All Chapters of Never Fall Again to the Heartless Billionaire: Chapter 61 - Chapter 70

94 Chapters

Kabanata 61 Losing Patience

Muling sinunggaban ni Lucian si Emerald.“I miss you so much, Em,” anitong puno ng emosyon.Sinungaling. Iba ang sinasabi nito sa harapan ni Abby.“Lucian, ano ang motibo mo? Bumalik na si Abby. Magpapakasal na kayo.”“Hindi ba pwedeg sa akin ka din?! Kagaya noon.”Napakababa ng tingin ni Lucian sa kanya.“Gagawin mo pa akong kabit?!”“Bakit hindi? I’ll give you everything you want. Lahat. Pumayag ka lang!”Hindi niya napigil ang sariling sampalin itong muli.“Bumalik na si Abby, wala ng dahilan para guluhin mo ako. Matagal na akong bayad sa sinasabi mong kasalanan ko.”“Gusto kita, hindi pa ba sapat na dahilan ‘yon?”“Gustong ano? Maging laruan mo?! Ayoko na Lucian! Madami na akong nasayang na panahon sa’yo.”“Ano bang gusto mo? Ibibigay ko sa’yo? Pera? Magkano?!”“Lucian, tapusin na natin ‘to bago pa tuluyang mawala ang natitirang respeto ko sa’yo!”“Malakas ang loob mo dahil ba sa lalaki mo? I’ll ruin his life and your life!”“Matagal mo ng sinira ang buhay ko, puso ko, at pagkata
last updateLast Updated : 2025-03-27
Read more

Kabanata 62 Couldn’t Let Go

“Sige, magresign ka. Magkita tayo sa korte. Kakasuhan kita. Ihanda mo na nag pambayad mo sa danyos. Ilang araw na lang hindi mo pa matapos ang proyektong nakaassign sa’yo,” sabi ni Lucian.“Pinag-iinitan mo ang mga gawa ko. Trabaho lang at walang personalan.”“Meet me later para i-revise ang designs mo.”“Bakit hindi pa ngayon?”“Busy ako.”Napatingin siya kay Abby. “Busy ka nga. Sabihin mo lang kung anong oras.”“Unblock mo number and social media accounts para ma-imessage kita.”Wala siyang nagawa kundi ang makipagkita kay Lucian. May ipinadala itong address ng isang restaurant na malapit sa apartment ni Luna.Nandoon na si Lucian ng dumating siya. May inabot itong bulaklak pagdating niya.“Para saan ‘to? May aayusin tayong trabaho. Hindi ‘to date.”“Kumain muna tayo.”Umupo siya at kinuha ang menu. “Bilisan lang natin. Sa halip na nagpapahinga ako, may ganitong ganap,” reklamo niya.Dumating nang pagkaing inorder nila. Mabilis siyang kumain. “Ayaw mo na ba akong makasama?“Lucian, p
last updateLast Updated : 2025-03-28
Read more

Kabanata 63 Leaving Him for Good

"Madami tayong pinagsamahan. Ang bilis ng panahon. Lucian, sa kabila ng pait, ang mga araw na kasama kita ay talaga namang naging masaya ang ako. Pero ang lahat ay may hangganan.""Iiwan mo ba talaga ako? Desidido ka na? Hindi mo tutuparin ang pangako mo?"Tumango siya. "Hanggang dito na lang tayo." Napahinto silang dalawa sa paglakad. Aabutin pa sana ni Lucian ang mukha niya ngunit umiwas siya.Mabigat ang paang humakbang siya palayo. Tumulo na nga ang luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi siya lumingon kahit nadinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Tapos na sila ni Lucian.Nakabalik siya ng apartment kahit tulala. Nagulat pa siya ng datnan si Cayden na kausap ni Luna."Em, kanina pa maghihintay si Cayden. Maiwan ko muna kayo para makapag-usap ng masinsinan."Umupo siya sa harap ng binata."May kailangan ka ba? Gabi na ah," bungad niya."Em, nakahanda na ang papeles natin. Mag-migrate tayo sa Australia. May mga kamag anak ako doon."Bigla siyang naguluhan."Teka, bakit biglaa
last updateLast Updated : 2025-03-28
Read more

