All Chapters of Never Fall Again to the Heartless Billionaire: Chapter 51 - Chapter 60

92 Chapters

Kabanata 51 Cinderella and the Monster

Lumapit si Emerald sa kotse ni Lucian.“Alam ba ni Abby na kinukulit mo ako? Wala ka ng dahilan para lumapit sa akin.”“Get into the car!” iritableng sabi ni Lucian.Sa halip na sumunod ay itinaas niya ang middle finger. Pinalayas siya sa mansyon tapos ginugulo siya ngayon.Naglakad siya ng mabilis at hindi pinansin ang tawag nito. Nang biglang na-shoot sa butas ang kanyang high-heeled shoes. Bilis naman ng karma niya samantalang ang ibang taong masama ang ginagawa sa kapwa ay ni hindi man lang madapa ng una ang mukha! Life is unfair! She should get use to it.Nasalo siya ni Lucian. Nagpumiglas siya at hinakbang ang paa ngunit namilipit siya sa sakit. Napakapit siya sa braso nito. Kinarga siya nito sa waiting shed. Hinilot nito ang kanyang paa. Napatitig siya dito.Muli siyang binuhat at ipinasok sa loob ng kotse.“Saan po tayo?” ani Kiel na may pilyong ngiti sa labi.“Sa condo,” sagot ni Lucian.“Bakit sa condo? Ayoko!”Naalarma siya. Ayaw niyang magsolo kasama ito at baka kung saan
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 52 The Punishment

“Nasa proseso na ang annulment nila. Alam ng lahat na ako ang mahal ni Lucian. Hindi ba, babe?” kumpyansang sabi ni Abby.“Yes, Miss Abby saksi po ako sa pagmamahalan ninyo ni Sir Lucian. Welcome po,” ani Jona, ang numero unong s****p sa department nila.“I’m so happy to be back. Buti na lang at may mga natitira pa akong kaibigan. Matagal akong nawala. Hindi ko alam na may umagaw ng lahat ng sa akin. Dahil nandito na ako, our department will surely soar high. Magtutulungan tayo upang tulungan ang aking asawa sa pagpapalago ng LM Corporation,” anunsyo ni Abby na tila ba nagpatawag ng meeting.Pumalakpak si Jona kaya nagsunuran na din ang iba.“Miss Abby, naabutan ko din kayo. Kung naaalala ninyo, magkatabi po tayo ng table. Welcome po! Sana po ay hindi na rejected ang ipapasa ninyo sa inyong pagbabalik,” banat ni Tina.“Aba’t, gusto mo bang ----” umusok ang ilong ni Abby.“Guys, back to work na,” ani Luna ng mapansin na aatakehin ng babae si Tina. “Em, papadalahan pa kita ng iba’t iban
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 53 Déjà Vu

Isinara ni Lucian ang pinto. Kumabog ang dibdib niya. Lumapit ito at itinaas ang kanyang baba. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahilo siya ng maamoy ang pabango ni Lucian na dati namang gustong gusto niya.“Nagseselos ka ba kaya mo ginagantihan si Abby?”Tinignan niya ang mukha nito. Nakakabwisit! Ang sarap lamutakin. Hala! Ano ang nangyayari sa kanya? He’s devastatingly handsome. Daig nito ang mga artista sa kapogian.“Hindi ako nagseselos. Akina ang annulment at pipirmahan ko para makasal ka na sa babaeng pinakamamahal mo,” sarkastiko niyang sabi.“Bakit nagmamadali ka? May kapalit na ba ako agad?”“Sino ba ang nakipaghiwalay dahil sa iba? Hindi ba at ikaw? Bakit parang ikaw pa ang nagbabawal na makipagrelasyon ako sa iba?!”“Malay ko kung may reserba ka na. Dati ka pang excited na makipaghiwalay sa akin. Sino ba? Si Elton o si Cayden? Hindi ka na makakilala ng lalaking kagaya ko!” gigil nitong sabi na hinawakan ang panga niya.“Sana nga hindi na ako makakilala ng kagaya mo! Ang hira
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 54 Moment of Weakness

