Semua Bab Accidentally Married To A Billionaire’s Son: Bab 31 - Bab 40

122 Bab

Chapter 31

Maagang dumating si Megan sa café, gaya ng nakasanayan. Pagbukas pa lang niya ng pinto, naamoy na niya ang halimuyak ng freshly brewed coffee, at kahit papaano, nakatulong iyon para pakalmahin ang sarili niyang isip. Mula nang bumalik siya sa normal na pamumuhay, pilit niyang iniiwasang mag-isip tungkol sa nakaraan—sa mga bagay na pilit niyang tinatakasan.Pero hindi ganoon kadali. Lalo na kung may isang taong hindi sumusuko sa pangungulit sa kanya.Pagpasok niya sa stockroom para isuot ang apron niya, saka bumukas ang pintuan ng café. Kahit hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang dumating.Enzo Moretti.Napapikit siya ng mariin bago bumuntong-hininga. Oh God, not again.“Good morning, barista.”Napakunot-noo si Megan nang marinig ang malakas na boses ni Enzo, halatang sinadya nitong iparinig sa kanya. Hindi siya sumagot at itinuloy lang ang ginagawa.“Ang lamig naman ng café na ‘to. Dati, hindi naman ganito,” patuloy ni Enzo habang patay-malisyang lumapit sa counter. “Baka da
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Chapter 32

Sa loob ng isang high-end bridal boutique, nakaupo si Allison Arcelli sa harap ng isang full-length mirror, nakasuot ng isang eleganteng wedding gown. Kulay ivory ito, may intricate lace details at fitted bodice na nagpapatingkad sa kanyang figure. Ngunit kahit gaano kaganda ang gown, hindi siya kuntento.Napansin ito ng designer na si Madame Elise, isang sikat na bridal couturier. “Miss Arcelli, is there something wrong with the dress?”Bumuntong-hininga si Allison at umiling. “It’s beautiful, pero… hindi ko gusto.”Madame Elise raised a brow, obviously displeased. “You already rejected the last three dresses, dear. We handpicked these from the best collections. What exactly are you looking for?”Bago pa makasagot si Allison, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Allison, hija, you’re too picky,” sambit ng kanyang ina, si Rebecca Arcelli, na nakaupo sa isang plush velvet chair habang umiinom ng tea. “You’ve tried on four dresses already. Lahat maganda. Anong problema?”Napatingin si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Chapter 33

Sa loob ng isang black luxury sedan, nakatingin lang si Allison sa labas ng bintana habang binabaybay ng sasakyan ang daan pauwi. Kakatapos lang niyang mamili ng wedding gown, pero imbes na excitement ang maramdaman, isang matinding inis at pagod ang bumalot sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ba isang responsibilidad lang ang kasal niya kay Primo—hindi ito tulad ng mga napapanood sa pelikula kung saan ang bride ay masayang nag-aabang ng kanyang malaking araw.Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata, sinusubukang i-relax ang sarili. Ngunit hindi pa man siya nakakalahati sa kanyang pagrerelax ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, lumabas ang pangalan ng isang taong hindi niya gustong kausap sa ngayon.Enzo Moretti.Napairap siya bago sinagot ang tawag. “What do you want, Enzo?”Sa kabilang linya, agad siyang sinalubong ng pamilyar na pabirong tono ng lalaki. “Relax, Allison. You sound so tense. Stress sa kasal?”Napahigpit ang h
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Chapter 34

