“Sige, magresign ka. Magkita tayo sa korte. Kakasuhan kita. Ihanda mo na nag pambayad mo sa danyos. Ilang araw na lang hindi mo pa matapos ang proyektong nakaassign sa’yo,” sabi ni Lucian.“Pinag-iinitan mo ang mga gawa ko. Trabaho lang at walang personalan.”“Meet me later para i-revise ang designs mo.”“Bakit hindi pa ngayon?”“Busy ako.”Napatingin siya kay Abby. “Busy ka nga. Sabihin mo lang kung anong oras.”“Unblock mo number and social media accounts para ma-imessage kita.”Wala siyang nagawa kundi ang makipagkita kay Lucian. May ipinadala itong address ng isang restaurant na malapit sa apartment ni Luna.Nandoon na si Lucian ng dumating siya. May inabot itong bulaklak pagdating niya.“Para saan ‘to? May aayusin tayong trabaho. Hindi ‘to date.”“Kumain muna tayo.”Umupo siya at kinuha ang menu. “Bilisan lang natin. Sa halip na nagpapahinga ako, may ganitong ganap,” reklamo niya.Dumating nang pagkaing inorder nila. Mabilis siyang kumain. “Ayaw mo na ba akong makasama?“Lucian, p
"Madami tayong pinagsamahan. Ang bilis ng panahon. Lucian, sa kabila ng pait, ang mga araw na kasama kita ay talaga namang naging masaya ang ako. Pero ang lahat ay may hangganan.""Iiwan mo ba talaga ako? Desidido ka na? Hindi mo tutuparin ang pangako mo?"Tumango siya. "Hanggang dito na lang tayo." Napahinto silang dalawa sa paglakad. Aabutin pa sana ni Lucian ang mukha niya ngunit umiwas siya.Mabigat ang paang humakbang siya palayo. Tumulo na nga ang luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi siya lumingon kahit nadinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Tapos na sila ni Lucian.Nakabalik siya ng apartment kahit tulala. Nagulat pa siya ng datnan si Cayden na kausap ni Luna."Em, kanina pa maghihintay si Cayden. Maiwan ko muna kayo para makapag-usap ng masinsinan."Umupo siya sa harap ng binata."May kailangan ka ba? Gabi na ah," bungad niya."Em, nakahanda na ang papeles natin. Mag-migrate tayo sa Australia. May mga kamag anak ako doon."Bigla siyang naguluhan."Teka, bakit biglaa
Pumasok si Donya Leticia sa kwarto ni Lucian. Naabutan siya nitong umiinom ng alak. Tumingin siya sa ina, may kalungkutan sa kanyang mga mata. Mabilis niyang ininom ang alak na hawak sa kamay, tila naghahanap ng kaunting saya sa bawat paglagok.“Lucian, nagsumbong sa akin si Abby. Umatras ka daw sa kasal. Tapos ngayon naglalasing ka. Anong kalokohan ba ang ginagawa mo?”“Ma, iniwan na ako ni Emerald.”“Sabi sa’yo, salot ang babaeng ‘yan. Ikaw lang naman ang makulit.”“Ma, gusto ko si Em,” aniyang tila wala sa sariling nagsasabi ng damdamin sa ina. Pinahid niya ang luha.“Si Abby ang dapat mong magustuhan. Maganda, mabait, at galing sa mayamang pamilya.”Hindi na lamang siya kumibo at patuloy na uminom ng alak. Kinuha ng ina ang bote mula sa kanyang kamay.“Tama na ‘yan. Ituloy mo ang kasal kay Abby at bumuo ng sariling pamilya. Importanteng may maganda kang pamilya na makikita ng publiko.”“Anong klaseng pamilya? Kagaya ng pamilya natin? Walang pagmamahalan! Akala ninyo ba ay hindi mas
