an emotion she couldn’t quite name. Pero bago pa siya makapag-isip ng iba pang ibig sabihin ng sinabi niya, tumuwid na si Lewis at isinara ang pinto.Sa buong biyahe, hindi na sila gaanong nagsalita. Hindi naman awkward, ngunit may kakaibang pakiramdam na bumalot sa paligid. Parang may unspoken tension na hindi nila gustong i-address, o baka hindi pa nila handa
Tahimik lang na nakaupo sina Cali at Lewis sa bangko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga koi fish sa pond ay marahang lumalangoy, kumikislap ang kanilang makukulay na kaliskis tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak, tila isang banayad na yakap na nagpapaalala kay Cali na may mga bagay pa ring kayang magbigay sa kanya ng kapayapaan. Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang nakasandal sa likod ng bangko, nakatingala sa mga dahon ng puno na sumasayaw sa hangin. Tahimik lang ito, pero halatang komportable. Parang sanay itong namnamin ang bawat sandali nang hindi kailangang magsalita. Napangiti si Cali. Hindi niya inakalang makakahanap siya ng ganitong uri ng katahimikan sa piling ni Lewis. “I never really do this,” biglang sabi niya, bumasag sa katahimikan. Lewis turned to her, his brows slightly raised. “Do what?” “This.” Itinuro niya ang paligid gamit ang isang kumpas ng kamay. “Going out just to relax. Bef
Pagkatapos nilang kumain, tahimik na tinipon ni Lewis ang mga pinagkainan nila habang si Cali naman ay nakasandal sa upuan, pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan—walang bigat sa dibdib, walang takot na bumabalot sa kanya.“Gusto mo bang lumabas?” biglang tanong ni Lewis habang inaayos ang kubyertos.Napatigil siya. “Ha?”“Let’s go somewhere. Para makalabas ka rin ng bahay,” aniya habang nakangiti, halatang may binabalak na naman. “I was thinking of taking you to a botanical garden. Maganda doon, tahimik, at makakatulong sa’yo para makapag-relax.”Nag-isip sandali si Cali. Hindi na niya maalala ang huling beses na lumabas siya para mamasyal, at sa totoo lang, gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. “Hmm… okay,” sagot niya sa wakas, bahagyang natatawa sa kasabikang kita sa mukha ni Lewis.Agad itong tumayo at tinapik ang mesa. “Great! Magbihis ka na. I’ll wait for you downstairs.”Napailing na lang siya bago tumayo at nagp