Tila aatakehin sa puso si Emerald sa muli nilang pagkikita ni Lucian. Bakit parang hindi siya kilala o nakita nito? Nagka-amenesia ba ito o sadyang matindi ang galit sa kanya? Pakiramdam niya ay bumalik siya noong inaakit niya ito. Mararanasan na naman niya ang kalupitan ng lalaki. Pero wala siyang hindi kayang pagdadaanan upang gumaling ang anak. Kahit langit man o impyerno ay susuungin niya.Walang nabago sa taglay nitong kakisigan kundi ang mas lalo itong naging mature at mas batak ang katawan nito sa gym. Walang araw na hindi niya ito inisip kahit nasa Australia na sila ng anak nakatira. Paano ay sa tuwing tititigan niya ang mata ni Zoey ay nakikita niya ang dating asawa.Pumailanlang pa ang isang malamyos na awitin ng isang sikat na pianist. Tila background music sa kanilang muling pagkikita. Ang mga kamay niya ay bahagyang humaplos sa braso ni Lucian at ang kanyang tinig ay naging mas malambing.“Ang tagal nating hindi nagkita,” aniyang pinigil ang panginginig ng labi.Ang malami
Hinimas ni Emerald ang pagkalalaki ni Lucian. Matigas ang nakabukol sa harapan nito. Ibig sabihin ay nakakaramdam ito ng pagnanasa sa kanya. Tinangka niyang alisin ang sinturon. Ngunit mabilis nitong inawat ang kanyang kamay.Naginginig ang buong katawan niya ngunit kailangan niyang mabuntis. Kahit magmakaawa ay gagawin niya. Itinulak siya ni Lucian ng malakas at humagis siya sa damuhan.“Don’t dare come near me again! Patay ka na at wala ka ng babalikan!”“Lucian!” tawag niya kaso ay natapilok ang paa niya dahil sa taas ng takong ng sapatos. Hindi na niya nagawang humabol ng mawala sa paningin niya si Lucian sa karamihan ng mga tao.Paika-ika siyang lumakad. Namaga at nagasgas ang paa niya. Naiyak na siya hindi dahil sa sakit ng pilay kundi dahil sa nabigo siyang mapalapit kay Lucian. Mission failed!Mali yata ang plano niya. Galit si Lucian at kilala niya itong magalit. Ngunit hindi siya susuko. Hindi maampat ang luha niya. Matagal na siyang nagpapanggap na malakas. Bakit ngayon pa
“Sino ang nagsabi sa’yong sabihin mo kay Emerald ang sakit ko?!” gigil na gigil si Lucian kay Kiel.“Sir, sabi mo po kasi papuntahin ko siya sa room. Akala ko naman magpapagamot ka sa kanya.”“Paimbestigahan mo kung bakit nagbalik si Emerald sa bansa. She wanted me back. Nakakapagtaka. Alamin mo ang nangyari sa kanila ni Cayden.”“Yes, sir. Kinabahan naman ako. Akala ko katapusan ko na.”“Puro ka kapalpakan! Isa pang mali mo, pupulutin ka sa kangkungan!”“Sir, ano naman ang iisipin ko? Pinapunta mo si Ex sa isang hotel room. Malay ko bang gagamutin mo lang ang sugat niya. Ibig sabihin, you still care,” himig panunukso nito.“She’s married,” mahinang sabi niya.“Sa Australia sila nagpakasal kaya may divorce.”“Wala akong planong makipagbalikan sa kanya,” matigas niyang sabi.“Alam ko na po ang kasunod ng sasabihin ninyo. Paghihiganti lang ang habol ko, naku sir, nadinig ko na ‘yan tapos kapag nagkahiwalay araw araw lasing. Ako na naman ang kawawa. Muntik na akong maging CEO ng LM Corpor
