Tahimik na bumukas ang pinto ng silid. Kasabay nito, bumalot ang malamig na hangin sa paligid nang lumusot ang presensya ni Lewis papasok. Hindi gumalaw si Cali. Kahit pa ramdam niya ang pagbagsak ng tahimik na yabag nito sa malambot na sahig, pinilit niyang manatiling nakapikit—nagpapanggap na mahimbing na natutulog.Ang silid ay halos balot ng kadiliman. Tanging ang mahina at mainit-init na ilaw mula sa lampshade sa tabi ng kama ang nagbibigay ng aninag sa paligid. Ang mga anino ay nagsasayaw sa bawat paggalaw ni Lewis, at kahit na pilit niyang itinatanggi sa sarili, nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa.Mula sa maliit na siwang ng kanyang pilit na nakapikit na mga mata, nakita niyang dahan-dahang tinanggal ni Lewis ang suot nitong coat, hinayaang mahulog ito sa upuang malapit sa kama. Sunod ang pagbukas ng butones ng long sleeves nito, isa-isa, sa mabagal at hindi nagmamadaling paraan. Para bang wala lang sa kanya ang ginagawa, ngunit kay Cali, bawat kilos nito ay parang isang t
Isang malakas na katok ang pumunit sa katahimikan ng umaga, dahilan para sabay na mapabalikwas sina Cali at Lewis mula sa mahimbing nilang tulog.Napamura nang mahina si Lewis, dinama ang noo, at napapikit nang mariin bago bumangon. Halatang wala pa siya sa wisyo, lalo na’t kagabi lang ay nagkaroon sila ng tensyonadong pag-uusap.Samantala, si Cali ay nanatiling nakahiga, pinipilit pang bumalik sa pagkakatulog at umiiwas sa anumang interaksyon. Ngunit bago pa man siya makapikit ulit, bumukas nang malakas ang pinto, at agad na pumasok ang isang pamilyar na boses.“Bangon na, Lewis!” Sigaw ni Rowena, habang kasunod niya ang bunsong anak na si Rea.“Ma—” Naputol ang reklamo ni Lewis nang biglang lumapit si Rea kay Cali at marahas siyang hinila pabangon mula sa kama.“Tayo na, sis! May spa day tayo today, wala nang tulugan!” anito, puno ng sigla.“Ha?” napakurap si Cali, tuliro sa nangyayari. “Ano?”Napatingin siya kay Lewis na tila naguguluhan din, pero imbes na tulungan siya ay bahagya
Parang nanlamig ang buong katawan ni Cali. Napalunok siya, pilit pinapanatili ang kanyang composure kahit na biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung paano sasagot—kung aamin ba siya sa kasinungalingang bahagi ng kasunduan o kung may paraan siyang maiiwasan ang tanong nang hindi nagdududa si Rowena.Naramdaman niyang bahagyang tumaas ang kilay ni Rea, halatang nag-aabang din ng kanyang sagot.Napilitan siyang ngumiti nang bahagya, pilit na pinapakalma ang sarili bago marahang nagsalita.“Uh… two weeks pa lang po.”Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Rowena, habang si Rea naman ay tila mas lalong na-excite.“Two weeks? That’s so early! Buti nalaman mo agad,” ani Rowena, may halong tuwa sa boses. “Nagpa-check up ka na ba? May OB-GYN ka na?”Napasinghap si Cali sa sunod-sunod na tanong. Hindi niya iyon naisip!“A-Ah… Hindi pa po. Wala pa akong time,” palusot niya, sinisikap gawing casual ang tono.“You should go as soon as possible,” sabat ni Rea, halos nanginginig
Habang patuloy na pinag-uusapan nina Rowena at Rea ang mga detalye ng baby shower, lalong lumakas ang kaba ni Cali. Hindi niya alam kung paano siya makakalusot sa patong-patong na kasinungalingan. Napansin niyang abala si Rea sa paghahanap ng iba't ibang party themes sa kanyang cellphone, habang si Rowena naman ay tila nag-iisip na ng mga bisitang iimbitahan."O, paano naman ‘yung cake? Siyempre dapat may customized design! May alam akong pastry shop na gumagawa ng—”"Ma’am, ready na po kayo for your next session," singit ng isang staff na may malumanay na boses.Mabilis na naputol ang usapan nila, dahilan upang makapagpahinga nang bahagya si Cali. Ngumiti si Rowena sa staff at tumango. "Ah, yes. Ano na nga ulit ang kasunod?""Facial and massage po, Ma’am."Biglang nagliwanag ang mukha ni Rea at napahawak ito sa braso ni Cali. "Ate, sobrang relaxing nito! Pangtanggal stress. Lalo na sa'yo, kasi bawal kang mastress dahil buntis ka."Napilitan siyang tumango at ngumiti. "S-Sige."Haba
