All Chapters of Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy: Chapter 11 - Chapter 20

45 Chapters

Chapter 11: Breaking the Chains

Napagod na ang mga mata ni Cali sa sunod-sunod na pagpapalit ng gown. Halos tatlong oras na siyang paikot-ikot sa loob ng boutique, sinusubukan ang iba’t ibang disenyo—may mahahaba, may maiiksi, may masyadong masikip, may hindi niya gusto ang tabas. Ngunit sa wakas, natagpuan din niya ang perpektong damit. Isang eleganteng gown na bumagay sa kaniyang hubog at personalidad. Isang damit na, sa unang beses na nasilayan niya ang sarili sa salamin, naramdaman niyang ito na talaga.Pinadaan niya ang mga daliri sa malambot na tela, dama ang kalidad at pagiging sopistikado nito. Sa gilid ng kaniyang paningin, naaninag niya si Lewis na nakasandal nang tamad sa plush na couch, isang braso ang nakapatong sa sandalan, habang ang isa ay kaswal na nakapatong sa hita niya.“Finally,” Lewis murmured, sinasadyang iparamdam ang lungkot na halos mamatay na siya sa paghihintay. His dark eyes roamed her figure, assessing every inch of how the fabric hugged her curves. May isang anino ng kapilyuhan sa sulo
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 12: Breaking Down the Walls

Tinitigan ni Cali si Lewis, ang bahagyang nakangising ekspresyon nito ay tila may itinatagong lihim. Hindi niya alam kung dahil ba sa panalo nitong sagupaan kay Devin o dahil lang sa likas na pagiging dominante nito. Pero anuman ang dahilan, hindi niya magawang ipagkibit-balikat ang presensya nito—masyadong matapang, masyadong mapanukso."You really enjoy pissing him off, don’t you?" mahina niyang sabi habang sinisipat ang lalaking kaharap.Bahagyang natawa si Lewis, kasabay ng marahang pagdapo ng kanyang mga daliri sa braso ni Cali, hinihimas iyon sa isang paraang tila naglalaro lang."Oh, sweetheart, that was just a bonus. The real fun is seeing you finally stand up for yourself," sagot nito, may bahagyang pang-aasar sa tinig.Napatingin si Cali sa kamay nitong malayang gumagalaw sa kanyang braso. Mainit ang palad ni Lewis, at kahit banayad lang ang paggalaw nito ay tila isang malakas na pahiwatig na hindi niya matukoy.Saglit siyang nag-iwas ng tingin, pero hindi siya lumayo. Para
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 13: A Vow Beyond the Contract

Maagang nagising si Cali. Sa nakasanayan niyang umaga, bumabangon siya upang magluto ng almusal. Hindi niya pinansin ang lalaking mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya.Mabuti na lang at nagtagal ito sa ibaba kagabi. Kung hindi, baka hindi na naman siya makatulog nang maayos. Kahit pa alam niyang hindi siya hahawakan nito nang hindi niya gusto, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng kaba sa presensya ng isang lalaking mas malakas at mas makapangyarihan kaysa sa kanya.Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Habang bumababa ng hagdan, agad niyang napansin ang tahimik na paligid. Walang sigawan, walang tensyon. Walang mabibigat na yapak na nagbabadya ng galit. Walang dahilan para matakot siyang magkamali—o may masabi na maaaring ikagalit ng kahit sinoPero kahit pa alam niyang wala na siya sa puder ni Devin, hindi niya maiwasan ang takot na kumapit sa kanyang dibdib tuwing nagigising siya. Pakiramdam niya ay nasa isang panaginip lang siya, at sa kahit anong oras, maaarin
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 14: Unsettling Comfort

