Kinabukasan ng umaga, maliwanag ang araw, may tunog ng cartoon show sa background. Amoy pancake sa buong bahay. Sa maliit na dining table, nakaupo si Zoey na naka-braids habang ginuguhit ang isang larawan gamit ang krayola.Masayang tumawag si Zoey. “Mommy! Tingnan mo oh! Ginuhit ko tayo. si Mommy, si Daddy Lucian, tapos ako! May crown ako kasi princess ako lagi!”Nakaluhod si Lucian sa tabi ni Zoey, nakangiting nakatingin sa drawing ng paslit.“Wow! Ang ganda naman, anak. Pero parang mas mahaba ‘yung buhok ni Daddy kaysa kay Mommy?” aniyang inilapag ang luto ng pancake na may hugis puso at bituin. Umupo siya sa tabi ni Lucian at nilapag ito sa harap nila. Si Zoey ay napatalon sa tuwa.Excited na dinampot ni Zoey ang heart pancakes. “Mommy, ikaw ang best chef sa buong mundo! Yummy!”Biglang naging seryoso si Zoey. “Mommy, happy ako na may daddy na ako. Happy family tayo,” habang ngumunguya.Natigilan sandali silang dalawa. Nagkatitigan. Ngumiti si Lucian, hinalikan si Zoey sa ulo. Niya
Terakhir Diperbarui : 2025-04-12 Baca selengkapnya