Sa loob ng opisina ni Lewis, tahimik na nakatayo si Cali sa harapan ng kanyang desk. Ilang beses niyang sinubukang lunukin ang galit na bumibigat sa kanyang dibdib, pero hindi niya kayang pigilan ang poot na unti-unting pumupuno sa kanya.
Hindi niya akalain na basta-basta na lang ipapahayag ni Lewis sa harap ng lahat na buntis siya kahit hindi naman totoo. Hindi rin siya sinabihan na ito ay bahagi ng kasunduan nila. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng kontrol sa sarili niyang buhay. Napakapit siya sa gilid ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili. “Bakit mo sinabi ‘yon?” tanong niya, pilit na iniingatan ang boses para hindi sumabog. Walang alinlangan siyang tiningnan ni Lewis, ang malamlam nitong mata ay puno ng kasiguraduhan, para bang wala itong nakikitang mali sa ginawa nito. “Because it’s the only way to make them believe.” Napanganga siya. “Believe what? That I’m pregnant?” “I told you, Cali.” Tumayo si Lewis mula sa kanyang upuan at lumapit sa kanya, pinagmamasdan siya na parang binabasa ang isip niya. “You need protection? Then my mother wants an heir. She’s been pressuring me for years. This was the fastest way to shut her up.” Napaatras siya, hindi makapaniwala sa naririnig. “So, anong plano mo? Magpapanggap akong buntis habang buhay?” “No.” Ngumiti ito, pero may bahid ng panunubok sa kanyang mukha. “You’ll have to get pregnant for real.” Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa narinig. “Ano?” Tuloy-tuloy lang si Lewis, walang bahid ng emosyon sa kanyang tinig. “You need to bear my child, Cali. It’s part of the deal.” Nanlamig ang kamay niya. Hindi niya alam kung paano magrereact. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Lewis na mag-isip pa nang matagal. Tumawag ito sa kanyang tauhan at inutusan itong kunin ang isang dokumento. Ilang sandali lang, iniabot nito sa kanya ang isang makapal na kontrata. “This is our agreement,” paliwanag ni Lewis habang inilalahad ang dokumentong punô ng detalyado at maingat na nakasulat na mga kondisyon. “You’ll give me an heir. After five years, you’ll have a choice—stay married to me or file for divorce. If you choose to leave, you can name your price—just tell me how much you want.” Napatingin siya sa dokumento, halos hindi makapaniwala sa binabasa niya. It was all there—every condition, every rule, every consequence of their deal. Kailangan nilang makabuo ng tagapagmana sa lalong madaling panahon. At pagkatapos ng limang taon… Desisyon niya kung mananatili siya o aalis. Napakagat siya sa labi, nanginginig ang kamay habang hawak ang papel. This was insane. Pero bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto nang may malakas na pagkalampag. "Where is she?!" Halos napatalon si Cali sa lakas ng sigaw na iyon. Bago pa niya makita kung sino ang dumating, naramdaman na niya ang takot na gumapang sa kanyang laman. Mula sa pintuan, galit na pumasok si Devin. Ang dating maingat at maayos nitong hitsura ay wala na ngayon—gulo ang buhok nito, mahigpit ang pagkuyom ng kamao, at ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit. “Devin?” halos bulong niya, pero hindi nakatakas sa pandinig ni Lewis ang takot sa kanyang boses. Mabilis na lumapit si Devin kay Cali, pilit siyang hinahatak palapit. “Come with me.” Bago pa siya makagalaw, isang malakas na kamay ang pumigil sa kanya. “Let her go,” malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Lewis. Napatigil si Devin at nilingon ito. “Ikaw?! Ikaw ang sumira sa amin!” Lewis smirked. “Sira na ang relasyon niyo bago mo pa siya tinulak sa impyerno.” Nagpanting ang tainga ni Devin sa sinabi nito. “You stole my wife!” “She’s not your wife anymore,” matigas na sagot ni Lewis, hindi natitinag. Napapikit si Cali, nanginginig ang buong