“Lucian, ibaba mo ako,” ani Emerald na nahiya kay Kiel. Ibinaba siya ni Lucian na masama ang tingin sa secretary. Kung nakakamatay lang ang tingin ay tumumba na si Kiel.“Sir Lucian, may cybersecurity attack po na nagaganap sa kumpanya ngayon.”“Ha?! Anong nangyari” nanlamig ang kanyang katawan. Kung magkakaroon ng breach sa database ang LM Corporation, hindi lang ang kanilang mga customer ang maaapektuhan, kundi pati na rin ang kanilang mga kasosyo sa negosyo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.Agad silang nagtungo ni Kiel sa opisinang ipinagawa niya sa villa. Binuksan niya ang laptop ngunit hindi niya ma-access ang system ng kumpanya.Tinawagan ni Lucian si Angelo, ang chief cybersecurity officer ng kumpanya."Angelo, ano ang nangyayari?""Sir Lucian, may na-detect kaming mga suspicious na activity sa inventory system natin. May mga hindi awtorisadong IP address na nag-attempt pumasok sa supplier database at mga sales records. I think we’ve been targeted for our product information,”
Napatitig si Lucian sa batang nakatingala sa kanya. May kakaiba siyang nararamdaman para dito. O sadyang nag-iilusyon siya ng isang buong pamilya para sa kanila ni Emerald.“Hello, I’m Lucian. What’ your name?”“Zoey. My name is Zoey,” bibong sagot nito.“Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa ganda mo. Gusto mo bang sumama sa kung saan nagkatira ang mommy mo ngayon?”Nanlaki ang mata ng bata. Sunod sunod itong tumango. Parang parehas sila ng mata. Mas pilantik lamang ang pilik mata nito. Heto na naman siya at nakikita ang gustong makita.“Lucian, hindi kailangang tumira si Zoey sa villa. Baka maka-istorbo sa trabaho mo.”“Bakit hindi? Para magkasama kayo. Pati si Luna pwede ding manatili sa villa.”Matigas ang pagtutol niya. “Hindi na. Namasyal lang sila ni Luna. Hindi sila magtatagal at uuwi din.”Kinarga na niya si Zoey upang hindi na makatutol si Em.“Kiel, ayusin mo ang bill nila sa hotel,” baling niya sa secretary.“Teka, Lucian. Hindi pwedeng--“ humahabol pa si Em ngunit naglakad n
“Ang saya ninyo. Emerald, nagtagumpay ka na namang guluhin ang tahimik na buhay ni Lucian. Sino ang batang ‘yan? Anak mo sa ibang lalaki?”“Abby, mag-usap tayo. Huwag kang gumawa ng gulo,” ani Lucian na umahon sa pool.“Huwag mong hayaang gamitin ka ng babaeng ‘yan. Sinungaling ‘yan. Tiyak na masama ang motibo niya sa pagbabalik.”Huli na ng mapansin niya ang paggamit ni Zoey ng water gun at binasa nito si Abby.“Lucian! Tignan mo, mana sa ina ang bata, maldita!” anitong umiwas sa tubig at nagtago sa likod ng lalaki.Hinila na ito ni Lucian upang makalayo sa kanila.“Zoey, magbanlaw ka na,” kinarga niya ang batang nag-eenjoy pa sa paliligo. Sabi na nga ba niya na hindi magandang nandito ang anak.Buong araw silang hindi lumabas na mag-ina ng kwarto. Bukas ay ipapahahatid na niya si Zoey kay Luna. Nakatulog siya ng hapon at paglabas niya ay madilim na. Natanaw niya sa kubo si Lucian. Pinuntahan niya ito.“Nakaalis na ba si Abby?”“Oo, umuwi na siya.”“Anong relasyon ninyo ni Abby?” hind