Tahimik lang si Cali habang nasa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ang city lights na dumaan sa bintana. Kanina pa siya kinakabahan mula nang sabihin ni Lewis na may pupuntahan sila—at lalo na nang marinig niya kung sino ang makakasama nila."Are you seriously bringing me to a meeting with him?" tanong niya, binasag ang katahimikan.Mula sa driver’s seat, hindi siya agad sinagot ni Lewis. Hawak nito ang manibela gamit ang isang kamay, habang ang isa ay nakakampay sa armrest. Kalmado ito, pero alam niyang may kung anong iniisip ang lalaki."Yes," sagot nito sa wakas, diretsong tumingin sa daan. "It’s time."Napasinghap si Cali. "Time for what?"Doon lang siya nilingon ni Lewis, saglit na hinawakan ang kanyang kamay at pinaglaruan ang mga daliri niya gamit ang hinlalaki. "Time for him to see what he lost."Nag-init ang mukha niya, hindi dahil sa kilig kundi sa biglaang realization. Hindi niya alam kung ano talaga ang plano ni Lewis, pero isa lang ang sigurado—hindi ito basta simpleng busi
Binalingan ni Devin si Lewis, na kaswal lang na nakasandal sa upuan, ngunit ang bahagyang pagsisikip ng panga nito ay hindi nakaligtas kay Cali. Alam niyang hindi sanay si Lewis na hindi siya ang may hawak ng kontrol sa sitwasyon—at sa pagkakataong ito, siya mismo ang kumuha ng atensyon ni Devin."Ang deal natin," patuloy ni Devin, iniligay ang isang braso sa mesa habang iniikot sa daliri ang hawakan ng baso. "Your company is offering a partnership with ours. I assume you still have the same terms in mind?"Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Lewis. "That depends. Do you still have the same pride you had before?"Tumawa si Devin—isang tawa na walang saya, puno ng mapait na pang-uuyam. "Don’t test me, Alcaraz. Alam mo namang hindi kita tatantanan kung hindi patas ang usapan natin."Nagtagpo muli ang kanilang mga titig, parang dalawang mabagsik na hayop na parehong ayaw sumuko sa laban.Si Cali, sa gitna ng lahat, ay pilit na pinapanatili ang kanyang poker face. Pero sa loob-loob niy
Pagkababa pa lang ng sasakyan, mabilis na tinungo ni Cali ang harap ng bahay, ramdam sa bawat hakbang niya ang umaapaw na galit. Ang matalim na tunog ng kanyang takong sa sementadong daan ay para bang nagbabadya ng bagyo na paparating.Hindi na niya inisip kung may makakakita sa kanila. Ang nais lang niya ay makapasok at tuluyang makatakas mula sa sitwasyong inilagay siya ni Lewis.Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang kasambahay na abala sa pag-aayos ng sala. Ngunit sa isang iglap, natigilan ang mga ito nang makita siya—at lalo pang nanlaki ang kanilang mga mata nang mapansing kasunod niya si Lewis.Napako ang dalawa sa kinatatayuan, saglit na nagkatinginan, bago halos sabay na nagmamadaling lumisan na para bang may nasaksihan silang hindi nila dapat makita.Hindi na napigilan ni Cali ang sarili. Sa saglit na iyon, pakiramdam niya ay isa lamang siyang tropeo—isang bagay na ipinagmamalaki sa harap ng iba, walang sariling desisyon, walang kontrol sa kung paano siya ipi