Ang pintuan ng isang private suite sa rooftop floor ng five-star hotel ay malakas na bumukas, sabay sa tunog ng matalim na yabag ng isang lalaking puno ng poot.Nakatayo si Enzo Moretti sa harap ng isang mini bar, hawak ang baso ng mamahaling brandy. Hindi man lang siya nag-abala pang lumingon nang maramdaman ang pagpasok ng bisita niya—dahil sino pa ba ang may ganitong presensyang punong-puno ng galit?“Gabi na, Primo,” ani Enzo, humigop ng inumin at saka inilapag ang baso sa countertop. “Para saan ang biglaang pagbisita?”Ngunit hindi sumagot si Primo. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang lumapit kay Enzo, at bago pa nito maitulak palayo ang sarili, isang malakas na suntok ang dumapo sa panga nito.“Ugh—!” Napaurong si Enzo sa lakas ng impact. Napahawak siya sa kanyang panga, saglit na napayuko bago bumaling muli kay Primo na puno ng poot ang tingin.“Putangina, Primo!” singhal niya. “Ano bang problema mo?”Pero hindi sumagot si Primo. Sa halip, mabilis siyang sumugod mu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 35

Mainit ang araw at punong-puno ng customers ang café kung saan nagtatrabaho si Megan. May ilan pang estudyanteng nag-aaral sa sulok, mga empleyadong nagme-meeting, at mga pamilyang nagmi-merienda. Maingay ang tunog ng espresso machine, ang kalansing ng mga tasa, at ang tawanan ng mga customers. Para kay Megan, isa lang itong normal na araw—isang araw kung saan sinusubukan niyang mamuhay ng tahimik at iwasan ang mga taong may koneksyon kay Primo Giovanni.Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi magtatagal.Sa kabilang bahagi ng siyudad, mabilis na umuusad ang isang itim na luxury car, hawak ni Allison Arcelli ang kanyang telepono habang mariing kinakausap ang taong nasa kabilang linya.“Anong sabi mo? Nag-aaway sina Primo at Enzo ngayon? At dahil sa babae?” malamig ngunit may halong matinding galit ang tono niya.“Yes, Miss Allison. May nangyaring gulo sa hotel, nagkasuntukan daw sila,” sagot ng informant niya.Halos mabitawan ni Allison ang cellphone niya sa galit. Hindi na siya nagpaal
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 36

Ang silid ay nanatiling tensyonado matapos ang matinding sagupaan nina Primo at Enzo. Pareho silang may mga sugat—mga labi nilang may bahid ng dugo, mga gusot na damit, at ang pawis na dumadaloy sa noo. Sa kabila nito, walang gustong umatras.Ngunit ang biglang pagpasok ni Matteo Giovanni ay isang bagay na hindi nila inaasahan.Ang nakatatandang Giovanni ay pumasok na parang isang hari sa gitna ng kaguluhan—walang bahid ng emosyon, matikas, at halatang hindi naaapektuhan sa init ng eksena. Nakasuot pa rin ito ng perpektong ayos na suit, walang gusot, walang dumi—isang matinding contrast sa magulong itsura nina Primo at Enzo.Itinaas niya ang kilay habang tinitingnan ang kalat sa paligid—ang nabasag na bote ng alak, ang natapong inumin sa marmol na sahig, at ang mga sirang gamit. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tumingin kay Primo na hindi pa rin kumikilos.“Are you done acting like street thugs?” malamig niyang tanong, hindi man lang nag-abala sa pagbati.Tah
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 37

Mabilis na sumara ang pinto ng sasakyan ni Primo nang pumasok siya. Sa sobrang inis, hinampas niya ang manibela gamit ang kamao niya, dahilan para lumagitik ito nang malakas. Ramdam pa niya ang natitirang adrenaline mula sa sagupaan nila ni Enzo, pero mas matindi ang frustration niya sa nangyayari sa paligid niya—sa gulong hindi niya mapigilan, sa sitwasyong pilit siyang hinahatak pabalik kay Megan kahit anong iwas ang gawin niya.Napamura siya sa sarili habang pinipilit pakalmahin ang galit sa kanyang sistema. Gusto niyang bumalik sa hotel at tapusin na si Enzo, gusto niyang kausapin si Matteo at komprontahin ito sa kung anong plano nito laban sa kanya. Pero ang lahat ng iyon ay natigil nang biglang tumunog ang cellphone niya.Ding!Bahagya siyang napaatras sa upuan at dumukot sa bulsa upang tingnan kung sino ang nag-message. Pagbukas niya ng screen, lumabas ang notification mula sa group chat nilang magpipinsan—sina Laurence, Alice, at Sunny.Alice: WTF???!!!!!!! [link]Kasunod noon
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 38