Nadinig ni Emerald ang mahinang mura sa bibig ni Lucian. Mabilis itong nagbihis. Lumabas ito ng kwarto at sinenyasan siyang huwag lumabas.“Lucian! Lumabas ka!” boses ni Don Mateo. Napakubli siya sa likod ng pinto matapos kuhanin ang panty at ayusin ang damit na nakalilis.Umakyat ang ama nito sa loob ng kubo. Sinalubong ito ni Lucian at nagmano.Isang malakas na sampal ang nadinig niya. Natutop niya ang bibig.“Anong drama na naman ang ginagawa mo? Bakit ka nagbakasyon? Kung ano ano ang inuuna mo! Bumaba ng 5% ang sales this month.”Nahabag siya kay Lucian, hindi alam ng pamilya na naaksidente ito at kasalukuyang nagpapagaling.“I’m still working from here. May mga sabotahe sa kumpanya kaya naapektuhan ang sales. Nakatutok pa din ako.”Isa uling sampal ang nadinig niya. Nakuyom niya ang kamao at pinigil ang sariling ipagtanggol si Lucian. Nakakatakot si Don Mateo.“Sumasagot ka pa. Nakuha kong puntahan ka dahil hindi ka sumasagot sa mga tawag ko! Kundi pa sinabi ni Abby kung nasaan k
“Em, sa akin na lang kayo ni Zoey,” ai Lucian na puno ng emosyon ang mga mata.Tumango si Emerald. Kahit alam niyang kasinungalingan lamang na hindi sila aalis. Magugulo lamang ang buhay nilang mag-ina kung mananatili sila. Base sa reaksyon ng mga magulang ni Lucian, kagaya noon ay basura ang tingin sa kanya. Mabuntis lang siya ay babalik sila agad sa ibang bansa.Hinaplos niya ang mukha ni Lucian. Hindi niya kayang dagdagan ang problema nito.“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Pero ayokong dumating ka sa puntong kailangan mong mamili sa pagitan ko at ng magulang mo.”“Kung pwede nga lang pumili ng magulang, ginawa ko na,” himutok nito.“Kahit baliktarin ang mundo magulang mo pa din sila. Kausapin mo na lang siguro ng masinsinan.”“Hindi sila nakikinig. Puro pagkita ng pera ang nasa isip nila.”Nakita niya ang frustration sa mukha ni Lucian. Hinaplos niya ang mukha nito. “Everything will be alright.” Dinampian niya ng halik labi nito. Nang ihiwalay niya ang labi ay hinabol nito at h
Sa pagkagulat ni Emerald ay sinagot ni Lucian ang telepono.“Tulog ang mag-ina ko kaya huwag kang mang-abala! Huwag ka na uling tatawag kahit kailan!” anitong pinindot ang power off at muling humiga.Napapikit siya. Baka sumunod si Cayden sa kanila at hanapin sila.“Bakit ganyang ang reaksyon mo? Ayoko ng alamin kung anuman ang relasyon ninyo ng Cayden na ‘yan pero hindi na niya kayo mababawi. Isang pamilya na tayo.”Napalunok siya. Malaking gulo kapag nagkataon. Huminga siya ng malalim. Pero baka naman bumalik na ang alaala ni Lucian ay tiyak na kusa na siya nitong papalayasin.“Matulog ka na, Em. Huwag kang mag-overthink. Basta walang kahit sino ang makakapaghiwalay sa atin.”Tumango na lamang siya dahil hindi niya alam ang sasabihin. Muli siyang humiga at pinilit matulog.Nakatagilid siya kay Lucian. Naalimpungatan siya ng pinaghiwalay nito ang kanyang hita at ibinaba ang panty niya. Marahan itong bumaba hanggang sa kanyang hiyas at hinimod ang kanyang biyak. Hindi niya napigil ang
“Subukan mo lang. Kahit kahuli-hulihang patak ng dugo mo ay hindi ko titigilang ubusin kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko!” ani Emerald na binunggo ang babae bago sila lumayong mag-ina.Labis ang pangamba niya. Kailangan na talaga nilang bumalik sa ibang bansa. Sana ay nakabuo na sila ni Lucian. Napakailap ng katahimikan sa buhay niya. May banta na sa buhay ni Zoey. Kinilabutan siya sa maaaring mangyari. Baka maging kriminal siya kapag nagkataon.Humabol si Abby. “Huwag mong sabihing hindi kita binalaan.”“Pinabalaan din kita. Alam kong hindi ikaw ang nagligtas kay Lucian sa sunog. Kilala ko kung sino. Kung ayaw mong sabihin ko kay Lucian ang lihim mo at mawalan siya ng dahilan para pakisamahan ka. Tigilan mo kami ng anak ko. Maghintay ka lang, aalis kami ng kusa.”Hinawakan siya nito sa braso. “Huwag mong sasabihin kay Lucian ang nalalaman mo. Sino ang nagligtas sa kanya? Sabihin mo sa akin!” anitong pinandilatan siya.Umismid siya at iniwan ang babae.Bumalik na sila sa vi