“Kanina akala ko nasa sunog ulit ako,” ani Lucian. Naawa si Emerald ng makita niya ang takot sa mata nito.“Na-trauma ka at labis na natakot mamatay kaya kapag nalalagay ka sa panganib, bumabalik ang alaalang iyon.”“Sabi mo nasa concert ka din ng naganap ang sunog.”“Oo, sino bang hindi taga San Marcos ang wala sa concert? Lahat ng kabataan ay nagpunta doon kaya nga madaming nasawi. Isang malaking trahedya sa ating bayan”“Anong ginawa mo that time? Mabilis ka bang nakalabas?”“Suma-sideline akong usherette ng time na ‘yun kaya kabisado ko ang entrance at fire exit. Nauna akong makalabas pero bumalik ako. Tumulong ako sa mga na-trap. Nakailang balik ako para iligtas ng mga nakulong sa loob. Nang dumating ang mga bumbero hindi na ako pinayagan.”“Kilala mo ba kung sino ang mga iniligtas mo?”“Naku, hindi ko na inintindi o tinignan pa ang mga mukha. May babae at may lalaki. Bakit mo tinatanong?”“Wala naman. Baka kako nagkita tayo ng panahong iyon.”“Magkakilala na ba kayo ni Abby noon
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 55 The Wicked Woman

Napakasarap ng halik na ipinagkakaloob sa kanya ni Lucian. Ipinasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig. Nilalaro ang kanyang dila. Lasa niya ang laway nito. Nakakaadik. Ngunit biglang naalala ni Emerald na hiwalay na sila. Inipon niya ang lakas upang itulak ito bago pa siya malunod sa matamis na halik at magpadala sa karupukan.Akmang hihilahin siya nitong muli ng may kumatok.“Em, kakain na ng dinner.”“Ah, sige, palabas na,” aniyang inayos ang buhok na nagulo at mabilis iniwan si Lucian.Tahimik silang kumakain na apat. Magaling magluto si Luna. Pero kahit masarap ang pagkain ay hindi niya malasahan. Nalilito siya sa ipinapakita at ginagawa ni Lucian.Malakas ang ulan sa labas. Nagsalin ng wine si Elton at inabot sa kanya.“Elton, hindi pwedeng uminom si Em,” ani Luna.“Bakit may sakit ka ba?” ani Lucian na bakas ang pag-aalala .Umiling siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Kung may problema ka, magsabi ka sa akin. Kahit sa ibang bansa sasamahan kitang magpagamot.”Binawi ni
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Kabanata 56 Signing the Agreement

“At ikaw ang tunay na nagmamahal sa akin, ganoon ba?” sabi ni Lucian.Nawalan si Emerald ng kibo. Bakit nga ba siya umasa na papaniwalaan siya nito?“Hindi mo matanggap na nakikipaghiwalay ako sa’yo kaya gumagawa ka ng gulo,” gigil na sabi nito.“Lucian, tama na. Hindi sinasadya ni Emerald ang mga ginawa niya. Baka may pinagdadaanan siya kaya nakakagawa siya ng ganyan. Huwag kang magalit. Let’s be kind. Unawain natin siya,” paawang sabi ni Abby.“Hanga ako sa kapal ng mukha mo!” aniyang kumukulo ang dugo. Huminga siya ng malalim. Parang gusto niyang pagbuhulin ang dalawa.“Lucian, papirmahan mo na ang annulment papers. Ayaw ni Emerald. Nakiusap ako sa kanya para makasal na tayo at magsimula ng isang pamilya. Matagal tayong nagkahiwalay. Ayokong magsayang ng oras.”Kinuha ni Lucian ang papel sa drawer at bantulot na inabot sa kanya.“Abby, mag-uusap lang kami sandali ni Em.”“Bakit kailangan kong lumabas?” tila nagmamaktol na sabi nito.“Kiel, samahan mo si Abby sa clinic.”Mabilis nama
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Kabanata 57 Knowing She’s Pregnant

Nanlaki ang mata ni Emerald ng mabasa ang hawak na papel. Bago siya makapag-react at hinablot ni Kiel ang papel kaya tuluyang napunit.“Kieeelllllll!” aniyang hinabol ito ng hampas.“Ms. Em, papalitan ko ng bago. Hindi ko sinasadya.”“Heh! Nakakainis ka! Lucian, kukunin ko lang ang isa pang kopya, hintayin mo ako.”Ngunit ilang minuto lamang pagbalik niya ay wala na ito sa opisina at si Abby ang naabutan niya.“Nasaan si Lucian?”“Emerald, paano kong hindi iisipin na nagpapansin ka kay Lucian, panay ang display mo sa kanya. Binabalaan kita.”“Binabalaan din kita. Kapag hindi mo ako tinigilan. Ibubulgar ko ang mga kasinungalingan mo.”“With your reputation, no one will believe you. Nakita mo naman, ako ang palaging kinakampihan ni Lucian.”“Huwag kang papakasiguro. Hindi na ako magtatagal dito kaya huwag mo akong guluhin. Alam ko kung saan ako lulugar.”“Good! Do you want to work for me? Just like the old times. Malaki ang utang na loob mo sa akin ng ipagamot ko ang tatay mo.”“Wala ak
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Kabanata 58 Love Hurts