Habang inililigpit niya ang mga pinggan, hindi niya maiwasang madama ang kakaibang init sa kanyang dibdib.Sanay siyang may kasabay sa pagkain, ngunit ngayon lang niya naranasan ang isang tahimik at komportableng umaga na hindi niya kailangang maging maingat sa bawat kilos niya. Walang mga tanong o huling tingin, walang hindi pagkakaunawaan. Wala siyang kailangang patunayan, walang kailangang ipaglaban. At sa kabila ng lahat ng ito, may isang bagay na nagsimulang magbago sa kanyang puso. Hindi ito ang tahimik na umaga na akala niya'y makakasama siya mag-isa.Nagulat siya nang maramdaman ang presensya ni Lewis sa likuran niya. Hindi siya nakaturn over, ngunit naramdaman niya ang kaniyang paglapit bago pa man siya makita. Iniabot nito ang tasa ng kape na tila hindi niya napansing naiwan pa sa mesa."Salamat sa breakfast," anitong may tamis sa tinig, at kahit hindi direktang sinabing 'gusto ko pa,' ang pahayag na iyon ay nagbigay ng mainit na pakiramdam sa kanya. "Sigurado akong hindi it
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 15: Unspoken Promises

Tumagal ng ilang sandali bago nakagalaw si Cali. Ang mga salitang “asawa ko” ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan, para bang may mga epekto na hindi niya kayang tanggapin. Hindi pa siya handa para sa mga ganoong klase ng biro. At ang mas nakakabigla pa ay kung paano niya naramdaman ang bawat galaw ni Lewis, ang init ng presensya nito, ang mga mata nitong hindi kayang magtago ng lihim.Pagdapo ng tingin niya kay Lewis na abala sa paghuhugas ng tasang ginamit, hindi niya maiwasang magtaka. Sino siya sa buhay ni Lewis? Hindi ba’t magkaibang mundo ang kanilang ginagalawan? Isang mayaman at makapangyarihang negosyante si Lewis, samantalang siya’y isang babae na nag-aalalang baka muling mawalan ng kontrol sa sarili niyang buhay. Hindi siya pwedeng magpatalo, hindi siya pwedeng magpa-apekto sa isang lalaki na tila kasing takaw sa atensyon at kaligayahan ng kanyang katawan at isipan. Pero ang problema ay hindi niya alam kung paano kontrolin ang sarili.Habang pinagmamasdan niyang pinu
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 16: More Than Just Words

Nagpatuloy ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ang bigat ng mga nakaraang salita ay bumalot sa hangin, parang isang hindi matitinag na hadlang na lalong nagpapalalim sa sitwasyon nila. Sa huli, bumitaw si Lewis at tumalikod, ngunit bago pa siya tuluyang lumayo, muli siyang nagsalita."Sa huli, Cali, ikaw pa rin ang pipili kung saan mo gustong mapunta." Hindi na siya lumingon, ngunit ang lalim ng kanyang tinig ay nag-iwan ng marka sa puso ni Cali. "Pero sana, pagdating ng araw na ‘yon, hindi ka na matakot."Naiwang nakatulala si Cali, nakatingin sa malawak na espasyo ng bahay ni Lewis. Noon lang niya napansin kung gaano ito kalaki, kung paano ang bawat sulok ay tila isang bahagi ng mundong hindi para sa kanya. Mataas ang mga kisame, mamahalin ang mga muwebles, at kahit ang hangin sa loob ay may bahid ng kayamanan—isang halimuyak ng bulaklak, mamahaling alak, at ang malamig na amoy ng katatapos lang na ulan.Pero sa kabila ng lahat, bakit parang unti-unting nagkakaroon ng puwang s
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 17: Between Resistance and Surrender

Tahimik si Cali habang nakaupo sa loob ng sasakyan, nakatingin sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang daan patungo sa reception venue. Mahigpit niyang hawak ang laylayan ng kanyang dress, pilit nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Mabilis ang mga pangyayari. Ilang araw lang ang nakalipas, desperada siyang makatakas kay Devin, pero ngayon, nakasakay siya sa mamahaling sasakyan ni Lewis, papunta sa lugar kung saan itatali ang buhay niya sa lalaking ito.“You’re too quite.”Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang hawak ang manibela. Hindi ito nakatingin sa kanya, pero ramdam niya ang bigat ng presensya nito.“Wala naman akong kailangang sabihin,” sagot niya nang walang emosyon, sabay baling muli sa bintana.Naramdaman niyang bumagal ang takbo ng sasakyan. Saglit siyang napatingin kay Lewis, na ngayo’y nakangisi sa kanya, bahagyang nakasandal sa upuan."Alam mo, Cali, pwede ka namang magreklamo kung gusto mo," anito, bahagyang nakataas ang isang kilay. "Pero heto ka, tahimik
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 18: A Taste of Control