katawan sa tensyon na bumalot sa silid. “Cali!” bulyaw ni Devin, pilit siyang hinihila palapit. “You’re coming with me! Now!” Pero bago pa siya mahila nito, isang malakas pwersa ang pumulupot sa kaniyang bewang. “She’s not yours to take. She's my fiance now,” madiin na sabi ni Lewis. Nagkatinginan sila ni Cali, at sa unang pagkakataon, naisip niyang wala na ngang makakatulong pa sa kaniya kundi si Lewis. Kahit hindi rin siya sigurado sa kahahantungan ng buhay niya dito. Galit na napailing naman si Devin. “Cali… Mahal kita. Hindi na kita sasaktan, I swear. Just come home with me.” Nag-aalangan siyang tumingin kay Devin. Ilang beses niya nang narinig ang mga pangakong iyon noon. Ilang beses na siyang naniwala—at sa bawat pagkakataon, mas lumala lang ang sitwasyon. Mabilis na bumalik sa kanyang isip ang mga alaala ng kirot, ng mga pasa sa kanyang katawan, ng takot na bumalot sa kanya tuwing uuwi ito nang lasing, o tuwing hindi niya magustuhan ang galaw niya. Pero kahit sa harap ng lahat ng sakit, kahit sa harap ng lalaking matagal niyang minahal, may bahagi pa rin sa kanya ang natutuksong bumigay. Hanggang sa marinig niya ang malamig na tinig sa kanyang tagiliran. “Think about the deal, Cali.” Dahan-dahan siyang lumingon kay Lewis. Hindi ito nakatingin sa kanya, pero ang kamay nito ay nakapatong sa mesa—malapit sa kontrata. The deal. The benefits. The freedom. Sa isang saglit, bumalik ang rason niya. Hindi siya makakabalik sa impyerno. Hindi na niya muling hahayaang hawakan ni Devin ang buhay niya. Bago pa siya makapag-isip nang dalawang beses, dinampot niya ang kontrata at ang prenup agreement—at sa harap ni Devin, matapang niya itong nilagdaan. Ang tunog ng kanyang panulat sa papel ay parang martilyong bumagsak sa katahimikan ng silid. Devin froze. Tila hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. “Cali…” bulong nito, nanginginig ang kamay na pilit inaabot ang papel. Ngunit hindi siya natinag. Tinapunan niya ito ng isang tingin—isang titig na puno ng determinasyon at panibagong tapang. “Tapusin na natin ‘to, Devin,” mahinahong sabi niya. “This is my decision.” Biglang sumiklab ang galit sa mukha ni Devin, at bago pa siya makagalaw, mabilis na humarang si Lewis. “Enough,” malamig na sabi nito, ang tingin kay Devin ay puno ng banta. “Get out.” Nanatili si Devin sa kinatatayuan, nanginginig ang buong katawan sa galit at pagkadismaya. Ngunit sa huli, wala itong nagawa kundi umalis. Nang sa wakas ay tuluyang sumara ang pinto sa likod ni Devin, saka pa lang bumalik ang kanyang hininga. Tahimik na tinapik ni Lewis ang dokumento sa mesa at inabot ito sa kanya. “Congratulations,” anito, isang bahagyang ngiti ang nasa labi. “You’re officially mine now.” At doon lang naunawaan ni Cali—wala na siyang babalikan. At wala na rin siyang kawala.Ang bigat ng hangin sa paligid ni Cali ay lalong bumigat nang mapansin niya ang mga panaka-nakang sulyap ng mga bisita. Kahit pa may musika at tawanan sa paligid, ramdam niyang siya ang sentro ng usapan ng ilan. Ang ilang pares ng mata ay may halong pagtataka, ang iba ay may bahagyang pag-aalinlangan, habang ang iba naman ay tila pinipilit ikubli ang kanilang pagkakausisa.Alam niyang nakita nila si Devin na kinakaladkad ng mga tauhan ni Lewis. Malamang ay nagtatanong ang lahat kung anong ginawa nito sa isang pagtitipon ng pamilya Alcaraz—lalo na’t umalis ito na parang isang kriminal. Mabuti na lang at hindi sila nagkita sa mismong party hall. Kung hindi, tiyak na mas magiging usap-usapan ang nangyari, at mas magiging mahirap para sa kanya ang bumalik dito nang hindi nakukubkob ng mga mapanuring tingin.Ramdam niya ang bahagyang pagdikit ng palad ni Lewis sa kanyang likuran, isang tahimik ngunit matatag na pagpaparamdam ng suporta. Ngunit sa kabila nito, hindi niya mapigilan ang pagbi