Nasubsob si Lucian sa dibdib ni Emerald at naipit ang mukha nito sa dalawang bundok. Ramdam nila ang pag-alsa at pagpitlag ng pagkalalaki nitong kanyang inuupuan. Ito na ang tsansa niya. Akmang hahalikan niya ito ng hawakan siya sa beywang at tila siya papel na nailiipat nito sa kabilang side.Hindi kumikibo si Lucian. Gusto na niyang umiyak at manghingi na lang ng sperm nito. Pero paano niya ipapaliwanag ng hindi niya kailangan ipaalam na may anak sila?"Lucian, gusto kong makabawi sa biglaang pag-alis ko ng walang paalam.""Keep your mouth shut. Ayaw kitang kausap.""Kiel, ihinto mo ang sasakyan," matigas na utos ni Lucian."Sir, expressway po ito at walang dumadaang sasakyan. Madilim na po at parang pabagsak na ang ulan.""Dahil concern ka, samahan mo siya!" nanlilisik na ang mata nito kaya napababa silang dalawa.Tinanaw nila ni Kiel ang palayong sasakyan ni Lucian."Pasensya ka na, nadamay ka pa.""Ayos lang Ms. Em. Kesa naman mag-isa ka. Kaso hindi ko lang alam kung may trabaho
May amnesia si Lucian. Pwede niya itong samantalahin para sa plano niya. Pakiramdam niya ay napakasama niya. Ngunit ilang araw lang naman at para ito sa kanyang anak. Umusal siya ng paghingi ng patawad.“Ex-wife actually. Madaming nangyari pero nagkabalikan na tayo. Ngunit heto at naaksidente ka naman,” aniyang umiyak ngunit tunay ang luha niya.Napatingin si Kiel sa kanya. Nagmamakaawa ang tingin niya dito na para bang nakikiusap siyang sumakay ito sa plano niya. Mamaya ay kakausapin niya ito ng masinsinan.“Ibig sabihin ay nagkabalikan tayo matapos magkahiwalay, tama ba?”“Tama. Andito ako para mag-alaga sa’yo. Nasa bakasyon daw ang pamilya mo. Ako muna ang mag-aasikaso sa’yo. Mainam din na maghanap tayo ng lugar na tahimik at sariwa ang hangin para sa pagpapagaling mo.”“Nalilito ako. Bakante ang isip ko.”Kinumutan niya ito. “Huwag mo munang piliting makaalala. Ang importante ay ligtas ka. Huwag kang mag-alala at nandito ako.”Tumango ito. “Ikaw sino ka?” baling nito kay Kiel.“Ako
“Sir Lucian, nagpapanggap kayong may amnesia dahil gusto ninyong malaman ang dahilan ng pagbabalik niya o dahil gusto ninyong magpa-treatment ng hindi bumababa ang pride ninyo?” nakangising sabi ni Kiel.“Nauubos na ang pasensya ko sa’yo!” ani Lucian na hinampas ng folder ang secretary.“Kung nagsinungaling si Ms. Em. Nagsinungaling din kayo. Patas lang.”“Sinong amo mo at nagpapasweldo sa’yo?”Napakamot sa ulo si Kiel.“Basta tumahimik ka diyan. Dalin mo kami sa bagong villa na binili ko. Magpapahinga ako ng isang buwan. Lahat ng kailangang papeles ay ikaw ang magdadala. Kapag may importanteng nangyayari sa opisina ay ipaalam mo agad sa akin.”“Wow, pahinga ng isang buwan? First time po ‘yan mula ng magtrabaho ako sa inyo. Pero deserve ninyo po ang magbakasyon at para mabigyan ng oras ang treatment ninyo.”“Kailangang mapalapit siya sa akin para malaman ko ang mga itinatago niya.”Napansin niya ang lihim na ngiti ni Kiel.“Sige po, Sir Lucian. Kaso baka po ang itinatago ninyong feeli
“Ms. Em nai-kwento ko kasi si Abby kay Sir Lucian kaya kilala niya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Magtago ka po at baka kapag nalamang andito kayo ay tiyak na hindi siya umuwi.”“Walang dapat makaalam na may amnesia ako kaya kunwari ay nakakaalala ako. Kiel dito ka lang at huwag kang aalis.”Nagtago siya sa ilalim ng malaking mesa. Naupo naman si Lucian sa swivel chair. Naipit siya sa pagitan ng mga hita ni Lucian. Napahawak siya sa hita nito. May kapailyahan siyang naisip. Kailangan niyang mag-build ng tensyon sa pagitan nila. Kahit pa magmukha siyang uhaw at sabik. Kapag bumalik na ang alaala nito ay tiyak na ipagtatabuyan siya at mawawalan siya ng pagkakataon.Hinimas niya ang hita ng lalaki at napapitlag ito.“Lucian, bakit hindi ka pumapasok sa office at hindi ka umuuwi sa mansyon? Wala akong kasama. Nasa bakasyon silang lahat. Pinagtataguan mo ba ako? Kundi ko pa sinundan si Kiel hindi ko malalaman kung nasaan ka.”Tinignan ng matalim ni Lucian ang secretary.“Gus