“Em, may pag-uusapan lang kami ni Kiel,” ani Lucian hinalikan si Emerald sa noo na ayaw siyang pakawalan.Pumasok sila ni Kiel sa study area.“Alam mo ikaw, lagi kang wrong timing! Anong balita?” irritable niyang sabi.“Sir Lucian, good or bad news? Anong gusto ninyong mauna?Matalim ang tingin niya sa secretary.“Unahin ko na ang bad bews, wala talaga akong makitang impormasyon tungkol kay Cayden Villamor. Hindi kaya hindi niya ‘yan tunay na pangalan? Nagbayad ako ng top security agent sa bansa pero unavailable daw pati negosyong hawak nito kaya hinala ko ibang tao o iba talaga ang pangalan niya.”“Ano sabi ng tauhang ipinadala mo sa Australia?”“Pictures lang ang naipadala mula sa CCTV ng mga pinuntahan nitong establishments. Hindi daw nakakalapit dahil madaming security. Nadampot ang isa nating tauhan at ipinakulong.”“So ibig sabihin hindi isang ordinaryong negosyante ‘yang si Cayden.”“Ganoon na nga po. Kinausap ko si Luna at wala din daw siyang alam maliban sa nahaharap sa malak
Natameme si Mayumi at ramdam ang bigat ng sinabi ni Cayden. Ngunit wala siyang ibang makakapitan kundi ito."Alam ko na, ihanap mo na lang ako ng kaibigan mo na pwede kong pagbentahan ng virginity ko.""Nadidinig mo ba ang sinasabi mo? Baliw ka ba?""Kailangan ko nga kasi ng isang milyon," aniyang desperada na."Huwag mo akong bigyan ng problema. Madami akong iniisip. Mag-advertise ka sa social media kung gusto mong gawing kalakal ang sarili mo."Agad niya ang dinampot ang cellphone nito at inilagay ang pincode."Hey! Paano mo nalaman ang passcode ng cellphone ko? Bitawan mo 'yan!""Sabi mo, mag-advertise ako.""Cellphone mo ang gamitin mo!" anitong hinablot ang telepono sa kamay niya."Pahiram lang. Wala akong cellphone, kinuha ng nanay ko.""See? Sinungaling ka talaga. Sabi mo ulilang lubos ka na?""Baka kasi ibalik mo ako sa amin. Ayoko na sa bahay namin. Sa social media mo ako magpo-post para mayayamang lalaki ang makakakita. Sasabihin mo lang naman helping a friend.""Sisirain mo
"Bitawan mo ako! Sa susunod dapat alam mo kung sino ang kausap mo. Matuto kang sumunod at magpakumbaba.""Yes, amo, master, boss Cayden. Hindi na kita aawayin at pagsasabihan ng mayabang," aniyang humihikbi ng peke."Tigilan mo ako sa drama mo! Pumasok ka na sa kotse bago pa magbago ang isip ko."Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan.Ilang sandali siyang nakaupo tsaka niya naramdaman ang pananakit ng tuhod. Nasira pala ang mumurahing jeans niya. Napatingin si Cayden sa tuhod niya. Hindi niya ugali ang magpaawa pero kailangang maawa at makunsensya ito para tumaas ang tsansa na pautangin siya."Ang sakeett, ang sakit sakit," aniyang nagbigay ng pekeng hagulgol.Natitiyak niyang gagamutin nito mamaya ang sugat niya. Tapos ay magtatama ang kanilang mga mata at tsaka niya bibitawan ang linyang. pautang ng isang milyon.Kaso ay huminto ito sa malaking ospital."Teka, huwag na. Malayo sa bituka ito. Gasgas lang. Ikaw na lang ang gumamot. Batadine lang okay na.”Wala siyang nagawa kundi ang