Sa halip na sumagot, napalunok si Cali. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kakaibang epekto sa kanya ang paraan ng pagsasalita ni Lewis—ang paraan ng pag-angkin niya sa sitwasyon. Tila isang bitag na hindi niya namalayang unti-unti siyang hinihigop. Ang kanyang mga mata ay dahan-dahang gumapang sa paligid. Ilang sandali lang ang nakalipas, masaya siyang nakikihalubilo sa selebrasyon, ngunit ngayon, parang lumiit ang mundo niya. Lahat ng ingay, lahat ng bulungan, tila naglaho kasabay ng malalim at walang alinlangang titig ng lalaking nasa harapan niya. Hindi niya dapat maramdaman ito. Dapat ay inis siya. Dapat ay may takot. Dapat ay nag-aalangan siya kung tama ba ang ginawa niyang desisyon, pero hindi—dahil sa isang banda, alam niyang wala naman talaga siyang ibang pagpipilian. Hawak na siya ni Lewis. At kung tama ang pakiramdam niya, hindi siya nito basta-basta bibitawan. "Relax," aniya, bahagyang yumuko upang itapat ang labi sa kanyang tainga, ang boses ay halos is
"M-Mali ba ako ng napasukang kwarto?" mahina niyang sambit, nakatungo, pilit itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.Ramdam niya ang bigat ng katahimikan na sumunod sa kanyang tanong—isang nakakabinging saglit na tila sumasakal sa kanya. Alam niyang nakatingin ito sa kaniya, nararamdaman niya ang mabibigat na mga titig nito. Hanggang sa marinig niya ang malamig at matigas na tinig ni Lewis."No. We're going to sleep in the same room and the same bed, Cali. That's how we start our contract."Parang may tumigil sa paggalaw sa kanyang loob.Nanatili siyang nakatungo, pinipilit iproseso ang bawat salitang binitiwan ni Lewis. Ngunit sa isang iglap, biglang lumilinaw sa kanya ang realidad ng sitwasyong ito—kung bakit siya narito, kung ano ang inaasahan sa kanya. Hindi lang ito basta isang kasunduan sa papel.Ang kontratang iyon ay may kasama pang kasunduan na hindi lang sa legalidad umiikot.Kailangan nilang magsama. Sa iisang silid. Sa iisang kama.Humigpit ang kapit niya sa laylayan ng
Ang malamlam na liwanag ng umaga ay sumisilip na sa malalaking bintana ng kwarto, banayad na hinahaplos ang mamahaling muwebles at puting linen ng kama. Ang malambot na kurtina ay bahagyang sumasayaw sa marahang ihip ng hangin, nagdadala ng malamig at preskong simoy na tila nagpapabigat pa lalo sa kanyang mga talukap.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, hinayaang masanay sa banayad na liwanag bago siya lumingon sa kabilang bahagi ng kama. Napansin niyang hindi siya nag-iisa.Si Lewis ay nakahiga pa rin nang patagilid, mahimbing na natutulog. Ang isang braso’y nakapuwesto sa unan, habang ang isa’y nakapatong sa kanyang tiyan. Bahagyang magulo ang kanyang maitim na buhok, bumalot sa kanyang noo sa paraang nagpapabawas sa matigas niyang ekspresyon kapag gising. Ngayon, sa tahimik at hindi maingat na sandali ng kanyang pagtulog, may kakaibang lambot sa kanyang mukha. Parang hindi siya ang parehong lalaking matigas kung magsalita at laging may maingat na distansya sa lahat.N
Dahan-dahang pumasok si Cali sa gym, pilit na iniiwas ang paningin sa matipunong katawan ni Lewis. Alam niyang nakita na niya ito kanina mula sa siwang ng pinto, pero iba ang makita ito nang mas malapitan—pawisan, walang suot na pang-itaas, at tila walang pakialam sa epekto nito sa kanya.Pinilit niyang idirekta ang tingin sa paligid, kunwari’y pinagmamasdan ang mga weights, treadmill, at punching bag sa sulok. Pero kahit anong gawin niya, tila may sariling isip ang kanyang mga mata—bumabalik ang tingin sa lalaking nasa gitna ng silid.Nakatayo si Lewis sa tabi ng isang bench, hawak ang tuwalya habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Kahit pawisan, nanatiling matikas ang tindig nito, at nang mapansin niyang nakatitig siya, isang mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.“You look like you’re trying too hard not to look at me.”Kasabay ng pananalita nito, inilinga ni Lewis ang katawan, tila sinasadya pang ipakita sa kanya ang bawat porma ng muscles nito—mula sa matigas nitong dib