Kabanata 64 Bitter Taste of Heartbreak

Pumasok si Donya Leticia sa kwarto ni Lucian. Naabutan siya nitong umiinom ng alak. Tumingin siya sa ina, may kalungkutan sa kanyang mga mata. Mabilis niyang ininom ang alak na hawak sa kamay, tila naghahanap ng kaunting saya sa bawat paglagok.“Lucian, nagsumbong sa akin si Abby. Umatras ka daw sa kasal. Tapos ngayon naglalasing ka. Anong kalokohan ba ang ginagawa mo?”“Ma, iniwan na ako ni Emerald.”“Sabi sa’yo, salot ang babaeng ‘yan. Ikaw lang naman ang makulit.”“Ma, gusto ko si Em,” aniyang tila wala sa sariling nagsasabi ng damdamin sa ina. Pinahid niya ang luha.“Si Abby ang dapat mong magustuhan. Maganda, mabait, at galing sa mayamang pamilya.”Hindi na lamang siya kumibo at patuloy na uminom ng alak. Kinuha ng ina ang bote mula sa kanyang kamay.“Tama na ‘yan. Ituloy mo ang kasal kay Abby at bumuo ng sariling pamilya. Importanteng may maganda kang pamilya na makikita ng publiko.”“Anong klaseng pamilya? Kagaya ng pamilya natin? Walang pagmamahalan! Akala ninyo ba ay hindi mas
last updateLast Updated : 2025-03-29
Read more

Kabanata 65 Saving Her Daughter

Limang taon ang mabilis na lumipas. Maraming nangyari at nabago.Maraming tao sa paliparan na pawang abala. Mababakas ang matinding ng kalungkutan at pag-aalala sa mukha ni Emerald habang karga ang isang batang babae na apat na taong gulang. Ang ngiti ng anak na si Zoey na nasa kanyang mga bisig ang tanging nagbigay sa kanya ng lakas ng sandaling iyon.Habang naglalakad sila papunta sa baggage claim ay hindi niya maiwasan ang pangamba sa kanyang pagbabalik sa bansa. Magsisimula siyang muli na puno ng takot at pagkabahala. At hindi na siya nag-iisa ngayon. May kasama na siyang anak.Lumabas sila mula sa terminal, binabaybay ang daan patungo sa sasakyan ng mga taong nag-aabang sa pagdating ng mga mahal sa buhay mula sa ibang bansa. Mabigat ang kanyang katawan, ang bawat hakbang ay tila isang challenge. Hindi niya inaasahan ang pagbabalik sa bansa matapos ang matagal na paglayo, ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang maghanap ng lunas para sa anak na may malubhang karamda
last updateLast Updated : 2025-03-29
Read more

Kabanata 66 Seducing the Ex-Husband

Tila aatakehin sa puso si Emerald sa muli nilang pagkikita ni Lucian. Bakit parang hindi siya kilala o nakita nito? Nagka-amenesia ba ito o sadyang matindi ang galit sa kanya? Pakiramdam niya ay bumalik siya noong inaakit niya ito. Mararanasan na naman niya ang kalupitan ng lalaki. Pero wala siyang hindi kayang pagdadaanan upang gumaling ang anak. Kahit langit man o impyerno ay susuungin niya.Walang nabago sa taglay nitong kakisigan kundi ang mas lalo itong naging mature at mas batak ang katawan nito sa gym. Walang araw na hindi niya ito inisip kahit nasa Australia na sila ng anak nakatira. Paano ay sa tuwing tititigan niya ang mata ni Zoey ay nakikita niya ang dating asawa.Pumailanlang pa ang isang malamyos na awitin ng isang sikat na pianist. Tila background music sa kanilang muling pagkikita. Ang mga kamay niya ay bahagyang humaplos sa braso ni Lucian at ang kanyang tinig ay naging mas malambing.“Ang tagal nating hindi nagkita,” aniyang pinigil ang panginginig ng labi.Ang malami
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Kabanata 67 His Only Cure

Hinimas ni Emerald ang pagkalalaki ni Lucian. Matigas ang nakabukol sa harapan nito. Ibig sabihin ay nakakaramdam ito ng pagnanasa sa kanya. Tinangka niyang alisin ang sinturon. Ngunit mabilis nitong inawat ang kanyang kamay.Naginginig ang buong katawan niya ngunit kailangan niyang mabuntis. Kahit magmakaawa ay gagawin niya. Itinulak siya ni Lucian ng malakas at humagis siya sa damuhan.“Don’t dare come near me again! Patay ka na at wala ka ng babalikan!”“Lucian!” tawag niya kaso ay natapilok ang paa niya dahil sa taas ng takong ng sapatos. Hindi na niya nagawang humabol ng mawala sa paningin niya si Lucian sa karamihan ng mga tao.Paika-ika siyang lumakad. Namaga at nagasgas ang paa niya. Naiyak na siya hindi dahil sa sakit ng pilay kundi dahil sa nabigo siyang mapalapit kay Lucian. Mission failed!Mali yata ang plano niya. Galit si Lucian at kilala niya itong magalit. Ngunit hindi siya susuko. Hindi maampat ang luha niya. Matagal na siyang nagpapanggap na malakas. Bakit ngayon pa
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Kabanata 68 Chasing the Billionaire