Tanging ang tunog ng kanilang paghinga ang pumuno sa maliit na stockroom. Nakatayo lang sila roon, yakap ang isa’t isa, na parang kung bibitawan nila ang isa’t isa, tuluyan na silang mawawala.Ramdam ni Megan ang bigat ng bisig ni Primo sa kanyang katawan. Mainit ang palad nito sa kanyang likuran, at ang pisngi niya ay nakadikit sa matigas nitong dibdib.Gustuhin man niyang itulak ito palayo, hindi niya magawa.Hinayaan niya ang sarili na saglit na huminga sa bisig nito—isang bagay na hindi na niya alam kung mauulit pa.Ito na ba ang huling pagkakataon na mayakap siya ni Primo?Dahil sa sitwasyon nila ngayon, posible.Napapikit si Megan, pilit na nilalabanan ang emosyon. Pero nang maramdaman niyang bahagyang humigpit ang yakap ni Primo, halos bumigay na siya.“Megan…” Mahina ngunit mabigat ang tinig ni Primo.Pinikit niya ang mga mata at pilit na inaalis ang sakit sa dibdib.Pero hindi puwede. Hindi siya maaaring manatili sa ganitong ilusyon.Kaya kahit masakit, kahit gustong-gusto ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 39

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa stockroom. Tatlong araw na rin simula noong huli niyang nakita si Megan.Tatlong araw na puro inis, pag-aalala, at kaba ang nararamdaman ni Primo.Pinilit niyang huwag lumapit kay Megan. Kahit gustuhin man niyang puntahan ito, kahit halos mabaliw na siya sa hindi niya ito nakikita, pinigil niya ang sarili.Alam niyang hindi siya ang kailangan ni Megan ngayon.Pero p*tangina, paano siya mananahimik kung sa bawat sandali, naiisip niyang baka may mangyari na namang masama sa babae?At ngayon, habang nasa opisina niya at nagbabasa ng report tungkol sa isang bagong proyekto ng kumpanya, biglang tumunog ang cellphone niya.Nakita niya ang pangalan ng tumatawag—isang numero na hindi nakasave sa contacts niya, pero alam niya kung sino ito.Ang lalaking inutusan niyang magbantay kay Megan.Mabilis niyang sinagot ang tawag. “Ano?” malamig na tanong niya.“Boss, may kailangan kang malaman.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Primo. “Da
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter 40

Ang tahimik na himpapawid ng hapon ay hindi sapat para pigilan ang bagyong bumabagabag sa loob ni Primo Giovanni.Sa bawat hakbang niya, sa bawat pagbilis ng tibok ng puso niya, isang bagay lang ang nasa isip niya—nasaan ang kanyang ama?Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras.Mula nang matanggap niya ang balitang may kumuha ng litrato kay Megan at nakita ang taong iyon sa kumpanya nila, hindi na siya mapakali.At ngayon, si Apolo Giovanni mismo ang biglang naglaho.Tangina! Ano bang binabalak ng matandang ’yon?!Walang sabi-sabing bumalik siya sa mansyon nila. Halos wasakin niya ang pinto nang bumungad siya sa loob, mabilis na inikot ang buong bahay na parang isang hayop na nagwawala.“Nasaan si Papa?!” halos pasigaw niyang tanong sa isang tauhan.Nagkatinginan ang ilang kasambahay, halatang nag-aalangan sumagot.“Wala po siya rito, sir. Umalis siya kaninang umaga pa—”Hindi na niya pinakinggan ang kasunod.Mabilis siyang lumabas at dumiretso sa sasakyan, agad na pinaarangkada
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
13
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status