Nakaupo si Cali sa passenger seat ng kotse, mariing nakahawak sa laylayan ng kanyang damit na para bang iyon lang ang pumipigil sa kanya upang hindi tuluyang manginig. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit sa kanyang kalooban, isang matinding unos ang nagwawala.Hindi niya alam kung paano niya nagawang tumango kanina. Ang tanong ni Lewis ay isang laro lamang—isang kasunduang hindi niya lubos na naiintindihan. Ngunit ngayon, habang kasama ito, habang nag-iisa sa sasakyan na ito, hindi niya maiwasang mag-alala.Wala siyang kasiguraduhan kung tama ba ang ginagawa niya. Hindi niya rin alam kung kaya niyang manatili sa ganitong sitwasyon nang hindi tuluyang matunaw sa ilalim ng presyur ni Lewis.“You’re too quiet.”Bumasag sa katahimikan ang mababang tinig ni Lewis. Bahagya siyang lumingon dito, at sa kanyang paningin, may bahid ng amusement sa mga mata ng lalaki."Thinking about how handsome I look today?" dagdag pa nito, sabay ngiti na tila may halong panunukso.Napairap si Cali, pilit na
Napagod na ang mga mata ni Cali sa sunod-sunod na pagpapalit ng gown. Halos tatlong oras na siyang paikot-ikot sa loob ng boutique, sinusubukan ang iba’t ibang disenyo—may mahahaba, may maiiksi, may masyadong masikip, may hindi niya gusto ang tabas. Ngunit sa wakas, natagpuan din niya ang perpektong damit. Isang eleganteng gown na bumagay sa kaniyang hubog at personalidad. Isang damit na, sa unang beses na nasilayan niya ang sarili sa salamin, naramdaman niyang ito na talaga.Pinadaan niya ang mga daliri sa malambot na tela, dama ang kalidad at pagiging sopistikado nito. Sa gilid ng kaniyang paningin, naaninag niya si Lewis na nakasandal nang tamad sa plush na couch, isang braso ang nakapatong sa sandalan, habang ang isa ay kaswal na nakapatong sa hita niya.“Finally,” Lewis murmured, sinasadyang iparamdam ang lungkot na halos mamatay na siya sa paghihintay. His dark eyes roamed her figure, assessing every inch of how the fabric hugged her curves. May isang anino ng kapilyuhan sa sulo
Tinitigan ni Cali si Lewis, ang bahagyang nakangising ekspresyon nito ay tila may itinatagong lihim. Hindi niya alam kung dahil ba sa panalo nitong sagupaan kay Devin o dahil lang sa likas na pagiging dominante nito. Pero anuman ang dahilan, hindi niya magawang ipagkibit-balikat ang presensya nito—masyadong matapang, masyadong mapanukso."You really enjoy pissing him off, don’t you?" mahina niyang sabi habang sinisipat ang lalaking kaharap.Bahagyang natawa si Lewis, kasabay ng marahang pagdapo ng kanyang mga daliri sa braso ni Cali, hinihimas iyon sa isang paraang tila naglalaro lang."Oh, sweetheart, that was just a bonus. The real fun is seeing you finally stand up for yourself," sagot nito, may bahagyang pang-aasar sa tinig.Napatingin si Cali sa kamay nitong malayang gumagalaw sa kanyang braso. Mainit ang palad ni Lewis, at kahit banayad lang ang paggalaw nito ay tila isang malakas na pahiwatig na hindi niya matukoy.Saglit siyang nag-iwas ng tingin, pero hindi siya lumayo. Para
Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’