“Sino ang nagsabi sa’yong sabihin mo kay Emerald ang sakit ko?!” gigil na gigil si Lucian kay Kiel.“Sir, sabi mo po kasi papuntahin ko siya sa room. Akala ko naman magpapagamot ka sa kanya.”“Paimbestigahan mo kung bakit nagbalik si Emerald sa bansa. She wanted me back. Nakakapagtaka. Alamin mo ang nangyari sa kanila ni Cayden.”“Yes, sir. Kinabahan naman ako. Akala ko katapusan ko na.”“Puro ka kapalpakan! Isa pang mali mo, pupulutin ka sa kangkungan!”“Sir, ano naman ang iisipin ko? Pinapunta mo si Ex sa isang hotel room. Malay ko bang gagamutin mo lang ang sugat niya. Ibig sabihin, you still care,” himig panunukso nito.“She’s married,” mahinang sabi niya.“Sa Australia sila nagpakasal kaya may divorce.”“Wala akong planong makipagbalikan sa kanya,” matigas niyang sabi.“Alam ko na po ang kasunod ng sasabihin ninyo. Paghihiganti lang ang habol ko, naku sir, nadinig ko na ‘yan tapos kapag nagkahiwalay araw araw lasing. Ako na naman ang kawawa. Muntik na akong maging CEO ng LM Corpor
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Kabanata 69 The Accident

Nasubsob si Lucian sa dibdib ni Emerald at naipit ang mukha nito sa dalawang bundok. Ramdam nila ang pag-alsa at pagpitlag ng pagkalalaki nitong kanyang inuupuan. Ito na ang tsansa niya. Akmang hahalikan niya ito ng hawakan siya sa beywang at tila siya papel na nailiipat nito sa kabilang side.Hindi kumikibo si Lucian. Gusto na niyang umiyak at manghingi na lang ng sperm nito. Pero paano niya ipapaliwanag ng hindi niya kailangan ipaalam na may anak sila?"Lucian, gusto kong makabawi sa biglaang pag-alis ko ng walang paalam.""Keep your mouth shut. Ayaw kitang kausap.""Kiel, ihinto mo ang sasakyan," matigas na utos ni Lucian."Sir, expressway po ito at walang dumadaang sasakyan. Madilim na po at parang pabagsak na ang ulan.""Dahil concern ka, samahan mo siya!" nanlilisik na ang mata nito kaya napababa silang dalawa.Tinanaw nila ni Kiel ang palayong sasakyan ni Lucian."Pasensya ka na, nadamay ka pa.""Ayos lang Ms. Em. Kesa naman mag-isa ka. Kaso hindi ko lang alam kung may trabaho
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

Kabanata 70 Web of Lies

May amnesia si Lucian. Pwede niya itong samantalahin para sa plano niya. Pakiramdam niya ay napakasama niya. Ngunit ilang araw lang naman at para ito sa kanyang anak. Umusal siya ng paghingi ng patawad.“Ex-wife actually. Madaming nangyari pero nagkabalikan na tayo. Ngunit heto at naaksidente ka naman,” aniyang umiyak ngunit tunay ang luha niya.Napatingin si Kiel sa kanya. Nagmamakaawa ang tingin niya dito na para bang nakikiusap siyang sumakay ito sa plano niya. Mamaya ay kakausapin niya ito ng masinsinan.“Ibig sabihin ay nagkabalikan tayo matapos magkahiwalay, tama ba?”“Tama. Andito ako para mag-alaga sa’yo. Nasa bakasyon daw ang pamilya mo. Ako muna ang mag-aasikaso sa’yo. Mainam din na maghanap tayo ng lugar na tahimik at sariwa ang hangin para sa pagpapagaling mo.”“Nalilito ako. Bakante ang isip ko.”Kinumutan niya ito. “Huwag mo munang piliting makaalala. Ang importante ay ligtas ka. Huwag kang mag-alala at nandito ako.”Tumango ito. “Ikaw sino ka?” baling nito kay Kiel.“Ako
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status