Limang taon ang mabilis na lumipas. Maraming nangyari at nabago.Maraming tao sa paliparan na pawang abala. Mababakas ang matinding ng kalungkutan at pag-aalala sa mukha ni Emerald habang karga ang isang batang babae na apat na taong gulang. Ang ngiti ng anak na si Zoey na nasa kanyang mga bisig ang tanging nagbigay sa kanya ng lakas ng sandaling iyon.Habang naglalakad sila papunta sa baggage claim ay hindi niya maiwasan ang pangamba sa kanyang pagbabalik sa bansa. Magsisimula siyang muli na puno ng takot at pagkabahala. At hindi na siya nag-iisa ngayon. May kasama na siyang anak.Lumabas sila mula sa terminal, binabaybay ang daan patungo sa sasakyan ng mga taong nag-aabang sa pagdating ng mga mahal sa buhay mula sa ibang bansa. Mabigat ang kanyang katawan, ang bawat hakbang ay tila isang challenge. Hindi niya inaasahan ang pagbabalik sa bansa matapos ang matagal na paglayo, ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang maghanap ng lunas para sa anak na may malubhang karamda
Tila aatakehin sa puso si Emerald sa muli nilang pagkikita ni Lucian. Bakit parang hindi siya kilala o nakita nito? Nagka-amenesia ba ito o sadyang matindi ang galit sa kanya? Pakiramdam niya ay bumalik siya noong inaakit niya ito. Mararanasan na naman niya ang kalupitan ng lalaki. Pero wala siyang hindi kayang pagdadaanan upang gumaling ang anak. Kahit langit man o impyerno ay susuungin niya.Walang nabago sa taglay nitong kakisigan kundi ang mas lalo itong naging mature at mas batak ang katawan nito sa gym. Walang araw na hindi niya ito inisip kahit nasa Australia na sila ng anak nakatira. Paano ay sa tuwing tititigan niya ang mata ni Zoey ay nakikita niya ang dating asawa.Pumailanlang pa ang isang malamyos na awitin ng isang sikat na pianist. Tila background music sa kanilang muling pagkikita. Ang mga kamay niya ay bahagyang humaplos sa braso ni Lucian at ang kanyang tinig ay naging mas malambing.“Ang tagal nating hindi nagkita,” aniyang pinigil ang panginginig ng labi.Ang malami
Hinimas ni Emerald ang pagkalalaki ni Lucian. Matigas ang nakabukol sa harapan nito. Ibig sabihin ay nakakaramdam ito ng pagnanasa sa kanya. Tinangka niyang alisin ang sinturon. Ngunit mabilis nitong inawat ang kanyang kamay.Naginginig ang buong katawan niya ngunit kailangan niyang mabuntis. Kahit magmakaawa ay gagawin niya. Itinulak siya ni Lucian ng malakas at humagis siya sa damuhan.“Don’t dare come near me again! Patay ka na at wala ka ng babalikan!”“Lucian!” tawag niya kaso ay natapilok ang paa niya dahil sa taas ng takong ng sapatos. Hindi na niya nagawang humabol ng mawala sa paningin niya si Lucian sa karamihan ng mga tao.Paika-ika siyang lumakad. Namaga at nagasgas ang paa niya. Naiyak na siya hindi dahil sa sakit ng pilay kundi dahil sa nabigo siyang mapalapit kay Lucian. Mission failed!Mali yata ang plano niya. Galit si Lucian at kilala niya itong magalit. Ngunit hindi siya susuko. Hindi maampat ang luha niya. Matagal na siyang nagpapanggap na malakas. Bakit ngayon pa
“Sino ang nagsabi sa’yong sabihin mo kay Emerald ang sakit ko?!” gigil na gigil si Lucian kay Kiel.“Sir, sabi mo po kasi papuntahin ko siya sa room. Akala ko naman magpapagamot ka sa kanya.”“Paimbestigahan mo kung bakit nagbalik si Emerald sa bansa. She wanted me back. Nakakapagtaka. Alamin mo ang nangyari sa kanila ni Cayden.”“Yes, sir. Kinabahan naman ako. Akala ko katapusan ko na.”“Puro ka kapalpakan! Isa pang mali mo, pupulutin ka sa kangkungan!”“Sir, ano naman ang iisipin ko? Pinapunta mo si Ex sa isang hotel room. Malay ko bang gagamutin mo lang ang sugat niya. Ibig sabihin, you still care,” himig panunukso nito.“She’s married,” mahinang sabi niya.“Sa Australia sila nagpakasal kaya may divorce.”“Wala akong planong makipagbalikan sa kanya,” matigas niyang sabi.“Alam ko na po ang kasunod ng sasabihin ninyo. Paghihiganti lang ang habol ko, naku sir, nadinig ko na ‘yan tapos kapag nagkahiwalay araw araw lasing. Ako na naman ang kawawa. Muntik na akong maging CEO ng LM Corpor
