Lahat ng Kabanata ng Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy: Kabanata 41 - Kabanata 48

48 Kabanata

Chapter 41: A Taste of Care

Tahimik na pinagmasdan ni Cali si Lewis habang nakatayo ito sa harap ng kusina, nakakunot-noo sa mga sangkap na nakalatag sa mesa. Halatang hindi ito sanay sa ganitong gawain, lalo pa’t mukhang hindi nito alam kung saan magsisimula.Nakangiti siyang lumapit at kinuha ang kutsilyo mula sa gilid. “Mukhang kinakabahan ka?” biro niya.Tumingala si Lewis at pinanood siya sandali bago tumawa nang mahina. “I’m just trying to figure out if this is a cooking lesson or an attempt to make me suffer.”Napailing si Cali at inabot sa kanya ang kutsilyo. “Huwag kang mag-alala, hindi kita papahirapan. Basic lang ang ituturo ko.”Napabuntong-hininga si Lewis bago marahang kinuha ang kutsilyo. “You do realize I could just take you to the best restaurant in town, right? Save us both the trouble?”“Hindi ‘to tungkol sa pagkain lang, Lewis,” sagot ni Cali, tinapik ang braso nito. “Gusto mo bang matuto o hindi?”Isang malalim na hinga ang pinakawalan nito bago tumango. “Fine. But if I burn the kitchen down
last updateHuling Na-update : 2025-03-12
Magbasa pa

Chapter 42: A Stroll Through Serenity

Pagkatapos nilang kumain, tahimik na tinipon ni Lewis ang mga pinagkainan nila habang si Cali naman ay nakasandal sa upuan, pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan—walang bigat sa dibdib, walang takot na bumabalot sa kanya.“Gusto mo bang lumabas?” biglang tanong ni Lewis habang inaayos ang kubyertos.Napatigil siya. “Ha?”“Let’s go somewhere. Para makalabas ka rin ng bahay,” aniya habang nakangiti, halatang may binabalak na naman. “I was thinking of taking you to a botanical garden. Maganda doon, tahimik, at makakatulong sa’yo para makapag-relax.”Nag-isip sandali si Cali. Hindi na niya maalala ang huling beses na lumabas siya para mamasyal, at sa totoo lang, gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. “Hmm… okay,” sagot niya sa wakas, bahagyang natatawa sa kasabikang kita sa mukha ni Lewis.Agad itong tumayo at tinapik ang mesa. “Great! Magbihis ka na. I’ll wait for you downstairs.”Napailing na lang siya bago tumayo at nagp
last updateHuling Na-update : 2025-03-12
Magbasa pa

Chapter 43: A Moment of Peace

Tahimik lang na nakaupo sina Cali at Lewis sa bangko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga koi fish sa pond ay marahang lumalangoy, kumikislap ang kanilang makukulay na kaliskis tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak, tila isang banayad na yakap na nagpapaalala kay Cali na may mga bagay pa ring kayang magbigay sa kanya ng kapayapaan. Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang nakasandal sa likod ng bangko, nakatingala sa mga dahon ng puno na sumasayaw sa hangin. Tahimik lang ito, pero halatang komportable. Parang sanay itong namnamin ang bawat sandali nang hindi kailangang magsalita. Napangiti si Cali. Hindi niya inakalang makakahanap siya ng ganitong uri ng katahimikan sa piling ni Lewis. “I never really do this,” biglang sabi niya, bumasag sa katahimikan. Lewis turned to her, his brows slightly raised. “Do what?” “This.” Itinuro niya ang paligid gamit ang isang kumpas ng kamay. “Going out just to relax. Bef
last updateHuling Na-update : 2025-03-14
Magbasa pa

Chapter 44: Unspoken Desire

Pagkarating nila sa sasakyan, tahimik na binuksan ni Lewis ang pinto para kay Cali. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay, ngunit bago pa man niya maisara ang pinto, sumunod si Lewis at bahagyang yumuko, ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa kanya.“Where do you want to go next?” tanong nito, ang mababang boses ay tila may kasamang pag-aalok ng isang bagay na hindi lang basta simpleng destinasyon.Cali met his gaze. “You decide.”Napangiti si Lewis. “That’s dangerous. You’re giving me too much control.”She smirked slightly. “Maybe I trust you.”For a moment, something flickered in his eyes—an emotion she couldn’t quite name. Pero bago pa siya makapag-isip ng iba pang ibig sabihin ng sinabi niya, tumuwid na si Lewis at isinara ang pinto.Sa buong biyahe, hindi na sila gaanong nagsalita. Hindi naman awkward, ngunit may kakaibang pakiramdam na bumalot sa paligid. Parang may unspoken tension na hindi nila gustong i-address, o baka hindi pa nila handa
last updateHuling Na-update : 2025-03-14
Magbasa pa

Chapter 45: A Step Closer

Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’
last updateHuling Na-update : 2025-03-14
Magbasa pa

Chapter 46: A Line Almost Crossed

Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 47: A Drive Through the Fear

Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy
last updateHuling Na-update : 2025-04-16
Magbasa pa

Chapter 48: Where Silence Begins to Speak

Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
last updateHuling Na-update : 2025-04-16
Magbasa pa
PREV
12345
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status