“Kaibigan. Kaibigan ko si Cayden,” aniyang saglit tumigil ang tibok ng puso. Totoo namang kaibigan lang niya ito. May kinakaharap na malaking problema sa negosyo si Cayden. Ayaw niyang makadagdag sa problema. Nagkausap sila bago siya umalis at nangako itong susunod. Kahit tutol ito sa pagbalik niya sa bansa ay hindi siya nagpapigil.“Kaibigan mo pala, bakit ayaw mong sagutin ang tawag? Baka may importanteng sasabihin.”“Mamaya na. Kumain muna tayo,” aniyang umiwas ng tingin sa kaharap.Tumahimik si Lucian. Medyo nagdilim ang mukha nito. Mukhang nakaramdam. Kailangang maalis ang anumang pagdududa nito.“Honey, nagseselos ka ba? Kaibigan ko lang si Cayden. Maniwala ka.”“Naniniwala ako. Ayoko lang ng may ibang kumukuha ng atensyon mo.”“Sus, walang makakatalo sa’yo sa puso ko,” aniya. Nakakatuwang maaari siyang maging tapat sa ganitong pagkakataon na walang naalala si Lucian. Ilang panahon lamang ito. Bakit nga ba hindi na lang siya maging tapat? Magulo at madadamay pa ang anak niya. Al
Natameme si Mayumi at ramdam ang bigat ng sinabi ni Cayden. Ngunit wala siyang ibang makakapitan kundi ito."Alam ko na, ihanap mo na lang ako ng kaibigan mo na pwede kong pagbentahan ng virginity ko.""Nadidinig mo ba ang sinasabi mo? Baliw ka ba?""Kailangan ko nga kasi ng isang milyon," aniyang desperada na."Huwag mo akong bigyan ng problema. Madami akong iniisip. Mag-advertise ka sa social media kung gusto mong gawing kalakal ang sarili mo."Agad niya ang dinampot ang cellphone nito at inilagay ang pincode."Hey! Paano mo nalaman ang passcode ng cellphone ko? Bitawan mo 'yan!""Sabi mo, mag-advertise ako.""Cellphone mo ang gamitin mo!" anitong hinablot ang telepono sa kamay niya."Pahiram lang. Wala akong cellphone, kinuha ng nanay ko.""See? Sinungaling ka talaga. Sabi mo ulilang lubos ka na?""Baka kasi ibalik mo ako sa amin. Ayoko na sa bahay namin. Sa social media mo ako magpo-post para mayayamang lalaki ang makakakita. Sasabihin mo lang naman helping a friend.""Sisirain mo
"Bitawan mo ako! Sa susunod dapat alam mo kung sino ang kausap mo. Matuto kang sumunod at magpakumbaba.""Yes, amo, master, boss Cayden. Hindi na kita aawayin at pagsasabihan ng mayabang," aniyang humihikbi ng peke."Tigilan mo ako sa drama mo! Pumasok ka na sa kotse bago pa magbago ang isip ko."Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan.Ilang sandali siyang nakaupo tsaka niya naramdaman ang pananakit ng tuhod. Nasira pala ang mumurahing jeans niya. Napatingin si Cayden sa tuhod niya. Hindi niya ugali ang magpaawa pero kailangang maawa at makunsensya ito para tumaas ang tsansa na pautangin siya."Ang sakeett, ang sakit sakit," aniyang nagbigay ng pekeng hagulgol.Natitiyak niyang gagamutin nito mamaya ang sugat niya. Tapos ay magtatama ang kanilang mga mata at tsaka niya bibitawan ang linyang. pautang ng isang milyon.Kaso ay huminto ito sa malaking ospital."Teka, huwag na. Malayo sa bituka ito. Gasgas lang. Ikaw na lang ang gumamot. Batadine lang okay na.”Wala siyang nagawa kundi ang