Napangiti ang event coordinator habang pinapanood siyang pumipili ng desenyo para naman sa simbahan. “Mukhang gusto niyo po ng elegante pero simpleng tema, Ma’am Cali. Mayroon po kaming classic gold at ivory combination, o kaya naman ay floral designs na may soft pastels. Ano po ang mas gusto niyo?” Saglit siyang natigilan, walang maisagot. Wala siyang pakialam sa kulay ng dekorasyon o sa disenyo ng simbahan. Sa totoo lang, wala siyang nararamdaman—hindi saya, hindi excitement. Ang tanging nais niya ay makauwi na. Oo, para sa maraming babae, pangarap ang isang engrandeng kasal. Pero ano nga bang silbi nito kung wala namang pagmamahal sa pagitan nila? Kung isa lang itong kasunduan na kailangang tapusin, walang halong damdamin. Pero, sa kabila ng lahat, wala siyang ibang pagpipilian kundi ituloy ito. “Classic gold na lang,” sagot niya sa wakas, pilit pinapanatili ang kalmado niyang tono. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Lewis, bahagyang nakangisi. “Good choice,” anito. “
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 19: A Ring of Resistance

Pagkatapos ng food tasting, nanatiling tahimik si Cali habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Ang malalaking patak ng ulan ay marahang dumudulas sa salamin, nag-iiwan ng mababagal na linya na tila sumasabay sa bigat ng kanyang pakiramdam. Sa tabi niya, si Lewis ay abala sa pagbabasa ng ilang papeles sa kanyang cellphone, waring walang pakialam sa tensiyon sa pagitan nila. Wala siyang balak basagin ang katahimikang iyon. Mas ligtas ito. Mas madali kaysa harapin ang reyalidad ng sitwasyong hindi niya ginusto. Ngunit ilang sandali lang, binali iyon ng malalim at mababang boses ni Lewis. “May pupuntahan pa tayo.” Dahan-dahan siyang napalingon rito, bahagyang kunot ang noo. “Saan na naman?” Hindi ito agad sumagot. Mabilis na pinindot ang screen ng cellphone bago ipinatong ang gadget sa kandungan. Saka lamang niya narinig ang tugon nito—diretso, walang bahid ng pag-aalinlangan. “Sa jewelry shop.” Muntik na siyang mapakurap. “Para saan?” Sa wakas, tumingin na ito sa kanya, at sa
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 20: A Deal with No Escape

Tahimik nilang tinahak ang daan pabalik sa sasakyan, pero hindi iyon ordinaryong katahimikan—punong-puno ito ng tensyon. Parang isang alimpuyong nagbabanta bago ang isang malakas na bagyo. Kahit na malamig ang hangin ng gabi, ramdam ni Cali ang mainit na presensiya ni Lewis sa tabi niya, isang paalala na hindi siya basta makakatakas sa kasunduang ito.Pagkapasok nila sa sasakyan, hindi na niya ito napigilan.“I meant what I said, Cali.”Mababa ang tono ni Lewis, matigas, parang isang panata na hindi niya balak baliin.Napalingon siya rito, ang mga mata niya puno ng determinasyon. “Hindi mangyayari ‘yon.”Ang titig ni Lewis ay nanatiling matalim, hindi natinag. Tulad ng inaasahan niya. Hindi nito alam ang salitang ‘sumuko.’Mabilis siyang huminga at muling nagsalita, mas madiin ngayon, upang mawala na ang anumang kalituhan sa pagitan nila.“Pagkatapos ng kasal, ibibigay ko sa’yo ang gusto mo—ang anak mo. At pagkatapos ng limang taon, aalis ako. Hindi mo ako pipigilan. Hindi mo mababago
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status