Naiinis man ay tinulungan si Mayumi ni Cayden na alisin ang seatbelt. Ininabot nito ang seatbelt at dikit na dikit ang mukha nito sa mukha niya hindi dahil sa malasakit, kundi dahil gusto nitong pababain na siya. Nalanghap pa niya ang mabangong hininga nito."Kahit 'yan, hindi mo pa kayang gawin,” anito habang inaalis ang seatbelt, malamig pa rin ang boses.Nalaglag ang seatbelt sa balikat niya. Lumingon siya kay Cayden, unti-unting napupuno ng luha ang mga mata pero pinipigilan niyang bumagsak. Nanay nga niya ilang beses siyang pinalayas. Hindi siya iiyak.Binuksan niya ang pinto at bumaba. Malamig ang hangin at tila mas malamig pa ang loob ng kotse na iniwan niya. Tumapak siya sa madilim na bangketa, walang direksyon at bawat hakbang niya ay mabigat.Naririnig pa niya ang mahinang tunog ng makina. Tila naghintay si Cayden ng ilang segundo. Binagalan din niya ang lakad, baka sakaling habulin siya nito. Pero walang salita, walang paghabol. Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse.Ang
“Ang kapal. Ang kapal ng tela. Ibang klase talaga ang quality ng damit dito,” ani Cayden.Umusok ang ilong niya dahil alam niyang siya ang pinapatamaan nito. Nalula siya sa presyo na halos isang milyon ng binayaran ni Cayden. Parang ayaw niyang gamitin ang mga binili at ipa-refund. Isang negosyo na ang masisimulan niya sa perang iyon.Dinala siya ng mag-ina sa luxury fine-dining restaurant with elegant ambiance, silver cutlery, wine glasses, and a live string quartet softly playing in the background. Mas lalo niyang nakita ang pagkakaiba ng buhay niya sa sa mundo ni Cayden.Magkatabi silang nakaupo sa isang corner table na may view ng city lights. Si Mommy Cecil ay nasa kabilang table at may darating daw itong kaibigan pero halatang binibigyan sila ng space. Tahimik siyang tinitingnan ang menu, halatang nalulula sa mga French at Italian na pangalan ng pagkain na hindi niya kayang bigkasin.Mahina ang boses niya at nakakunot ang noo habang tinitingnan ang menu."Foie gras, hindi ba atay
Sa mansyon na siya ng mga Villamor umuwi. Manghang mangha siya sa nakikita."Ang yaman po pala ninyo.”"Mommy Cecil ang itawag mo sa akin. Dahil magiging asawa ka ni Cayden, sa'yo na din ang lahat ng nakikita mo kaya kumportable ka dapat dito. Sabi ni Cayden ay ulilang lubos ka at walang kapatid. Magmula ngayon ay kami na ang pamilya mo.”"Maraming salamat po,” aniyang tila anghel ang tingin sa babae. Nayakap niya ito.Binati siya ng benteng kasambahay na nakapila. Wow, feeling prinsesa siya. Kapag nga naman sinuswerte. Mukhang tapos na ang purita era niya. Babalikan niya lahat ng nang-api sa kanya! Huwag na pala at sayang ang energy niya. Basta ang importante ngayon ay masaya siya.Napatingin siya sa mukha ni Cayden na bakas ang iritasyon. Ngunit hindi niya pinansin. Inihatid siya nito sa kwarto nila."I'm warning you. Huwag kang ma-attach sa mga bagay at tao dito. Hindi ka magtatagal. You'll be gone in three months," asik nito."Cayden, alam ko kung saan ako lulugar kaya huwag kang
"Pasensya ka na, Millie. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng girlfriend ko. Sabi ko naman na si Mommy ko lang talaga ang nag-set ng date natin,” ani Cayden. Napaawang ang labi ni Mayumi. Pinandilatan siya ng lalaki."Oo, ako ang girlfriend ni -- ng baby ko," aniyang hindi maalala ang pangalan nito.Napamulagat ang babae at nagulat. "You're kidding. Sabi ng mommy mo, wala kang girlfriend, kaya siya nagse-set ng date para sa'yo.""Ayaw mo bang maniwala?" aniya sabay angkla ng dalawang kamay sa leeg ng binata at ginawaran ito ng mariing halik sa labi. First kiss niya ito at handa siyang ibigay sa hindi kilalang lalaki huwag lang siyang ipakulong.Namamartsang humakbang palayo ang babae.Masisiyahan siyang napatingin sa lalaki na agad napalis ng mapansin niya ang dugo sa labi nito na pinahid niya ng daliri.“I’m sorry, ang nipis naman ng lips mo.”"Don't touch me," anitong hinawi ang kamay niya.“Teka, punasan ko,” aniyang kinuha ang panyong nasa bulsa upang punasan ang dugo.Itin