Nasubsob si Lucian sa dibdib ni Emerald at naipit ang mukha nito sa dalawang bundok. Ramdam nila ang pag-alsa at pagpitlag ng pagkalalaki nitong kanyang inuupuan. Ito na ang tsansa niya. Akmang hahalikan niya ito ng hawakan siya sa beywang at tila siya papel na nailiipat nito sa kabilang side.Hindi kumikibo si Lucian. Gusto na niyang umiyak at manghingi na lang ng sperm nito. Pero paano niya ipapaliwanag ng hindi niya kailangan ipaalam na may anak sila?"Lucian, gusto kong makabawi sa biglaang pag-alis ko ng walang paalam.""Keep your mouth shut. Ayaw kitang kausap.""Kiel, ihinto mo ang sasakyan," matigas na utos ni Lucian."Sir, expressway po ito at walang dumadaang sasakyan. Madilim na po at parang pabagsak na ang ulan.""Dahil concern ka, samahan mo siya!" nanlilisik na ang mata nito kaya napababa silang dalawa.Tinanaw nila ni Kiel ang palayong sasakyan ni Lucian."Pasensya ka na, nadamay ka pa.""Ayos lang Ms. Em. Kesa naman mag-isa ka. Kaso hindi ko lang alam kung may trabaho
Natameme si Mayumi at ramdam ang bigat ng sinabi ni Cayden. Ngunit wala siyang ibang makakapitan kundi ito."Alam ko na, ihanap mo na lang ako ng kaibigan mo na pwede kong pagbentahan ng virginity ko.""Nadidinig mo ba ang sinasabi mo? Baliw ka ba?""Kailangan ko nga kasi ng isang milyon," aniyang desperada na."Huwag mo akong bigyan ng problema. Madami akong iniisip. Mag-advertise ka sa social media kung gusto mong gawing kalakal ang sarili mo."Agad niya ang dinampot ang cellphone nito at inilagay ang pincode."Hey! Paano mo nalaman ang passcode ng cellphone ko? Bitawan mo 'yan!""Sabi mo, mag-advertise ako.""Cellphone mo ang gamitin mo!" anitong hinablot ang telepono sa kamay niya."Pahiram lang. Wala akong cellphone, kinuha ng nanay ko.""See? Sinungaling ka talaga. Sabi mo ulilang lubos ka na?""Baka kasi ibalik mo ako sa amin. Ayoko na sa bahay namin. Sa social media mo ako magpo-post para mayayamang lalaki ang makakakita. Sasabihin mo lang naman helping a friend.""Sisirain mo
"Bitawan mo ako! Sa susunod dapat alam mo kung sino ang kausap mo. Matuto kang sumunod at magpakumbaba.""Yes, amo, master, boss Cayden. Hindi na kita aawayin at pagsasabihan ng mayabang," aniyang humihikbi ng peke."Tigilan mo ako sa drama mo! Pumasok ka na sa kotse bago pa magbago ang isip ko."Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan.Ilang sandali siyang nakaupo tsaka niya naramdaman ang pananakit ng tuhod. Nasira pala ang mumurahing jeans niya. Napatingin si Cayden sa tuhod niya. Hindi niya ugali ang magpaawa pero kailangang maawa at makunsensya ito para tumaas ang tsansa na pautangin siya."Ang sakeett, ang sakit sakit," aniyang nagbigay ng pekeng hagulgol.Natitiyak niyang gagamutin nito mamaya ang sugat niya. Tapos ay magtatama ang kanilang mga mata at tsaka niya bibitawan ang linyang. pautang ng isang milyon.Kaso ay huminto ito sa malaking ospital."Teka, huwag na. Malayo sa bituka ito. Gasgas lang. Ikaw na lang ang gumamot. Batadine lang okay na.”Wala siyang nagawa kundi ang