Saglit na tumigil si Lewis, tila binabalot ng bigat ng hindi niya kayang sagutin. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa sahig, para bang tinatanggap na niya ang sagot na ayaw niyang marinig. His jaw clenched, his breathing slow and controlled, but the tension in his shoulders betrayed him.Then, without another word, he turned around, his fists tightening at his sides. His steps were heavy, deliberate, as if each one was an attempt to suppress something threatening to break free.Pero bago pa siya tuluyang makalayo—"I don’t know, Lewis!"Bumagsak sa pagitan nila ang boses ni Cali—matinis, nanginginig, puno ng hinanakit na hindi na niya napigilan."I don’t know what I’m supposed to feel anymore!"Lewis halted mid-step, his back stiffening at her words. Dahan-dahan, humarap siya muli, pero ang nakita niya ay isang Cali na halos sumisigaw na hindi gamit ang boses, kundi gamit ang kanyang paghinga—mabilis, mabigat, hindi pantay. Her emotions had finally broken through, spilling into the open
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap
Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy
Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin
Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’
Pagkarating nila sa sasakyan, tahimik na binuksan ni Lewis ang pinto para kay Cali. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay, ngunit bago pa man niya maisara ang pinto, sumunod si Lewis at bahagyang yumuko, ang isang kamay ay nakapatong sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa kanya.“Where do you want to go next?” tanong nito, ang mababang boses ay tila may kasamang pag-aalok ng isang bagay na hindi lang basta simpleng destinasyon.Cali met his gaze. “You decide.”Napangiti si Lewis. “That’s dangerous. You’re giving me too much control.”She smirked slightly. “Maybe I trust you.”For a moment, something flickered in his eyes—an emotion she couldn’t quite name. Pero bago pa siya makapag-isip ng iba pang ibig sabihin ng sinabi niya, tumuwid na si Lewis at isinara ang pinto.Sa buong biyahe, hindi na sila gaanong nagsalita. Hindi naman awkward, ngunit may kakaibang pakiramdam na bumalot sa paligid. Parang may unspoken tension na hindi nila gustong i-address, o baka hindi pa nila handa
Tahimik lang na nakaupo sina Cali at Lewis sa bangko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga koi fish sa pond ay marahang lumalangoy, kumikislap ang kanilang makukulay na kaliskis tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak, tila isang banayad na yakap na nagpapaalala kay Cali na may mga bagay pa ring kayang magbigay sa kanya ng kapayapaan. Napatingin siya kay Lewis, na kasalukuyang nakasandal sa likod ng bangko, nakatingala sa mga dahon ng puno na sumasayaw sa hangin. Tahimik lang ito, pero halatang komportable. Parang sanay itong namnamin ang bawat sandali nang hindi kailangang magsalita. Napangiti si Cali. Hindi niya inakalang makakahanap siya ng ganitong uri ng katahimikan sa piling ni Lewis. “I never really do this,” biglang sabi niya, bumasag sa katahimikan. Lewis turned to her, his brows slightly raised. “Do what?” “This.” Itinuro niya ang paligid gamit ang isang kumpas ng kamay. “Going out just to relax. Bef
Pagkatapos nilang kumain, tahimik na tinipon ni Lewis ang mga pinagkainan nila habang si Cali naman ay nakasandal sa upuan, pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan—walang bigat sa dibdib, walang takot na bumabalot sa kanya.“Gusto mo bang lumabas?” biglang tanong ni Lewis habang inaayos ang kubyertos.Napatigil siya. “Ha?”“Let’s go somewhere. Para makalabas ka rin ng bahay,” aniya habang nakangiti, halatang may binabalak na naman. “I was thinking of taking you to a botanical garden. Maganda doon, tahimik, at makakatulong sa’yo para makapag-relax.”Nag-isip sandali si Cali. Hindi na niya maalala ang huling beses na lumabas siya para mamasyal, at sa totoo lang, gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. “Hmm… okay,” sagot niya sa wakas, bahagyang natatawa sa kasabikang kita sa mukha ni Lewis.Agad itong tumayo at tinapik ang mesa. “Great! Magbihis ka na. I’ll wait for you downstairs.”Napailing na lang siya bago tumayo at nagp