Pagkarating nila sa sasakyan, tahimik na binuksan ni Lewis ang pinto para kay Cali. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay, ngunit bago pa man niya maisara ang pinto, sumunod si Lewis at bahagyang yumuko, ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa kanya.“Where do you want to go next?” tanong nito, ang mababang boses ay tila may kasamang pag-aalok ng isang bagay na hindi lang basta simpleng destinasyon.Cali met his gaze. “You decide.”Napangiti si Lewis. “That’s dangerous. You’re giving me too much control.”She smirked slightly. “Maybe I trust you.”For a moment, something flickered in his eyes—an emotion she couldn’t quite name. Pero bago pa siya makapag-isip ng iba pang ibig sabihin ng sinabi niya, tumuwid na si Lewis at isinara ang pinto.Sa buong biyahe, hindi na sila gaanong nagsalita. Hindi naman awkward, ngunit may kakaibang pakiramdam na bumalot sa paligid. Parang may unspoken tension na hindi nila gustong i-address, o baka hindi pa nila handa
Tahimik lang na nakaupo sina Cali at Lewis sa bangko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga koi fish sa pond ay marahang lumalangoy, kumikislap ang kanilang makukulay na kaliskis tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak, tila isang banayad na yakap na nagpapaalala kay Cali na may mga bagay pa ring kayang magbigay sa kanya ng kapayapaan. Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang nakasandal sa likod ng bangko, nakatingala sa mga dahon ng puno na sumasayaw sa hangin. Tahimik lang ito, pero halatang komportable. Parang sanay itong namnamin ang bawat sandali nang hindi kailangang magsalita. Napangiti si Cali. Hindi niya inakalang makakahanap siya ng ganitong uri ng katahimikan sa piling ni Lewis. “I never really do this,” biglang sabi niya, bumasag sa katahimikan. Lewis turned to her, his brows slightly raised. “Do what?” “This.” Itinuro niya ang paligid gamit ang isang kumpas ng kamay. “Going out just to relax. Bef
Pagkatapos nilang kumain, tahimik na tinipon ni Lewis ang mga pinagkainan nila habang si Cali naman ay nakasandal sa upuan, pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan—walang bigat sa dibdib, walang takot na bumabalot sa kanya.“Gusto mo bang lumabas?” biglang tanong ni Lewis habang inaayos ang kubyertos.Napatigil siya. “Ha?”“Let’s go somewhere. Para makalabas ka rin ng bahay,” aniya habang nakangiti, halatang may binabalak na naman. “I was thinking of taking you to a botanical garden. Maganda doon, tahimik, at makakatulong sa’yo para makapag-relax.”Nag-isip sandali si Cali. Hindi na niya maalala ang huling beses na lumabas siya para mamasyal, at sa totoo lang, gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. “Hmm… okay,” sagot niya sa wakas, bahagyang natatawa sa kasabikang kita sa mukha ni Lewis.Agad itong tumayo at tinapik ang mesa. “Great! Magbihis ka na. I’ll wait for you downstairs.”Napailing na lang siya bago tumayo at nagp
Tahimik na pinagmasdan ni Cali si Lewis habang nakatayo ito sa harap ng kusina, nakakunot-noo sa mga sangkap na nakalatag sa mesa. Halatang hindi ito sanay sa ganitong gawain, lalo pa’t mukhang hindi nito alam kung saan magsisimula.Nakangiti siyang lumapit at kinuha ang kutsilyo mula sa gilid. “Mukhang kinakabahan ka?” biro niya.Tumingala si Lewis at pinanood siya sandali bago tumawa nang mahina. “I’m just trying to figure out if this is a cooking lesson or an attempt to make me suffer.”Napailing si Cali at inabot sa kanya ang kutsilyo. “Huwag kang mag-alala, hindi kita papahirapan. Basic lang ang ituturo ko.”Napabuntong-hininga si Lewis bago marahang kinuha ang kutsilyo. “You do realize I could just take you to the best restaurant in town, right? Save us both the trouble?”“Hindi ‘to tungkol sa pagkain lang, Lewis,” sagot ni Cali, tinapik ang braso nito. “Gusto mo bang matuto o hindi?”Isang malalim na hinga ang pinakawalan nito bago tumango. “Fine. But if I burn the kitchen down