Naiinis man ay tinulungan si Mayumi ni Cayden na alisin ang seatbelt. Ininabot nito ang seatbelt at dikit na dikit ang mukha nito sa mukha niya hindi dahil sa malasakit, kundi dahil gusto nitong pababain na siya. Nalanghap pa niya ang mabangong hininga nito."Kahit 'yan, hindi mo pa kayang gawin,” anito habang inaalis ang seatbelt, malamig pa rin ang boses.Nalaglag ang seatbelt sa balikat niya. Lumingon siya kay Cayden, unti-unting napupuno ng luha ang mga mata pero pinipigilan niyang bumagsak. Nanay nga niya ilang beses siyang pinalayas. Hindi siya iiyak.Binuksan niya ang pinto at bumaba. Malamig ang hangin at tila mas malamig pa ang loob ng kotse na iniwan niya. Tumapak siya sa madilim na bangketa, walang direksyon at bawat hakbang niya ay mabigat.Naririnig pa niya ang mahinang tunog ng makina. Tila naghintay si Cayden ng ilang segundo. Binagalan din niya ang lakad, baka sakaling habulin siya nito. Pero walang salita, walang paghabol. Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse.Ang
“Ang kapal. Ang kapal ng tela. Ibang klase talaga ang quality ng damit dito,” ani Cayden.Umusok ang ilong niya dahil alam niyang siya ang pinapatamaan nito. Nalula siya sa presyo na halos isang milyon ng binayaran ni Cayden. Parang ayaw niyang gamitin ang mga binili at ipa-refund. Isang negosyo na ang masisimulan niya sa perang iyon.Dinala siya ng mag-ina sa luxury fine-dining restaurant with elegant ambiance, silver cutlery, wine glasses, and a live string quartet softly playing in the background. Mas lalo niyang nakita ang pagkakaiba ng buhay niya sa sa mundo ni Cayden.Magkatabi silang nakaupo sa isang corner table na may view ng city lights. Si Mommy Cecil ay nasa kabilang table at may darating daw itong kaibigan pero halatang binibigyan sila ng space. Tahimik siyang tinitingnan ang menu, halatang nalulula sa mga French at Italian na pangalan ng pagkain na hindi niya kayang bigkasin.Mahina ang boses niya at nakakunot ang noo habang tinitingnan ang menu."Foie gras, hindi ba atay
Sa mansyon na siya ng mga Villamor umuwi. Manghang mangha siya sa nakikita."Ang yaman po pala ninyo.”"Mommy Cecil ang itawag mo sa akin. Dahil magiging asawa ka ni Cayden, sa'yo na din ang lahat ng nakikita mo kaya kumportable ka dapat dito. Sabi ni Cayden ay ulilang lubos ka at walang kapatid. Magmula ngayon ay kami na ang pamilya mo.”"Maraming salamat po,” aniyang tila anghel ang tingin sa babae. Nayakap niya ito.Binati siya ng benteng kasambahay na nakapila. Wow, feeling prinsesa siya. Kapag nga naman sinuswerte. Mukhang tapos na ang purita era niya. Babalikan niya lahat ng nang-api sa kanya! Huwag na pala at sayang ang energy niya. Basta ang importante ngayon ay masaya siya.Napatingin siya sa mukha ni Cayden na bakas ang iritasyon. Ngunit hindi niya pinansin. Inihatid siya nito sa kwarto nila."I'm warning you. Huwag kang ma-attach sa mga bagay at tao dito. Hindi ka magtatagal. You'll be gone in three months," asik nito."Cayden, alam ko kung saan ako lulugar kaya huwag kang
"Pasensya ka na, Millie. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng girlfriend ko. Sabi ko naman na si Mommy ko lang talaga ang nag-set ng date natin,” ani Cayden. Napaawang ang labi ni Mayumi. Pinandilatan siya ng lalaki."Oo, ako ang girlfriend ni -- ng baby ko," aniyang hindi maalala ang pangalan nito.Napamulagat ang babae at nagulat. "You're kidding. Sabi ng mommy mo, wala kang girlfriend, kaya siya nagse-set ng date para sa'yo.""Ayaw mo bang maniwala?" aniya sabay angkla ng dalawang kamay sa leeg ng binata at ginawaran ito ng mariing halik sa labi. First kiss niya ito at handa siyang ibigay sa hindi kilalang lalaki huwag lang siyang ipakulong.Namamartsang humakbang palayo ang babae.Masisiyahan siyang napatingin sa lalaki na agad napalis ng mapansin niya ang dugo sa labi nito na pinahid niya ng daliri.“I’m sorry, ang nipis naman ng lips mo.”"Don't touch me," anitong hinawi ang kamay niya.“Teka, punasan ko,” aniyang kinuha ang panyong nasa bulsa upang punasan ang dugo.Itin