Tinulungan ni Emerald na makatayo si Cayden ng itulak ni Lucian. Pumagitna siya sa dalawang lalaki bago pa magkainitan.“Huwag kang mag-alala. Si Cayden ang ama ng ipinagbubuntis ko,” aniyang tinapangan ang boses at humawak sa kamay ng binata. Hindi maaaring malaman ni Lucian na ito ang ama ng bata.Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Lucian o guni-guni lang niya ang nakitang sakit sa mga mata nito.“Sigurado ka? Baka ako ang ama ng bata sa tiyan mo!” bulyaw nito.“Alam ko kung sino ang ama at hindi ikaw. Si Cayden ang tatay,” tila mapait ang lumabas sa kanyang bibig.“So, may relasyon kayo ng gagong ‘to!?”Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Hinila siya nito palabas. “Umuwi tayo at mag-usap.”Hawak ni Cayden ang isa niyang braso upang pumigil.“Huwag mong pilitin si Em! Bingi ka ba? Ako ang ama ng bata! Nagmamahalan kami!”“Gago ka, hindi kita kinakausap!” maanghang na sabi ni Lucian.“Cayden, I can handle this. Tatawagan kita. Kailangan naming mag -usap.”“Em, sigurado ka? Baka
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Kabanata 59 The Engagement

“Kiel, puntahan natin si Em. Alam kong nagpapahabol lang siya. Gusto niyang makipagbalikan kaya gumagawa siya ng kwento para pasakitan ako,” ani Lucian na pinitsarahan sa leeg ang assistant.“Sir, madaling araw na po. Baka maipa-barangay tayo. Umuwi na po tayo. Lasing po kayo,” ani Kiel na walang nagawa kundi ang sumunod sa amo.Kumakalabog ang pinto ng apartment ni Luna. Nagmamadali itong lumabas.“Sir Lucian, ano po ang kailangan ninyo?”“Hindi ano kundi sino ang kailangan ko. Ilabas mo ang magaling mong kaibigan,” aniyang sinipa ang nananahimik na paso at nabasag. Dinampot niya ang basurahan at inihagis.“Ms. Luna, pasensya na po. Papalitan ko po ang anumang masisira ni Sir Lucian,” ani Kiel na nakaabang sa anumang gagawin ng boss.“Wala po dito si Em, hindi siya umuwi. Hindi sumasagot sa tawag ko. Wala po ba sa bahay nila?”“Huwag mong itago ang kaibigan mo! Em! Em! Lumabas ka diyan. Hindi na tayo maghihiwalay! Bumalik ka na sa mansyon,” aniyang nagpipilit pumasok. Sinipa niya ang
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

Kabanata 60 It’s Over

Matalim ang tinging ipinukol ni Abby kay Emerald.“Walang problema. Sana ay maayos na ang annulment process para makapagpakasal kayo agad. Congratulations,” ani Emerald.“Sana ay tanggapin mo na hiwalay na kayo. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makaalis sa kumpanya, mahirap maghanap ng trababo ngayon. Ikaw ang inaalala ko, baka hindi ka makatagal sa mga tsismis na madidinig mo,” kunwaring concern na sabi ni Abby.“Tanungin mo si Lucian, parang siya ang hindi matanggap na hiwalay na kami.”“Ginagawa ko ang lahat para mapabilis ang annulment process,” ani Lucian na umakbay sa kasintahan. Siyempre hindi nito magagawang saktan si Abby.“I know babe, kaya nga pinangunahan ko na dahil mabilis lang naman ang proseso lalo at isang Monteverde ang papakasalan ko. Anyway, wala namang nakakaalam na mag-asawa kayo kundi ang mga empleyado ng LM Corporation na alam namang inagaw mo lang sa akin si Lucian,” anang babae.“Excited na din ako na mapabilis ang proseso ng annulment. Magpapakasal na din
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status