Pagpasok ni Cali sa bagong kwarto, saglit siyang natigilan. Malinis at maaliwalas ang buong paligid, malayo sa dati niyang kwarto sa mansyon ni Lewis. Simple pero may halong modernong elegante—isang espasyo na tila idinisenyo hindi lang para sa ginhawa kundi para rin sa katahimikan.Ang malalaking bintana ay natatakpan ng manipis na kurtinang kulay cream, hinahayaan ang malambot na liwanag ng araw na pumasok sa loob. Ang dingding ay may soft beige tones, perpektong bumagay sa minimalist na aesthetic ng silid. Isang queen-sized bed na may upholstered headboard ang nasa gitna, may neatly arranged pillows at puting kumot na mukhang malambot at nakakaakit higaan.May isang makinis na wooden vanity table sa tabi, may kaunting eleganteng dekorasyon—isang flower vase na may fresh white lilies, isang scented candle na may banayad na amoy ng lavender. Sa kabila, may isang built-in bookshelf na puno ng iba’t ibang klaseng libro—halatang pinili nang may pag-iingat, marahil si Lewis mismo ang pum
Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente. Sa wakas, nakabalik na sila sa mansion.Pagkababa niya ng sasakyan, agad na kinuha ni Lewis ang mga gamit niya. Wala siyang nagawa kundi tahimik na sumunod sa loob. Sinalubong sila ni Linda at inabot ang mga dala ni Lewis, habang si Rico naman ay biglang nakatanggap ng tawag at lumayo upang sagutin iyon.Wala sa sarili siyang umakyat patungo sa kanilang kwarto. Ngunit pagpasok pa lang niya, agad niyang napansin ang pagbabago sa ambience ng silid. May kakaiba—hindi niya matukoy kung ano, pero nanibago siya.Lumakad siya papunta sa closet para kumuha ng damit, ngunit agad siyang natigilan. Walang kahit isa sa mga gamit niya roon.Nanlamig ang kamay niya habang bumibigat ang pakiramdam niya. Napalunok siya, pilit iniisip kung anong ibig sabihin nito.Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Lewis. Walang emosyon ang mukha nito, pero matigas ang boses nang magsalita."Pinalipat ko ang mga gamit mo sa kabilang kwarto," aniya, ka
Tahimik ang kwarto, pero hindi ito payapang katahimikan. Para kay Cali, ito'y isang katahimikang puno ng anino—mga aninong unti-unting gumagapang sa kanyang isipan, bumubulong ng mga bangungot na hindi niya matakasan.Nakahiga siya sa kama, nakatulala sa kisame. Ang kanyang katawan ay pagod—pero ang kanyang utak ay gising na gising, binubuhay ang mga sugatang alaala na pilit niyang ibinabaon sa limot.Sa isang sulok ng kwarto, nakaupo si Lewis sa isang maliit na upuan, ang tingin nito ay hindi naalis sa kanya. Tahimik ito, pero sa pagitan ng kanilang distansya, dama niya ang pag-aalalang bumabalot sa presensya nito. Hindi ito umalis simula nang magising siya mula sa panic attack niya kanina.Hindi niya alam kung ilang oras na silang ganito. Wala siyang ideya kung gaano na katagal ang paminsan-minsang pagdampi ng liwanag ng buwan sa kurtinang bahagyang nakabukas, nilulunod sa anino ang kalahati ng silid.Malamig ang gabi, pero hindi iyon ang nagpapakilabot sa kanya.Alam niyang may gus
Mabilis na dinala si Lewis ng doktor sa isa pang silid, kung saan naghihintay na ang isang nurse na may dalang medical kit. Umupo siya sa kama, pero nanatili ang kanyang mga mata sa pinto, para bang sa sandaling ipikit niya ang mga ito, mawawala si Cali.“Sir, kailangang tahiin ang sugat ninyo,” anunsyo ng doktor habang sinusuri ang lalim ng mga hiwa sa kanyang tagiliran. “You lost a lot of blood, but thankfully, nothing too critical.”Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kawalan habang ang malamig na antiseptic ay dumampi sa kanyang sugat. Napangiwi siya, pero hindi siya gumalaw.“She’ll be okay,” dagdag ng doktor, marahil ay napansin ang kanyang pag-aalala.“Yeah,” mahina niyang sagot, pero hindi niya alam kung para kanino ang sagot na iyon—para sa doktor, o para kumbinsihin ang sarili.Napuno ng katahimikan ang silid maliban sa tunog ng gunting, karayom, at ang marahang paghinga ni Lewis. Alam niyang dapat siyang magpahinga, pero paano? Paano kung sa ilang minutong ipipikit