Buod (Book 2: Never Fall Again to the Heartless Billionaire)Sa kagustuhang makatakas sa kahirapan at kalupitan ng ina ay naging matindi ang kapit ni Mayumi Olivares kay Cayden Villamor Monteverde. Ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtakas sa lusak ay mapapadpad siya sa impyernong buhay kasama ang lalaking ginawa siyang parausan. Tiniis niya ang lahat ng sakit na dulot nito. Hanggang nawalan na siya ng pag-asa sa pag-ibig ng mailap na binata. Nagdesisyon siyang iwan na ito ngunit sa bawat pagtatangka niyang umalis ay nananaig ang kagustuhan niyang manatili. Hanggang kailan siya magtitiis kasama ang walang pusong bilyonaryo? May pag-asa ba ang pag-ibig niyang harapan nitong sinasabing hindi nito kayang suklian?Ang SimulaBumaba ng bus si Mayumi. Hawak niya ang tiyan, kahapon pa ang huling kain niya. Kumakalam na ang kanyang sikmura. Nakiusap lamang siya sa driver upang makarating sa lungsod. Tinakasan niya ang inang ibinebenta siya sa mayamang
Ang silid ni Emerald sa ospital ay puno ng kagalakan sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Si Lucian ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama, yakap-yakap ang kanilang bagong silang na anak na si Ace Sebastian, habang siya ay nagpapahinga, ang kanyang mga mata ay puno ng saya kahit pagod.Dumating ang pamilya ni Emerald upang dumalaw. Si Tatay Mariano at ang kanyang kapatid na si Peter, pati na rin ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Luna at Cayden. Bawat isa ay may bitbit na regalo at pagmamahal sa kanilang puso."Tatay, Peter, Luna, Cayden! Andito kayo!” nakangiting sabi ni Em."Hala, ang gwapo ng pamangkin ko! Hindi ko akalain na magiging kamukha ko," banat ni Peter na puno ng excitement habang nakatingin sa sanggol.Sumulyap sa baby at pagkatapos ay bumaling kay Lucian si Tatay Mariano."Lucian, salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Emerald at sa mga bata. Alam kong magiging mabuting ama ka sa kanila,” emosyonal nitong sabi.Nagpatuloy ang masayang usapan at halakhak
Hindi pa nakakalabas ng ospital si Don Mateo. Nagbabantay si Donya Leticia sa asawa. Hindi siya umalis sa tabi nito kahit na sinaktan siya ng labis noon.Si Don Mateo ay nakahiga sa kama at ilang araw ng comatose. Nagising ito mula sa isang malalim na pagkakahimbing at dahan-dahang tumingala. Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha.Agad siyang lumapit sa asawa, ngumiti at nag-aalala."Mateo, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"Tila nalilito, pilit na sinusuri ng paligid, may kalituhan sa mga mata nito at nagsimula siyang mangamba."Saan… saan ako? Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital?" sabi nito sabay hawak sa ulo, parang walang naalala."Inatake ka sa puso at na-stroke. Na-comatose ka ng ilang linggo. Tatawag ako ng duktor,” malumanay niyang sabi."Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong nangyari sa aking utak? Tila blangko at kulang ang memorya ko.”"Tumingin ka sa akin, Mateo. Kilala mo ba ako?" aniyang hinawakan ang kamay ng kabiyak."Oo naman mahal k