Buod (Book 2: Never Fall Again to the Heartless Billionaire)Sa kagustuhang makatakas sa kahirapan at kalupitan ng ina ay naging matindi ang kapit ni Mayumi Olivares kay Cayden Villamor Monteverde. Ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtakas sa lusak ay mapapadpad siya sa impyernong buhay kasama ang lalaking ginawa siyang parausan. Tiniis niya ang lahat ng sakit na dulot nito. Hanggang nawalan na siya ng pag-asa sa pag-ibig ng mailap na binata. Nagdesisyon siyang iwan na ito ngunit sa bawat pagtatangka niyang umalis ay nananaig ang kagustuhan niyang manatili. Hanggang kailan siya magtitiis kasama ang walang pusong bilyonaryo? May pag-asa ba ang pag-ibig niyang harapan nitong sinasabing hindi nito kayang suklian?Ang SimulaBumaba ng bus si Mayumi. Hawak niya ang tiyan, kahapon pa ang huling kain niya. Kumakalam na ang kanyang sikmura. Nakiusap lamang siya sa driver upang makarating sa lungsod. Tinakasan niya ang inang ibinebenta siya sa mayamang
Ang silid ni Emerald sa ospital ay puno ng kagalakan sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Si Lucian ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama, yakap-yakap ang kanilang bagong silang na anak na si Ace Sebastian, habang siya ay nagpapahinga, ang kanyang mga mata ay puno ng saya kahit pagod.Dumating ang pamilya ni Emerald upang dumalaw. Si Tatay Mariano at ang kanyang kapatid na si Peter, pati na rin ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Luna at Cayden. Bawat isa ay may bitbit na regalo at pagmamahal sa kanilang puso."Tatay, Peter, Luna, Cayden! Andito kayo!” nakangiting sabi ni Em."Hala, ang gwapo ng pamangkin ko! Hindi ko akalain na magiging kamukha ko," banat ni Peter na puno ng excitement habang nakatingin sa sanggol.Sumulyap sa baby at pagkatapos ay bumaling kay Lucian si Tatay Mariano."Lucian, salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Emerald at sa mga bata. Alam kong magiging mabuting ama ka sa kanila,” emosyonal nitong sabi.Nagpatuloy ang masayang usapan at halakhak
Hindi pa nakakalabas ng ospital si Don Mateo. Nagbabantay si Donya Leticia sa asawa. Hindi siya umalis sa tabi nito kahit na sinaktan siya ng labis noon.Si Don Mateo ay nakahiga sa kama at ilang araw ng comatose. Nagising ito mula sa isang malalim na pagkakahimbing at dahan-dahang tumingala. Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha.Agad siyang lumapit sa asawa, ngumiti at nag-aalala."Mateo, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"Tila nalilito, pilit na sinusuri ng paligid, may kalituhan sa mga mata nito at nagsimula siyang mangamba."Saan… saan ako? Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital?" sabi nito sabay hawak sa ulo, parang walang naalala."Inatake ka sa puso at na-stroke. Na-comatose ka ng ilang linggo. Tatawag ako ng duktor,” malumanay niyang sabi."Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong nangyari sa aking utak? Tila blangko at kulang ang memorya ko.”"Tumingin ka sa akin, Mateo. Kilala mo ba ako?" aniyang hinawakan ang kamay ng kabiyak."Oo naman mahal k