Naiinis man ay tinulungan si Mayumi ni Cayden na alisin ang seatbelt. Ininabot nito ang seatbelt at dikit na dikit ang mukha nito sa mukha niya hindi dahil sa malasakit, kundi dahil gusto nitong pababain na siya. Nalanghap pa niya ang mabangong hininga nito."Kahit 'yan, hindi mo pa kayang gawin,” anito habang inaalis ang seatbelt, malamig pa rin ang boses.Nalaglag ang seatbelt sa balikat niya. Lumingon siya kay Cayden, unti-unting napupuno ng luha ang mga mata pero pinipigilan niyang bumagsak. Nanay nga niya ilang beses siyang pinalayas. Hindi siya iiyak.Binuksan niya ang pinto at bumaba. Malamig ang hangin at tila mas malamig pa ang loob ng kotse na iniwan niya. Tumapak siya sa madilim na bangketa, walang direksyon at bawat hakbang niya ay mabigat.Naririnig pa niya ang mahinang tunog ng makina. Tila naghintay si Cayden ng ilang segundo. Binagalan din niya ang lakad, baka sakaling habulin siya nito. Pero walang salita, walang paghabol. Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse.Ang
“Ang kapal. Ang kapal ng tela. Ibang klase talaga ang quality ng damit dito,” ani Cayden.Umusok ang ilong niya dahil alam niyang siya ang pinapatamaan nito. Nalula siya sa presyo na halos isang milyon ng binayaran ni Cayden. Parang ayaw niyang gamitin ang mga binili at ipa-refund. Isang negosyo na ang masisimulan niya sa perang iyon.Dinala siya ng mag-ina sa luxury fine-dining restaurant with elegant ambiance, silver cutlery, wine glasses, and a live string quartet softly playing in the background. Mas lalo niyang nakita ang pagkakaiba ng buhay niya sa sa mundo ni Cayden.Magkatabi silang nakaupo sa isang corner table na may view ng city lights. Si Mommy Cecil ay nasa kabilang table at may darating daw itong kaibigan pero halatang binibigyan sila ng space. Tahimik siyang tinitingnan ang menu, halatang nalulula sa mga French at Italian na pangalan ng pagkain na hindi niya kayang bigkasin.Mahina ang boses niya at nakakunot ang noo habang tinitingnan ang menu."Foie gras, hindi ba atay
Sa mansyon na siya ng mga Villamor umuwi. Manghang mangha siya sa nakikita."Ang yaman po pala ninyo.”"Mommy Cecil ang itawag mo sa akin. Dahil magiging asawa ka ni Cayden, sa'yo na din ang lahat ng nakikita mo kaya kumportable ka dapat dito. Sabi ni Cayden ay ulilang lubos ka at walang kapatid. Magmula ngayon ay kami na ang pamilya mo.”"Maraming salamat po,” aniyang tila anghel ang tingin sa babae. Nayakap niya ito.Binati siya ng benteng kasambahay na nakapila. Wow, feeling prinsesa siya. Kapag nga naman sinuswerte. Mukhang tapos na ang purita era niya. Babalikan niya lahat ng nang-api sa kanya! Huwag na pala at sayang ang energy niya. Basta ang importante ngayon ay masaya siya.Napatingin siya sa mukha ni Cayden na bakas ang iritasyon. Ngunit hindi niya pinansin. Inihatid siya nito sa kwarto nila."I'm warning you. Huwag kang ma-attach sa mga bagay at tao dito. Hindi ka magtatagal. You'll be gone in three months," asik nito."Cayden, alam ko kung saan ako lulugar kaya huwag kang
"Pasensya ka na, Millie. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng girlfriend ko. Sabi ko naman na si Mommy ko lang talaga ang nag-set ng date natin,” ani Cayden. Napaawang ang labi ni Mayumi. Pinandilatan siya ng lalaki."Oo, ako ang girlfriend ni -- ng baby ko," aniyang hindi maalala ang pangalan nito.Napamulagat ang babae at nagulat. "You're kidding. Sabi ng mommy mo, wala kang girlfriend, kaya siya nagse-set ng date para sa'yo.""Ayaw mo bang maniwala?" aniya sabay angkla ng dalawang kamay sa leeg ng binata at ginawaran ito ng mariing halik sa labi. First kiss niya ito at handa siyang ibigay sa hindi kilalang lalaki huwag lang siyang ipakulong.Namamartsang humakbang palayo ang babae.Masisiyahan siyang napatingin sa lalaki na agad napalis ng mapansin niya ang dugo sa labi nito na pinahid niya ng daliri.“I’m sorry, ang nipis naman ng lips mo.”"Don't touch me," anitong hinawi ang kamay niya.“Teka, punasan ko,” aniyang kinuha ang panyong nasa bulsa upang punasan ang dugo.Itin
Buod (Book 2: Never Fall Again to the Heartless Billionaire)Sa kagustuhang makatakas sa kahirapan at kalupitan ng ina ay naging matindi ang kapit ni Mayumi Olivares kay Cayden Villamor Monteverde. Ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtakas sa lusak ay mapapadpad siya sa impyernong buhay kasama ang lalaking ginawa siyang parausan. Tiniis niya ang lahat ng sakit na dulot nito. Hanggang nawalan na siya ng pag-asa sa pag-ibig ng mailap na binata. Nagdesisyon siyang iwan na ito ngunit sa bawat pagtatangka niyang umalis ay nananaig ang kagustuhan niyang manatili. Hanggang kailan siya magtitiis kasama ang walang pusong bilyonaryo? May pag-asa ba ang pag-ibig niyang harapan nitong sinasabing hindi nito kayang suklian?Ang SimulaBumaba ng bus si Mayumi. Hawak niya ang tiyan, kahapon pa ang huling kain niya. Kumakalam na ang kanyang sikmura. Nakiusap lamang siya sa driver upang makarating sa lungsod. Tinakasan niya ang inang ibinebenta siya sa mayamang
Ang silid ni Emerald sa ospital ay puno ng kagalakan sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Si Lucian ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama, yakap-yakap ang kanilang bagong silang na anak na si Ace Sebastian, habang siya ay nagpapahinga, ang kanyang mga mata ay puno ng saya kahit pagod.Dumating ang pamilya ni Emerald upang dumalaw. Si Tatay Mariano at ang kanyang kapatid na si Peter, pati na rin ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Luna at Cayden. Bawat isa ay may bitbit na regalo at pagmamahal sa kanilang puso."Tatay, Peter, Luna, Cayden! Andito kayo!” nakangiting sabi ni Em."Hala, ang gwapo ng pamangkin ko! Hindi ko akalain na magiging kamukha ko," banat ni Peter na puno ng excitement habang nakatingin sa sanggol.Sumulyap sa baby at pagkatapos ay bumaling kay Lucian si Tatay Mariano."Lucian, salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Emerald at sa mga bata. Alam kong magiging mabuting ama ka sa kanila,” emosyonal nitong sabi.Nagpatuloy ang masayang usapan at halakhak
Hindi pa nakakalabas ng ospital si Don Mateo. Nagbabantay si Donya Leticia sa asawa. Hindi siya umalis sa tabi nito kahit na sinaktan siya ng labis noon.Si Don Mateo ay nakahiga sa kama at ilang araw ng comatose. Nagising ito mula sa isang malalim na pagkakahimbing at dahan-dahang tumingala. Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha.Agad siyang lumapit sa asawa, ngumiti at nag-aalala."Mateo, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"Tila nalilito, pilit na sinusuri ng paligid, may kalituhan sa mga mata nito at nagsimula siyang mangamba."Saan… saan ako? Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital?" sabi nito sabay hawak sa ulo, parang walang naalala."Inatake ka sa puso at na-stroke. Na-comatose ka ng ilang linggo. Tatawag ako ng duktor,” malumanay niyang sabi."Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong nangyari sa aking utak? Tila blangko at kulang ang memorya ko.”"Tumingin ka sa akin, Mateo. Kilala mo ba ako?" aniyang hinawakan ang kamay ng kabiyak."Oo naman mahal k